CHARRIE:
NAGING mas magaan na sa amin ni Cloud ang mga bagay-bagay. Magkasundo at nagagawa na rin niyang makipagkwentuhan, kulitan, asaran at lambingan sa akin. Hindi ko man naririnig mula sa kanya ang katagang 'mahal kita' pero. . . dama ko namang may puwang na rin ako sa puso niya.
Ibang-iba na nga siya kumpara dati. Napakama asikaso niya na ini-spoiled talaga ako. Ramdam ko ring komportable na siya sa akin. Na hindi na siya naiilang ipakita ang pagiging clingy, childish at pagkapilyo nito. Madalas ay nakakulong lang kami dito sa unit. Naglalambingan at harutan sa buong maghapon at magdamag.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Ngayon ay halata na ang umbok ng tyan ko. Pitong buwan na rin kasi siya at sobrang saya namin ni Cloud na malamang healthy ang baby boy namin.
Hindi na rin muna nagbalik sa trabaho si Cloud. Ayaw ko kasing kumuha kami ng katulong kaya naman hands-on ito sa pag-aalaga sa aming mag-ina niya. Gabi-gabi pa rin namang inaangkin niya ako pero mas maingat na ngayon ang kilos niya kumpara noon. Natatakot din kasi siyang masaktan si baby sa loob ng sinapupunan ko.
ISANG gabi. Naalimpungatan ako na maramdamang wala akong katabi sa kama. Nangunotnoo ako na unti-unting nagdilat ng inaantok kong mga mata.
"Cloud?" paos ang boses kong sambit.
Kahit mabigat ang katawan at inaantok pa ang diwa at dugo ko ay bumangon ako ng kama. Kakamot-kamot ako sa buhok kong sabog-sabog na lumabas ng silid. Napapahikab pa ako habang naglalakad na hinahanap si Cloud.
"Cloud?" muling pagtawag ko dito na makitang wala naman siya dito sa sala at kusina.
Maya pa'y bumukas ang pinto na ikinalingon ko doon. Ang humahangos na si Cloud ang niluwal ng pinto na sinusuklay-suklay pa ng kamay ang basang-basa nitong buhok.
"Charrie, gising ka na pala, honey."
Napanguso ako na hinintay itong makalapit. Kaagad naman itong yumapos sa baywang ko na hinagkan ako sa noo.
"Saan ka galing, hmm?" nakangusong tanong ko na nakatingala dito.
"May inasikaso lang, honey. Halika sa rooftop. May hinanda ako para sa atin," nakangiting saad nito.
Magkayakap kaming lumabas ng unit na nagtungo sa rooftop nitong condominium. Napaawang ang bibig ko na pagdating ko ng rooftop ay may naghihintay na dinner date sa aming dalawa.
May mesa dito na natatabingan ng clothing table. May nakasindi pang romantic candles sa gitna at red wine. Pang dalawahan lang din ang upuan na magkaharap.
"Ano 'to?" napapalabing tanong ko.
Humarap naman ito na napapisil sa baba ko patingala dito. Katulad ko ay nagniningning ang mga mata nito na may ngiti sa kanyang mga labi.
"Masyado ka yatang abala, honey. Anyway. . . it's my birthday today. Hindi talaga ako naghahanda sa tuwing birthday ko. Sapat na sa akin ang batiin ako ng mga mahal ko." Saad nitong ikinamilog ng mga mata ko!
Napasapo ako sa noo na mapagtantong. . . birthday nga pala ngayon ng asawa ko! Pero heto at nakalimutan ko. Ni hindi ko manlang siya nababati. At kung hindi niya lang pinaalala ay matatapos sana ang araw na ito na hindi ko manlang siya nababati!
"I'm sorry, honey. Nakalimutan ko sa dami ng iniisip ko, I'm sorry," guilty kong paumanhin na ikinangiti nitong hinaplos ako sa pisngi.
"It's okay, honey. Ang makasama ka ngayon dito at makasalo sa dinner date natin ay sapat na sa akin," sagot nito na inalalayan akong makaupo ng silya bago hinagkan sa ulo.
Napangiti akong napasunod ng tingin ditong nagtungo sa harapan ko na naupo sa silya nito. Hindi ko maitago ang kilig na nadarama ko habang nakamata sa asawa kong pinaglalagyan ako ng pagkain sa plato ko.
Wala na akong mahihiling pang iba. Dahil heto na. Sinagot na ng Diyos ang panalangin ko. Ang magkaroon ng sarili kong pamilya na aalagaan ko. Bonus pang ang lalakeng nag-iisang inibig ko ang binigay nitong maging asawa ko. Dama ko sa puso ko ang kapanatagan at contentment dahil kasama ko na. . . ang mag-ama ko.
"Kain na, honey. Lalamig 'yan."
Napabalik ang ulirat ko na marinig ito. Saka ko lang napansin na kumakain na pala ito.
"Salamat, honey. Happy birthday," nakangiting saad kong ikinangiti nitong hinaplos ako sa ulo.
"Thank you, hon. How is it?" sagot nito na ang tinutukoy ay ang pagkain.
Napangiti akong tumango-tango habang ngumunguya.
"It's good, honey. Masarap siya," sagot kong lalong ikinalapad ng ngiti nito.
Matapos naming kumain ay nagpatugtog naman ito ng malamyos na musika sa kanyang cellphone. Tumayo ito na nagtungo sa harapan ko at. . . naglahad ng kamay.
"May I have this dance, my beautiful wife?" malambing tanong nitong ikinangiti kong tinanggap ang kamay nitong nakalahad.
"It's my honor to dance with you, my handsome husband," nakangiting sagot ko na yumapos sa batok nito.
Bawat hakbang ng aming mga paa ay para akong lumulukso sa kaulapan. Hindi makapaniwala na sinasayaw ko ang pinakagwapong lalake sa paningin ko na ngayo'y asawa at ama ng anak ko. Ang nag-iisang Doc Cloudy Del Mundo ng buhay ko.
"Thank you for making my birthday extra memorable, honey."
Napalabi ako na nakatingala dito at marahang hinaplos siya sa pisngi.
"Masayang-masaya akong maging bahagi ng kaarawan mo ngayon, honey. Pangako, magmula ngayon ay kasa-kasama mo na akong i-celebrate pa ang mga paparating pang taon ng buhay mo para i-celebrate ang birthday mo," naluluhang saad kong ikinangiti nitong yumuko.
Napapikit akong may ngiti sa mga labing. . . buong pusong tinugon ang masuyong halik nito.
NANGINGITI ako habang pinagmamasdan si Cloud na nahihimbing sa tabi ko. Nakayakap siya sa akin habang haplos pa rin ng kamay ang tyan ko. Gumagalaw na rin kasi si baby. Tuwang-tuwa nga ito sa tuwing gumagalaw ang anak namin na palagi niyang kinukulit kinakamot at hinahaplos. Bagay na gustong-gusto ko at hinahanap-hanap ni baby.
Maingat akong kumalas sa pagkakayakap nito at nagtungo ng banyo para makapag-shower. Gusto ko sanang ipagluto si Cloud ngayong gabi. Palagi na lang kasing ito ang nagluluto para sa amin.
Nang makapagbihis na ako ay nilapitan ko muna itong nahihimbing pa rin. Napangiti akong marahang hinaplos ito sa ulo at inabot na hinagkan sa pisngi.
"I'll be quick, honey. Mabilis lang kami ni baby sa labas," bulong kong pamamaalam dito.
Maingat ang bawat hakbang kong lumabas ng silid namin. May malapit namang grocery store sa tapat nitong condominium namin kaya doon na lamang ako pupunta.
Habang hinihintay kong mag-green ang traffic light ay aksidenteng nahagip ng paningin ko ang pigura ng isang lalake sa 'di kalayuan. Pamilyar kasi ang bulto nito. O baka namamalikmata lang ako lalo na't may kalayuan naman ito sa gawi ko. Isa pa ay ilang buwan na rin ang nakakalipas magmula noong nag-krus ang landas namin sa grocery store din.
Napabalik ang ulirat ko nang nag-green light na ang traffic kaya napasunod ako sa mga kasabayan kong tumawid ng pedestrian lane. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag kung para saan!
Kakaiba ang kaba at takot na nadarama ko habang himas-himas ko ang umbok ng tyan ko. Marahil dahil ngayon lang ako lumabas na hindi kasama si Cloud. Kaya ganto ang kaba ko. Sanay kasi akong kasama ko siya at hawak ang kamay kapag lumalabas ako ng unit. Pero ngayon? Heto at palihim akong lumabas. Sana lang ay tulog pa siya pagdating ko mamaya. Sigurado kasing pagagalitan niya ako kapag malamang lumabas ako na hindi nagpapaalam.
Ingat na ingat si Cloud sa pagbubuntis ko. Kaya minsan ay nagtatampo ako dahil pinaparamdam lang niyang si baby lang ang concerned niya.
HABANG namimili ako ng mga bibilhin ay ramdam kong may mga matang nakatutok sa akin. Napapalinga ako sa paligid pero wala naman akong mahuling nakatingin sa akin.
Napakibit-balikat na lamang akong bumili ng mga sadya ko at may pagmamadaling nagtungo ng cashier. Mahirap ng magising si Cloud na wala pa ako doon.
Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas ko ng grocery store. Naka-cap at facemask pa ako para hindi makilala ng mga tao. Mahirap ng dagsain ako lalo na't wala akong bodyguard na po-protekta sa akin.
Sa pagmamadali kong makabalik ng condo ay para akong nawala sa sarili. Kaagad akong napatawid ng pedestrian lane nang mag-green ang traffic light.
Sa isang kisapmata ay umikot ang paligid ko at namanhid ang katawan na tumilapon sa kalsada ang katawan ko! Nanigas ako na hindi makagalaw kahit gusto kong himasin ang tyan ko!
Tumulo ang luha ko na makita ang mga pinamili kong nagkalat sa harapan ko habang nakahiga sa gitna ng kalsada! Maging ang mga taong natatarantang sumaklolo sa akin ay tila nagi-slow-mo sila sa paningin ko!
Tumulo ang luha ko na maramdaman ang kakaibang pagkirot ng balakang ko at ang mainit na likidong lumabas sa pwerta ko! Pilit kong nilalabanan ang antok ko pero hindi na kaya ng mga mata kong unti-unting napapikit.
NAALIMPUNGATAN ako na namamanhid ang buong katawan. Para akong nasabak sa matinding physical exercise sa sobrang pamimigat ng buong katawan ko.
"Uhmm. . . ." napaungol ako na dahan-dahang nagmulat.
"Charrie, anak? How do you feel?"
Dinig kong malambing tanong ni Mommy Liezel na dumungaw sa akin. Napapapikit ako na unti-unting luminaw ang paningin kong kanina ay nanlalabo pa.
"M-mom. . . ." mahinang sambit ko.
Ngumiti ito na mariing hinagkan ako sa noo habang hinahaplos ako sa ulo.
"S-si Cloud po?" pabulong kong tanong.
Napalunok ito na nag-iwas ng tingin. Natigilan ako na tuluyang nagising ang diwa. Nangangatal ang kamay kong napahaplos sa tyan ko na ikinanlaki ng mga mata ko at nanigas na makapang. . . wala na ang malaking umbok ng tyan ko!
"Ang baby ko!?" gimbal na bulalas kong napaupo!
"Aaahhh!" impit akong napadaing na makadama ng kakaibang kirot particular sa balakang at pwerta ko!
"Oh my God, Charrie! Calm down, sweetie. Mahina pa ang katawan mo!" bulalas ni Mommy na niyakap ako.
Napahagulhol akong ikinalapit ng mga kapatid ko sa akin na bagong gising.
"Charrie."
Panabay nilang pagtawag na bakas ang awa, lungkot at simpatya sa luhaan nilang mga mata.
"N-no. . . binabangungot lang ako. Wake-up, Charrie. Wake-up," paulit-ulit kong anas.
Napapikit ako na patuloy ang pagragasa ng luha. Pero kahit dayahin ko ang isip at puso ko ay dama kong hindi ako nananaginip. Damang-dama ko ang kirot mula sa likuran at pwerta ko. Maging ang pamimigat ng dibdib ko.
"Charrie, nandidito kami. You are not alone, sis." Ani Cathleen na humihikbi.
Umiling-iling akong nanginginig ang katawan aat labi.
"H-hindi. . . panaginip lang ito. . . panaginip lang ito," paulit-ulit kong saad na may kasamang pag-iling.
Para akong sinabuyan ng malamig na tubig na maalala si Cloud! Napagala ako ng paningin at kitang ang pamilya ko lang ang nandidito.
"S-si Cloud po?" kaagad kong tanong na nagpahid ng luha.
Nagkatinginan ang mga ito na hindi makasagot sa aking palipat-lipat ng tingin sa kanila. Napahinga ng malalim si Daddy Cedric na naupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang umiling itong luhaan at pilit ngumiting pinipisil-pisil ang kamay ko. Sa uri pa lang ng kanilang reaksiyon ay nababasa ko na ang kasagutan.
Galit si Cloud sa nangyari.
Napayuko akong napahagulhol na ikinayakap sa akin ni Daddy at Mommy.
"H-hindi. . . hindi ko kayang mawala ang mag-ama ko sa akin. H-hindi ko kaya. . . h-hindi," nanginginig ang boses kong saad.
"We're here, anak. Kaming pamilya mo ang sandigan mo. Hindi ka nag-iisa," ani Daddy na hinahagod ang likod ko.
"I want to see him. I want to talk to him. Explain him my side," pakiusap kong ikinailing lang ng mga ito.
Lalo akong napahagulhol na parang sinasaksak sa puso sa mga nangyayari.
"Hwag na muna ngayon, anak. Galit na galit pa rin si Cloud. Kahit kami ay hindi namin siya makausap," ani Mommy na nakasapo sa pisngi ko at marahang pinahid ang luha ko.
Napalapat ako ng labing napailing. Patuloy sa pagragasa ang luha ko. Mas gugustuhin ko pang mawala na rin kaysa mabuhay na wala na sa akin ang mag-ama ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mag-isa.
TULALA AKO na nakamata sa glass wall nitong silid. Wala akong ganang kumain maski ano. Hindi naman ako mapilit ng pamilya ko. Gusto kong makita si Cloud pero. . . ayaw niya raw akong makita.
Naiintindihan ko na galit siya. Kasalanan ko naman kaya nawala ang anak namin. Ako ang dapat sisihin sa nangyari. Kung hindi ako nagpadalos-dalos? Masaya pa sana kami at nasa sinapupunan ko pa rin si baby.
Pero hindi. Dahil sa kagustuhan at katigasan ng ulo ko ay napahamak ako. At nawala sa amin. . . ang anak namin ng mahal ko.
Lumipas ang dalawang linggo at nakalabas na ako ng hospital. Pero sa loob ng dalawang linggong 'yon? Walang Cloud ang nagpakita. Kahit ang sumaglit manlang. Tanging sina Tatay Moon, Rain at Kuya Typhoon lang ang dumadalaw sa akin.
Sa mansion din ako tumuloy dahil pinadala doon ni Cloud ang mga gamit ko. Expected ko na iyon. Na hihiwalayan niya ako sa nangyari. Pero nadudurog pa rin ako. Hinang-hina abg katawan, puso at utak ko sa mga nangyayari. Gusto ko mang maayos ang lahat sa amin ni Cloud? Wala na akong magagawa.
Siguro palalamigin ko na lang muna ang sitwasyon. Galit na galit pa siya ngayon. Palipasin ko na muna ang galit niya. Bago ako lalapit at aayusin ang pagsasama naming dalawa. Hindi ako makakapayag maghiwalay kami. Nawala na ang anak ko. Hindi ko hahayang pati ang asawa ko. . . ay mawala ko.