Dado’s POV
Nakatitig ako sa mga gamit ko sa harap ng maliit na mesa. Karamihan dito ay luma na, pero alam kong mapagkakatiwalaan ko pa rin sila. Ilang taon na akong nagtatrabaho bilang karpintero at sa bawat paghaplos ko sa mga gamit na ito, pakiramdam ko, kasama ko sila sa bawat proyekto, sa bawat pagbuo ng mga bagay na pinapagawa sa akin. Sa bawat martilyo, sa bawat lagare, may mga istoryang hindi pa natatapos.
Sinimulan kong kunin ang martilyo. Matagal na itong nasanay sa bigat ng aking kamay. May mga gasgas na ang kahoy na hawakan nito, at may mga bakas na ng kalawang sa bakal na ulo, pero hindi iyon mahalaga. Mas mahalaga sa akin ang katotohanang kahit ilang beses na itong bumagsak sa iba’t ibang uri ng kahoy, hindi pa rin nito ako binibigo. Ipinatong ko ito sa ibabaw ng lumang kahon, malapit sa lagaring may ngipin na kinakalawang na rin. Kailangan ko na talaga itong patalasin, pero wala nang oras. Baka sa susunod na araw na lang.
Pinunasan ko ang isa pang paborito kong gamit—ang pang-ipit o clamp. Isang beses ko na itong napulot sa isang patapon na tambakan sa may kanto nitong street namin. Naaalala ko pa kung paano ko ito inayos, nilinis, at ginamit muli. Para bang biglang may silbi ulit ang lumang bakal na akala ng iba ay wala nang kwenta. Kaya nga siguro nahihilig akong magtrabaho bilang karpintero—walang anumang bagay ang hindi na puwedeng ayusin o muling buhayin. Katulad ng clamp na ito, may bagong gamit at bagong simula ang bawat bagay na hinahawakan ng mga kamay ko.
Napangiti ako habang tinitingnan ang mga turnilyo at pako na nakahalo-halo sa isang garapon. Pinulot ko ang ilang piraso, pinaglalaruan sa pagitan ng mga daliri ko. Nakikita ko na ang sarili kong muling bumubuo ng mga bagay mula sa kahoy, na parang may kakaibang mahika ang bawat pagpatak ng martilyo sa ulo ng pako. Sa bawat pagbagsak nito, may tunog na nagbibigay ng aliw sa akin—mga tunog na nagsasabing may ginagawa akong tama, may hinuhubog akong bago.
Napatingin ako sa lumang tool belt na nakasabit sa gilid ng lamesa. Sinuot ko ito at parang bumalik sa akin ang lahat ng oras na kasama ko ito sa trabaho. Minsan, halos hindi ko na maramdaman ang bigat nito, pero alam kong nandiyan siya, nakaakbay sa baywang ko, parang kasangga sa bawat hamon ng araw. Sinuot ko ito, at naramdaman ko ang bigat ng mga kagamitan, ngunit kasama rin doon ang bigat ng mga alaala—mga araw na may nasaktan akong daliri, mga gabing pinuyat ako ng pagtapos ng proyekto, at mga umagang ramdam ko ang bawat sakit ng likod ko. Pero kasabay din ng lahat ng iyon, ang saya at ginhawa sa bawat natatapos kong trabaho.
Ilang linggo akong natahimik sa pagiging karpintero, naanlig kasi ako masyado sa sikretong trabaho ko, ‘yon na nga ang pagpapahawak ko ng ari ko sa mga tao at ang pagbibigay aliw sa kanila kapalit ng pera. Pera na nakakatulong naman sa akin para mabuhay ako at maka-survive sa araw-araw.
Pero ngayong magkakaroon na ulit ako ng pangmatagalan ng trabaho bilang karpintero, sa tingin ko ay kailangan ko na ulit kilalanin at mahalin ang mga gamit kong ‘to.
Huminga ako ng malalim at sinuri ang toolbox. Dito nakatago ang mga maseselan kong gamit—ang maliit na screwdriver, measuring tape, at leveler. Lahat ng ito ay may kanya-kanyang kuwento. Ang leveler, regalo pa ito ni Onse, ang kaibigan kong karpintero rin, bigay niya sa akin ‘to noong unang sabak ko sa trabaho. Namatay na siya, pero tuwing ginagamit ko ito, parang nariyan pa rin siya, nakatayo sa tabi ko, binabantayan kung tama ang pagkakahilig ng bawat piraso ng kahoy. Sa totoo lang, siya ang nagturo sa akin ng mga bagay-bagay na patungkol sa mga gawain ng isang karpintero. Siya rin ang dahilan kaya naging magaling ako sa pagiging karpintero.
Isa-isa kong inayos ang mga kagamitan. Pinaikot-ikot ko pa ang measuring tape para siguradong hindi ito sumabit kapag hinila. Napakahalaga sa akin ng eksaktong sukat—sa karpintero, ang bawat milimetro ay mahalaga. Isang maling sukat at maaaring hindi na magtugma ang buong piraso ng kahoy. Kaya siguro nahilig ako sa trabahong ito, kahit na minsan ay pasakit—dahil may disiplina, may hirap, pero may ganda kapag natapos na.
Lumabas ako ng bahay, bitbit ang toolbox at ang ibang gamit na hindi na kasya. Pinihit ko ang doorknob nang dahan-dahan, naramdaman ko ang gaspang ng bakal at ang tunog ng pamilyar na ingay ng pintuan. Kailangan ko na rin pala itong ayusin. Isa pa sa mga listahan ng mga kailangan kong asikasuhin pag-uwi ko.
Nang makarating ako sa labas, natamaan ako ng sikat ng araw. Ramdam ko ang init sa balat, pero mas ramdam ko ang tuwa na muli akong babalik sa trabaho. Matagal din akong natigil dahil sa mga kabundulan ko sa buhay. Minsan, may proyekto, minsan wala. Pero ngayon, alam kong magsisimula ulit ako at alam kong magtatagal ako doon kasi malaking farm ang paggagawaan ko.
Sumakay ako sa tricycle, at habang bumabagtas kami sa kalsada, iniisip ko ang gagawin ko sa unang araw na ito ng balik-trabaho. Bawat kalansing ng toolbox, bawat alog ng tricycle ay tila nagpapaalala sa akin kung bakit ko mahal ang trabaho ko.
Ilang minuto pa, at narating ko na ang bagong bukas na farm na pagtatrabahuhan ko. Binati ako ng mga kasama kong karpintero. Kaway dito, kaway doon. Iba’t iba ang kwento ng bawat isa—kung paano kinaya ang walang trabaho, ang pangungulit ng asawa’t anak, at kung paano iniinda ang bawat sakit ng katawan na hindi nawawala. Pero ngayong nandito kami, alam kong pare-pareho kami ng pakiramdam—masarap sa pakiramdam na may ginagawa ulit, may halaga ulit.
“Dado, nababalitaan kita sa baryo ninyo,” sabi sa akin ng isang binatang gaya ko. Hindi ko siya kilala pero siguro dahil matunog na rin ang pangalan ko, hindi na ako magtataka.
“Ano naman ang nababalitaan mo tungkol sa akin?” tanong ko sa kaniya.
“Na nagbibigay-aliw ka raw sa mga kababaihan at kabaklaan para sa pera. Totoo bang pinapalaro o pinapahawak mo ‘yang titë mo para sa pera?”
Ngumiti na lang ako kasi wala naman dapat ikahiya kasi matagal ko na rin ginagawa ‘to.
“Oo, no choice. Kapag walang trabaho, kailangang dumiskarte,” sagot ko na lang.
“Sabagay, hindi rin kita masisisi. Ako nga, kapag walang trabaho, tinutungayaw ako ng mama ko. Palagi akong nasasabihang palamunin sa bahay kapag wala akong trabaho. Kaya para matigil siya, heto, namasukan na ako. Mabuti na lang at nabalitaan ko ang tungkol dito sa bagong farm na bubuksan dito sa baryo ninyo. Bukod doon, maganda pa ang amo natin. Excited na nga akong makita si Miss Fia,” sabi pa niya kaya napangiti ako.
“M-maganda? Dalaga pa ba siya? O baka naman may boyfriend na?” tanong ko tuloy. Naaalala ko tuloy ang sabi ni Tisoy.
“Single pa raw, pero hindi ko rin sure. Basta, kanina pa ako nag-aabang. Gusto ko na siyang makita. Ang ganda-ganda raw kasi nun,” sabi pa niya kaya gaya niya, nag-abang na lang din ako.
Maya maya pa ay may dumating nang magandang sasakyan. At alam namin na siya na ‘to kaya napatayo tuloy ako mula sa pagkaka-upo dito sa malaking bato.
Heto na, makikita ko na siya. Makikita ko na kung totoo bang maganda siya.
Eh, kung maganda nga? Anong gagawin ko? Lalandiin ko rin ba? Eh, ang tanong, magpalandi kaya siya? Pumatol kaya siya sa isang karpintero lang?