CHARRIE: TUMULOY kami ni Vandrix sa mansion. Tahimik ako na sa labas ng bintana nakabaling ang paningin. Hindi ko pa alam kung paano magpapaalam kay Cloud na sasama ako sa outing nila Mommy. Kung kailangan pa ba? Dahil mukha namang. . . mas masaya itong mawala na ako sa buhay niya. Mapait akong napangiti na pinigilan ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Kahit naman kasi paulit-ulit kong sinasabi na okay lang ako. Kaya ko pa. Alam ko sa sarili kong pagod na ako. Nauupos na ako. At hindi na rin alam kung saan huhugot ng lakas para magpatuloy na ipaglaban ang sarili ko dito. "Hey, we're here," untag nito. Napagala ako ng paningin at nasa harapan na pala kami ng mansion. Kimi itong ngumiti na matamang nakatitig sa akin. "Um, thank you, Vandrix. Para kang guardian angel ko, alam mo ba 'y