CHAPTER 8

1827 Words
NAKAUPO pa rin ako rito kasama si Bella at iyong boyfriend iyang si Kyro, nasa harap ko pa rin si Conrad, dumating na ulit siya after niyang kausapin si cous Akihiro at ngayon ay matalim ang tingin na binibigay niya sa akin. Napalunok tuloy ako. Tahimik ang table namin kaya napaubo ako at ngumiti sa kanila. “Um, Bella, gusto mo kumuha tayo ng desserts natin?” sabi ko kay Bella, sobrang tahimik kasi ng table namin at walang nagsasalita. Sobrang lively pa naman ng birthday party ni pinsang Akihiro. Tumango sa akin si Bella. “Oh sure, tara?!” saad niya sa akin, kaya tumayo kaming dalawa. “Excuse us,” saad ko sa kanilang lahat. Nakita ko pa ang matalim pa ring tingin ni Conrad sa akin. May nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Eh ʼdi ba siya iyong nagsabi sa akin na skinny ako? So, siya ang may kasalanan sa akin, right? “Tahimik ang table natin, Bella, right?” tanong ko sa kanya habang papunta kami sa buffet area. Tumango-tango sa akin si Bella. “Napansin ko rin, Fran. I mean, simula nang magsalita si Cashel kanina na kukuha siya ng food ni Nathalie,” saad niya sa akin. “Yeah, after nu'n ay wala ng nagsalita, right? Sobrang awkward sa paligid natin. Minsan si Cashel may sayad din, nakukulangan na rin siguro ng turnilyo dahil sa Nathalie na iyan. Akala ko nga kasama iyong kaibigan niya tonight,” sagot ko sa kanya. Kumuha ako ng two plates, maging si Francheska rin ay kumuha rin. Two plates ang kinuha ko dahil ang isa ay para kay Conrad, nakakahiya naman kung ʼdi ko siya kukuhanan, right? “Akala ko rin, Fran! Kaya medyo nagulat ako nang makita kong si Nathalie lamang ang nandito.” Tumango-tango ako sa kanyang sinabi. Kumuha lamang ako ng tig-iisang slice ng salted caramel cake, magkabilang plates ko iyon nilagyan. Sunod kong kinuha ay itong dessert na nasa wine glass, para kasi siyang jelly ace tignan, dalawang piraso ang kinuha ko. Mukha kasing masarap, masarap kasing tignan, e. Sunod kong kinuha ay cookies na mayro'n din, oatmeal cookies, tatlo ang kinuha ko at sa plates ni Conrad ay dalawang piraso lamang. I'm not sure kung gusto niya, right? Nagtingin-tingin pa ako hanggang makita ko ang strawberry shortcake dito, kumuha ako ng isan slice and sa plates ni Conrad ay blueberry cake. Wala lang, gusto ko rin tikman iyon. Kaya makikihingi na lamang ako. “Bella, are you done?” tanong ko sa kanya habang hawak ko nang mahigpit ang dalawang plates na puno ng mga desserts na kinuha ko. Tumango siya sa akin. “Yes, I'm done! Come on, balik na tayo?” saad niya sa akin. Napatingin ako sa hawak niyang plates, puro iyon bread and cupcakes, isang slice na cake lamang ang kinuha niya at iyon ay choco-caramel cake. Mukhang si Bella ang nagda-diet at hindi ako. Iyong Conrad talagang iyon. “Hey, we're back! How's our table?” tanong ko sa kanila nang makabalik kami ni Bella. Tinignan lamang nila kami at si Kyro na ang sumagot — boyfriend ni Bella. “It's good,” tipid niyang sagot sa akin. Nagkatinginan kami ni Bella at ngumiti lamang sa isa't-isa. Mukhang wala pa ring nagsasalita sa kanilang apat na naiwan dito. Nasaan ba si cous Akihiro, mukhang need namin siya para mabasag ang katahimikan na mayro'n ngayon sa table namin. Dahil iyong ibang table ay maiingay nang madaanan namin ni Bella kanina. Nakabalik na ako sa aking chair and umupo ulit doon. “Here's yours, Conrad! Sana gusto mo iyang mga kinuha kong desserts. I don't know kung anong desserts ang gusto mo, kaya kinuha ko lang iyong gusto ko ring kainin, except sa strawberry shortcake, baka kasi hindi mo like?” sabi ko sa kanya at binigay ang isang plates na hawak ko. Tinignan ko lamang siya at nakita kong tinignan niya ang plates na binigay ko. “Um, thanks! But, I don't like sweets. Pero, dahil bigay mo kakainin ko na rin, ayokong masayang ang efforts mo,” aniya at nakita ko ang ngiti sa kanyang labi. Oh, s**t! Ang gwapo niya kapag ngumingiti. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at umupo na lamang nang maayos doon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng butterfly sa aking tiyan. Gano'n ang pakiramdam ko ngayon. “Oh? I don't know na hindi ka mahilig sa sweets, Conrad, I'm sorry,” sabi ko sa kanya na hindi nakatingin sa kanyang pwesto. Katapat lang naman siya, ʼdi ba? Kaya sobrang ilang ako ngayon dito sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko magkakaroon ako ng stiff neck after ng party ni cous Akihiro. “Don't worry my palate is also looking for something sweet now. Thanks for the desserts you got for me.” Napatingala ako nang marinig ko ulit siyang sumagot at nakita ko ang ngiti sa mga labi niya nang sabihin niya iyon. Napalunok ako nang ilang ulit dahil sa ginawa niyang iyon. “Oh my gosh! Oh my gosh! Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Bakit kumakabog nang husto ang aking puso? Teka, kalma lamang tayo, okay? Kakikilala lang natin kay Conrad. Kaya, puso, chill ka lang?” kausap ko sa aking sarili at pinapakalma ang aking buong pagkatao. “Um, gano'n ba? No worries, okay? Binigyan din kita dahil kinuhanan mo rin ako ng food kanina kaya quits na tayo,” nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin at imbis na sumagot siya ay tanging ngisi lamang ang binigay niya sa akin. Heto na naman ang puso kong kumakabog. Natapos ko ng kainin ang desserts na kinuha ko. Lahat ng iyon ay nasarapan ako, gusto ko pa ngang bumalik pero nahihiya ako baka kilala na ako ng nag-a-assist doon ng food. Sabihin pa niya sa akin ay ang takaw naman ng isang ito. Mahirap na, ano? And, baka sabihin ng Conrad na ʼto na nagpapataba ako dahil sa sinabi niyang skinny woman ako. “Hello everyone! Good evening to everyone here at the party of Mr. Akihiro, let's have fun tonight. Tonight we will play 'putukan na' each pair has three balloons and whoever has the fastest time to blow up the three balloons will win. Are you ready?” Nangunot ang noo ko nang marinig ang announcement ng emcee sa party ni cous Akihiro, pinsan din namin ang isang iyon — siya ang nag-iisang l***q+ sa family namin and mahal namin siya, kaya heto siya ang emcee dahil sobrang energetic niyang pinsan namin. “Oh, nakakita na ako ng isang maglalaro! Francheska, come here! You need to join! Also, Cashel!” malakas niyang sabi, isama mo pa na naka-microphone na siya. Napatampal na lamang ako sa aking noo. Tinignan ko siya at umiling pero imbis na makisama sa akin ay lumapit siya sa p'westo namin at grinab ako. “You need to join! Malay mo magkaroon ka na ng boyfriend dito, oh, ʼdi ba?! Edi pak kung gano'n!” saad niya sa akin, nilayo niya ang microphone sa bibig niya. Napa-rolled eyes na lamang ako sa kanya. “Ay, bongga! Kayong lima rin d'yan ay sumali na rin kayo!” Narinig kong sabi ni Angela — Angelo ang totoong name niya. “Ay, oh? Ang biceps namumutok! Partner mo si Francheska, okay?” Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang name at napaawang ang aking bibig nang makitang si Conrad ang kinakausap niya. Nakita kong napasulyap din siya sa akin at ngumiti habang nakatingin sa aking pwesto. “Sure,” tipid na sagot niya sa pinsan ko. Napalunok ako at uminit ang aking magkabilang pisngi dahil sa ginawa niyang iyon. Sarap sabunutan ng isang ito, yari sa akin ʼto! Nasa harap na kami at ang mga kamag-anak namin ay nakatingin sa amin ngayon. May limang pares na upuan ang nandito, nasa magkabilaan iyon. Tatlo na kaming pares, ako at Conrad, sina Cashel at Nathalie, sina Bella at Kyro. Iyong dalawang pares ay pinsan namin at ang kaibigan ni cous Akihiro. “Okay, let's start the game!” kinikilig na sabi ni Angela sa amin. Napalunok ako nang dahil doon. Si Conrad ang ka-partner ko at kinakabahan na ako dahil sa seryosong tingin na binibigay niya sa akin ngayon. “Girls, kayo ang unang magpapaputok ng balloon, okay? Ang mabilis na magpapaputok ang tatlong balloons ay siyang mananalo ng isang mahiwagang prize, secret for now muna, ayos ba tayo roon?” anunsyo niyang sabi sa amin, tumango kami sa kanya. Nakaupo na kami sa kabilang upuan at ang mga ka-partner namin ay nasa kabilang side ng upuan din, naghihintay sila para sa amin. “Are you ready?” announce niya ulit sa amin. Napalunok na ako at mahigpit na hawak itong balloon. “Go!” malakas niyang sabi sa amin at nakita kong tumakbo sila, kaya nakitakbo na rin ako. Nasa harapan na ako ni Conrad at nilagay ang balloon sa lap niya. “Sorry,” aniya ko sa kanya at tinalunan siya para pumutok ang lobo, isang try lamang ay pumutok din agad iyon. Nagkatinginan kaming dalawa at tumakbo naman ako pabalik sa upuan ko, siya naman kasi ang magpapaputok nu'ng lobo sa hita ko. Tumatakbo na siya at nakita kong tumatakbo na rin si Cashel palapit kay Natalie, maging si Kyro ay lumalapit na rin kay Bella. We're triple tie. Pinasiklop ko ang aking hita nang mailagay niya ang lobo sa akin. Hindi na siya bumuwelo hanggang inupuan na niya iyon na siyang pagkaputok agad. Nakahinga ako nang maluwag. Bago siya bumalik sa p'westo niya ay nakita ko ang ngisi niya sa akin. Kumunot ang noo ko at hindi na lamang pinansin iyon. Kinuha ko na ang huli lobo at gano'n na lamang ang gulat ko na sobrang laki nu'n. Triple ang laki sa unang lobong pinaputok ko. Hindi ko na intindi muna iyon at tumakbo palapit kay Conrad. Nilagay ang balloon sa hita niya at trinay na paputukin pero tumatalsik ako. Hinawakan ni Conrad ang lobo at nag-try ulit akong paputukin ito. Lumayo ako nang kaunti sa kanya at tumakbo palapit kay Conrad, tumalon ako pero gano'n na lamang ang aking gulat nang iba ang maupuan ko, hindi lobo. Naistatwa akong napatingin sa likod ko, nakita ko ang seryoso niyang mukha kaya napalihis ako sa kanya.Nakita ko ang lobong na sa sahig na. Tumayo ako at kinuha muli iyon, papuputukin ko na sana muli pero nag-announce na si Angela na may nanalo. “We have a winner! It's team Kyro and Bella!” malakas niyang sabi sa aming lahat. “Here's your prize, it's a condom!” She giggles habang inaabot niya iyon sa dalawa. Condom. Mabuti na lamang ay hindi kami nanalo. Nilapitan ko na lamang si Bella. “Congrats!” saad ko sa kanya at lumakad na kami pabalik sa table namin. Shit, naramdaman ko iyong p*********i ni Conrad na tumama sa aking perlas. Gano'n ba kalaki ang mga alaga ng mga lalaki?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD