Fia’s POV
“Aba, ngayon ko na lang nakita ulit na gumising ka ng maaga, anak, ah!” bungad na sabi sa akin ni Yaya Sonia.
Ngumiti ako at pinakita sa kaniya na kinikilig ako. “Naku, wala ka kasi kagabi. Umuwi ka raw po sa inyo kaya hindi niyo po nabalitaan ang good news,” sagot ko naman agad sa kaniya habang nakayakap ako sa isang braso niya.
“At ano ‘yon?” atat naman niyang tanong.
“Yung sarado at nag-iisang malapit na farm namin kasi dito sa Baryo Donza ay binigay na sa akin ni mama at papa nang tuluyan. Ibig sabihin po ay tuloy na ang pangarap kong magkaroon ng farm na gagawin kong farm ng mga iba’t ibang bulaklak.”
Niyakap ako ni Yaya Sonia at saka kami nagtatalon. Alam niya kasi na matagal ko na itong gusto. At dahil naka-graduate na ako ng college, sa wakas ay tinupad na ng parents ko ang hinihiling ko sa kanila. Ako kasi, mahilig talaga ako sa mga bulaklak. Lahat ng klaseng bulaklak sa buong mundo ay inaalam ko talaga. Kahit ‘yung mga rare at ‘yung mga exotic. Basta, sobrang love na love ko ang mga bulaklak.
“Sa tingin ko, parang magiging farm girl na tayo nitong mga susunod na linggon o buwan,” masayang sabi ni Yaya Sonia.
Si Yaya Sonia, bata palang ako ay inaalagaan na niya ako. Parang second mama ko na rin siya. Kaya nga anak na ang tawag niya sa akin. Pero, tinatawag niya lang ‘yon kapag kaming dalawa lang. Pero kapag nasa malapit sina mama at papa, Miss Fia ang tawag niya sa akin. Malaki kasi ang takot niya kay mama, lalo na kay papa. Ang parents ko kasi ay madalas may topak. Madalas galit, lalo na kapag may mga staff kami na pamali-mali at palpak palagi ang trabaho. Pero, mabait naman sila all the time. May mga oras lang talaga na wala sila sa mood. Iyon ay kapag may problema sa business namin.
Mag-isa na lang muna akong pumunta sa magiging flower farm ko. Si Yaya hindi ko na muna pinasama kasi sisilip lang naman ako. Pagdating ko dito sa magiging farm ko, nagulat ako kasi malaki pala siya. Hindi lang mga bulaklak ang puwede kong ipatanim. Puwede rin akong magtanim ng mga puno ng buko at iba’t ibang puno para maging malilim din dito pagdating ng araw. Gusto ko ring magkaroon ng maliit na bahay para kapag gusto kong mag-stay dito, pupuwede kasi may tutulugan ako.
Ngayong araw ay nag-hire na ako ng mga taong maglilinis. Pinapatabas ko na ‘yung mga ligaw na damot at mga puno ng wala namang silbi dito. Nagsama na rin ako ng mga taong kailangan ko para mag-plano sa gusto kong mangyari. Habang umiikot kami sa farm ko, isa-isa na silang nagpaplano. Sila na ang hinayaan kong mag-suggest ng gusto nilang mangyari kasi sila ang maalam. Parang, ako na lang siguro ang mag-iiba kapag may gusto akong ipabago o ipadagdag
**
Pag-uwi ko sa mansiyon, agad kong kinausap si mama. “Kumusta, handa na ba ang lahat?” tanong niya sa akin tungkol sa farm ko.
“Yes po, bale mga karpintero na lang ang hinahanap nila kasi gusto kong makapagtayo na agad sila ng mga kubo at maliit na bahay doon. Para makapag-stay na rin ako doon habang ginagawa na at pinapaganda ang farm ko,” sagot ko sa kaniya.
“Ay, teka. May kilala akong sikat na magaling na karpintero dito sa baryo natin. Siya ang madalas na karpintero sa mga bahay na pinapagawa ng mga kumare ko. Kung hindi ako nagkakamali ay Dado ang name niya. Subukan natin siya. Siya na lang ang isa sa karpinteto na I-hire mo, patatawag ko siya,” suggest ni mama kaya sumang-ayon na lang ako.
“Sige po, mama. Alam ko naman na magaling kayong magsa-suggest,” puri ko sa kaniya kaya lalo siyang napangiti.
“Ay, naku, halatang sumaya ka sa regalo namin sa iyo ng papa mo. Sana, mapalago mo ang gagawin mong negosyo doon. At sana, makabuhay ka ng iba’t ibang bulaklak na gusto mong itanim doon.”
Niyakap ko si mama. “Opo, gagawin ko ang lahat para maging successful ang farm na ‘yon. Sisiguraduhin kong magigingg famous sa baryo natin ang flower farm ko,” pagmamalaki ko agad sa kaniya.
Pagkatapos naming mag-usap, pumunta na muna ako sa kuwarto ko para maligo. Nainitan kasi ako kanina sa farm dahil sa pag-iikot doon. Nahanda na ni Yaya Sonia ang bathtub kaya magbababad nalang ako doon.
Habang nagbababad ako at nakahiga sa bathtub, naisipan kong tawagan si Bethy. Ang friend kong may-ari ng sikat na nail-art-an dito sa Baryo Donza.
“Ay, iba, pa-chill-chill lang ang sis ko,” bungad niyang bati sa akin habang busy siya sa pamimili. Nasa mall siya ngayon. “Anong atin? Bakit napatawag ka ata?” tanong na rin niya.
“Yung gumawa ng nair art office mo, Dado ba na name nun?” tanong ko agad sa kaniya. Natatandaan ko kasi na may nakuwento siya sa akin noon. Na ang Dado na ‘yon ay sobrang pogi at sobrang hot. Bukod doon ay malandi rin daw.
“Oo, siya nga. B-bakit, crush mo na ba siya?”
Umirap ako. “Gaga, si mama kasi, si Dado ang isa sa iha-hire na karpintero sa farm ko,” sagot ko agad sa kaniya.
“F-farm? T-teka, kailan ka pa nagkaroon ng farm?” Inaasahang kong magugulat siya.
“Sis, oo, magkakaroon na ako ng farm. Binigay na sa akin nila mama at papa ang malaking lupa ng farm namin dito sa Baryo Donza. Kaya ngayon din, pina-uumpisahan ko na ang pagpapagawa. At isa na nga si Dado sa magiging karpintero sa farm ko.”
“Oy, s**t, parang gusto kong gumala sa farm mo kapag gumagawa na si Dado,” sabi naman agad niya kaya napakunot ang noo ko.
“At bakit naman? Baliw ka ba? Huwag mong sabihin trip mo si Dado?” tanong ko. Naiintriga na tuloy ako lalo sa itsura ng lalaking ‘yon. Si Bethy kasi, pagdating sa lalaki ay sobrang dalang lang kumirengkeng. At kapag naglulumandi siya, alam kong pogi at hot talaga ito.
“Sis, alam mo ba kapag gumagawa ‘yang si Dado, topless siya palagi. Sobrang hot, lalo na kapag pawisan ang katawan niya. Minsan ngayon, naka-boxer lang siya kapag nagpupukpok ng martilyo. Basta, sobrang hot at sobrang pogi!”
Napapangisi na lang tuloy ako sa mga sinasabi nitong si Bethy. Dahil sa kalandian niya, lalo tuloy akong naiintrigang ma-meet na ang Dado na ‘yon. Pumasa kaya rin siya sa taste ko?
Hmmmm…..