CHARRIE: TAHIMIK ako na nagpatianod ditong inakay ako at dinala kung saan. Pagod na pagod na ang puso, katawan at isipan ko. Hindi ko na nga mapangalanan kung anong nararamdaman ko sa mga sandaling ito. I feel empty. I feel lost. I feel unworthy. Ilang minuto din na binaybay namin ni Vandrix ang kahabaan ng EDSA. Hindi naman kami lumabas ng syudad. At nakikilala ko pa naman ang mga nadaraanan namin. Tahimik din ito na tila nakikiramdam sa akin. Kahit paano ay naibsan nito ang bigat na dala-dala ko sa mga nangyari sa pagitan namin ni Cloud. Napansin niya rin kanina ang band aid sa kilay ko na ikinakuyom ng kanyang kamao at nag-igting ang panga. Hindi ko alam kung bakit pero. . . kitang-kita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mga mata na makita ang sugat ko. At nakakatiyak akong alam ni