Longing

1801 Words
CHARRIE: NAALIMPUNGATAN ako na maramdaman ang sunod-sunod na pagkalam ng sikmura ko. Napapakusot pa ako ng mga mata kong namumugto na napatingala sa wall clock ko dito sa silid. Pasado alasdos na pala ng madaling araw. Nakatulugan ko ang pag-iyak na hindi namalayan. Tinatamad akong bumangon pero panay naman ang reklamo ng tyan ko. Nagtungo na muna ako ng banyo para ayusin ang sarili. Mugtong-mugto na kasi ang mga mata ko sa kakaiyak kanina. Mapait akong napangiti na mapatitig sa repleksyon ko sa salamin. Namumula pa rin kasi ang pisngi kong sinampal ni Cloud. Sa lakas ng pagkasampal niya sa akin ay nagkapasa pa tuloy ako sa pisngi. Muli akong naghilamos ng maglaglagan na naman ang butil-butil kong luha. Tahimik na ang buong unit pagkalabas ko ng silid. Napasulyap ako sa silid nito at parang may sariling isip ang mga paa kong humakbang palapit dito. Nailapat ko ang tainga sa pinto para pakinggan kung may ingay ba mula sa loob. Pero siya namang pagbukas non kaya nagkagulatan pa kami nito na mabungaran ang isa't-isa! "Ahem!" Napatikhim akong tumuwid ng tayo at hindi masalubong ang mga mata nitong naningkit na makita ako. Pilit akong ngumiti kahit naka-pokerface lang ito. "Um, ma-magpapaalam sana ako kung--" "Di umalis ka. The door is open for you," walang emosyong putol nito sa sasabihin ko. Napairap pa itong nilagpasan ako na nagtungo ng kusina. Natameme ako na hindi nakakilos sa narinig mula dito. Pinapaalis niya ba ako? Naipilig ko ang ulo at lakasloob na sumunod dito. "Cloud, ang ibig kong sabihin. . . magpapaalam sana akong kakain," paghabol ko dito na pinigilan siya sa braso. Napalunok ako na parang napapasong bumitaw sa braso nito nang mapasulyap siya sa kamay ko. "S-sorry." "Tsk." Napaismid lang naman itong pumasok ng kusina. Pilit akong ngumiti na sumunod dito dahil panay pa rin ang kalam ng sikmura ko. Gutom na gutom na nga ako at nangangatog na ang mga tuhod ko. Nagbukas ako sa cabinet at dumampot ng cup noodles doon. Kailangan ko pang tumingkayad ng husto para maabot ko. Pero sadyang hindi ko maabot. Napalunok ako nang maramdaman ito sa likuran ko na walang kahirap-hirap niyang inabot ang noodles. "T-thank you," nahihiyang pasasalamat ko na iniabot niya iyon sa akin. Hindi naman ito umimik na nagtungo sa microwave at may mga iniinit siyang pagkain. Hindi na rin ako nagsalita pa na nilagyan ng hot water ang cup noodles ko. Pagkaupo ko ng silya ay napapayuko ako. Nakakailang na tuloy ang set-up namin. Hindi ko na rin kasi alam kung paano siya kausapin. Kahit nga ang titigan siya na madalas kong ginagawa dati ay hindi ko na kaya. Nag-init ang mga mata ko na nagbabadyang tumulo ang luha ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Kahit ako na lang ang magpakumbaba na mag-sorry sa aming dalawa magkaayos lang kami. Pero parang nalunok ko ang dila ko at hindi makaimik. "Are you going to eat that?" Nagpahid ako ng luha na nag-angat ng mukha. Kunot ang noo nitong dinampot ang cup noodles sa harapan ko. Nakapaghain na pala siya pero nahihiya naman akong makisalo sa kanya. "Tsk. Over cooked na ito. Hindi mo ba alam na hindi na masarap ang noodles kapag nasobraan sa luto?" panenermon nito na dinala sa sink ng lababo ang pagkain ko. "Uhm. . . sige, matutulog na lang ako," nauutal kong pamamaalam. "Sit." "Huh?" Natigilan ako sa akmang pagtayo na napalingon dito. Napahinga ito ng malalim na kumuha ng dalawang plato. Napalapat ako ng labi na muling naupo sa silya ko. Lihim akong napapangiti nang maglagay ito ng pagkain sa plato na dinala sa harapan ko. Hindi man siya umiimik. Hindi man siya nakangiti. Masaya pa rin ako dahil pakiramdam ko ay pinagsisilbihan niya ako katulad dati. "Thank you," nakangiting pasalamat ko. "Kumain ka na lang dyan," walang emosyong sagot nito. Masigla akong kumain na kaharap ko ito ngayon. Magmula noong nawala ang anak namin ay ngayon ko lang ulit natikman ang luto niya. Ngayon niya lang ako muling sinabayan sa hapag kainan. Walang umiimik sa aming dalawa. Tanging ang mga kubyertos lang namin ang naglilikha ng ingay sa pagitan namin. Panaka-naka ko itong sinusulyapan pero nakatuon lang ang pansin nito sa kanyang pagkain. Matapos nitong kumain ay dinala na niya sa sink ang pinagkainan. Tumayo na rin ako na napainom ng tubig. "Um. . . ako ng maghuhugas ng mga plato, Cloud. Magpahinga ka na doon," aniko na lumapit na dito. Hindi naman ito sumagot pero hinayaan na akong maghugas ng plato. Nagtungo ito sa may fridge na kumuha ng ice cubes. Matapos kong maghugas ng mga plato ay nagpunas na ako ng kamay. Pero natigilan ako na hinila ako nito sa palapulsuan ko at inakay sa sala. Lihim akong napangiti na nagpatianod dito. Damang-dama ko ang boltahe ng kuryente na nagmumula sa kanyang kamay. Napapalapat ako ng labi nang maupo ito at kinabig ako pakalong dito. Hindi ko tuloy masaway-saway ang puso kong nagsusumipa at kinikilig. "Hwag kang malikot," mahinang saway nito. Nararamdaman ko kasi ang umbok nitong nauupuan ko na sumusundot sa pwetan ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang balakang kong mapakiwal ng kusa. "May sumusundot eh," napapalapat labing saad ko. Ngumisi lang naman ito na marahang nilapatan ng malambot na face towel ang mukha ko na may ice cubes. Kinikilig ako sa isip-isip ko kahit siya naman ang may kagagawan kaya may pasa ako sa pisngi. Maingat nitong pinahiran ng oinment iyon na napahinga ng malalim. "Stay away from that idiot," maawtoridad nitong saad matapos gamutin ang pasa ko. Napatitig ako dito na wala ng bakas ng galit ang mga mata. Mapupungay na ang mga iyon na kita ang guilt habang marahang hinahaplos ang pisngi kong may pasa. "Okay," tipid kong sagot. Muli itong napahinga ng malalim na sumubsob sa leeg ko. Tumulo ang luha kong sinamantalang niyakap ito at pa ay ang halik sa kanyang ulo. "I'm sorry," mahinang saad nito. Mapait akong napangiti na mas niyakap ito. Kahit paano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko na bumawi din naman ito matapos ang nangyari sa amin kahapon. Kahit para akong dinurog sa puso ay kay bilis ako nitong nasuyo. Isang ngiti. Isang sorry. Konting lambing lang niya ay heto at bumibigay na ang puso ko. Maya pa'y yumugyog ang balikat nito na ikinatigil ko. Umiiyak siya? "Cloud," mahinang sambit ko na hinagod-hagod ito sa likuran. "I missed our son. Mis na mis ko na ang anak natin." Napalunok ako na parang kinukurot sa puso na marinig ang basag niyang boses. Umiiyak na sinasambit ang pangungulila sa anak namin. Umagos ang masaganang luha ko na mapait na napangiti. "I'm sorry. I'm sorry, it's my fault. Patawarin mo ako, Cloud. Hindi ko 'yon sinasadya. Hindi ko iyon kagustuhan. Mahal na mahal ko ang anak natin," humihikbing saad ko. Ilang minuto kaming nagkaiyakan nito hanggang sa kusa din kaming tumahan. Nagpahid ako ng luha nang kumalas na ito mula sa pagkakayakap sa akin. Namumula at mugto na rin ang kanyang mga mata. Nagkatitigan kami at para akong malulusaw sa puso na makita ang kakaibang lungkot at pangungulila sa kanyang mga mata. "Get rest. Inaantok na ako," walang emosyong saad nito na inalalayan na akong makatayo. Pilit akong ngumiti dahil dama ko namang umiiwas siyang pag-usapan namin ang tungkol kay baby. Napasunod na lamang ako ng tingin sa kanya na pumasok ng kanyang silid. Nanghihina akong muling napaupo ng sofa pagkasara nito sa pinto. Napayakap ako sa isang throw pillow na impit na napahagulhol. Muli na namang sumariwa sa puso at isipan ko ang sakit ng pagkawala ni baby. Kung naging maingat lang ako ay nagsilang na dapat ako. Maayos at masaya sana ang pagsasama namin ni Cloud kung hindi nawala si baby. Kung hindi dahil sa kapabayaan ko. MAAGA akong lumabas ng unit matapos kong makapaghain ng agahan ni Cloud at mga maihanda ang mga susuutin nito. Nahihimbing pa rin kasi siya kaya hindi ko na muna ginising. Nagtungo ako ng cemetery kung saan nakahimlay si baby. Habang papalapit ako sa kinahihimlayan nito ay pabigat nang pabigat ang dibdib ko at nag-uunahan na ang mga luha kong maglaglagan. Para akong pinipiga sa puso ko na nahaplos ang pangalan niyang nakaukit sa lapida nito. "Sky Montereal Del Mundo," sambit ko. Napahagulhol akong hinahaplos ang pangalan ng anak namin. "I'm sorry, anak. Hindi kita naprotektahan. Wala akong kwentang ina. Hindi manlang kita naprotektahan. Patawarin mo si Mommy. Dahil sa akin ay hindi mo manlang nasilayan ang mundo. Hindi mo manlang kami nakilala ng Daddy Cloudy mo." Nagpahid ako ng luha na pilit ngumiti. Napalinga ako sa paligid dahil parang may mga matang nakatutok na naman sa akin. Pero mangilan-ngilan lang naman ang mga tao dito na katulad ko ay dinadalaw ang mga namahingang mahal sa buhay. Muli akong bumaling sa lapida ng anak ko na mapait napangiting hinaplos ang pangalan nito. Sky. Si Cloud ang pumili ng pangalagang iyon para sa baby namin. Para daw kahit saan siya magpunta kapag napapahiwalay siya sa aming mag-ina niya? Para niya pa ring kasa-kasama ang anak namin. Titingala lang siya sa langit at ipapaalala na nito. . . ang Sky namin. THIRD PERSON POV: NAPAKUYOM ako ng kamao na makita ang anak kong may pasa nga sa pisngi nito. Nandidito siya ngayon sa Montereal's Private Cemetery kung saan nakahimlay ang sanggol na akala nila ay ang anak nito. Nakakatiyak akong sinaktan siya ng asawa nito physically. At hindi ako mananahimik lang sa isang tabi habang nagdudusa ang anak ko. Kanina pa niya kinakausap ang puntod ng anak. Panay din ang pahid ng luha nito at bawat hikbi niyang dinig na dinig ko ay tila kutsilyong tumatarak sa dibdib ko. Sobrang sakit na mapagmasdan mo ang iyong anak na nagluluksa, umiiyak mag-isa, na tipong gustong-gusto mo siyang yakapin at aluin pero hindi mo magawa. "I'm going to get you back, anak. Sandali na lang. Babawiin kita. Tuturuan ko ng leksyon ang Del Mundo na 'yon. Wala siyang karapatang saktan ka, Charrie ko." Ilang oras din ang ginugol nito bago tuluyang nilisan ang cemetery. Kaagad din itong bumalik sa kanyang asawang walang hiya. Napakuyom ako ng kamao na maalala na naman ang pasa sa pisngi ni Charrie. Damn. Paano niya naatim saktan ang anak ko physically? Ganun ba niya kaayaw sa anak ko at magagawa niya itong pagbuhatan ng kamay? Nag-igting ang panga ko na malingunan ang kotse ni Cloud Del Mundo na palabas ng building. Napasunod ako dito na sinundan ito sa pupuntahan. Naniningkit ang mga mata ko na nakamata sa sasakyan nito. Kung tutuusin ay madali ko lang naman itong buburain sa mundong ito kung nanaisin ko lang. Kung hindi ko lang inaalala ang anak ko? Ako na mismo ang maglilibing sa ilalim ng lupa sa Del Mundo na ito. Napatingala ako sa malaking hospital na pinasukan nito at hindi na nagulat na nagtatrabaho siya dito sa. . . Montereal's Hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD