Chapter 18

1115 Words
Dado’s POV Nag-ring ang cellphone ko habang binubuhat ko ang mga paso gawa nang bumagyo ng ilang araw. Maaga kasi akong pinauwi sa trabaho kaya nagkaroon ako ng time para asikasuhin ‘to. Tinignan ko ang cellphone ko. Si Miss Fia ang tumatawag. Pinunasan ko ang pawis sa noo bago sinagot ang tawag niya. “Hello, Miss Fia?” bati ko habang medyo hinihingal pa. “Gagayak na po ba ako?” “Yes, Dado,” sagot niya sa kabilang linya habang matamis ang boses. “Magdadala ako ng sasakyan, dadaanan kita diyan pagkalipas ng kalahating-oras,” sabi pa niya. “Sige po, Miss Fia. Gagayak na po ako ngayong agad.” “Okay, see you later,” sagot niya at saka binaba ang linya niya. Nagkumarat ako sa pagpasok sa loob ng bahay ko. Tumuloy agad ako sa banyo para maligong mabuti. Nag-shampoo akong mabuti at nagsabon para mabango ako. Pagkatapos, naghanap ako ng maayos na damit. Gumamit din ako ng pabango. Sa harap ng salamin, nagsuklat ako at saka ko inayos ang buhok para poging-pogi ang itsura ko. Nang alas-singko ng hapon, nasa harap na ng bahay ko si Miss Fia. Pagkarating niya rito, lumabas siya ng kotse, naka-dress na mas maikli at mas simple kaysa sa mga suot niya kapag nasa farm. Pero kahit simpleng damit lang ‘yun, parang ibang aura’ng dala niya. “Ready ka na?” tanong niya nang makita ako. Ngingiti-ngiti lang siya pero may kakaibang ningning sa mga mata niya. “Yes, Miss Fia,” sagot ko habang pilit na pinipigil ang pamumula ng mukha ko. Ibinaba ko agad ang tingin ko pero naramdaman kong pinagmasdan niya ako nang matagal. Sumakay kami sa kotse niya, siya ang driver at nasa tabi niya ako. Tahimik kami sa biyahe, pero sa loob-loob ko, parang may gustong sabihin si Miss Fia. “Kamusta ang trabaho mo, Dado?” tanong niya bigla para mabasag ang katahimikan. “Ayos naman po. Medyo mahirap, pero masaya po ako sa ginagawa ko. Malapit na malapit ko na ring mabuo ‘yung dalawang kubo.” Ngumiti siya. “Nakita ko nga ‘yan. Alam mo, ikaw ang isa sa mga pinakamahusay kong tauhan. Hindi ka nagrereklamo kahit minsan.” Napakamot ako ng ulo, hindi talaga ako sanay sa papuri. “Ganiyan po talaga kapag gustong-gusto mo ang trabaho mo.” “Mabuti naman,” sagot niya. “Pero minsan, dapat mo ring isipin ang sarili mo. Hindi puwedeng trabaho lang nang trabaho.” Pagkarating namin sa hardware store, iniabot niya sa akin ang isang maliit na papel. “Narito ang listahan ng mga gusto kong ibili sa ‘yo,” sabi niya habang nahihiya naman ako. “Ikaw na ang pumili, alam kong alam mo kung ano ang mas kailangan mo.” Kinuha ko ang papel at agad na tumingin-tingin ng mga gamit. Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang presensya ni Miss Fia sa likuran ko. Para siyang bantay, pero hindi ako kinakabahan, medyo kakaiba lang ang pakiramdam na alam kong pinagmamasdan niya ako. Matapos kaming magbayad sa counter, inaya niya akong mag-dinner sa isang restaurant na hindi naman kalayuan. Nasa tabi ng ilog sa may dulo ng kabilang bayan. Ngayon na lang ulit ako nagpunta dito. Dati, madalas ako dito para maligo sa ilog. Habang naghihintay ng order namin, sinimulan na naman niya ang pakikipa-usap sa akin. “Dado, matagal ka na bang nagtatrabaho bilang karpintero?” tanong niya. “Yes, Miss Fia. Bata pa lang po ako, natuto na ako.” “Gano’n ba? Kaya pala ang husay mo,” sagot niya habang nakatingin sa akin na parang may iniisip pa rin na malalim. Hindi ko maiwasan na mapansin ang malambot na tono ng boses niya. “Alam mo, Dado, hindi ko madalas sabihin ‘to, pero... natutuwa ako kapag nakikita kong sobrang sipag mo sa trabaho. Iba ka gumawa at iba ka gumalaw, mabilis at pulido. Hindi ka katulad ng iba.” Napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? May kung anong kakaibang pakiramdam ang gumapang sa akin pero sinubukan kong itago. Iba na ‘yung papuri niya, sobra na. Saka, kung paano niya ako tignan ay parang may pagnanasa rin. “Salamat, Miss Fia. Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko,” sagot ko nang mahina habang pilit na sinasabayan ang bigat ng tingin niya sa akin. “Hindi lang ‘yun, Dado. Hindi lang trabaho ‘to sa’yo. May malasakit ka sa ginagawa mo at ramdam ‘yun ng mga tao sa paligid mo.” Hindi ko alam kung bakit pero sa mga sandaling ‘yun, parang ibang usapan na ‘to. Parang hindi na lang tungkol sa trabaho. Sa bawat salita ni Miss Fia, may kung anong kakaibang tensyon na bumabalot sa pagitan namin. Nagsimula na kaming kumain, pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi niya. Para bang may gustong ipahiwatig si Miss Fia, pero hindi niya diretsahang sinasabi. Ramdam ko sa bawat kilos niya, sa bawat titig niya sa akin. Matapos ang hapunan, sumakay na ulit kami sa kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Pero kahit walang nagsasalita, parang napakabigat ng hangin sa pagitan namin. May kung anong bumabalot sa amin. Nararamdaman ko ‘yung kakaibang init mula sa mga tingin ni Miss Fia sa akin. Hindi kaya may gusto na siya sa akin? Kasi, binigyan na niya ako ng tool box kaninang umaga, tapos binili pa niya ako ng ibang mga gamit. Hindi lang ‘yon, nanlibre pa siya ng dinner. Ano ‘to, siya ba ang nanliligaw sa akin? “T-thank you po, Miss Fia, sa dinner... at sa mga gamit,” pagputol ko sa katahimikan nang makarating kami sa harap ng bahay ko. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang boses ko. Siguro dahil sa... presensya niya? Hindi ako sigurado. “Walang anuman, Dado,” sagot niya habang may lambing ang tono nang pananalita niya. “Basta para sa’yo, walang problema.” Pagkalabas ko ng kotse ay sinundan ko siya ng tingin habang umaandar palayo ang sasakyan niya. Tumigil ako sa harap ng pintuan ng bahay ko, malalim ang iniisip. Anong ibig sabihin ng lahat ng ‘to? Hindi naman ako tanga. Alam ko kapag may kakaiba. At kanina, habang magkasama kami ni Miss Fia, parang may ibang nararamdaman akong hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung tama ang kutob ko, pero ramdam ko na may gusto siyang ipahiwatig na hindi niya kayang sabihin nang diretso. Naglakad ako papasok sa bahay pero hindi maalis sa isip ko ang mga titig ni Miss Fia. Siguro nga nag-iilusyon lang ako. Pero kung totoo man ang nararamdaman ko, ano kaya ang ibig sabihin nang paglabas namin ngayong gabi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD