Slapped

2698 Words
CHARRIE: INAASAHAN ko naman ng hindi magiging madali ang paninimula namin ni Cloud. Bumalik kami sa unang set-up kung saan sa ibang silid ako tumutuloy. Wala namang kaso sa akin iyon. Kahit may parte sa puso ko ang nasasaktan ay mas nananaig ang kagustuhan kong maayos ang pagsasama naming dalawa. Naiintindihan ko ang galit niya. Dahil maging ako ay galit sa sarili kong kapabayaan. Galit na galit ako sa sarili na nawala ang anak namin. Hanggang sa isang gabi. Nakahalukipkip akong palakad-lakad dito sa labas ng unit namin ni Cloud. Pasado alasdyes na kasi ng gabi pero wala pa rin ito. Madalas kasi ay alasyete ay nandidito na ito. Pero ngayon? Kahit isang reply manlang sana sa mga messages ko sa kanya ay hindi nito sinasagot. Ilang beses ko rin itong tinawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nag-aalala na ako dahil ayon kay Collins ay kanina pa lumabas si Cloud. Alassais kasi ng hapon ang out nito sa trabaho. Kaya hindi ko maiwasang mag-alala na wala pa rin ito. "Cloud!" Napalis ang ngiti ko na sa wakas ay mabungaran na itong iniluwal ng elevator na. . . may kayakapang babae! Napakuyom ako ng kamao na umayos sa pagkakatayo. Pasuray-suray pa ang mga itong maglakad na nagkakatawanan. Nakaakbay ito sa babae habang parang sawa namang nakapulupot sa kanyang baywang ang mga braso ng babaeng kasama. Sunod-sunod akong napapalunok at dama ang pag-init ng mga mata ko. "W-what is the meaning of this?" halos pabulong kong tanong. Napasulyap lang ito na nagtaas ng kilay. Napapahagikhik naman ang babaeng kayakap nito na nakasiksik sa leeg ng asawa ko. "Is there a problem?" casual nitong tanong. Napalunok akong dama ang panunuyo ng lalamunan ko. Tila may batoklng nakabukil doon na hirap kong ikanalunok. "Problem? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" sarkastiko kong tanong. Pero ngumisi lang ito na napasulyap pa sa babaeng kayakapan at matamis na nginitian ito bago mariing hinagkan sa noo. Nag-iwas ako ng tingin at parang sinasaksak sa puso na nakikita itong harap-harapan ng mag-uwi ng ibang babae. Sanay naman na akong malamig at kay sungit niya sa akin. Minsanan lang din niya sagutin ang mga tanong ko. Na kahit nasa iisang bubong kami ay pinapakita, pinapadama at pinapamukha nito sa aking wala akong halaga sa kanya. Na anumang oras kong gustuhing umalis sa poder niya ay nakabukas ang pinto. "Let's go inside, baby. I'm getting horny," bulong nito na narinig ko pa rin. Napahagikhik lang naman ang babaeng nakayakap dito na hinahalik-halikan pa si Cloud sa leeg. Natuod ako sa kinatatayuan na hindi makakilos. Nang makapasok na ang mga ito ng unit ay siyang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Hindi ko yata kayang sumunod sa loob at makita mismo ng mga mata kong dadalhin niya ang babaeng 'yon sa silid niya. Sa silid namin. . . dati. Napatakip ako ng palad sa bibig na patakbong nagtungo ng elevator. Umakyat ako ng rooftop dahil gabing-gabi na rin. Wala akong dalang maski ano kaya sa rooftop na lamang ako maglalabas ng sama ng loob. Para akong sinasaksak sa puso. Iisipin ko pa lang na may ibang kahalikan si Cloud ay para na akong matatakasan ng bait. Paano pa kaya ang magkama siya ng ibang babae? Na ngayon ay ginagawa na niya. Kung dati ay balewala lang ako sa kanya? Ngayon ay nagagawa na niyang mambabae ng harap-harapan. Na pinapamukha niya sa aking hindi niya na ako kailangan. Pagdating ko ng rooftop ay sa pinakasulok ako pumwesto. May mga mangilan-ngilan pa kasing tao dito na mukhang nagpapahangin. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Gusto kong manakit. Pero hindi ko magawa. Parang sasabog na nga ang dibdib ko sa sobrang sakit na nadarama ko pero ang tanging magagawa ko lang ay ang umiyak sa isang tabi. Nakaupo ako sa dulong bahagi ng mga nakahilerang bench dito sa gilid ng rooftop. Nakayuko sa kaharap na lamesa at tahimik na umiiyak. Kahit anong aliw ko sa isip ko ay hindi ko mailihis-lihis doon ang imahinasyon kong ginagawa nila Cloud at kasama nito. Ni hindi nga niya ako magawang yakapin o hagkan. Pero sa ibang babae ay nagagawa niya. "Handkerchief?" Napaangat ako ng mukha na marinig ang pamilyar at baritonong boses na nagsalita sa gilid ko. Nagpahid ako ng luha na inabot ang panyo nito na ipinangpunas ko sa mukha. Nagkahalo-halo na rin kasi ang luha at uhog ko sa mukha. Naupo ito sa harapan ko na may inilapag sa mesa. Nang maayos ko na ang sarili ay saka lang ako napatingin dito. Pilit akong ngumiti na hindi ako nagkamali ng hula. "Why are you here? It's been a while, right?" aniko na namamalat ang boses dala ng pag-iyak. Ngumiti itong tumango lang at nagbukas ng dalawang beer in can na dala nito. "Binisita ko lang ang kakilala ko dito sa condominium niyo. Nagpapahangin ako dito nang dumating ka kanina. I thought I was wrong. Na kamukha mo lang. Pero tama pala ako." Napangiti akong inabot ang beer na bigay nito. "Cheers," anito na ikina-toss ko sa kanyang beer. "Cheers." Napangiwi ako na sunod-sunod nilagok ang beer at humagod ang init nito sa lalamunan ko. "Oh. . . dahan-dahan naman. Marami pa naman dito," natatawang kindat nito na naubos ko ang beer ko sa isang tungga lang. Mapait akong napangiti na nagpahid ng likod ng palad sa bibig. Nangingiti naman itong nagbukas ng isa pa na iniusog sa harapan ko. "Here. Mukhang kailangan mo pa eh," anito. Napatitig ako dito na tipid na ngumiti. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko siya lubusang kakilala pero. . . napakagaan ng loob ko sa kanya. Na kampante ako sa prehensya niya. Ni hindi ako makadama ng pagkailang sa kanyang katauhan. "May dumi ba ako sa mukha?" natatawang tanong nito. Mahina akong natawa na napailing at muling lumagok sa beer ko. "We have the same eyes." Natigilan naman itong napatitig sa mga mata ko. Napansin ko kasing pareho kami ng mga mata. Sa kulay at pagkasingkit ay pareho kami. "Yeah. Pansin ko nga. Pasado na nga tayong maging siblings eh," pananakay nitong nagtaasbaba ng mga kilay. Natawa naman akong ikinatawa din nito. Tama naman siya kung susumain. Malaki nga ang pagkakahawig namin. Pero napaka-imposible namang related kami sa isa't-isa. Marami naman talagang tao sa mundo ang magkakahawig kahit hindi magkaano-ano. "How are you, Zachie? Why are you crying here alone at night?" magkasunod nitong tanong. Unti-unting napalis ang ngiti ko sa mga labi. Nangilid ang luha ko na maalala kung bakit ako nandidito sa rooftop ng gantong oras. Para na namang kinukurot ang puso ko na sumagi sa isipan ang asawa ko na paniguradong sa mga sandaling ito? Nagpapaligaya na siya ng ibang babae. At sa mismong tahanan pa namin. Umiling ako na napatungga sa beer ko hanggang maubos ko ang laman non. Mapait na napangiti na muling dumampot ng beer at sunod-sunod nilagok. Ramdam ko naman ang matiim nitong pagtitig na naghihintay magkwento ako. Hindi ko naman alam kung paano sasabihin sa kanya ang sitwasyon ko. At kahit paano ay ayokong marumian ang imahe ni Cloud sa publiko. "Nothing. Konting tampuhang mag-asawa lang, Vandrix." Aniko na ikinatango-tango naman nito. Napaiwas ako ng tingin dito na maramdaman ang mga luha kong nag-uunahang mahulog sa aking pisngi. Para akong dinudurog sa puso sa mga sandaling ito. Gusto ko na lamang magpakalasing at kalimutan ang gabing ito. Para bukas paggising ko? Magagawa ko pa ring pagsilbihan ang mahal kong asawa na parang walang nangyari. Magpapanggap na okay lang ako. Na walang kaso sa akin kung tumingin na siya sa iba. Ako ang nagsabi non sa kanya noon. Na hindi ko siya susumbatan. Hindi ako magagalit kapag dumating kami sa punto na makahanap na siya ng iba. Pero habang wala pa ay ako na muna ang mag-aalaga at magmamahal sa kanya. Kaya wala akong karapatang sumbatan siya at awayin siya sa pambababae niya. Kung gusto niyang anakan ang babaeng iyon kaysa sa akin ay wala akong magagawa. ILANG oras din kaming nagkainuman ni Vandrix dito sa rooftop. Ni hindi ko namalayang nakakarami na kami at nalalasing na ako. Sobrang swak niya kasing kainuman na tipong sinasabayan ang mga trip mo. Para nga siyang sina Kuya Khiranz at Khiro kung umalalay sa akin. Hindi naman ako makadama ng kakaiba sa kanya sa tuwing hahawakan niya ako lalo na't ilang beses din akong sumuka. Naalimpungatan ako na parang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang kirot nito! "Urrghh!" Impit akong napadaing na nasapo ang ulong parang pinipiga ang mga ugat sa utak ko sa tindi ng hangover ko! Naalala ko namang lumabas pa kami ni Vandrix kagabi matapos naming maubos ang mga binili nitong beer. Nagtungo kami sa malapit na Bar at nagpakawalwal hanggang mag-umaga. Hindi ko na nga maalala kung paano kami nakauwi nito. Teka. . . nakauwi!? Napabalikwas akong napatayo na naigala ang paningin sa paligid! "Oh my God! Where am I!?" gimbal na bulalas ko! Para akong sinabuyan ng malamig na tubig na mapasuri ako sa sarili at. . . iba na ang kasuotan ko! "Hi." Napalingon ako sa may pinto na may nagsalita mula roon. Napasuklay ako sa sabog-sabog kong mahabang buhok na pilit ngumiti dito. "Good morning. How's your head?" nakangiting tanong nito. "Um. . . may hangover eh," nakangiwing sagot ko. Napahalakhak naman itong dinala sa bedside table ang dala nitong bowl. Tamang-tama na gutom na rin ako. Halos alasdose na rin ng tanghali at wala pa akong kain mula kagabi sa kakahintay kay Cloud na dumating. "Kumain ka na muna bago kita ihatid sa inyo," anito na binuksan ang dala. Kumalam naman ang sikmura ko na malanghap ang mabangong aroma ng soup na dala nito. Walang pag-aalinlangan na lumapit ako at naupo sa tabi nito. "Um. . . Vandrix, can I ask you something?" lakasloob kong tanong habang kumakain kaming magkaharap. "Yeah. Sure," sagot naman nito. Napahinga ako ng malalim na uminom ng tubig. Tumitig sa kanyang mga mata at pilit ngumiti. "Ikaw ba ang nagbihis sa akin?" Mariin kong nakagat ang ibabang labi na naisatinig kaagad ang nasa isipan ko. Natawa naman itong umiling. "Nope," simpleng sagot nito. "Then who?" kunotnoong tanong ko. "My Mom. Siya ang nagbihis sa'yo kaninang madaling araw. Puro suka na kasi ang damit mo," sagot nito. Hindi ko naman siya mabakasan na nagsisinungaling dahil nakatitig din ito sa mga mata ko ng matiim. Kimi akong ngumiti na nahihiyang napakamot sa ulo. Nakakahiyang humarap sa Mama niya. Baka kung ano pa ang iniisip non sa akin. Lalo na ang asikasuhin akong lasing na lasing. "Hey, are you okay?" untag nito. "Uhm. . . yeah. Kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako ng asawa ko eh," aniko na napatayo na rin. "Sige. Ihatid na lang kita," anito na tumayo na rin. TAHIMIK ako sa buong byahe namin pabalik ng condominium. Mabuti na lang at nakalabas na ang mga magulang niya kanina nang lumabas kami ng mansion nila. Nakakahiya. Sa bahay niya pa ako iniuwi na lasing na lasing. "Ihatid na kita sa taas?" presinta nito na ikinailing ko. Kilala ako ng mga empleyado dito at ang mga kapitbahay namin ni Cloud. Ayoko namang may lumabas na issue na may naghatid sa aking lalake sa unit namin. Baka lalo lang lalala ang malamig na pagsasama namin ni Cloud. "It's okay, Vandrix. Salamat. Kaya ko na," nakangiting sagot ko na nagtanggal ng seatbelt. Pilit itong ngumiti na mabilis bumaba ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi na ako umangal nang alalayan ako nitong makababa. Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig na makita si Cloud na nadidito sa parking lot! Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin at napatitig ito sa kamay ni Vandrix na nakaalalay sa baywang ko! Naningkit ang mga mata nito na malalaki ang hakbang na nilapitan kami. Sa uri ng kasuotan nito ay tila hindi pa siya pumapasok ng trabaho! Naka-pajama at puting sando lang kasi ito. Kahit nga ang buhok niya ay sabog-sabog pa. Binundol ako ng kakaibang takot at kaba sa dibdib na magtagisan ang mga ito ng tingin. Pasimple kong kinalas ang kamay ni Vandrix na nakayapos sa baywang ko na makita ang galit sa mga mata ni Cloud. "C-Cloud," utal kong sambit. Pero hindi niya manlang ako sinulyapan. Matiim itong nakikipagtagisan ng matalim na titig kay Vandrix. "Who do you think you are to touch her, huh?" may kadiinang asik nito. Ngumisi lang si Vandrix na napailing. Napalunok ako na nag-igting ang panga ni Cloud at walang pasabing sinapak sa panga si Vandrix na napagewang! "Cloud! Oh my gosh! Vandrix!" tili ko na kaagad dinamayan itong muntikang sumubsob sa semento! "Cloud, ano ba!?" asik ko nang akmang sasapakin niya ulit si Vandrix! Natigil sa ere ang kamao nito na namumula ang mga matang nanlilisik sa galit! Para siyang tigreng mananakmal ang itsura! "Please, calm down?" pakiusap ko na nangilid ang luha. Napapahid naman ng labi si Vandrix na pumutok ang bibig nito at may tumulong dugo doon. "HOW!?" Napapitlag ako sa malakas na bulyaw nitong umalingawngaw ang echo dito sa parking. Napalapat ako ng labi na tumulo ang luha. Nanginginig ako sa takot sa nakikitang galit ditong pulang-pula na ang mukha at leeg! "Ang dumi kasi ng isip mo, dude. Marahil gawain mo kaya kung ano-anong iniisip mo," makahulugang saad ni Vandrix dito. "At sino ka para pumagitna sa aming mag-asawa, huh?!" nanggagalaiting bulyaw nito kay Vandrix. Akmang susugurin na naman nito si Vandrix kaya kaagad kong inawat na niyakap ng mahigpit. Natigilan ito na napalunok sa pagyakap ko sa kanya na napasubsob sa kanyang dibdib. Hindi ko mapigilang mapahagulhol na ikinayakap nito sa baywang ko at marahang hinagod-hagod ako sa likuran ko. "Tama na, please? Hwag ka ng magalit. Kung kilala mo ako ay alam mong wala kaming ginawang masama," humahagulhol kong pakiusap. "Let's go," walang emosyong saad nito na inakay na ako. "I'm watching you, Doc Cloudy Del Mundo. Try to touch her. Ako ang makakalaban mo." Natigilan kami sa madiing pagbabanta ni Vandrix. Pero hindi pa man kami nakakapihit paharap dito ay narinig na namin ang pagsara ng pinto ng kotse nito kasunod non ang pagharurot palabas ng parking nito. Nang makalabas na ito ay pabalang akong hiniklat nito sa braso at halos kaladkarin papasok ng elevator. Hindi ako umiimik kahit nasasaktan na ako sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso kong bumaon pa ang kanyang mga kuko! Nag-iigting ang panga nito na malalalim ang paghinga. Nang makapasok na kami ng unit ay halos sumubsob ako sa sahig sa lakas ng pagtulak nito sa akin! "C-Cloud. . . ." Napailing-iling ako na paatras na naglakad habang nakaharap dito at nagsusumamo ang mga mata. Galit na galit na naman kasi ang nga mata nitong parang mabangis na hayop ang itsura! "Where did you sleep last night, huh!?" Napapitlag ako sa nanggagalaiting bulyaw nito na naiduro ako at nagpapantig ang panga! "Saan!?" "Sa kanila." "What?" halos pabulong nitong tanong sa naisagot ko. "Cloud, it's not what you think." "At anong gusto mong isipin ko, huh?!" sarkastikong bulyaw nito. Napahikbi ako na maramdaman ang malamig na pader sa likuran ko. Nangangatog ang mga tuhod ko nang nasa harapan ko na ito at walang pasabing hiniklat ang damit ko! "Cloud!" tili ko na maging ang panloob ko ay hiniklat nito. Basta na lang itinapon kung saan ang mga nasirang damit ko at pinasadaan nito ng mapanuring tingin ang kahubaran ko! Napayakap ako sa sarili na hindi na mapigilang mapahagulhol pero hiniklat lang nito ang mga braso ko na matiim na pinakatitigan ang kabuoan ko. "Bakit ka pa nga nandidito, huh, Charrie?" may kadiinang asik nito. Napayuko ako na napahagulhol. "Answer me!!" "To be with you!" tarantang sagot ko. "To be with me?" sarkastikong tanong nito na iglap lang ay tumagilid ang mukha ko. Nag-init ang pisngi ko na nangatal ang katawan sa malakas na. . . pagkakasampal nito sa akin. Nanginginig ang kamay kong nahaplos ang pisngi ko at dahan-dahang napalingon dito. "Y-you. . . s-slapped me?" halos pabulong kong bulalas na naglaglagan ang butil-butil kong luha. Natigilan din itong namutla at napalunok na tila nagising sa nagawa. "C-Charrie. . . ." Napailing-iling akong umatras at itinulak itong tumakbo sa silid ko. Napahagulhol akong niyakap ang sarili. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya akong saktan. . . physically.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD