CHAPTER 7

1418 Words
NGAYON ang araw ng birthday ni cous Akihiro. Maaga nga kami nakarating dito sa venue, kaya ang ending kami-kami pa lamang ang nandito ngayon. "Wala pa sila Bella," lungkot na sabi ko habang nasa round table ako. Nakapanglumbaba ako habang tinatanaw ang mga guest ni pinsan Akihiro. Mas pinili kong 'di umupo kasama sila Mommy, pakiramdam ko kasi magpapataasan na naman sila tungkol sa mga business and napuntahan nilang mga bansa. Nakakasawa na ang marinig ang mga iyon sa mga tita-tito ko at sa mga pinsan ko. Hindi na bago sa akin na nag-iiba ako ng upuan para hindi lang sila marinig. Hindi ko rin gaanong close ang iba kong pinsan except si pinsan Akihiro at si ate Asha - kapatid ni cous. Close kasi si Papa at Papa ni pinsan, except sa iba pang kamag-anak namin. "Nasaan na kaya si Bella? Sabi niya pupunta siya." ani ko sa aking sarili habang kinukuyakoy ko ang aking mga paa sa ilalim ng table. Napabuga ako habang nakatingin sa entrance ng lugar na ito, wala pa rin sila. Hindi ko pa rin nakikita ang maamong mukha ni Bella. Yumuko na lang muna ako sa table namin at nilagyan ng papel ang lamesang ito na may nakasulat na Occupied baka kasi may umupo habang nakayuko ako. "Hi, Fran!" Napaangat at napalinga-linga ako sa paligid ng may tumawag sa akin. Natanaw ko si Bella na kasama ang kanyang boyfriend na kumakaway sa akin. "Nagulat naman ako sa'yo, Bella. I'm so happy na dumating ka na rin, you know kanina pa kita hinihintay," malungkot na sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo ko ng titigan ko ang kasama niya, "Kyro o Kori?" pagtatanong ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa mukha ng kasama niya. "Kyro," tipid na sagot ng kasama ni Bella sa akin. Grabe naman, ang mahal ba ng bayad ng salita niya. Tinitigan lang niya ako at umupo na sa tabi ni Bella. "Sorry, ha? Matipid talaga siyang sumagot. Mahal kasi per words niya," mahinang sabi niya sa akin kaya napatawa ako roon pero hindi ko pinakita sa kasama niya na si Kyro na tumawa ako, baka kasi magalit sa akin. Pakiramdam ko naman 'di niya rin ako napansin. "Si Cashel parang 'di ko pa napapansin?" pagtatanong niya sa akin at nakita kong naglibot ang tingin niya sa buong venue. "Sinundo pa yata iyong Nathalie," matabang na sagot ko kay Bella and I rolled my eyes. May paa naman siguro niyong Nathalie o 'di kaya may car app naman siguro ang isang niyon, p'wede naman siya magpa-book. "Seryoso ba siya roon? I mean, kakakilala lang niya roon and mas ahead sa atin iyong Nathalie," pag-uusisa ni Bella sa akin habang nakikita ko sa gilid ng aking mata ang paghawan ng boyfriend niya sa kanyang kanang kamay. Napaglaman kasi namin na 3rd year college na pala niyon at kumukuha ng kursong Tourism. "Ewan ko. Siguro. Ano ba dapat kong gawin, Bella?" pagtatanong ko sa kanya. Napatakip ako ng aking mukha. "Who are you?" Sabay kaming napatingin ni Bella nang magsalita si Kyro at may umupo sa table namin. Matangkad na lalaki, siguro nasa six-two ang kanyang height. Maayos ang kanyang pananamit - white shirt sa kanyang panloob, spring oversized long sleeve shirt, black pants and white sneakers, tumingin pa ako sa ilalim ng table namin para makita ang kabuuan niyang suot. May hikaw siyang silver sa kaliwang tenga niya and over all, ang linis niyang tignan. "I'm Conrad," May pagmamalaking pagpapakilala nito sa amin. Umupo ito ng maayos at tumingin sa mini stage kung nasa'n ang emcee ng birthday party ni pinsan Akihiro. Kaibigan ba siya ni cous? Ba't ngayon ko lang siya nakita? "You don't remember me?" Lumingon siya sa amin at nakatingin siya kay Kyro. Magkakilala ba sila nu'ng boyfriend ni Bella? Sinilip ko ang mukha ng boyfriend ni Bella at nakita kong nakakunot ang noo niya. "Oh? Are you Kori's twin? I thought you were Kori. You look alike, gano'n siguro talaga kapag kambal." Sabay ngisi nito kay Kyro. "Guest po ba kayo ni Akihiro?" pagsingit ko sa usapan nilang dalawa. Kanina pa kasi ako nangangati na kausapin siya. Tingin ko mas matanda siya sa amin. May balbas ang kanyang mukha pero iyong light lang at nangangamoy sa kanya ang yaman. "Of course! Nice to meet y'all!" aniya sa amin at kumuha ng isang basong wine sa dumaan na waiter. Mahangin at mayabang siya pero I like him. Nakatitig lang ako sa kanya habang iniinom niya ang wine na kinuha niya kanina sa dumaan na waiter. Habang nakatingin sa kanya ay nagtype ako sa aking phone, nilagay ko roon ang salita 'I like him' at saka siniko nang mahina si Bella. Tumingin din siya agad sa akin at nakita kong naglalakiha ang kanyang mga mata at nagsalubong ang kanyang kilay. "Ganyan ang type ko!" bulong ko sa kanya ng mahina at pa-simpleng nginuso ang lalaki sa harapan namin. Nagtataka siyang tumingin sa akin habang hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. "Seryoso ka?" bulong niya pabalik sa akin habang masama ang tingin niya sa akin. Napalunok naman ako dahil sa tingin ni Bella. Ngayon ko lang kasi siya nakitang tumingin ng ganyan. Ngumiti na ako sa kanya nang ubod ng laki at tumingin na lang ako sa kaharap namin. Nakita ko pang napailing si Bella sa akin. Ang lakas talaga ng dating niya. Para siyang badboy, iyong mga lalaking napapanood ko sa mga Kdrama series. Ang lakas ng s*x appeal. Hindi ko alam pero kanina pa yata akong nakatingin sa kanya. Maging iyong adam's apple niya habang umiinom siya ng wine ay nakakaakit. Nawala ang atensyon ko ng makitang naglalakad papunta sa table namin sila Cashel kasama iyong Nathalie. Kinalabit ko si Bella at tumingin sa harapan namin. "They are already here." malungkot na saad ko sa kanya at nginuso ang dalawang taong bagong dating. Sina Cashel at Nathalie. "Nagluluksa siguro siya. All black from head to toe, like duh? Mas maganda ako sayo." Sumandal ako sa aking inuupuan habang masamang nakatingin sa dalawang taong kausap ngayon ni Akihiro. Nakita kong palapit dito sila Cashel kasama niyong Nathalie. Nakita kong ngumiti si Bella sa dalawang bagong dating pero ako hindi ko sila inimikan. Who are they ba to notice? Bisita lang naman din sila. "Uy, Francheska! Init ng ulo mo, ha? Hindi ka siguro nabusog sa party ng pinsan mo!" Inirapan ko lang ang sinabi ni Cashel sa akin at hindi siya pinansin. "Sungit nga." dagdag pa niyang sabi. Rinig ko namang binati niya sina Bella at maging iyong boyfriend niyang si Kyro. "Sino nakaupo d'yan?" tanong niya sa akin pero 'di pa rin ako umiimik. Sayang ang laway ko para kausapin siya. "Si Conrad, friend yata ni Akihiro." Si Bella na ang sumagot kay Cashel, napansin niya sigurong hindi ko kakausapin ang isang ito. Manigas siya! Napaayos ako ng upo nang makitang papalapit na ulit sa amin si Conrad 'di ko tuloy napansin na umalis pala siya kanina dahil na-badtrip na ako kay Cashel at sa kasama niya. "I really get it for you." Napanganga ako ng kausapin ako ni Conrad. Like what the fck? Is he really talking to me? Nilapag niya sa aking harapan ang isang plato na puno ng pagkain. Hindi pa rin ako maka-get-over na kinuhanan niya ako ng makakain. "Sa akin? Ito sa akin?" nagtatakang sabi ko sa kanya at sabay turo ko pa sa aking sarili. "Yeah, I don't like skinny woman. So, eat a lot." Napamaang ako sa sinabi niya at napatingin ako sa plato na nasa harapan ko. "Got to go! See you soon!" paalam niya sa akin at kinindatan pa niya ako. Nakita namin siyang pumunta kay Akihiro, kinausap niya ito. Nakatingin lamang ako sa kanya dahil hindi naman kalayuan sa table namin kung saan sila nakatayo ngayon ni cous Akihiro. Nang tumingin ako sa kanya at napatingin ulit ako sa pagkain na dinala niya sa akin. "He don't like skinny woman? Tama ba rinig ko, Bella? Hindi naman ako payat, ha?" hysterical na pagtatanong ko kay Bella habang chinecheck ang aking braso. "See? Hindi nga nag-aabot ang gitnang daliri ko and my thumb! I'm not skinny!" I hissed dahil tutol ako sa sinabi niya! May laman kaya ako! Gano'n na lang ang gulat namin ni Bella ng tumayo si Cashel. "Kukuha lang ako ng pagkain mo, Nathalie!" Sabay lakad nito paalis sa table namin. Nagkatinginan kami ni Bella at sabay na nagkibit-balikat. Wala akong pake sa ka-dramahan niya. Basta ako, kakain ng dinala ni Conrad sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD