“Will you please let me carry him?” I pleaded Makie. Kitang-kita ko ang pagbalatay ng pag-aalala at pagdadamot sa mga mata niya ngunit sa huli ay tahimik siyang tumango. Nakahinga ako nang maluwag sa pagpayag niya. At least, unti-unti niyang binubuksan ang pinto para sa amin ni Mackenzi. Maingat kong binuhat ang anak ko pagkatapos kong utusan ang isang member na kunin ang travelling bag nila. Ayaw pa sana ni Makie ngunit napapayag din siya sa huli. Magkasabay kaming pumasok sa 7 Demons building. Walang sumalubong sa amin sa mga kaibigan ko dahil nasa kani-kanilang klase sila. I should be in my classes too pero mas importante sina Makie at Mac-mac as of now. Sila ang priority ko. “Daddy, talaga po bang dito na kami titira ni Mama?” Tanong ni Mac-mac nang maupo ako sa sofa at kandungin siy