Sandigan

1619 Words

CHARRIE: NAGISING ako na mabigat ang katawan. Nasa silid na ako, nakadamit at may suero sa kamay. Napalingon ako sa katabi ko at nabungaran si Cloud na nahihimbing. Nakaupo ito sa silya at nakasubsob ang mukha sa gilid ng kama habang hawak ang isang kamay ko. Napangiti akong marahang hinaplos ito sa ulo. Nangingitim pa ang palibot ng kanyang mga mata na halatang walang maayos na tulog. Maliwanag na rin sa labas. "Cloud," mahinang sambit ko. Gumalaw ito na ikinalunok kong nagtulog-tulugan. Tuluyan naman itong nagising na nag-angat ng mukha. Sinalat nito ang leeg ko na malalim na napabuntong-hininga. Medyo mainit nga ang katawan ko at kumikirot ang ulo dala marahil ng hangover. Ramdam ko ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin. Panay ang buntong-hininga nito na tila kay laki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD