5

1104 Words
Napabuga ako ng hangin at saka tinignan ang parking lot. May sakit pa rin kaya si Bella? Sana okay na siya para may makausap na ako, hindi ko na kasi kaya itong nararamdaman ko. Tanging si Bella lang ang nakakaintindi sa akin. "Francheska!" Napalingon ako ng may marinig na sumigaw sa pangalan ko. Natanaw ko sa si Bella na kumakaway sa akin. Kaya napatigil kami sa paglalakad. "Bella! Magaling ka na ba?" pag-aalalang tanong ko sa kanya. Niyakap ko siya at hinaplos ang kanyang likuran. Namiss ko si Bella kahit kakakilala lang namin dalawa para ko na siyang kapatid. Siya nga ang bff ko, siya lang naman kasi ang kaibigan kong babae. "Ayos na ako. Magaling na ako. Nagkaroon ba quizzes sa ibang subject natin?" sunod-sunod ang naging tanong niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag na malamang okay na siya. Sumilip ako sa kanyang likod, nakita ko roon ang isa sa mga Bautista, alam ko namang jowa niya iyan, e. Ayaw pa niya sabihin sa amin. Hinawakan ko ang pisngi niya at saka pinaharap sa lalaking nakatayo sa labas ng kotse nito. "May nakalimutan ka yata?" aniya ko sa kanya at tinuro ang lalaki sa labas ng kotse. "Teka, ha?" anito sa amin at ngumiti ng napakatamis. Tumango ako sa kanyang sinabi. Tanaw ko rito kung gaano kasaya si Bella buti pa siya masaya siya lovelife niya. Ako, heto namomoblema baka ma-fall talaga si Cashel doon kay Nathalie. Nilingon ko si Cashel na todo ngiti sa harap ng phone niya, paniguradong ka-text niya ngayon si Nathalie. Naging ganyan na siya simula ng makilala niya si Nathalie. Akala mo naman may sense siya kausap. Spelling mga lang ng available 'di pa niya alam. Maya lang din ay bumalik na siya sa amin, kumaway pa si Bella sa lalaki at saka sumakay na ulit sa kotse nito. "Are you really okay? Wala ka na ba talagang sakit, Bella?" pagtatanong ko ulit sa kanya. Paano ba naman kasi namumula iyong magkabilang pisngi niya. "Okay na okay na ako, Fran! Ikaw, anong nangyari rito habang absent ako? Nagkaroon ba ng quizzes?" masayang sagot niya sa akin at kinuha pa ang palad ko para ilagay sa noo niya. Hindi na nga siya mainit pero ba't namumula pisngi niya? "May quizzes sa Fundamentals and sa biology pero excuse ka naman doon at saka one to five lang naman iyon, Bella." pagpapagaan ko sa kanya. Alam ko namang sobrang strict ni Bella pagdating sa grades niya. Sabi nga niya sa amin pinag-aaralan lang siya ng asawa ng ate niya. "Gano'n ba? Sana hindi mabawasan ang grades ko roon sa dalawang subject. May medical naman ako." napanguso ito at biglang tumahimik. Binangga ko ang kanyang braso. "Naku! Nailagay na kaya nila Professor na excuse ka. Saka ang tataas ng mga quizzes and long test mo sa kanila." sabi ko sa kanya, "oo nga pala, may quizzes tayo sa dalawang subjects natin! Komunikasyon sa Akademikong Filipino at sa General Sociology, Bella!" dugtong na sabi ko rito. Buti na lang talaga nakita ko ang isang classmates naming nagbabasa sa libro na iyon. "Nagreview ka, Fran?" pagtatanong ni Bella sa akin pero ngiwi lang ang nasagot ko sa kanya. Paano ako makakapagreview kung ini-stalk ko kagabi sina Nathalie at Cashel. Panira talaga sa pag-aaral si Cashel, nakalimutan kong magreview dahil sa kanilang dalawa. "May naisulat ka ba nu'ng araw na wala ako?" tumango ako sa kanya at nilabas ang cattleya ko sa mga subject na iyon. "Konti lang naman mga pinasulat nila, Bella. Gusto mo hiramin natin iyong book ni pinsa Akihiro? Hindi naman niya ginagamit." suggestions ko sa kanya. Bago pa siya maka-react tumayo na ako at kinalikot ang bag ni cous. Wala naman sila ngayon sa classroom. Paalam nila sa aming dalawa bibili silang tubig pero halos thirty minutes na ang nakakalipas, hindi pa sila bumabalik. Paniguradong pinuntahan na naman nila sina Pauline at Nathalie. Buong friday, nakipag-kwentuhan at nakipag-kulitan lang ako kay Bella tinanong ko siya tungkol sa lalaking laging naghahatid-sundo sa kanya at inamin naman niyang boyfriend na raw niya iyon, nu'ng una nga dinedeny pa niya, e. Ang gwapo kaya nu'n para i-deny, ito talagang si Bella. Nalaman ko ring Kyro ang pangalan ng boyfriend niya. Buti pa siya may boyfriend na, ako kaya? Pasado nga pala kami sa dalawang subject samin buti na lang talaga pasado ako kahit laging sumisingit sa isipan ko kung anong ginawa nina pinsan Akihiro at ni Cashel kanina. Ang daya nga hindi naman sila nag-review kanina para sa long quiz naging highest pa si pinsang Akihiro sa General Sociology. Ano kaya kinain niya kaninang umaga? Masaya kaming nagkukwentuhan ni Bella tungkol sa ugali ng boyfriend niyang si Kyro. Wala na pala pag-asa itong si pinsan, may boyfriend na siya, e. Naririnig kong nagbubulungan ang dalawa sa likod namin, hindi ko lang alam kung maging si Bella ay naririnig ang bulungan nilang dalawa. Hindi na nga bulungan ang ginagawa nilang dalawa. Kaya napagpasyahan kong lingunin ang dalawa, sa paglingon ko bigla nilang tinuro si Bella. Ano naman kaya tinuturo nila kay Bella? Nakita kong umubo nang mahina si pinsang Akihiro at saka ito nagsalita. "Bella, free ka ba sa Sunday?" napahinto sa paglalakad si Bella at lumingon ito sa kanyang likuran kaya maging ako ay huminto. Matagal bago sumagot si Bella, mukhang iniisip niya kung may date sila ng boyfriend niya. Sana ako rin makapag-experience ng date kahit hindi na kay Cashel. Tumango siya kay cous. "Oo, Cashel. Bakit? Anong mayro'n sa Sunday?" Nakatingin kay pinsan Akihiro at ngayon ko lang din naalala, birthday pala niya sa linggo. Wala pa akong regalo. "Hindi pa pala niya alam?" Pagtatanong ni Cashel kay Akihiro. Nakalimutan ko rin. Hehe. "Bakit anong mayro'n?" naguguluhang tanong ni Bella sa amin. "Birthday ni Akihiro, Bella! Nahihiya siyang imbitahan ka." Ako na ang sumagot sa tanong niya at sabay tumawa nang mahina na siyang pagtingin ni cous sa akin nang masama. Napawi tuloy agad ang tawa ko. "Uhm, yeah. Are you free on Sunday, Bella?" Palihim akong ngumingiti rito dahil sa ginawa ni pinsang Akihiro. Nahihiya siya kay Bella 'tas may pahaplos-haplos pa siya sa kanyang batok, hindi niya alam busted naman na siya. May jowa na kaya si Bella, gusto ko sana sabihin pero 'wag na lang. Nakita kong ngumiti si Bella, "sure! Punta ako sa birthday mo, Akihiro!" anito kay pinsan kaya nakita ko si cous na ngumiti, maging ako ay ngumiti kasi nandoon si Bella sa birthday ni pinsan. Atleast may makakapag-kwentuhan na ako. Sana nga lang hindi isama ni Cashel sina Nathalie at Pauline. Sana may lakad sila sa linggo. Sana sa akin naman pumanig ang kapalaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD