CHARRIE:
PARA akong nananaginip ng gising na makumpirma ko ngang buntis ako. Hindi ko mailarawan ang sayang nadarama sa kaisipan na magkakaanak na kami ni Cloud! Ngayon pa lang ay abot langit na ang pasasalamat kong. . . nagbunga ang isang gabi na inangkin niya ako. Kahit isang beses lang iyon ay heto at nakabuo kami.
Para akong tinatangay sa kaulapan sa mga sandaling ito. Hindi mapangalan ang sayang nadarama ko na sa wakas ay. . . magkakaanak na kami ni Cloud!
Napahaplos ako sa puson ko na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko. Nag-iinit ang mga mata ko sa pamumuo ng luha ko habang hinahaplos ang maliit na umbok sa aking puson. Ang baby bump ko.
"Anak. May anak na ako. May anak na kami ni Cloud," sambit ko na nagsilaglagan ang butil-butil kong luha.
Napakalaking bagay sa akin na magkaanak kami dahil ito na lang ang susi ko para makapasok sa puso niya. Sa buhay niya. Alam ko naman kasing hihiwalayan niya talaga ako kapag hindi kami nagkaanak. 'Yon lang kasi ang gusto niya. Ang habol niya. Ang magkaanak. At maswerte na lang ako na sa akin niya gustong magkaroon.
"Pangako, anak. Mas pag-iigihan pa ni Mommy ang pag-aalaga kay Daddy para mapaamo na natin siya. Bibigyan ka namin ng isang masaya at puno ng pagmamahang pamilya, anak." Pagkausap ko sa anak ko habang haplos ang umbok ko.
NAPANGITI ako na maabutan si Cloud na naghahanda ng agahan namin. Ang gwapo niyang tignan kahit nakasuot lang ito ng puting sando at itim na boxer at may suot ding apron. Abala ito sa niluluto na bakas ang saya sa gwapong mukha.
Napasandal ako ng pinto at humalukipkip habang nakangiting pinapanood ito. Ito ang unang beses na makita ko ang gan'tong side ni Cloud. Nakangiti siya at maaliwalas ang mukha. Napapakanta pa ito habang nagluluto na mababakas mong. . . napakasaya nito.
Para akong hinahaplos sa puso ko lalo na't alam ko naman kung bakit ito masaya.
"Good morning!" masiglang pagbati nito na malingunan ako.
Matamis akong ngumiti na lumapit na rin dito. Hindi naman ito umangal na yumakap ako sa baywang niya at napapangusong parang bata habang nakatingala dito. Napangiti itong mariing hinagkan ako sa noo na ikinapikit ko.
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo ng gatas? O hot choco?" malambing tanong nito.
Inakbayan naman ako nito na iginiya ng mesa. Ipinaghila niya pa ako ng silya at inalalayang makaupo na ikinalapad ng ngiti ko.
"Thank you, Cloud. Uhm. . . hot choco, please?" paglalambing ko dito.
"Sure, honey." Saad nito na napapisil pa sa baba ko at mabilis na napa-smack kiss sa mga labi ko.
Nag-init ang mukha ko na napalapat ng labi. Mahina naman itong natawa na ginulo pa ang buhok ko bago nagtimpla ng hot choco para sa akin.
Napapalapat ako ng labi na nakamata dito. Pakiramdam ko ay nasa isang magandang panaginip ako na maayos ang pagsasama naming mag-asawa. Hindi lang ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Kung saan napakalambing ni Cloud sa akin at inaasikaso pa ako!
"Here's your hot choco, honey." Malambing saad nito na inilapag ang mug ng choco sa harapan ko.
"Thank you, Cloud." Sagot ko na napasimsim sa tinimpla nito na napangiti.
"Uhmm. . . I love it. Ang sarap ng gawa mo. Tamang-tama lang ang tamis," komento kong ikinangiti nito.
"Mabuti naman nagustuhan mo, Charrie." Saad nito.
Napalunok ako na lumuhod ito sa harapan ko at napakapit sa baywang ko. Pigil-pigil ang paghinga ko na yumuko ito at hinagkan ako. . . sa tyan. Para akong malulusaw na napahaplos sa ulo nitong nakapikit habang nanatiling nakahalik sa tyan ko.
"Good morning, anak ko. Kumusta ka d'yan, hmm? Hwag masyadong pahirapan si Mommy, ha? Hayaan mo. . . magmula ngayon? Si Daddy na ang mag-aalaga sa inyo ni Mommy. Mahal na mahal kita, anak," malambing pagkausap nito sa tyan kong ikinangilid ng luha ko.
Napatingala ito na may ngiti sa mga labing inabot ang pisngi ko at marahang pinahid ang luha ko.
"Hwag ka ng umiyak, honey. Makakasama sa'yo at kay baby kapag umiiyak ka," maalumanay nitong saad.
Ngumiti ako na umiling na napahawak sa kamay nito at mariing hinagkan ang palad nito.
"It's a tears of joy, Cloud. Sobrang saya ko lang na. . . maayos tayo at magkakaanak na tayo," luhaang saad ko.
Ngumiti itong inabot ang mga labi ko na ikinapikit kong buong pusong tinugon ang malalim at masuyong halik nito.
"Masaya din ako, Charrie. Sobrang saya kong. . . magkakaanak na tayo. Hwag ka ng mag-alala. Magmula ngayon ay ako na ang mag-aalaga sa inyong mag-ina ko." Malambing saad nito na napahalik sa noo ko.
"Salamat, Cloud."
Napayakap ako dito na tumulo ang luha. Luha na dala ng labis-labis na tuwang. . . .ay pag-asa ng magkakaayos na kaming mag-asawa. Hindi na yata ako makapag hintay na makapagsimula kasama. . . ang mag-ama ko.
NAGING maalaga nga siya sa amin ni baby. Madalas ay siya na ang maagang gumigising sa aming dalawa. Naghahanda ng agahan. Ayaw rin niya na nagpapagod ako dito sa unit. Mas matutuwa pa raw ito kung si baby lang ang pagtuonan ko ng pansin. Na alagaan kong mabuti ang sarili para sa kalusugan at development ni baby sa sinapupunan ko.
Hindi ko maitago ang kilig at saya ko sa tuwing inaasikaso niya ako. Pinaghahainan, pinagtitimpla ng gatas, palagi na rin siyang tumatawag sa akin para lang kumustahin ako. Maging ang pag-uwi nito ay napaaga na. Hindi na siya nagpapaabot ng dilim sa labas. Panay din ang habilin niya kay Tatay Moon na kasa-kasama kong naiiwan. Na pakitignan-tignan ako dito sa unit.
ISANG umaga. Napabalikwas ako na maramdamang tila may humahalungkat sa sikmura ko! Dali-dali akong napabangon ng kama at patakbong nagtungo ng banyo!
Takip ng palad ang bibig dahil panay na ang duwal ko na tila may masama akong nakain na gustong lumabas! Hindi ko naman mapigilang maduwal dahil parang lalabas na lahat ng laman ng tyan ko.
"Charrie!?"
Dinig kong pagtawag ni Cloud sa akin sa labas. Pero panay pa rin ang duwal ko dito sa sink ng lababo kaya hindi ako makasagot. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at ang mga yabag nitong lumapit.
"C-Cloud," nanghihinang sambit ko matapos magsuka nang magsuka.
Ngumiti ito na inalalayan ako dahil dama kong nanghihina at nangangatog na ang mga tuhod ko! Pinagpawisan ng malamig at gusto ko na lamang matulog muli!
"Feel better?" tanong nito matapos kong mag-toothbrush, mouthwash at hilamos.
"Uhmm," tanging pagtango ko na napayakap dito.
Ramdam kong natigilan ito pero hindi naman umangal at hinayaan lang akong yakapin at singhot-singhutin siya.
Hindi ko alam pero parang napakabango naman niya ngayon sa pang-amoy ko! Na gustong-gusto ko siyang sinisinghot at natutuwa ang puso ko na ginagawa iyon! Kahit sa kanyang kili-kili ay walang kawala sa akin na pinag-aamoy ko. Natatawa naman itong napapailing sa akin.
"Baka naman maubos ako," anito na natatawa.
Napanguso akong yumakap muli sa kanyang baywang. Napatingala dito na naglalambing ang itsura. Napangiti naman itong hinaplos ako sa ulo. Inayos ang ilang hibla ng buhok kong nakatabing sa mga mata ko at iniipit iyon sa likod ng tainga ko.
Napatitig ako dito. Ibang-iba ang Cloudy na nakikita ko ngayon. Hindi ko makitaan ng kasungitan ang kanyang mga mata. Bagkus ay napakaamo na ng mga iyon. Na maging ang mga labi nito ay may munting ngiti na rin. Mababakasan ng kinang at emosyon na ang mga mata nito at kita ko doon ang pagkaaliwalas ng kanyang mukha. Ibang-iba ang bloom niya ngayon na kita mo talagang masaya siya. At dahil 'yon, sa pagbubuntis ko.
"C-Cloud," nanghihinang sambit ko.
Lumamlam naman ang mga mata nito na maingat akong kinarga at inilabas na ng banyo. Napayapos ako sa batok nito at napasandal sa kanyang dibdib. Kusang namigat ang mga talukap ng mataa ko at nagpatangay sa antok.
Naramdaman ko pa ang paglapat ng likod ko sa malambot at mainit na kama ko. Nanatili akong nakayapos sa batok nito.
"Charrie," mahinang sambit nito. Kinakalas ang kamay ko.
"Dito ka lang. Tawagan ko na lang si Collins na hindi ka muna papasok," ungot ko na nanatiling nakapikit.
Napahinga ito ng malalim. Napabusangot ako na tuluyan na nitong nakalas ang pagkakapulupot ng braso ko sa kanyang batok at inayos ang pagkakahiga ko.
"Hindi pwede. Marami akong pasyente ngayon," mahinang sagot nito.
"Paano naman ako?" may halong pagtatampo ko.
Hindi ko alam pero parang napaka-dramatic ko naman na ngayon bigla. Ramdam kong tumulo ang luha ko at bumigat ang dibdib. Ang sama ng loob ko na tumanggi ito sa gusto ko.
"Okay, oo na. Hwag ng sasama ang loob mo. Makakasama 'yan kay baby, Charrie. Nararamdaman ni baby kung ano ang nararamdaman ni Mommy. Hwag ka ng umiyak, gusto mo din bang umiiyak si baby?" anito na napakamahinahon ang tono.
Pinahid nito ang luha ko at hinagkan ako sa noo na dahan-dahan kong ikinamulat. Napangiti ito na nakatunghay sa akin. Nakahiga na pala siya sa tabi ko patagilid sa akin. Nag-angat ako ng kamay na hinaplos siya sa pisngi habang matiim kaming nakatitig sa isa't-isa.
Parang hinahaplos ang puso ko sa mga sandaling ito na nakikipagtitigan dito. Dama kong sobrang bilis ng t***k ko na kulang na lang ay lumukso na siya palabas ng ribcage ko.
"Dito ka lang. Gusto ni baby na makatabi ang Daddy niya," paglalambing ko.
"Si baby lang ba?" may halong panunudyo ang tono at ngisi nitong ikinagapang ng init sa mukha ko.
Napalapat ako ng labi na hindi makayanan ang makipagtitigan dito! Para akong maiihi sa kilig sa uri ng ginagawad niyang pagtitig na ikinabibilis ng t***k ng puso ko! Kung pwede lang patigilin ang paglipas ng sandali at makulong sa moment na ito.
Kung saan solo ko siya at naglalambing sa akin.
"Gusto kita, Cloud. Gustong-gusto," anas kong ikinalunok nito.
Napakapit ako sa kanyang batok at dahan-dahang hinilang ikinapikit nitong inabot ang mga labi ko.
Napangiti akong masuyong hinagkan ito sa mga labing ikinapisil nito sa baywang ko at unti-unting sinabayang tugunin ang mga labi ko.
"Saranghae, jagiya." Malambing anas nito na nangingislap ang mga mata.
"Ha?"
Napabitaw ako dito sa sinambit habang masuyo kaming naghahalikan. Namula ito na nag-iwas ng tingin. Kunot ang noo na nakatitig ako ditong hinihintay ulitin ang sinaad.
"Ahem! Wala. Magpahinga ka na, sasamahan kita," anito na pinaunan ako sa kanyang braso.
Nakagat ko ang ibabang labi na nagsumiksik sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang malakas na t***k ng puso nito at ang sunod-sunod na paglunok. Marahan nitong hinahagod ang likuran ko at panaka-nakang hinahagkan ako sa noo na ikinapikit kong natangay na sa antok ko.
May ngiti sa mga labing nakapikit ako habang nakakulong sa bisig nito. Panay naman ang halik nito sa ulo ko habang marahang hinahaplos ang likuran ko.
"Saranghae, jagiya." Piping usal ko na napapangiti.
Kahit mahina lang ang pagkakasabi ni Cloud no'n ay malinaw ko namang narinig. At alam ko naman ang ibig sabihin no'n kahit hindi niya itagalog. Muntik ko ng makalimutang. . . half korean ang asawa ko. Sayang lang na hindi ko na nakilala pa ang ina nilang maagang nawala sa kanila.
"Mahal din kita, honey. Mahal na mahal kita," piping usal ko na nagpatangay sa antok.
CLOUD:
NANGINGITI ako habang marahang hinahaplos si Chariie sa pisngi. Nahihimbing na ito na parang sanggol na nakasuksok sa dibdib ko. Ang sarap niya lang pagmasdan na payapang natutulog sa bisig ko.
Nagsisimula na ngang maramdaman nito ang mga symptoms ng pagdadalangtao. Sana lang ay hindi ito maging maselan. Alam ko naman na hindi biro ang pagdadaanan nitong paglilihi kaya nangako ako sa sariling. . . pangangalagaan ko sila ni baby.
Para akong malulusaw sa puso ko sa kaisipang magkakaanak na kami nito. Ilang buwan na lang ang hihintayin at. . . masisilayan ko na ang magiging anak namin. Kahit paano ay nakahinga na ako ng maluwag. Handa na akong harapin anoman ang nakatadhana sa akin sa hinaharap. Kaya habang maaga pa ay gusto kong iparamdam kay Charrie kung paano ako magmahal at mag-alaga. Para kung sakali na mawala na ako sa mundo? May magandang ala-ala akong maiiwan dito kasama ang magiging anak namin.
"Sleep well, jagiya. Saranghae."