Hinihingal na umupo ako sa seat ko at nakita ko si Bella na tumabi sa akin. "Bakit iniwan mo ko? Hindi mo ko kinalabit na tapos na klase natin."
Napakalmot ako sa aking buhok at ngumiti kay Bella."Sorry, Bella, ihing-ihi na kasi ako. Lalabas na kaya tumakbo na ako." Hingi kong paumanhin sa kanya.
Ihing-ihi na talaga ako kanina, pinigilan ko lang hanggang matapos niyong klase namin kanina. Ang sungit pa naman iyong professor namin doon.
Mga nakaupo lang kami at hinihintay ang professor namin nang may sumigaw na, "wala si prof! P'wede na raw umuwi!"
"Huh?"
"Yes!"
"Tara mall tayo?"
"Sa Isetann Mall tayo, may bagong bukas na pagkain doon."
Hindi ko naitago ang ngiti ko ng wala na kaming class and p'wede na kaming umuwi. Ay! Hindi pa pala p'wede!
"T-teka," napatingin kami kay Bella ng tumayo ito at hinarap ang classmate naming na nag-announce. "Diba may isa pa tayong klase? Sa Fundamentals Of Mathematics?"
Tumango ako sa sinabi ni Bella. Oo nga pala, iyong Math na subject pa namin! Iyon kasi ang last subject namin tuwing MWF.
"Pinuntahan na namin si prof sa Fundamentals wala rin daw tayong klase sa kanya, may meeting ang mga Mathematics teacher. Kaya p'wede ng umuwi." Sabi niya kay Bella kaya sumigaw ulit ang mga kaklase namin.
Nag-ayos na rin ako at hinila na si Bella na tumayo. Pupunta pa kaming gym mamaya para panoorin ang practice nila pinsan Akihiro. Ayoko nga, e. Mas gusto ko na lang umuwi pero I was so nervous baka may lumapit kay Cashel.
"Tambay muna tayo sa gym, Bella. May practice sila Aki mamayang three!" Masiglang sabi ko kay Bella, nagtetext kasi ito kaya hinihintay ko ang sagot niya kung sasama siya.
"Three?" Ulit niyang tanong sa akin at tatango na sa ako ng may ma-receive akong text galing kay pinsan.
"Ay, teka! Nagtext si Aki, punta na raw tayo sa gym, nagpapractice na raw pala sila. Wala kasi tayong klase kaya siguro naurong. Tara?" Yaya ko na sa kanya at hinila na siya papuntang gym. Baka kasi mawalan pa kami ng mauupuan.
"Tara!" Sagot sa akin ni Bella at sabay namin tinahak ang papuntang gym.
Bago kaming pumunta sa Gym, napagpasyahan naming bumili muna ng meryenda namin, anong oras na rin naman saka nagugutom na rin kaming dalawa.
Pagkarating namin sa gymnastics, may iilang students na nandito, siguro iyong iba tumambay lang o baka naman gusto lang makakitang pogi na basketball player din.
Pinili namin pumuwesto sa may baba, iyong malapit sa bench ng mga player. Nasa likod kami ng bench nila pinsan Akihiro para makita nila agad kami.
Nagsimula ang laban ng senior vs freshmen. Nagiging intense ang laban nila kapag naba-block ni pinsan Akihiro iyong kabilang team.
Napalakpak ako sa tuwa ng maka-shoot si Cashel, "nakita mo niyon, Bella! Ang galing ni Cashel! Grabe siya maging point guard!" Tinuro ko pa si Cashel ng makitang magsho-shoot ulit siya sa three points line.
Lumipas ang ilang minuto, naging mainit ang labanan ng mga senior versus freshmen sa basketball. Dumami ang mga nanonood dahil sa intense ng laban nila.
"Dumadami na ang mga nanood, Bella! Tignan mo, oh!" Tinuro ko ang mga student na pumapasok na sa loob ng gym dahil sa ingay ng mga taong nandito. Nakakabingi na nga ang sigawan nila.
Nakita kong tumingin si Bella sa scoreboard kaya maging ako tumingin na rin doon. 21 - 25 ang score sa 2nd Quarter ng laro, lamang sila pinsan Akihiro! Kahit saang sports naman talaga magaling si Pinsan, e. Magaling si pinsan Akihiro sa pagiging underground fighter din kahit ayaw nila Tito ang ginagawa niya 'di na siya napigilan pa.
Napatalon kami ni Bella ng maka-three points uli si pinsan Akihiro, sabay pa kaming pumalakpak at sumigaw.
"Go Aki! Go Cashel!"
"Let's go cous!"
Maging ang ibang nanonood ay nakikisabay na rin sa pagsigaw namin. May mga babae na ring tumitili kapag nakaka-shoot si pinsan Akihiro. Tumitili dahil gwapo, hindi ko naman sila masisisi. Iba rin talaga ang lahi namin.
Lalong umiinit ang laban kaya tumayo na ako sa tabi ni Bella at todo nagche-cheer kina pinsan Akihiro at kay Cashel!
Napalingon lang ako ng kalabitin ako ni Bella. Kaya maging pag-cheer ko sa dalawa ay napatigil.
"Fran, I need to go. Nandyan na iyong sundo ko." Umupo ako sa tabi niya ulit.
"Nandyan na?" Malakas na tanong ko sa kanya. Maingay na kasi sa loob dahil sa mga nagchecheer. Tumango siya sa akin. "Ay! Uuwi ka na? Hindi mo na tatapusin?" Palit-palitan ang aking tingin. Tumitingin ako kay Bella at napapatingin ako sa loob ng court kapag naririnig ko ang sigawan.
"Ang gwapo nu'ng naka-number two na jersey!"
"Ang pogi naman po, kuya!"
Napatalon at napapalakpak ulit ako ng maka-three points ulit si pinsan Akihiro! Ang galing talaga niya!
"Habulin talaga si cous ng mga pusong babae," Ngumiwi ako ng sabihin ko iyon kay Bella. Nakita ko sa gilid namin ang matangkad na binabae habang hinugis puso ang kanyang dalawang daliri.
"Pakisabi na lang kina Aki at Cashel, ang galing nila, ha? See you na lang bukas, kanina pa tumatawag." Pinakita sa akin ni Bella ang cellphone niya at nakita ko roon ang pangalang Kyro. Ito siguro niyong sumusundo sa kanya palagi.
"Sige, ingat ka, ha? Magchat ka kapag nakauwi ka na sa inyo." Ngumiti ako sa kanyang sinabi at bumeso rito.
"Kayo rin, Francheska. See you tomorrow!" Tumayo na rin siya at nakita kong sumisingit siya sa mga gitna ng tao para makaraan siya.
Bumalik na ulit ako sa panonood at sa pagkakataong ito naagaw ni Cashel ang bola sa kabilang team.
Napapatalon na ako ng makita ang oras, malapit na siyang maubusan ng shot clock.
"I-shoot mo na, Cashel!" Sigaw ko ng makitang 7 seconds na lang ang natitira sa shot clock nila.
May alam naman ako sa basketball dahil kay Daddy, fan si Daddy ni Jawoski kaya alam ko ang basic ng basketball.
Nakalagpas na siya sa halfway ng court, three seconds na lang sa shot clock at walang alinlangan niyang binato ang bola papuntang ring. Napalunok ako at ang maging ibang nanonood ay tumahimik. Umikot ang bola sa basketball ring at isang malakas na hiyaw ang aking narinig ng pumasok ang bola sa ring! Panalo sila cous! Ang galing!
Practice game lang ito pero parang professional na basketball player na ang napanood namin. Nakita kong kumaway sa akin si Cashel kaya kumaway rin ako. Bumaba ako sa aking inuupuan at pupuntahan sana siya ng maunahan ako ng isang babae.
Kilala ko ang uniform na suot niya, taga-tourism course siya. Matangkad, makinis at alam ko siya iyong nakita namin ni Bella sa isang announcement board. Siya iyong Ms. Campus.
Imbis na kay Cashel ako lumapit, pinuntahan ko na lang si cous. Inabot ko kay pinsan Akihiro ang towel niya. Nawalan na ako ng gana. Gusto ko na lang umuwi na sa amin.
Hay.