Chapter 4

1332 Words
Dado’s POV Dumaan ang sasakyan niya at nilagpasan kami para makapag-park siya sa may pinakaloob ng farm. Kaya naman sumunod na rin kami sa kaniya papasok sa loob. Lahat ay marahan ang paglalakad kasi alam namin na wala namang masyado pang gagawin ngayong araw. Naisip ko na baka maggigiba lang kami ng mga lumang bahay na nakatayo rito o kundi naman ay baka maglinis lang muna ng mga walang kuwetang puno, halaman at mga damo. Ganoon naman talaga palagi sa umpisa kapag wala pang itatayo. Paglapit namin sa kotse ay wala na roon ang sinasabi nilang magiging amo naming maganda na si Miss Fia Monteverde. Pumasok agad ito sa naka-ready na tent na may aircon. Iyon muna ang magiging office o tambayan nitong amo namin habang wala pang natatayong kahit anong bahay o kubo na puwede niyang pag-stay-an kapag nandito siya. “Nasaan na siya?” tanong ko kay Henjie. Ang kagaya kong binata rin na karpintero dito. “Kausap na siguro siya ni Kuya Toper, ang project manager natin,” sagot niya. Hinila ko tuloy si Henjie malayo sa mga kasamahan namin. Nagtaka naman siya. Akala niya kung ano ang gagawin ko. “Kilala mo ba o ka-close mo ba ang construction manager natin?” tanong ko sa kaniya. “Si Kuya Toper ba?” Tumango ako. “Hindi kasi ako pamilyar sa pangalan niya. Alam mo na, kailangan din kasi nating maging masipsip sa may matataas na posisyon para magtagal tayo rito,” sabi ko pa sa kaniya. Minsan kasi, kulang pa rin kahit magaling ka sa trabaho mo. Sipsipan at siraan ang galawan ng ibang tao. At marami na akong naranasang ganiyan. Hindi ubra ‘yung palaging mabait ka lang. Hindi ubra na palagi ka lang nagiging tanga. Dapat makigaya na rin ako sa mga kawalangyaan nila. Aminado na rin kasi ako sa sarali ko na kung minsan, talo ng walangya ang mabait. At madalas noon ay mabait ako kaya palagi akong nasisipa. Talo ng sipsip, maninira ang magaling. Patawarin na ako ng nasa itaas pero hindi na ako papayag ngayon na mangyari pa ‘yon. Ngayon, hindi na lang ako magaling, maninira at magiging sipsip na rin ako kung kinakailangan. “Hindi ko kakilala rin e, narinig ko lang din sa iba ang pangalan niya kanina nung batiin siya ng iba. Pero sana mabait naman siya,” sagot na lang ni Henjie. Akala ko pa naman kakilala niya. Wala rin palang silbi ang paghila ko sa kaniya sa malayo. Bumalik na kami nung tawagin na kami ng aming site engineer. “Boys, bago ang lahat, gusto ko munang magpakilala. Ako si Miguel Fuentes, pero tawagin niyo na lang akong Sir Meg at ako ang inyong Site ingineer. Today, ang gagawin natin ay ang mag-site clearing na. Kaya, maaari na kayong mag-umpisa ngayon din,” sabi niya kaya sabay-sabay na kaming gumalaw. Tinabi na muna namin ni Henjie sa isang tabi ang mga gamit namin. Sa laki ng farm na ‘to, hinati na rin kami sa ilang grupo para may mga grupo sa iba’t ibang bahagi ng farm. Dito kami napunta nila Henjie malapit sa may tent ng amo namin. Kaya anumang oras ay maaari agad naming makita ang itsura niya. Iyon kasi talaga ang inaabangan ko ngayong araw. “Ayos ka, Dado, ah. Easy lang sa ‘yo ang pag bubuhat ng mga bago,” puri sa akin ng isang matandang ka-grupo namin. Nag-uumpisa nang maging mapagmat’yag ang iba. “Pati nga sa pagbunot ng puno, easy lang din sa kaniya,” sabi naman ng isa ring kasama namin. At sa tingi ko nag-uumpisa na rin silang kumilala. “Malaki kasi ang katawan, kaya talagang malakas itong bago kong tropa,” singit naman ni Henjie na parang pinagmamalaki ako. Okay, ituturing ko na rin na isa na sa mga kaibigan ko dito itong si Henjie. “Salamat po, salamat,” sabi ko na lang habang patuloy na nagbubuhat ng mga bato sa isang lugar na paglalagyan namin ng mga kalat. Ako na kasi ang nagkusang gumawa ng gawain na ‘yon. Napansin ko kasi na mapapayat at may edad na itong mga ka-group ko. Si Henjie naman patpatin din ang katawan kaya wala ring aasahan. Ang lalaki pa naman nung mga batong nahuhukay at nakukuha namin. Lalo na ‘yung mga katawan ng puno ng pinuputol namin. Makalipas ang halos dalawang oras, tagaktak na ang pawis ko kaya naisipan kong magtanggal na ng suot kong pang-itaas. Mas presko kasing magtrabaho kapag walang suot na pang-itaas. “Woah, pahawak ka niyan, ang laki at ang tigas ah!” pambu-buwisit na naman ni Henjie. Talagang hinawakan pa niya ang abs at dibdib ko. “Ikaw, maghukay-hukay ka na nga lang ng mga bato diyan. Ang dami mong laro kaysa magtrabaho,” sita ko sa kaniya. “Kapag nakita ni Miss Fia ang ganda ng katawan mo, baka mapansin ka niya agad,” tukso pa niya kaya napangisi naman ko. Sana nga. Habang buhat ang mga matatabang katawan ng punong pinutol namin ay saktong nalaglag ko ang isang kahoy sa may tapat ng tent ng amo namin. Maya maya, bigla siyang napalabas nung inakala niyang naaksidente ako. Ang lakas kasi nang pagkakabagsak ng kahoy sa lupa. “O-okay ka lang? Nasaktan ka ba?” Muntik ko nang malaglag din ang iba ko pang hawak na kahoy ng puno nung makita kong halos parang umiilaw ang kulay ng balat niya nang tapatan siya ng sinag ng araw. Ano ba ‘to, tao ba ito, fairy o anghel? Anghel, parang may anghel na bumaba sa lupa. Kahit nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin ay sobrang ganda niya pa rin. Ang katawan, parang bote ng softdrinks. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya sa suot niyang puting dress. Yung mukha niya, iyon ang pinaka magandang parte sa lahat ng katawan niya. Napakaganda niya, sobra. “Hey, sabi ko okay ka lang ba?” tanong niya ulit habang kumakay-kaway pa sa akin. Doon lang ako nahimasmasan nang lapitan ako ni Henjie. “Opo, Miss Fia, nalaglag lang naman po ang isang kahoy na buhat niya. Pasensya na po, natameme lang po siguro siya sa ganda niyo,” sabi ni Henjie kaya nakita kong napangiti ito. Siraulo talaga ang isang ‘to. “Kayo talaga. Sige na, bumalik na kayo sa trabaho niyo,” sabi niya at saka na ito pumasok ulit sa loob ng tent niya. Kahit wala na si Miss Fia, tulala pa rin ako. “Huy, wala na. Ano, para kang nanuno sa punso ah. Ang ganda kasi ‘no?” “Sobra, Henjie. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong kagandang babae sa buong buhay ko,” sagot ko sa kaniya habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. “Pahawak nga, parang tinigasan ka rin e,” sabi niya sabay dakma sa ari ko. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya. “Tang-ina, tama nga ako, naninigas nga ang titë mo, Dado. Gago ka!” sabi pa niya kaya nahiya ako. “Siraulo ka talaga! Itikom mo nga ‘yang bibig mo, baka mamaya marinig ka niya!” sigaw ko sa kaniya. “Gago, ang laki pala talaga ng titë mo,” panunukso pa niya. “Kapag nahuli kita sisipain ko ang mukha mo!” sabi ko pa kaya nagtatakbo na siya palayo sa akin. Napapailing na lang tuloy ako. Pagdala ko ng mga kahoy sa tambakan namin, nahinto ako roon at saka ulit tumingin sa may tent. Na-love at first sight ata ako doon. Tama si Tisoy. Tama siya. Ngayon na lang ako tinigasan kahit mukha lang ang tinignan ko sa kaniya. Naisip ko kung ano kaya ang pakiramdam nang kasama sa isang kama ang isang Fia Monteverde? Putcha, feeling ko, kaya ko ang tatlong round sa isang oras lang. Mataas man sa pangarap na matikman at malandi ang gaya niya, pero alam kong sobrang imposibleng mangyari. Ang gaya niyang sobrang gandang babae ay baka hanggang pagpapantasya lang ang kaya ko. Mapapa-jạkol ako nito mamaya pag-uwi sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD