4

1112 Words
Napahiga ako sa malambot kong kama. Napapahilamos ako at patingin-tingin ako sa cellphone kong nasa side table ko. Gusto kong i-stalk si Cashel at maging si Nathalie. Hindi ko alam pero gusto kong malaman kung saan sila pumunta. "Hay!" Napabuga ako nang malakas at tinignan ng maigi ang phone kong nasa side table. Pinaikot-ikot ko ang aking dila sa loob ng bibig ko habang pinag-iisipan mabuti kung titignan ko ba ang peysbook nila. "Bahala ka na nga, Fran! Basta kapag may nakita tayong hindi maganda, 'wag na lang natin pansinin," kausap ko sa aking sarili. Kinuha ko ang aking phone sa side table. Binuksan ito. Naki-connect sa wifi namin at pumunta sa peysbook. Napapalunok at pinagpapawisan na ako rito kahit sobrang lamig naman sa k'warto ko. "Heto na, Fran! Ginusto natin mang-stalk diba? Kaya tanggapin natin kung ano ang makikita natin dito, girl. Relax lang tayo, maganda tayo!" Pagpapahinahon ko sa aking sarili at saka tinaype ang pangalan ni Nathalie Alonzo. Paano ko siya hindi makilala, sikat na sikat siya sa buong campus, hindi lang sa Tourism College. Napakislot ako at napakunot ako sa aking nakita. Bumungad sa akin ang picture niyang naka-two piece. "Sexy siya pero mas maganda ako." Sabay ngiwi ko sa kanyang picture. "Ano ba nakita nila rito? Common naman ang magsuot ng two piece. Maging ako p'wede rin magsuot nito." Kausap ko sa aking sarili habang sinisiyasat ang picture niya. Ang daming heart and care reacts. Nawala ang aking ngiti ng makita ang name ni Cashel, naka-heart reacts siya sa photo ni Nathalie. Kahit ramdam kong may comment siya sa picture na ito, binuksan ko pa rin ang comment section. Bumagsak ang aking mga balikat ng makumpirmang may comment nga siya. Hindi lang isa kung 'di dalawang comments. Unang comment niya ay yellow heart emoji ng tatlong beses. Pangalawang comment, 'Ang ganda talaga ng soon to be my girlfriend.' na may hugis na puso ulit. Tumigil ang aking daliri sa pag-exit sa comment section ng photo niya. Bakit kapag sa ibang babae nakakapag-comment siya ng puso? Bakit sa mga picture ko wala man lang? Puro rin siya like reacts lang sa bawat sa post ko. Binack ko ang comment section at tumingin pa ako sa timeline niya. Kahit 'di ko friend si Nathalie rito sa peysbook nakikita ko pa rin ang mga comment niya. Naka-public kasi account niya, uhaw siguro sa likes. Kumunot ang noo at nakamot ko ang aking ilong ng mabasa ang isang post niyang may bible verse tapos ang picture niya ay two piece. Anong connect ng Bible verse sa picture niya? Sobrang layo! Ganito ba ang gustong babae ni Cashel? Magkaroon lang ng description sa photo, ayos na? Kahit hindi magka-connect? Bilib din ako kay Nathalie, bawat photos and post niya ang daming naghe-heart reacts and nagko-comments. Ganito ba talaga siya kasikat dito sa peysbook? Akala ko sa campus lang namin. Paalis na sana ako sa profile niya ng makita ko ang profile niyang naka-blue, meaning mayro'n siyang myday ngayon. Nag-aalinlangan akong buksan ito. Malakas ang kutob kong isa sa myday niya ay kasama si Cashel. "Hingang malalim, Fran! Hindi natin niyan bubuksan! Alam mo kung bakit? Makikita tayo sa magbu-view niyan baka sabihin pa ng Nathalie na iyan, ini-stalk natin siya." Kausap ko sa aking sarili, tumapat pa ako sa full mirror na nandito. Ngumiti ako sa salamin ko. "Maganda tayo, sexy, mabait at matalino, Fran! Kaya 'di natin niya bubuksan! Ano naman ngayon kung nandyan si Cashel sa myday niya? Wala naman tayong pake diba? Nasa myday nga rin natin si Cashel minsan, so, baka magkaibigan lang sila. Kaya stop, Fran!" Paulit-ulit kong kausap sa aking sarili. Kaya napagdesisyon kong pindutin ang back button at hinayaan na lang sa peysbook ang phone ko. Makababa nga muna. Nagugutom na ako. Saka mamaya ko na lang titignan niyong account ni Cashel. Food is life! Nang makababa sa sala, nadatnan ko si Kuya Finn habang nakatutok ang kanyang tingin sa laptop na nasa harapan niya. "Hi, kuya Finn!" bati ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ningitian lang ako. Tumuloy ako sa kusina, kumuha ng makakain at saka bumalik sa sala. "Kuya, gusto mo? Nasa'n pa si ate Gia?" Pagtatanong ko rito? Minsan kasi kung nasa'n si kuya Finn, nandoon din si ate Gia, kapit-tuko kay kuya niyon, e. "Tumawag Mommy niya kanina, may pinapakuha sa kanila." anito sa akin na hindi tumitingin. Nag-indian seat ako sa sofa, napasandal at saka napabuntong hininga na lamang. "Anong nangyari sayo?" Napalingon ako kay kuya Finn ng makitang nag-aalala ito sa akin. Sumandal ako sa kanyang braso. "Kuya, kapag ba nagmahal kailangang masaktan talaga?" Pagtatanong ko sa kanya habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa tanong ko. Ngayon lang kasi ako nagtanong sa kanya tungkol sa pag-ibig. "Umiibig ka na ba, Fran?" Malungkot na tumingin ako kay kuya Finn. Nagpakawala ulit ako ng hininga at dahan-dahan tumango sa kanya. "Ganito pala magmahal, kuya? Bakit kailangan pa natin magmahal kung masasaktan lang tayo. Hindi ba p'wedeng kapag mahal mo, mamahalin ka rin?" Nakatingin lang ako sa laptop ni kuya Finn at hinihintay ang sagot niya sa aking tanong pero isang minuto na yata ang nakakalipas, wala akong nakuhang sagot. Lumingon ako sa kanya, nakita ko siyang ngumiti sa akin. "Wala akong masabi, Fran. Pero, kung iyon ang tanong mo, kailangan natin masaktan para magmahal talaga dahil doon natin maipapakita sa mahal natin, na mahal talaga natin sila." Napatingin lang ako sa kanya. "So, kaakibat talaga ng magmahal ang masaktan? Pero, grabe naman niyon gusto lang naman natin mahalin tayo ng mahal natin. Dapat ko bang ipaglaban ito? Kung sa umpisa pa lang ng laban talo na ako." malungkot na sabi ko sa kanya. Napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang mata ni Kuya Finn na nagtatanong. "Sino ba niyan, Fran? Hindi ba niya alam kung gaano siya ka-swerte kung ikaw magiging girlfriend niya." Nakataas ang isa niyang kilay habang sinasabi niya iyon sa akin. Gusto ko man sabihin na si Cashel pero tinikom ko na lang ulit ang aking bibig. Alam kong close rin si kuya Finn kay Cashel at ayokong masira ang pagkakaibigan nila. "Wala kuya!" Ngumiti ako sa kanya. "May napanood lang ako sa netflix kaya napahugot ako hehe! Sige na kuya Finn, akyat na po ako may assignment pa akong gagawin, bye!" Paalam ko sa kanya at saka umakyat sa k'warto ko. Ni-lock ko ang pinto ng k'warto ko at napasandal dito. Napahawak ako sa aking dibdib na mabilis na kumakabog dahil sa sinabi ko kanina. "Relax lang tayo, Fran, hindi pa naman silang dalawa. P'wede pa rin tayo umeksena sa kanilang dalawa." kausap sa aking sarili at napatango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD