"Good morning, baby girl!" Napatakip ako ng aking mga mata ng nilihis ni Mommy ang kurtina sa k'warto ko.
"Mom, inaantok pa po ako," aniya ko sa kanya at tumagilid sa kabilang side ng kama.
"Ayos ka lang ba, baby girl? Hindi ka naman ganyan tuwing umaga kahit na wala kang pasok, maaga kang nagigising." Nilingon ko si Mommy at nag-aalalang mukha ang nadatnan ko sa kanyang mga mata.
"Mommy, okay lang po ako, don't worry po. Maybe I was just tired at school yesterday, marami po kasi kaming activities na ginawa kahapon." marahan na sabi ko kay Mommy at ningitian siya para malaman niyang okay lang talaga ako.
"Are you sure, baby girl?" I nodded to her and smiled at her.
"Yup, Mommy! I'm okay po!" pangungumbinsi kong sabi sa kanya.
"Bumaba ka na lang kapag nagugutom ka na, Fran." paalala ulit ni Mommy sa akin kaya tumango ulit ako sa kanya.
Nang maisarado ni Mommy ang pinto ng k'warto ko saka ako napabuntong hininga. Maayos ba talaga ako? Napaupo ako sa kama at tinignan ang bintana na umaalpas na roon ang sinag ng araw.
Panibagong araw na naman, panibagong pag-iisip tungkol sa kanilang dalawa. Nawala ang aking iniisip ng mag-alarm ang aking phone. Kinuha ko ito at nakita ko ang alarm, basketball day today.
Ngayon ba ang araw na iyon? Ibigsabihin pupunta sila Cashel sa bahay? Agad kong tinungo ang bathroom ko, chineck ang aking sarili hindi naman makapal ang eyebags ko. Napagpasyahan kong maligo na para handa na ako sa laban nila mamaya. Dito sa amin tuwing sabado at linggo may laban ng basketball na nagaganap dito at ito ang araw na laban nila Cashel kasama si Kuya Finn sa kabilang street sa amin.
Nagsuot ako ng casual wear na lagi ko naman sinusuot at hinayaan ko ang aking buhok na nakalugay, basa pa kasi ito. Kinuha ko na lamang ang pantali kong itim at nilagay sa aking wrist para kapag tuyo na ang aking buhok, ipupusod ko na lang mamaya.
Bumaba ako sa sala na sobrang tahimik, wala pa naman kasi anak si kuya Finn, sana nga makabuo na sila ni ate Gia. Gusto ko na rin kasi magkaroon ng pamangkin at maging sila Mommy gusto na rin magkaroon ng apo.
Pagkababa ko pumunta agad ako sa kitchen, bumungad sa akin si pinsan Akihiro na kumakain. Ang aga naman niyang dumating? Mamaya pa namang alas-onse ng tanghali ang laban nila.
"Good morning sa pinakamaganda kong pinsan," ngumiwi ako sa bati niya sa akin.
"You're so early, ha? Your here kasi makikain ka sa niluto ni Mommy," pagsusungit ko rito at inismiran siya.
Nilagpasan ko na lamang si cous Akihiro. Pumunta ako sa fridge kinuha ang Fresh milk doon at maging ang cereals ko. Bumalik ako sa table kung nasa'n si pinsan Akihiro nilapag doon ang mga kinuha ko saka ako kumuha ng bowl at kutsara ko.
"Sungit mo, tsk." usal nito sa akin at tinignan ang pagkain ko. "Cereals? Kaya hindi ka nagkakajowa, e." dugtong nitong sabi sa akin and he still shook his head na parang hindi maganda na ito ang kinakain ko.
There is nothing wrong with my food. Also, there is no connection if I do not have a lover or suitors.
I looked at him badly and slapped his arm. "Why do you have a girlfriend? You also don't have a girlfriend." pang-aasar na sabi ko rito.
He just smirked at me foolishly, "who says I don't have a girlfriend?"
May girlfriend siya? Wala naman akong nakikitang nililigawan niya. Omg! Don't tell me sila na nu'ng Pauline?
"Me, kakasabi ko lang diba na wala kang jowa? Sino nililigawan mo, aber?" I challenge him.
Sumubo ako ng isang beses sa cereals ko ng tumawa siya nang malakas. Hala, nababaliw na yata pinsan ko. Ganito ba kapag mag-bi-birthday na? Nasisiraan na ng bait.
"Kayo na nu'ng Pauline?" I exclaimed questioning him.
No way!
Nakita kong kumunot ang noo, "no! Hindi niyon. Nakikisama lang ako dahil kay Cashel." tanggi niya sa akin.
"E, sino? Hindi naman p'wede si Bella may boyfriend na iyon." pagtatanong ko sa kanya.
"I know," mabilis nitong sagot sa akin. Umiwas pa siya ng tingin.
Nalasahan ko tuloy ang matabang niyang sagot sa sinabi ko. Kawawa naman ang pinsan kong si Akihiro, busted na agad.
Ti-nap ko ang kaliwang balikat. "Okay lang niyan, makakapag-move-on ka rin." madamdamin kong sabi sa kanya at umiling pa rito.
"Pinagsasabi mo d'yan? Okay lang ako." Hinawi niya ang aking kamay sa balikat niya at sinamaan ng tingin.
Napanguso tuloy ako dahil sa tingin niya sa akin. "Eh, sino naman iyong tinutukoy mo?" pag-iiba ko sa usapan namin. Baka kasi malintikan na ako kay pinsan Akihiro. Hehe.
"Secret," Dinilaan niya ako and he went back to his food, "why should I tell you?" he added after he ate the food he ate.
"damot," nagtatampong sabi ko sa kanya. "I won't buy you a gift for your birthday tomorrow." dugtong na sabi ko sa kanya at sinimulan ulit kumain.
"Hoy, wala ka pang nabibiling regalo para sa akin? No gift no entry, Francheska." sunod-sunod nitong sabi sa akin pero hindi ko siya pinansin.
"I hear nothing. Blah... Blah... Blah..." I teased him and even put my hand on both my ears to annoy him even more.
Nakita ko siyang sumimangot kaya lalo ko lang siya inasar. Akala niya, ha? Hindi ako magpapatalo sa kanya.
"You are no longer the cousin I knew who was kind, tender and loving..." dramatically he told me.
"Wow, cous, p'wede ka na mag-artista. Papasa kang kabet doon. Bwisit ka." Tumayo na ako ng maubos ko ang pagkain ko pero itong si pinsan Akihiro may laman pa ang plato niya. Ang bagal niyang kumain.
"Please tell Mommy I'm going to the mall. I'll just buy my dramatic cousin a gift." pagpaparinig ko sa kanya. Nanalo na naman ang magaling kong pinsan. Kahit kailangan talaga hindi ako manalo-nalo sa mga pinsan kong madadrama.
"Okay, hurry up and buy your gift for me. You will watch our match later!" malakas na sabi niya sa akin at nakita ko pang nag-thumbs up pa.
Wow!
Nang makarating sa mall binilisan ko ang paghahanap ko ng ireregalo sa pinsan kong si Akihiro. Na-traffic kasi ako papunta rito sa SM Fairview, nagkaroon kasi ng banggaan banda sa regalado avenue. Nag-commute lang ako, hindi naman ako p'wede magpasama may cous, e. May game sila mamaya mapapagod pa siya.
Tumungo agad ako sa Department store para hindi na ako mapagod, nandito naman lahat ng mga brand name na may physical store rito sa Mall. Gumawi ako sa mga bag, nakikita ko kasi iisa lang lagi niyang ginagamit na body bag, mayaman naman siya pero ang kuripot ng pinsan kong iyon.
Binili ko na ang body bag na nakita ko kulay gray ito, favorite color din ni pinsan Akihiro. Binayaran ko na ito agad at saka pumunta sa pizza hut, bibili ako for meryenda namin.
Nang matapos makapag-take out ng dalawang 16" na pizza, nag-book ako ng grab, kailangan ko na magmadali. Malapit na mag-two-thirty ng hapon. Ang laban nila ay eksaktong three o' clock, sana nga lang umabot ako.
"Mommy, nasa'n na sila?" bungad na tanong kay Mom ng makita ko siyang umiinom ng tsaa sa garden namin.
"baby girl," Tumayo si Mommy at kinuha ang pinamili ko. "They were already on the basketball court. Napaaga ang game nila, maaga kasing nag-umpisa ang unang game kanina kaya maaga rin natapos ito." sagot sa akin ni Mommy.
I gasped, "ang traffic kasi sa may Regalado avenue kanina. May banggaang naganap."
Binigyan ako ni Mommy ng towel, kinuha ko ito at pinunasan ang aking noo. "It looks like you can still catch the game, go to the basketball court right away." aniya sa akin at tinulak ako palabas ni Mommy.
Hindi muna ako pinainom ng tubig. Si Mommy talaga. Napapakalmot na lang akong naglakad papunta sa basketball court.
Palapit lang ako sa basketball court ng marinig ang mga sigawan ng mga tao. Maraming nanonood, isang himala.
Nakipagsiksikan ako sa mga kumpol ng tao. Bakit ang daming nanonood? Sino nga ulit kalaban nila kuya? Nakalimutan ko.
"Excuse me po. Makikiraan po," paulit-ulit na sabi ko sa mga sinisingitan ko.
Napabuga ako ng hangin ng makapunta na ako sa harapan. Sa bench ako ng kalaban napunta. Lumingon ako sa mga paligid ko, ang daming mga pusong babae ang sumisigaw pero 'di ko na pinansin iyong kalaban nila kuya Finn ang chinecheer nila.
Naglakad ako sa likod ng mga bench hanggang makapunta sa mismong team ni kuya Finn. Napapalakpak agad ako ng maka-shoot ng three points ang kuya ko.
"Kuya Finn ko niyan!" sigaw ko at saka pumalakpak nang malakas. Wala na akong pake kung nakatingin na sila sa akin.
Nakatayo na lang ako rito kasi wala na rin maupuan saka konti lang naman ang upuan sa basketball court na ito.
Nagulat ako ng mag-three points din si Cashel at pumasok niyon kahit may nagbabantay sa kanya.
"Grabe iyo--" naputol ang aking pagsigaw ng marinig ko ang sunod-sunod na I love you ng nasa harapan ko.
Si Nathalie...
"I love you, Cashel! Number 05 na jersey!"
Napalunok ako at tinignan na lamang ang likuran ng babae. Napalingon ako sa kanyang tabi ng makita si Pauline. Nandito sila? Ano pa nga ba?
Imbis na manood pa ako umalis na lang ako sa venue. Nagmadali pa akong makauwi, may nagche-cheer na naman pala sa kanila. No need na.