Chapter 17

1218 Words
Dado’s POV  “Fia na lang. Wala nang Ma’am,” sa wakas ay sagot niya. May biglang init na bumalot sa loob ng bahay ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kape o dahil sa sinabi niya. Tinangka kong mag-isip ng ibang bagay para hindi mahalata ang kalituhan ko. Inisip ko na lang ‘yung mga tools na binigay niya. Nakatitig pa rin ako sa kahon habang hindi makapaniwalang binigyan niya ako ng ganito. “Alam mo, Fia,” nahirapan pa rin akong banggitin ‘yung pangalan niya, “sobrang laking bagay ng mga tools na ‘to. Hindi ko alam kung paano ko makakabawi sa ‘yo.” “Sabi ko naman sa ‘yo, wala ‘yun,” sagot niya habang iniikot ang tasa ng kape sa kamay niya. “Gusto ko lang na maginhawa ka sa trabaho mo. At saka... gusto ko ring makatulong kahit papaano.” “Bakit po?” tanong ko bago ko napigilang lumabas ‘yung sasabihin ko. Nagulat ako sa tanong ko. Hindi ko naman talaga planong magtanong ng gano’n, pero nangyari na. “I mean... bakit niyo ako tinutulungan nang ganito?” Napatigil si Fia na parang iniisip kung paano niya ako sasagutin. Tapos, huminga siya nang malalim na parang kinakabahan din. “Dado... kasi gusto kitang pasalamatan sa ginawa mo kahapon. Kasi kung wala ka, baka bumabaha na sa kuwarto ko Iba ka, Dado. Hindi ka lang basta mahusay sa trabaho... mabait ka rin.” Narinig ko na ‘yon dati—’yung pagiging mabait ko. Pero nung manggaling sa kaniya, parang may ibang kiliti. Hindi ko alam kung dahil ba sa paraan ng pagkakasabi niya o dahil sa kung paano tumitig ang mga mata niya sa akin habang sinasabi ‘yon. “Salamat po, Fia.” Hindi ko na rin napigilang ibaba ang pormalidad ko. Ramdam kong iba na ang tono ng usapan namin. Tumingin ulit siya sa akin, tapos ngumiti nang bahagya. “Wala yun. Pero... gusto ko sanang itanong sa’yo. Baka... puwedeng samahan mo rin ako mamaya? Gusto ko kasing makabili pa ng iba pang gamit para sa’yo, tapos... baka puwede tayong mag-dinner after work.” Nagulat ako. Hindi ko in-expect na mag-aalok siyang magkasama kami mamayang kumain. May isang parte ng isip ko na nagsasabing hindi ito magandang ideya—tauhan niya lang ako. Pero mas malakas ‘yung isa pang parte—ang damdaming gusto ko siyang makasama, gusto ko siyang makilala pa. “Sige, Fia. Libre naman ako mamaya, ano? Ano po’ng oras?” Kinapalan ko na ang mukha ko. Kasi umaasa ako na baka may iba siyang pinapahiwatig. Na baka trip din niya ako, hindi lang niya maamin. “Naku, kahit kailan. Tapos, siguro... hindi lang tayo dapat pumunta para bumili ng mga gamit mo. Gusto ko rin naman... mag-relax kasama ka.” Lalo akong natameme nang sabihin niyang gusto niya akong makasama at mag-relax. Saan? Sa motel ba? Sa hotel ba? Tang-ina, ito na ata ‘yung pinapangarap kong mangyari. Matutupad na ata. Nagpatuloy ang usapan namin hanggang sa maubos ang kape at pandesal. Unti-unti nang nawawala ang kaba ko at napapalitan ng kakaibang excitement. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Miss Fia sa araw na ito, pero isang bagay ang sigurado—ibang araw ito kaysa sa mga nakasanayan ko. At kahit papaano, ramdam ko na may mas malalim na dahilan kung bakit siya narito. Nang matapos ang almusal, tumayo na si Miss Fia at inayos ang kanyang mga gamit. “Sige, Dado, aalis na ako. Magkita na lang tayo sa farm. Ikaw na bahala dito ha? Kailangan ko lang mag-ayos sandali sa bahay,” paalam niya kaya tumango at ngumiti ako. “Sige po, Miss Fia. Ingat kayo sa daan. Salamat po ulit sa regalo ninyo.” Ngumiti siya bago lumabas ng bahay ko. Naiwan akong nakatayo sa pinto, sinusundan ng tingin ang papalayong kotse niya. Napansin ko ang t***k ng puso ko—hindi normal, parang mas mabilis kaysa sa dati. Napailing ako. “Ano ba ‘tong nangyayari?” tanong ko sa sarili ko. PAGKAKITA ko kay Miss Fia sa farm, magaan na ang aura niya. Nakasuot siya ng mas casual na damit, mas bagay sa kaniya ang ganoon lang. Sabagay, kahit ano namang suot niya ay bagay na bagay sa kaniya. Napagkitang gilas ako lalo sa trabaho ko. Pansin nga ako ni Henjie na masaya at ngiti nang ngiti. Ang sabi niya, parang inlove daw ako. Hindi ko na lang pinansin. Mas pinansin ko ‘yung pabalik-balik nang daan si Miss Fia sa gawi nang ginagawa kong kubo. Kung minsan naman ay lalapit siya para tignan ang ginagawa ko. Ang dami niyang puri rin sa akin. Halatang-halata na nagpapapansin sa akin. “Birthday ni nanay, punta ka sa bahay mamaya, inom tayo,” aya sa akin ni Henjie. “Thank you na lang. May iba akong lakad mamaya, e,” agad kong sagot sa kaniya. Nagmaktol ang gago. “Nakakainis, minsan na lang mag-aya, hindi pa napagbigyan,” sagot naman niya habang matilim ang tingin sa akin. “Babawi ako, mahalaga ang lakad ko mamaya, e,” sagot ko. “Kahit sumunod ka na lang? Kahit late ka na dumating,” pagpupumilit pa niya. “Oh, sige, kung aabot. Basta, hindi ko maipapangakong makakasunod ako, hindi ko kasi alam kung anong oras ako makakauwi.” “Oh, basta, aasahan kita. Hihintayin kita, pare,” sabi niya kaya tumango na lang ako para matigil siya. May lumapit na isang katrabaho namin-sa akin. “Dado, gusto ka raw makausap ni Manong Mario,” sabi nito sa akin. “Bakit kaya? Ano kayang kailangan sa ‘yo ng foreman natin?” tanong ni Henjie sa akin. “Hindi ko rin alam, e. Sandali lang, pupuntahan ko lang siya saglit,” paalam ko sa mga kasama kong gumagawa ng mga kubo. Naglakad na ako papunta kay Manong Mario na malayo palang ay nakatingin na agad sa akin. “Oh, Dado, ang sikat at magaling na karpintero ng Baryo Donza,” bungad niyang bati sa akin habang nakangiti. Inakbayan pa ako nito kaya nagtaka agad ako. “Gusto niyo raw akong makausap?” tanong ko agad. “Ah, oo, gusto kasing ipasabi sa ‘yo si Sir Toper na maaga kang umuwi. May lakad daw kasi kayo ng amo natin. May ipapatulong daw siya sa ‘yo about sa ginagawa niya sa kuwarto niya,” sabi ni Manong Mario kaya napangisi na lang ako. Mukhang gumawa ng ibang dahilan si Miss Fia para mapag-paalam ako sa kanila. “Ah, opo, natanggap ko na rin ang messagge ni Ma’am Fia,” sabi ko na lang. “Alas kuwarto ng hapon ay puwede ka nang umuwi. Alas singko kasi aalis na raw kayo para bumuli ng mga gamit na gagamitin sa ipapagawa niya sa ‘yo,” sabi pa niya kaya panay lang ang tango ko. Pagkatapos ko siyang kausapin, natatawa na lang ako kasi para kaming magsyota ni Miss Fia na gumagawa pa talaga ng kuwento para makatakas sa trabaho. Mukhang talagang trip ako ni Miss Fia. Mukhang malapit na malapit na akong makatikim ng imported na tahong. Mukha pa namang masarap ‘tong crush na crush kong si Miss Fia. Lagot siya sa akin kapag nilandi niya ako. Talaga namang ipaparamdam ko sa kaniya ang malupit kong kasta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD