1

1156 Words
"Bella? Are you okay? Parang ang lalim ng iniisip mo?" Nakita kong nakatulala si Bella habang nakatingin sa ginagawa ko. Kami lang dalawang nandito, nag-try out kasi sina pinsan Akihiro at si Cashel, gusto ko nga sumama pero they don't want, e. Ang damot nila! Gusto ko lang naman sila i-cheer. "Okay lang ako, Fran. Hindi lang ako nakatulog kagabi dahil sa pinanood ko. Pero, maayos ako." Binalingan ko siya ng tingin at agad din bumalik sa ginagawa ko. For me, she's not okay. Parang malalim ang kanyang iniisip. "Fran, may itatanong pala ako. Kilala mo ba iyong sumusundo sa akin?" Binaba ko ang pen na gamit ko para sa calligraphy na name ni Cashel. "Ah, iyong sumusundo sa'yo everyday?" I asked at kumuha ng ibang kulay na pen sa lalagyan ng mga pen ko. Tumango siya sa akin habang nakatingin sa ginagawa ko pa rin. "Hindi, e. Pero, alam ko isa iyon sa angkan ng mga Bautista. Sikat ang Bautista sa Subdivision kung sa'n kami nakatira. Marami silang hawak na business at the same time mababait sila. Sabi nila Mom, ang dami raw tinutulungan ng mga Bautista, maraming scholar, at maraming nabigyan ng trabaho dahil sa kanila." Umangat ang tingin ko kay Bella, kumuha ulit ako ng isang pang colored pen at binalik ulit ang tingin sa papel. "Kamag-anak mo ba sila, Bella? Iba naman ang apelyido mo?" Dugtong na sabi ko sa kanya. "Hindi ko sila kamag-anak." Sagot niya sa aking tanong. Nakapanglumbaba siyang nakatingin sa aking ginagawa. Wala pa kaming professor kaya ang ibang classmates namin tulog. "Paano mo siya nakilala?" Nasa letter H na ako at pinapatungan ko ng kulay red na pen ang unang ginawa kong line. "Uncle nila iyong asawa ng ate ko kaya nakilala ko siya. Binilin ako sa kanya na ihatid-sundo kasi nga hindi ako pamilyar sa Manila." Tumango ako sa kanyang sinabi, mukha naman totoo. Galing kasi sa probinsya kaya siguro hinabili siya roon. "Ah," tumango-tango siya sa sinabi ko. "Swerte mo! Nakita mo na ba ang ibang angkan nila? Magaganda ang mga iyon tas mababait din. Iyong ex ni Cashel isang Bautista dati. Nakapunta na siya sa mga party ng mga Baustista, simple lang pero nag-aamoy mayaman kahit simple ang mga suot nila." Sabi ko kay Bella, gusto ko nga makapunta sa party nila pero hindi naman kami iniimbitahan. Sayang! "Paano mo nalaman ang mga iyon?" Pagtatanong nito sa akin. Nakapokus pa rin siya sa ginagawa ko. "Isa kasi ang mga Bautista na tumulong sa amin nu'ng panahong palubog na ang business naming bake shop, si Mrs. Kassandra Bautista ang tumulong at kumausap kay Mommy that time kaya naisalba ang business ni Mommy." Ngumiti ako sa kanya, "kaya malaki ang pasasalamat namin sa kanila." Naalala ko nu'ng mga panahong palubog na ang business namin, ilang bake shop ni Mommy ang nagsara dahil nga 'di na gaanong tinatangkilik dahil na rin sa mga bagong coffee shop and bake shop na nagbukas. Kaya humina ang business namin, gano'n naman talaga ang business. "Tapos ko na!" Tinaas ko ang papel na may nakasulat na Cashel at pinakita ito kay Bella. "Crush na crush mo talaga si Cashel? Ba't ayaw mo pa umamin sa kanya?" Malungkot na tumingin ako kay Bella. Kung alam niya lang na ilang beses na ako nagpaparamdam kay Cashel na gusto ko siya, na crush ko siya pero wala. Hindi niya yata napapansin na gusto ko siya. I don't want naman na sabihin sa kanya na, "Cashel, I like you!" Ayoko nu'n para ko namang binenta ang sarili ko sa kanya. "Ayoko kasing umiwas siya sa akin. Ayos na ako sa ganitong bagay. Na kaibigan s***h kapatid ang turing niya sa akin. Alam mo iyon mas gugustuhin kong maging masaya kung saan siya komportable." Ngumiti ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa ginawa kong calligraphy ni Cashel. "Ikaw naman ang masasaktan, Fran. Kapag makikita mo siyang may kasamang iba. Lalo na't magiging varsity player na sila rito sa FEU may tendency na lalong dumami ang magkagusto sa kanya." Napahinto ako sa paglagay ng mga pen ko. Tama naman siya, ako naman ang masasaktan. Pero, ayoko naman kasing maging desperada. Napabuga ako ng hangin at ngumiti sa kanya. "Sanay naman na ako, Bella. Ilan beses na ba siyang nagkaroon ng girlfriend habang ako nasa likod nila. Kaya ayos lang. Ayos lang sa akin." Alam kong nadismaya siya sa sinagot ko sa kanya pero wala, e. Hindi ko alam kung sa'n tutungo itong pagtingin ko kay Cashel. "Need mo rin maging masaya, Fran. Hindi lang naman kay Cashel umiikot ang mundo mo. Malay mo may ibang lalaki d'yan na para sayo pala." Nakita kong tumingin siya sa buong sulok ng classroom namin kaya maging ako ay napatingin. Malungkot na tumingin ako sa kanya at umiling. "Wala akong nagugustuhan sa mga classmate natin." Sabay ngiwi ni Bella. "I mean, sa ibang lugar. Hindi lang naman dito sa classroom natin baka nasa ibang course, diba?" May pangungumbinsi sa kanyang boses at parang gusto niya talagang may makita akong iba at hindi lang kay Cashel nakatuon ang aking isipan. "Kung mayro'n talaga para sa akin hihintayin ko na lang, Bella. Pero, sa ngayon magpopokus muna ako kay Cashel!" Ngiti ko sa kanya at bumalik sa paggawa ng calligraphy, "name mo na ang ine-next kong gawan!" Masigla sabi ko sa kanya at inumpisahan ang pangalan niya. Nang matapos ang klase namin, sabay-sabay kaming lumabas at pumunta sa parking lot. Pagkarating namin doon, naghihintay na ang sundo ni Bella. Parang namumukhaan ko nga siya. Hindi ko lang alam kung sa'n ko siya nakita. Siguro dahil isa siyang Bautista. "Fran, bye! Ingat kayo sa pag-uwi!" Kaway sa amin ni Bella at sumakay na siya sa kotse nila. Hindi na nga ako nakapagpaalam kasi pinapasok na siya agad sa passenger seat. Nakatanaw na lamang kami sa kotse nila hanggang lumabas ito sa campus. Napabaling naman ako kay pinsang Akihiro na nakatingin pa rin sa exit ng campus. Tinapik ko ito, "are you okay, pinsan? Tulala ka d'yan?" Concern kong sabi sa kanya at saka siya hinila pasaka sa kotse niya. Hindi kasi ako sinusundo nila Mommy dahil alam naman nilang classmate ko si pinsang Akihiro kaya ayos lang. "Bro, una na rin ako! Kita kits na lang bukas! Ingat kayo!" Kumaway sa amin si Cashel at saka pumasok na rin siya sa kotse niya. "Kilala mo ba iyong sumusundo sa kanya, pinsan?" I asked Akihiro at sabay seatbelt ko. Mahirap na baka mahuli kami ng MMDA o ma-aksidente kami. Tumango ito sa akin at ini-start ang kotse. "Sino iyon?" Pagtatanong ko sa kanya. Nakalimutan kong itanong kay Bella kung anong pangalan. Nagkibit-balikat ito sa akin at lumingon siya sa gawi ko, "iyong kakambal niya ang kilala ko at malaki ang galit nu'n sa akin." Magtatanong pa sana ako sa kanya pero nagpatugtog na ito sa stereo niya. Kapag ganito siya, ayaw na niyang kausapin siya ng iba. Kaya deadma na lang din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD