Muli kong tinignan ang apartment kung saan natutulog ang mag-ina ko. Hindi ko pa rin maiwasang makadama ng pagkadismaya sa aking sarili tuwing nakikita ko ang mga hirap nila sa buhay dahil sa mga maling nagawa ko kay Makie. Gayunpaman, masaya na rin ako at napapayag ko na rin siya na doon na sa akin tumira. Kahit alam kong pansamantala lang iyon, at least makakasama at makikita ko ang mag-ina ko. Napatawa ako sa aking sarili sa tagumpay ng aking plano. Ang buong akala ni Makie ay ‘pansamantala’ lang ang gagawin nilang pagtira sa akin. Ang hindi niya alam ay gagawin ko ang lahat para ‘di na sila mahiwalay sa akin. I already have a chance to be with them so why would I still let them go? Sa akin lang ang mag-ina ko. Nagpakawala ako ng ngisi habang ipinapatong ang kamay ko sa aking dibdib. Me