CHARRIE:
LUMIPAS ang ilang linggo. Isang buwan na mula noong huling kita namin ni Cloud. Hindi na ito nagparamdam pang muli. Minsan ay nate-temp din akong puntahan ito. Na mahigpit kong tinututulan dahil ramdam kong nanghihina pa ang katawan ko.
Hanggang isang umaga. Nagising ako na maamoy ang pamilyar niyang pabango.
Napabalikwas ako na pupungas-pungas at nakusot-kusot ang mga mata na malingunan ang pigura nito sa tabi ko.
"C-Cloud?" anas ko.
Malamlam ang kanyang mga mata. Wala kang mababasang maski anong emosyon. Napalabi ako na kaagad dinamba itong niyakap at napahagulhol sa balikat nito na madama kong totoo siya. Hindi ako namamalikmata. O kaya ay nananaginip.
"I'm sorry. . . I'm sorry, I'm sorry. It's my fault. I'm sorry, honey. I'm sorry."
Panay ang paghingi ko ng tawad na humahagulhol sa balikat nito. Hindi ito gumagalaw. Maski ang gantihan nito ang yakap ko o aluhin ako.
Napahinga ito ng malalim na kinalas ang mga braso kong mahigpit na nakayakap dito. Nagpahid ako ng luha na pilit ngumiting hindi na napigilang haplusin ito sa pisngi.
"How are you, honey? Sinusundo mo na ba ako?" tanong ko na puno ng pag-asa ang mga mata.
Napabuntong-hininga ito ng malalim na umiling. Natigilan ako na dahan-dahang naibaba ang kamay kong nakasapo sa kanyang pisngi. Maging ang luha ko ay natigil sa pagtulo.
"Then why are you here?" halos pabulong kong tanong.
Wala pa man itong sinasabi ay nahihinulaan ko na. At ayokong mangyari ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko kaya. Hindi ako papayag.
Napabuga ito ng hangin na may dinampot na brown envelope sa bedside table na katabi namin. Napapalunok akong walang kakurap-kurap na nakamata sa envelope na hawak nito. Dahan-dahan niya iyong binuksan at may kinuhang papeles doon.
"Nagpunta ako para personal na maiabot ito sa'yo. Pirmahan mo na," kalmadong saad nito.
Nangangatal ang kamay na inabot ko iyon at parang pinagsakluban ng langit at lupa na mabasa ang nakalagay doon. . . annulment agreement.
"H-hindi. . . ayoko," garalgal kong saad na napailing-iling.
Umagos ang masaganang luha sa aking mga mata. Nagsusumamo na tumitig dito at hinawakan ang kamay nito.
"Maghiwalay na tayo, Charrie. Please?"
"Ayoko!"
Napalakas ang boses ko na napahagulhol. Matamang lang naman itong nakatitig na walang emosyon ang mga mata. Binawi din niya ang kamay na hawak-hawak ko.
"Cloud, it was an accident. Hindi ko ginusto 'yon. Hindi gustong mawala ang anak natin," humahagulhol kong pakiusap.
Pero tanging pagbuntong-hininga lang ng malalim ang isinagot nito. Napatayo na ito na ikinaalarma ko at muntikang madapa na matisod ako sa nakalaylay na kumot sa paanan ng kama.
Napaluhod akong niyakap ito sa baywang mula sa likuran. Natigilan naman ito na nanatiling nakatalikod sa akin.
"Parusahan mo ako. Saktan mo ako. Sigawan mo ako. Lahat-lahat na. Hwag lang ang hiwalayan ako, Cloud. Alam kong mali ako. Nagsisisi na ako. Nawala na ang anak natin sa akin. Hindi ko na hahayaang pati ang asawa ko mawala ko. Mababaliw ako, Cloud. Hindi ko kaya. H-hindi ko kayang mawala ka sa akin."
Napahagulhol akong sumubsob sa kanyang baywang na mas niyakap pa ito. Para akong sinasaksak sa puso ko sa mga sandaling ito. Wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada sa paningin nito. Lahat gagawin ko. . . hwag lang siyang mawala sa akin.
Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Hanggang sa mapatahan ko na ang sarili ko. Kusa akong kumalas dito at napakapit sa kanyang polo na tumayo. Nagpahid ako ng luha na nagtungo sa kanyang harapan.
Pilit akong ngumiti kahit naka-pokerface lang ito at bahagyang salubong ang mga kilay. Lakas loob kong hinawakan ito sa kamay. Pero unti-unting napalis ang ngiti ko na mapansing hindi na niya suot. . . ang wedding ring namin.
Napalapat ako ng labi na tumulo ang luha. Para akong pinipiga sa puso na hinubad na niya ang tanda ng kasal namin. At ngayon ay gusto na niyang ipawalang bisa ang kapirasong papel na pinanghahawakan ko sa kanya.
"Isang pagkakataon pa, Cloud. Isa na lang. Pangako, pagbubutihan ko na. Isa na lang. Huli na ito. Nakikiusap ako. Hwag mo naman akong iwan ng ganito," pagsusumamo ko.
Nanginginig ang boses, katawan at mga labi. Nagpipigil na mapahagulhol sa harapan nito.
"Please?"
"Enough, Charrie. Binigyan na kita ng pagkakataon. Una, niloko mo ako. Nagpanggap kang buntis para mapikot mo ako. Binuntis kita dahil gusto ko ng anak. Pero hindi mo naman iyon kayang ibigay. Kaya nga nawala ang baby natin, hindi ba?" walang emosyong saad nito.
Puno ng pait, hinanakit at panunumbat ang boses nito. Napailing akong panay ang tulo ng luha.
"I'm sorry."
"What makes that sorry change the fact, Charrie? Maibabalik ba niyan ang baby natin? Mabubuhay mo ba ang anak natin kapag tinanggap ko ang sorry mo?" sarkastikong tanong nito.
Napayuko ako na yumugyog ang balikat. Hindi ko mapigilang mapahagulhol kahit anong kalma at patahan ko sa sarili. Napailing itong mapait na napangiti at namula ang mga mata. Nagbabadya na ring tumulo ang luha.
"Charrie, alam mong hindi ako basta-basta nagtitiwala. Hindi ako basta-basta lumalapit. Lalo na ang magmahal. Sa dami ng babaeng lumapapit sa akin. Nagpapakita ng motibo. Sa'yo lang ako nagbigay ng pagkakataon. Kasi akala ko, iba ka. Kahit ayoko sa pagiging Montereal mo ay tinanggap kita. Sabi ko sa sarili ko. . . matututunan ko siyang mahalin pabalik. Dahil dala-dala mo ang anak ko. Pero ngayon?"
Pagak itong natawa na napailing. Kita ang disappoinment sa kanyang mga mata. Nagpamewang ito na napatingala. Napalapat ng labi na pinipigilan ang pagtulo ng luha.
"Ano pang saysay na manatili tayong mag-asawa? 'Yong nag-iisang rason kaya nandidito pa ako ay nawala na na parang bula. Dahil sa kapabayaan mo," may kadiinang saad nito.
Nag-iigting ang panga nito na napakuyom ng kamao. Kita ang sakit sa kanyang mga mata na nagpipigil lang ng galit. Namumula na rin ang leeg at mukha nito na naniningkit lalo ang mga mata.
Napayuko akong tahimik na umiiyak. Hindi ko matagalang makita sa mga mata niya kung gaano siya kagalit sa akin. Nanginginig ang katawan ko na hindi malaman ang sasabihin para makumbinsi ko pa siyang bigyan ako ng isa pang pagkakataon.
Tumatagos sa puso ko ang tiim ng kanyang pagtitig. Napabuga ito ng hangin na nagpahid ng luha.
"Isang pagkakataon pa, Cloud. Pagbubutihan ko pa ang pagiging may-bahay mo. Isa na lang," pakiusap ko na dahan-dahang napaluhod sa harapan nito.
Napakuyom ito ng kamao na na napalunok. Nangangatal ang kamay kong inabot ang kuyom na kuyom niyang kamao at marahang pinipisil-pisil iyon. Puno ng pagsusumamo ang mga mata ko habang nakatingala ditong nakaluhod sa kanyang harapan.
"Isa na lang, nakikiusap ako. Isa na lang."
Hindi ito umimik na walang emosyon ang mga matang nakatunghay sa akin.
"I'll do everything you want. Pag-iipunan kong muli ang pagtitiwala mo sa akin. Lahat-lahat gagawin ko, Cloud. Hayaan mo lang akong alagaan ka, asikasuhin ka, pagsilbihan ka, ma-mahalin ka."
"Pirmahan mo na lang ang annulment natin, Charrie. Hwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Wala kang maaasahan sa akin," walang emosyong saad nito.
Umiling-iling ako na pilit ngumiti.
"Hindi ako naghahangad ng kapalit. Malugod ko iyong gagawin. Hayaan mo lang ako. Hayaan mo ako sa tabi mo. Hayaan mong gampanan ko ang pagiging asawa ko sa'yo. At kung nagsawa ka na? Nakahanap ng ibang babaeng gugustuhin mong makasama at magdala ng magiging anak mo? Cloud, pakakawalan kita. Hindi ako magagalit. Hindi ako manunumbat. Pero habang wala pang nakakapag-paibig sa'yo? Pwede bang ako muna? Sa tabi mo muna ako habang hindi pa siya dumarating. Pangako, hindi ko pakikialaman ang buhay mo. Lalo na ang personal mo. Basta hayaan mo lang ako. Hayaan mo ako sa tabi mo. Please?"
Napahinga ito ng malalim na napahilamos ng palad sa mukha. Nanatili akong nakaluhod sa kanyang harapan na patuloy ang pag-agos ng luha.
"Gusto mong mahirapan? Bahala ka nga. Kagustuhan mo 'yan."
Pagkasabi non ay naglakad na siya palabas ng silid. Natulala naman akong napasunod na lamang ng tingin sa likuran nito. Paulit-ulit na nire-replay sa utak ko ang ibig sabihin nito.
Napalapat ako ng labi na parang nabunutan ng tinik na makuha ang ibig niya. Mabilis akong nagtungo ng banyo na inayos ang sarili. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama na binigyan pa niya ako. . . ng isa pang pagkakataon.
Matapos kong maayos ang sarili ay mabilis kong isinilid ang mga damit ko sa maleta. Parang lulukso ang puso ko dala ng labis-labis na saya at excitement na muling makakasama ito. Isang buwan ko rin siyang hindi nakita at nakausap. Pero ngayon? Araw-araw ko na siyang makikita. At meron akong habang buhay na pagkakataon para pagsilbihan siya at iparamdam. . . kung gaano ko siya kamahal.
TAHIMIK kami nito na bumalik ng unit. Hindi naman na umalma sina Mommy at Daddy na makita ang dala kong maleta. Ang akala ng mga ito ay nagkausap kami ng masinsinan ni Cloud at nagkaayos na. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Cloud sa kanila pero laking pasalamat ko na rin na ang labas sa pamilya ko ay sinusundo na niya ako.
Hindi ko maitago ang ngiti at kilig na nadarama habang tinatahak ang daan pauwi ng unit. Panaka-naka ko itong sinusulyapan na naka-pokerface lang at sa daan naka-focus ang paningin at attention. Wala mang salitang lumalabas sa kanyang bibig ay sapat na sa akin na heto siya. Kasama ko. At sa pagkakataong ito?
Sisiguraduhin ko ng mapapaibig ko siya. Na magkakaanak ulit kami. At kapag nangyari iyon? Hindi na ako mahihirapang mapaibig. . . ang asawa ko.
"Thank you, Cloud."
"For what?" walang emosyong sagot nito.
"Sa pangalawang pagkakataon," nakangiting sagot ko.
Hindi naman ito sumagot na napahinga lang ng malalim. Napangiti akong lakas loob na pinag-intertwined ang kamay namin.
"Ano ba, Charrie. Nagda-drive ako," angil nito.
"Kaya mo namang magmaneho na iisang kamay lang ang gamit mo," paglalambing ko na yumakap na rin sa braso nito.
Napailing naman itong hinayaan na lamang akong mas yumakap sa braso niya at sumandal sa kanyang balikat habang magka-intertwined pa rin ang mga daliri namin. Dama ko ang bilis ng t***k ng puso ko sa mga sandaling ito. Maging ang kakaibang bugso ng damdamin na lumulukob sa dibdib ko na magkalapat ang balat namin.
Napanguso akong nag-angat ng mukha at mabilis itong ninakawan ng halik sa pisngi na ikinatigil nitong napalunok. Napahagikhik akong muling sumandal ditong mahinang natawa.
"Hindi na uubra sa akin 'yan, Charrie."
"Dapat ba mas higit doon?" nanunudyong tanong ko.
Napangisi lang naman itong napailing. Napalapat ako ng labi na nagpipigil mapangiti habang nakamata dito.
"Mahal kita, Cloud. Mahal na mahal kita. Gustong-gusto nga kita eh. Crush na crush din kita," paglalambing kong malagkit na nakatitig dito.
Napailing lang naman itong sa daan naka-focus ang paningin.
"Hindi kita mahal, Charrie. Wala akong gusto sa'yo. Lalong hindi kita crush," pabalang sagot nito.
Napangiti lang ako na nakamata dito. Bakas naman kasi sa tono niyang inaasar niya lang ako.
"Okay lang. Mapapaibig din naman kita," buong kumpyansang sagot ko.
"Let's see."
"Yeah. Mapapaibig kita, Cloud. Maghintay ka lang."
"Tsk. Kung kaya mo."
"Kaya ko. Makikita mo."