CHARRIE: LUMIPAS ang ilang linggo na naging mas malamig pa si Cloud sa akin. Hindi na niya ako iniimikan o kahit sulyapan manlang. Tipong para akong hangin sa paningin nito. Hindi na rin siya nagpapaasikaso sa akin. Kahit pinaghahandaan ko siya ng agahan, hapunan at mga damit na isusuot nito ay hindi niya ginagalaw ang mga iyon. Nadudurog ang puso ko sa inaasta niya. Pero ayokong sumuko dahil asawa ko siya. Mahal na mahal ko siya at naniniwala akong balang araw ay mapapansin niya rin ako at maibabalik ko ang masayang nasimulan namin dati. Isang gabi. Maaga itong umuwi pero as usual? Dinaanan niya lang ako na nandidito sa sala. Ni tapunan ako ng sulyap ay hindi niya magawa. Mapait akong napangiti na nagkunwaring hindi ito nakita. Pumasok siya ng silid at ilang minuto lang ay muling lu