Incubator

2107 Words
TPOV: PALAKAD-LAKAD ako na nahihimas ang baba. Hindi pa rin ako mapakali sa kalagayan ng apo ko kahit na ligtas na ito. "Maupo ka nga. Nahihilo ako sa'yo eh," ani Annika. Ang asawa ko. Napahinga ako ng malalim na nagpatianod ditong inakay akong maupo sa kanyang tabi. Umakbay itong tinapik-tapik ako sa hita. "Ligtas na ang apo natin. Hwag ka ng mag-alala." "Pero paano si Charrie? Gusto ko ng makuha ang anak natin," aniko. Napahinga ito ng malalim na pilit ngumiti. "Yan ang problema natin, hon. Hindi natin 'yon basta-basta mababawi." Anito na matamlay ang tono. "Kausapin ko kaya sila Liezel at Cedric? Kahit paano naman ay may pinagsamahan kami ng mga iyon sa nakaraan. Kausapin ko rin ang pinsan kong si Dwayne para kumbinsiin ang mag-asawa na ibalik na sa atin si Charrie," suhestyon ko. Napanguso itong humalukipkip na napailing. "I've known Liezel and Cedric very well, hon. Hindi basta-basta papayag ang mga iyon. Dalaga na si Charrie. Kahit tayo ang biological parents niya? Sina Liezel at Cedric ang kinikilala niya at legal ang pag-adopt nila noon kay Charrie." Napabuga ako ng hangin na napahilot ng sentido. Damn. It's been 25 years. Hindi ko namang akalaing nagkaanak pala ako kay Annika. Pero kung kailan naman abot kamay na namin ang anak namin ay kay hirap namang abutin. Ang panganay namin. "This is all my fault. Kung sana noon ko pa kayo hinanap? Hindi tayo mahihirapang mabawi ang anak natin." "Don't blame yourself, Aldus. Hindi lang naman ikaw ang may pagkukulang. Me too. Iniwan at ipinaubaya ko si Charrie kay Liezel imbes na alagaan ko siya," sagot nito na hinahagod-hagod ako sa likod. Pilit akong ngumiti na kinabig itong niyakap. Napasandal naman ito sa dibdib ko na ikinangiti kong hinahagkan-hagkan siya sa ulo. KINABUKASAN ay magkasama ulit kami ni Annika na nagtungo ng Madrigal's Hospital. Kung saan naroroon. . . ang apo namin. Nakasalubong naman namin ang binata ko. Si Vandrix. "Dad, Mom, good morning!" nakangiting bati nito. Naliligo pa siya ng pawis at hinihingal. Mukhang galing sa field para mag-jogging sa itsura pa lang nitong naka-topless, sweat pants at rubber shoes. "Good morning, ang asim mo," natatawang saad ni Annika dito na humalik pa siya sa pisngi ng ina. "Gwapo naman, Mom." "Oo na. Mahangin nga lang," natatawang ingos ni Annika ditong napisil pa sa ilong si Vandrix na malutong na napahalakhak. "Going somewhere?" anito na mapansing nakabihis kami. "Um, yeah. Babantayan ang pamangkin mo," aniko na ikinangiti nitong napatango-tango. "Okay po." Akmang lalabas na kami ni Annika nang humabol ito na pinigilan ako sa braso. "Um, Dad." "Hmm?" napataas ako ng kilay na nagtatanong. Napakamot ito sa ulo na napasulyap pa sa ina. "What is it?" aniko. Alanganin itong ngumiti na palipat-lipat ng tingin sa aming kaharap niya. "It's about. . . Charrie," sagot nito. "Oh, what about her?" takang tanong ko. Kakamot-kamot ito sa ulong basang-basa ng pawis. Bahagyang nangunot ang noo ko na matamang nakatitig dito. "Eh. . . uhm, bumalik na siya sa asawa niya," saad nitong ikinatigil namin. Nagkatinginan kami ni Annika na namimilog ang mga mata. "What!?" "What!?" Panabay naming bulalas na ikinalapat nito ng labi. Mariin akong napapikit na napahinga ng malalim. Hindi naman lingid sa amin na arranged marriage lang ang naganap kay Charrie at sa pipitsuging doctor na napangasawa nito. Kung hindi kami nagkakamali ay napilitan lang ang lalakeng iyon na pakasalan ang anak namin. The nerve of him. Ang lakas naman ng loob na galawin ang anak ko at ngayon ay lumalabas pang pinikot lang siya ni Charrie. Itumba ko ang doctor na iyon eh. "Sinundo niya po si Ate sa mansion ng mga Montereal. I saw him yesterday. Kahapon ko pa sana sasabihin eh. Kaso hindi na tayo nagpang-abot," pagbibigay alam pa nito. Alam naman naming ni minsan ay hindi niya dinalaw si Charrie sa hospital noong naaksidente ito. Maging noong nakauwi na ito ng mansion ay hindi niya manlang sinilip ang anak ko. Akala ko ay maililihis ko na ang landas ng doctor na iyon kay Charrie pero. . . hindi pa pala. Noong araw na naaksidente si Charrie ay nasa malapit lang kami ni Vandrix. Matamang pinapanood ito. Pero dahil sa pagsunod naming iyon ay napahamak ang anak ko. Isa akong bigboss ng mafia na pinamumunuan ko. Kinakatakutan ako sa mundo ng mga mafia. Dahil hawak ko ang pinakamataas na posisyon. Pero dahil sa posisyon ko ay marami din ang nakamata sa akin. At nag-aabang ng pagkakataon para itumba ako o kahit ang pamilya ko. Kaya naman todo tago ako sa asawa at anak ko. Si Vandrix na anak ko sa isang prostitute noong kabataan ko lang ang kilala ng publiko na anak ko. Ang tungkol kay Annika at Charrie? Nakatago iyon sa kaalaman ng publiko. Para na rin sa kanilang kapakanan. Hindi na kami nagkaroon ng anak ni Annika. Bagong kasal pa lang kami dahil mas nag-focus ako sa pagpapatakbo sa organization ng Madrigal's Corporation. Legal naman ang negosyo naming nagbebenta ng matataas na kalidad ng mga armas. Pero lingid sa publiko na may pinamumunuan akong mafia. Maliban sa mga kasapi namin at mga kalaban din ng grupo namin. Dahil sa kaliwa't-kanan na negosyong pinamumunuan ko ay hindi ko na nahanap pang muli ang dalagang sapilitan kong kinuha ang p********e sa kulungan. Mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas. May dinalaw ako noon na tao ko sa kulungan. Nahuli kasi ito ng mga otoridad kaya ako mismo ang nagtungo sa kulungan para mailabas ito. Pero nahagip ng paningin ko ang isang preso na mailap sa lahat at kitang bata pa. Higit sa lahat? Napakaganda niya. Si Annika. Mailap siya sa lahat at puno pa siya noon ng pasa sa mukha maging sa katawan. Sa muling pagkakataon ay nabighani ako sa taglay niyang ganda. Aminado naman ako na ilang beses din akong nabasted sa mga babaeng natipuhan ko dati. Una sa hipag ko. Si Janaeya Almonte. Ang asawa ng pinsan kong si Dwayne Matthew Madrigal. Noon ay si Dwayne pa ang may hawak sa mafia namin. Pero dahil mas pinili niyang lumagay sa tahimik kasama si Janaeya? Ibinigay niya sa akin ang pwesto niya. Sunod akong nasawi sa kaibigan ni Janaeya. Si Liezel Del Prado. Actually. . . lahat silang magkakaibigan ay pinormahan ko. Pero sadyang wala sa kanila ang tadhana ko. Katulad kay Janaeya at Liezel? Nabigo rin ako kina Irish, Lira, Kristel at Diane. Mga secret assassin's kasi ang magkakaibigan. Kaya naman bilib na bilib ako sa galing nilang mga babae. Mas magaling pa nga silang makipaglaban kaysa sa akin. Kalaunan nama'y naging kaibigan ko rin sila. Pero magmula noong lumagay na sila sa tahimik? Halos mawalan na rin ako ng connection sa akin. Nag-focus na rin ako sa company at pagiging bigboss ng mafia. Kaya nawalan na ako ng oras para sa sarili. Last year ay aksidenteng nag-krus ang landas namin ni Annika. Sa America. Akala ko ay hindi na niya ako mamumukhaan pero. . . I was wrong. At sobrang saya ko na malaman sa kanyang nagkaanak kami. 'Yon nga lang ay pina-adopt niya ang baby sa matalik niyang kaibigan. Kay Liezel at Cedric Montereal. Niligawan at sinuyo ko si Annika hanggang mapasagot ko ito. At kasamang bumalik ng bansa. Pero dahil maraming nakasalalay sa kamay ko na negosyo ay hindi ko mabawi-bawi ang dalaga ko. Ayoko namang biglain 'yong bata. Kaya inaaral ko pa kung paano makipaglapit sa kanya. At kung paano pakikiusapan sina Liezel na ibalik na sa amin si Charrie. Alam kong hindi biro ang pabor na iyon. Dahil kahit mapapayag ko ang mag-asawa ay na kay Charrie pa rin ang desisyon kung gugustuhin niyang makilala at nakasama kaming biological parents niya. NAPABALIK ang ulirat ko na tinapik ako nito sa balikat. Nakarating na pala kami ng hospital na hindi ko namamalayan sa lalim ng iniisip ko. Pilit akong ngumiti na inakbayan itong nakayakap sa tagiliran ko. Nakasunod naman sa likuran namin ang ilang tauhan ko para bantayan ang seguridad naming mag-asawa. "How's my grandchild, Doc?" anito na maabutan namin ang doctor ni baby dito sa hospital. Nakalagay pa rin si baby sa incubator dahil kulang pa pala ito sa buwan. Nasa pitong buwan pa lang ito. Dahil sa nangyaring aksidente ay kinakailangan naming pina-opera si Charrie na iluwal ang bata. Pero laking disappointment ko na malamang ang bata lang ang dahilan kaya pinakasalan ng doctor Del Mundo na 'yon ang dalaga ko. Kaya sa galit ay kinuha ko ang bata. Mabuti na lang at naitago na namin ang bata bago pa dumating sina Liezel at Cedric noong nakaraang buwan sa hospital. Kaya hindi kami nahirapang ipuslit ito at ilipat dito sa Madrigal's Hospital. Pinalitan namin ng ibang bata ang anak ni Charrie at pinalabas na wala na ito. Dahil sa nangyaring aksidente, mabilis lang namin silang napaniwala na wala na ang bata. "He's doing well, Ma'am Madrigal. No worries. Next week ay pwede na nating ilipat ng nursery room si baby. Malakas-lakas na rin po siya at malaki na ang improvement niya," nakangiting sagot nitong ikinahinga namin ng maluwag. "Thank you so much, Doc." Panabay naming pasalamat ditong napangiti na tinanggap ang kamay naming mag-asawa. "Maraming salamat din po sa pagtitiwala sa amin," nakangiting sagot nito. Matapos nitong magpaalam ay magkayakap kami ng asawa kong lumapit sa apo naming nasa incubator. Mas malaki na nga siya at kitang hindi na maputla. Nangilid ang luha kong marahang nailapat ang palad sa salamin na nakamata sa apo ko. "Zach Madrigal," sambit ko. Napatingala naman sa akin ang asawa ko na nagtatanong ang mga mata. Napangiti akong hinagkan ito sa noo. "Zach Madrigal?" ulit nitong tanong na ikinatango-tango ko. Muli akong napabaling sa apo naming nahihimbing. "Yeah. What do you think, hon? Ang gwapo, hindi ba? Bagay sa kanya," aniko. Napangiti na rin itong marahang napahaplos sa salamin. "Yeah. It suits him, hon. Ang Charrie na lang natin ang kulang. Sigurado akong matutuwa iyon na malamang buhay pa ang anak niya," sagot nito na pumiyok ang boses. "At the right time, hon. Hindi naman natin aangkinin ang apo natin." "Paano kung magkaproblema tayo sa napangasawa ni Charrie. Kung hindi ako nagkakamali ay isang police captain ang Kuya non," anito na may halong pag-aalala ang tono. Napahinga ako ng malalim na inakbayan ito. "Relax, okay? Pabor nga sa kanya na nawala na sa kanila ang bata para makalaya na siya kay Charrie. Ang anak natin ang unawain natin. Kung paano tayo. . . mabubuong pamilya." NAPAHINGA ako ng malalim habang nakatanaw sa paligid. Nakatayo dito sa veranda ng mansion at iniisip ang anak namin. Si Charrie. Sino bang ama ang kayang tiising nakikita na nasasaktan ang sarili niyang anak? Damn. Gustong-gusto ko ng basagin ang pagmumukha ng Doc Cloudy Del Mundo na 'yon sa pagpapahirap niya sa anak ko. Pero dahil wala pa sa akin ito ay wala naman akong magawa para protektahan ang anak ko. Napapaisip lang ako kung alam ba ng mag-asawang Cedric at Liezel ang tungkol dito? Kung talagang tinanggap at minahal nila ang Charrie ko bilang totoong anak nila. . . hindi nila hahayaang masaktan ito at magdusa sa kamay ng asawa. Sino ba itong Cloudy Del Mundo na ito? Kung tutuusin naman ay wala itong maipag mamayabang. Bukod sa lumaki ito sa isang simpleng pamilya ay 'di naman kumalahati ang yaman nilang pamilya kumpara sa aming mga Madrigal lalo na sa Montereal. Kung bakit kasi sa doctor na 'to pa nagkagusto ang anak ko eh. Madali ko lang sanang ibaon sa lupa ang taong 'yon kung hindi ko lang naiisip ang mararamdaman ni Charrie kapag nawala na ito. Napasimsim ako sa alak ko na maramdaman ang prehensya ng isa ko pang anak na lumapit sa akin. May hawak din itong alak na tumayo dito sa tabi ko. "Are you okay, Dad?' tanong nito na sa harapan nakamata. Napasimsim ako sa alak ko na napahingang malalim. Pasado hatinggabi na rin pero heto at hindi pa ako dalawin ng antok. Napapaisip sa mga bagay-bagay. "Yeah. Anyway. . . kumusta ang pagmatyag mo kay Charrie at asawa nito, hijo?" saad ko na humarap dito. Pilit itong ngumiti na kita ang pagdaan ng lungkot at awa sa mga mata. "As usual. Nakakulong si Charrie sa unit nila. At mas lumamig pa ang pakikitungo ng asawa niya sa kanya. Sa nasagap ko nga po ay. . . mukhang hinihiwalayan na ni Cloudy si Charrie. Ayaw lang pumayag ni Charrie at nagmamakaawa pa sa asawang walang puso," naiiling saad nito na nagngingitngit ang mga ngipin. Napahinga ako ng malalim na napapikit. Bahala na. Magtatapat na kami kay Charrie para mabawi na namin ito at mailayo sa walang hiyang Del Mundo na 'yon. Hindi siya karapat dapat sa pagmahal ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD