Pagkarating pa lang namin sa classroom, konti pa lang ang mga classmate namin. Siguro iyong iba mamaya pa papasok sa room. Ganyan naman sila, e.
"Wala pa si Bella," Pinatong ko ang aking baba sa desk ko at napanguso. Bakit ang tagal ni Bella dumating. Gusto ko magkwento sa kanya tungkol sa nangyari kahapon.
Hindi ako pinansin ng dalawa, panay usap pa rin sila about sa nangyari game kahapon. Oo na, magaling na kayong dalawa.
"Akihiro and Cashel, may naghahanap sa inyo sa labas." Napaayos ako ng upo at kumunot ang aking noo ng sabihin ng isa naming classmate na may naghahanap sa dalawang ito.
"Sino iyon?" Tipid na tanong ni pinsan Akihiro. Ang tipid din magsalita ang isang ito lalo na kapag 'di niya close.
"Nathalie and Pauline raw. Alam ko taga-tourism ang mga iyon!" Bigla naman akong nakarinig ng mga sipol sa mga classmate kong lalaki. Kung makasipol akala mo may kalapati rito.
"Come on, Aki! Tignan natin?" Napaismid ako sa sinabi ni Cashel.
"Mag-be-bell na kaya!" Sabat ko sa kanilang dalawa.
Tumingin siya sa kanyang wristwatch, "wala pa. 20 minutes pa naman, Fran! Saglit lang kami!" Sabay tapik ni Cashel kay cous.
Kinagat ko ang aking labi at inis na tumingin sa nilabasan nilang dalawa. Bwisit!
Tumayo ako at sinilip sila sa labas ng classroom. Siya iyong babae kahapon iyon. Iyong yumakap kay Cashel after ng game. Nathalie pala ang name.
Napaiwas ako ng tingin at nakita kong lumakad sila paalis sa tapat ng room namin. Saan sila pupunta? Gusto ko man silang sundan pero nanaig sa akin na 'wag na lang. Sana ma-late sila first class namin.
Nagulat ako ng may bumati sa akin, hindi ko napansin na nasa tabi ko na si Bella. Ang lalim na naman ng iniisip ko. Bwisit na Nathalie na iyon! Sana madapa siya.
"Hi, Fran! Kumusta laban kahapon? Nanalo ba sila?" Nakita ko si Bella, tumabi ito sa akin. Nakakapagtaka naka-3/4 sleeves siya ngayon.
Nakatingin siya sa akin kaya tumango ako sa kanya. "Nanalo sila Cashel."
"Nanalo naman pala ba't ganyan ang mukha mo? Anong nangyari sa'yo?" Nakita kong naglabas siya ng libro. Mag-a-advance reading siguro siya. Matalino si Bella kaya gusto kong mahawaan niya ako.
"Naging sikat sila sa buong campus. Tapos, iyong naging Ms. FEU nu'ng nakaraang taon nilalandi si Cashel." Nakita kong napahinto siya sa kanyang ginagawa dahil sa aking sinabi. Nakita ko ring napatingin siya sa dalawang bag. Hindi ko siguro niya napansin kanina.
"Nasaan iyong dalawa, Fran?" Binuklat niya ang kanyang libro at nakatuon doon ang kanyang tingin. Nagbabasa na siguro siya.
"Kasama nila. Kasama nu'ng Nathalie at Pauline. Pumunta rito niyong dalawang babae kanina ta's 'di ko na alam kung sa'n sila pumunta." Pinang-krus ko ang aking braso sa desk at yumuko ako rito.
"Hay! Bakit hindi niya ako nakikita bilang babae, Bella. Hindi ba niya nararamdamang may gusto ako sa kanya?" Ang sakit-sakit lang kasi ako itong nasa tabi ni Cashel pero 'di niya maramdaman man lang o makita man lang ako.
"Ayos lang niyan, Fran, malay mo hindi pala siya ang para sayo. Diba, si Zander iyong sa kabilang major may gusto raw sayo?" Umiling ako sa kanyang sinabi. Naalala niya siguro niyong pumunta kaming comfort room, doon niya kasi unang nakilala si Zander.
"Eh, wala naman akong gusto sa kanya. Gwapo si Zander pero mas gwapo si Cashel." Mahina kong pagkakasabi sa kanya habang naka-ubob pa rin ako sa desk ko.
"Paano ka niya nakilala, Fran?" Napaangat ako ng tingin kay Bella, nakita kong sinarado niya ang nilabas niyang libro at tumingin sa akin.
Gusto niyang malaman? Wala naman special kay Zander.
"Naging classmate ko rin siya nu'ng High school at senior high. Kaya kilala niya ako maging iyong nagtulak sa kanya." Humarap ako sa kanya, "matagal ko naman na alam na may gusto siya sa akin, e. Pero, ayoko siyang masaktan dahil pinilit ko lang sarili ko sa kanya. Ayoko lokohin ang aking sarili, Bella." Mahinang sabi ko sa kanya.
Hindi ako sanay na magpaasa ng tao. Ayokong may masaktang iba para lang mawala itong nararamdaman ko kay Cashel.
Napaayos kami ng upo at natigil ang k'wentuhan namin ng marinig ang bell at kasunod niyo ay ang pagpasok ng professor namin. Kasunod ni Professor sina Cashel at pinsan Akihiro, maging ang ibang classmates namin na nasa labas.
"Wooh! Buti na lang save by the bell!" Tinarayan ko siya. Hindi man lang niya tinago muna na masaya siya dahil na kasama niya iyong Nathalie. Hindi ko siya pinansin.
Naging tahimik ang discussion sa subject na ito, paano ba naman nag-graded recitation si Sir kung ano raw ang aasahan namin this semester.
Ano pa ba aasahan namin kung 'di iyong lesson niya diba? Pati tuloy kay professor na ibabaling ko ang inis ko.
Dalawang subject pa ang lumipas, hindi pa rin naaalis ang ngiti at ang pagka-hyper ni Cashel. Para siyang nakalunok ng maraming Enervon. Pero, ako ang lungkot ko dahil sa kanya.
Lumipas ang isang buong araw, na puro Nathalie ang naririnig ko sa bibig ni Cashel. Gusto ko na nga lagyan ng masking tape ang bibig niya kung 'di lang ako pinigilan ni Bella sa iniisip ko.
"Pare, una na kayo ni Fran, umuwi! Hihintayin ko pa sa parking si Nathalie." Napakagat ako ng ibabang labi ko ng marinig na naman ang pangalan na Nathalie.
Dati gandang-ganda ako sa pangalan na niyan pero ngayon gusto ko na mawala ang pangalang Nathalie sa lahat ng website.
Hindi ko siya pinansin hanggang makapunta kami sa parking lot ng campus. Nagpaalam na lang ako kay Bella ng makitang naroon ang ang sundo at maging si pinsan Akihiro ay nilapitan niyong iyong lalakin
Ang k'wento pala sa akin ni Bella, boyfriend na raw niya iyan. Sana all. Ano kaya pakiramdam na may boyfriend.
Tinignan ko si Cashel na siyang katabi at heto na naman siya ngiting-ngiti habang nagtitipa sa cellphone niya. Sana mawalan ka ng load! Sana ma-lowbat ang cellphone niya!
Narinig kong tumunog ang kotse ni pinsan Akihiro tapos na siyang kausapin niyong boyfriend ni Bella, hindi na ako nagpaalam kay Cashel sumakay na ako sa kotse ni cous.
"Cashel, una na kami sayo! Safe drive na lang, ha?" Rinig kong sabi ni cous sa kanya.
Malakas na sinarado ko ang pinto ko ng kotse, sabay pa nga silang tumingin sa akin. Nakita ko sa loob na nag-uusap pa sila pero hindi ko na alam tungkol saan iyon. Wala na akong balak alamin.
Pumasok na rin si pinsan Akihiro at sinalubong niya ako ng tingin. "Mainit na naman ulo mo, kapag nasira ang kotse ko ipapaayos mo, Fran." Imbis na sagutin siya, tinarayan ko na lang siya at naglagay ng earphones sa tenga.
"Gutom ka na naman siguro." Rinig kong sabi niya sa akin at nilakasan ko na ang volume ng sound ko.