Chapter 16

1099 Words
Dado’s POV  Tahimik na ang paligid nung magising ko. Mukhang aaraw na kaya may pasok na rin ngayong araw. Maaga akong gumising para gumayak. Sumulip ako sa labas, nandoon na ang pandesal na palagi kong order tuwing umaga. Kinuha ko na ‘to at saka pinasok sa loob. Pagkagising, naliligo muna ako bago mag-almusal. Pagkatapos kong maligo at gumayak, doon ko lang ihahanda ang almusal ko. Maya maya, habang naghahanda ako ng almusal ko, biglang may tumawag sa labas. “Baka si Bino lang ‘yan,” bulong ko sabay lakad papunta sa pintuan. Pagbukas ko, bumungad sa akin si Miss Fia na nakangiti at may hawak na isang malaking kahon. “Dado, good morning,” bati niya. Napatingin ako sa kahon na hawak niya, tapos sa mga mata niya na tila may kakaibang kislap. Hindi ko alam kung dahil sa liwanag ng araw o sa damdaming bumabalot sa akin sa tuwing nakikita ko siya. “Good morning din po, Ma’am. Pasok po kayo,” sabi ko habang nahihita. Paano niya nalaman ang bahay ko? Saka, anong ginagawa niya rito? Kinabahan ako kasi baka tatanggalin niya ako sa trabaho. Hindi kaya nasira ulit ‘yung kisameng ginawa ko kahapon? Naku, huwag naman sana. “Sorry kung dumaan ako bigla. May dala lang akong regalo para sa’yo,” sabi niya habang pumapasok sa loob. “Ang aga mo palang gumagayak bago pumasok sa trabaho,” sabi pa niya nang maupo na. “Ah, opo, Ma’am. Para hindi ako nali-late sa trabaho. Bago palang kaya dapat po ‘di bang magpakitang-gilas,” sagot ko habang napapakamot ako ng ulo. Hindi ko na dapat sinabi ‘yon sa kaniya. Tinuro ko ang lamesa sa sala. “Dito po kayo umupo, Ma’am. Gusto niyo po ba ng almusal? May pandesal dito, tapos gagawa rin ako ng kape. Nagluto rin ako ng piniritong itlog at hotdog, minsan ay masarap ipalaman ang mga ‘yan sa mainit na pandesal.” “Salamat, Dado. Sige, gusto ko rin ‘yang pandesal,” sagot ni Miss Fia sabay ngiti na tila may kung ano siyang tinatago sa akin. ‘Yun ang nararamdaman ko, Dali-dali akong nagtimpla ng kape habang tinatapos ko ang pagpipirito ng itlog. Hindi ko maiwasang tingnan si Miss Fia mula sa kusina—ang ganda ng itsura niya kahit simple lang ang suot. Para bang ang bawat galaw niya ay nagpapalutang ng karisma na ‘di ko kayang itanggi. “Alam mo, Dado,” simula niya habang tinitimpla ko ang kape. “Napansin ko kahapon na sobrang hirap ka sa pag-aayos ng kisame. Napakalaking tulong mo sa ‘kin, pero napansin kong basang-basa ka. Nakakahiya kasi nangyari pa sa ‘yo ‘yun.” Napangiti ako ng bahagya kahit nahihiya. “Wala po ‘yun, Ma’am. Sanay na po ako.” “Teka, hindi lang basta gamit ‘to,” sabi niya sabay bukas ng kahon na dala niya. “Regalo ko sa’yo. Para mas magaan ang trabaho mo.” Sa harapan ko ay mga bago at makintab na tools siyang nilabas. Mga martilyo, lagari, pati iba’t ibang klase ng gamit na ni hindi ko inakalang magkakaroon ako. Nanatili akong nakatitig sa mga iyon, habang pilit kong iniintindi ang tunay na dahilan ng pagbigay niya ng ganitong regalo. “Ma’am, ang mahal nito... Hindi ko po alam kung paano ko kayo pasasalamatan.” “Deserve mo ‘yan, Dado. Alam mo ba kung gaano kalaking pasalamat ko na ikaw ang napili kong karpentero? Sobrang galing mo, tapos…” Hindi na niya natapos ang sasabihin na parang biglang kinain ng hiya. Napatitig lang ako sa kanya. May ilang saglit ng katahimikan bago ako muling nagsalita. “Kung ganun, Ma’am, kain na po tayo. Alanganin pong umalis kayo nang hindi man lang kayo kumakain.” Natuwa ako sa mga regalo niya sa akin kaya deserve ni Miss Fia na makakain ng masarap na almusal sa bahay ko. Saka, nakakahiya kasi personal pa niyang inabot sa akin ang regalo niya. Ngumiti si Miss Fia at tumango. “Oo nga, pero hindi naman ako nagmamadali. Saka, okay lang na ma-late ka, kasama mo naman ako,” sabi pa niya kaya mas lalong gumaan ang loob ko. Habang kumakain kami, ‘di ko mapigilang mag-isip. Para kay Miss Fia, siguro isa lang akong trabahador na gumagawa ng mga sirang bahagi ng bahay o ng kung ano pa mang ginagawa ng mga karpintero. Pero sa bawat araw na nakikita ko siya, lalo na sa trabaho ko, pakiramdam ko ayy may ibang nagiging koneksyon kami. Hindi ko akalain na ang simpleng pag-aayos ko ng kisame ng kuwarto niya ang magdadala sa ganitong tagpo. At ngayong nasa harap ko siya, nag-aalmusal sa maliit kong bahay, may kung anong bumubulong sa akin na ito na ang simula ng mas malalim na ugnayan namin. Nakakatuwa nga kasi napapansin na ako ng bago kong crush na si Miss Fia. Pagkagat ko sa pandesal, napansin ko ang tingin ni Miss Fia—na nakatuon sa akin, parang may gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Tahimik lang akong ngumunguya, pero sa loob-loob ko, may kaba ako. Hindi ako sanay ng ganito, may kasabay akong nag-aalmusal na isang napakagandang binibini. Minsan, nagtatama ang aming mga mata, at mabilis siyang umiiwas ng tingin. Nakakaakit ang kanyang ngiti, pero may hiya rin na nakabalot dito na tila may kinikimkim na damdamin. “Masarap nga ang magpalaman ng hotdog sa pandesal, ngayon ko lang nasubukan ‘to,” basag ang katahimikan. “Masarap po talaga, Ma’am. Anyway, ayos lang po ba nag timpla ko ng kape?” tanong ko naman habang pilit na tinatago ang kaba sa boses ko. “Perfect ang lasa, masarap din!” mabilis niyang sagot. Tapos saka siya tumawa ng kaunti. “Dado, huwag mo na akong tawaging Ma’am kapag magkasama tayong dalawa. Wala tayo sa trabaho ngayon.” Napangiti ako. “Eh... ano pong itatawag ko sa inyo?” Gusto ata ni Miss Fia na tawagin ko nalang siyang bebe, babe, love, mahal ko, asawa ko, bear ko, misis ko? Ganoon ba? Natatawa tuloy ako habang nakatingin sa mga hotdog na nasa lamesa. Naiisip ko palang na ganoon ang magiging tawag ko sa kaniya, parang kinikilig ako. Kung hindi ko lang amo itong si Miss Fia, baka kanina pa ako naghubad dito sa harap niya. Kahit mag-live ako sa harap niya ng walang bayad, gagawin ko. Deserve niyang makita kung gaano kasarap ng katawan ko. At kung hihilingin niyang laruin ang ari ko at kainin, hindi ako magdadalawang-isip na pumayag. Baka kastahin ko siya ng dalawang beses, o kahit tatlo hanggang lima pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD