CHAPTER TWO
“What? Anong pinagsasabi mo?”
“Ahsen! Stop it will you?” Maawtoridad na utos ni Tita Jane kay Lalaking Sungay. “I know why you’re acting like that but please control yourself. Likewise, “Tumingin muna ito saglit sa kanya. “I was shocked too. If I didn’t saw what happened, baka maisip ko pang iisa lang sila.” Kanina pa siya nagtataka sa mga pinagsasabi ng mag-inang ito. Parang may gusto ang mga itong sabihin na hindi niya dapat marinig. They’re both talking in riddles.
“Stop it, Ma.” Matigas ang boses na sabi nito bago galit na bumaling sa kanya. “You killed her! You killed my sister!” Galit na sigaw nito sabay hablot sa braso niya.
“Bitiwan mo ako!” Napangiwi siya, bumaon na yata ang kuko nito sa braso niya. At ano ang pinagsasabi nitong pinatay niya ang kapatid nito? Wait, kapatid? Sister? Cherbyl? Died?
“Please, Ahsen. Don’t blame her. She didn’t do anything.”
“W-what happened to Cherbyl?” Kinakabahan niyang tanong kahit na sa utak niya ay parang alam na niya kung bakit nasa harapan niya ang dalawa. Pero ayaw niyang tanggapin.
And again. Silence reign between them.
“B-Bakit hindi niyo sinasagot ang tanong ko? Ano ang nangyari kay Cherbyl? Please, Tell what happened to her---“
“Don’t you get it? Cherbyl is dead! She’s gone! Ilang beses ko bang dapat isigaw sa iyo iyon?” Sagot ng lalaking sungay sa kanya na nagpahinto ng ilang microseconds sa pag ikot ng mundo niya.
“W-What? Is this a joke? Akala niyo ba natutuwa ako sa biro niyo? Come on, palabasin niyo na ang mga kasabwat niyong may bitbit na hidden camera. Panis na ‘tong style niyo eh.” Kahit ayaw niyang maniwala pero bakit? Bakit parang maiiyak siya? “Of course, she’s not dead. Akala ko ba kayo ang pamilya niya? But why pulling some jokes about her death? Hindi kayo nakakatuwa.” Pinilit niyang tumawa kahit peke, tawa na nauwi sa isang malakas na iyak.
“Ate Gail!” Agad siyang niyakap ni Amy.
“Iha, Gail…” Niyakap na din siya ng mama ni Cherbyl. And they are both hugging each other, crying.
“Tell me na nagbibiro lang kayo, Tita Jane. Palabasin niyo na kung saan nagtatago si Cherbyl.”
Napayuko lang ulit ito.
“I’m sorry but, we’re telling the truth. She passed away last Saturday after her fourth chemotherapy. Until now, we can’t still accept the fact that we can’t hug her anymore. That we can’t hear her sweet voice again. But seeing her left us with a smile, nababawasan ng kaunti ang sakit na nararamdaman namin and that’s because of you. You made her last days happy with your novels. She always telling us that she wants to meet you. That’s why, we decided to flew back here and find you and to fulfill Cherbyl’s dying wish---“
“Stop it, Ma. Don’t bother to tell her about that anymore dahil hindi rin naman ako papayag.”
“But Ahsen-“
“Ten minutes had passed. We have to go.”
“Ano po ang huling wish ni Cherbyl? Kahit ano pa po iyan, gagawin ko ang lahat matupad lang ang kagustuhan niya bago siya.. bago siya nawala.”
“It’s not important for you to know what ever it is.” Hindi na pinasagot ni Lalaking Sungay si Tita Jane.
“Anong hindi importante?” Pinahid niya ang mga luha. “I treated her like my own little sister. Kahit dagat ang pagitan namin, napamahal na siya sa akin kaya walang kang karapatan na sabihing hindi importante na malaman kung ano ang hiling niya!” She burst out.
“You really want to know?” Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan nang lumakad ito palapit sa kanya. His dark aura warns her to run but her courage kept saying that there’s nothing to worry about. At isa pa, bakit siya tatakbo? Siya ang may-ari nang bahay. Sasabihin lang naman nito kung ano ang last wish ni Cherbyl, di’ba?
“Sabihin mo na at nang matapos na.” Matapang na sabi niya rito na parang hindi siya naggaling sa pag iyak kani-kanina lang.
“Fine. Her last wish is-“
Humugot siya ng napakalalim na hininga na para bang may nag-utos sa kanya na kailangan niya ng maraming hangin sa sasabihin nito.
“-for me to marry you!”
“Her last wish is for me to marry you!” Paulit-ulit na nag replay sa utak niya ang sinabi nito. Ano daw sabi ni Lalaking Sungay? Hindi siya pumuntang beach kaya sigurado siyang hindi natabunan ng buhangin ang tenga niya. But did she hear it right?
“W-what?” Nanlalaki ang mga matang tanong niya.
“You heard it right. And now, what you’ll gonna do? Marry me? Do it if you want to ruin your life. I can be the devil if you want to live like hell.”
“Ahsen! Watch your mouth!”
“Why, Ma? Gusto niyang marinig ang gustong mangyari ni Cherbyl kaya sinabi ko.” Tumingin ito sa ina na parang may iba pang gustong sabihin. “I’m just curious kaya sinamahan kita. We both saw it. She’s not her. Nagkataon lang lahat.”
“I think we need to go.” Nasa mukha nito ang disappointment. “I’m really sorry, Iha. Don’t worry, I’ll be back soon. I really want to know you more. Huwag mong pwersahin ang sarili mo to absorb everything, give yourself a time.” Paalam nito sa kanya na hanggang sa mga oras na iyon ay parang tuod pa rin nakamata lang sa mag-ina. Sino ba naman ang hindi maloloka kung ikaw ang nasa position niya?
“I’m so happy to see that face again. It’s been five years…” Niyakap siya nito ng mahigpit bago tuluyang umalis. Habang ang lalaking sungay naman ay walang imik na sumunod dito. Hindi niya maintindihan ang sinabi nito at hindi na niya iyon binigyan ng pansin. Nanghihina siyang napaupo sa sahig nang makaalis ang mga ito.
“Emergesh, Ate! I think I’m nood nood some drama sa nangyari kanina. Grabe, Ate. Akala me that pogi is mabait like his mukha but not pala. He away and said you some bad words. I don’t crush him na. At nakow Ate, Do not marry him. You might kill.”
“Tubig. Bigyan mo muna ako ng tubig. ‘Yung pinaka malamig.”
“Wait po, Ate. Water is coming.” Dali-dali itong pumunta sa kusina para ikuha siya ng tubig.
Pakiramdam niya, magiging pasyente siya ng hospital anumang oras. Hindi yata kakayananin ng utak niya na i-process lahat ng nalaman niya.
Nadatnan niya ang mama at kapatid ni Cherbyl na naghihintay sa bahay niya. Ibinalita ng dalawa na wala na ito. And the worst is, kailangan pa niyang pakasalan ang kapatid nito because of her dying wish. Ano pa ba ang dapat niyang malaman?
“Ate Gail. Here is the water. Drink it faster to water your stomach!”
Hindi na niya initindi ang conyo ni Amy. Agad niyang kinuha ang dala nitong tubig at agad na nilagok.