CHAPTER THREE
“Ano ba ang nangyari at kailangan nating mag open forum, Gail? May kaso kang kinasasangkutan?” Tanong ni Gelyn sa kanya. The lawyer, ang kaibigan niyang may paniniwala na dapat lahat ng aksyon at desisyon ay naayon sa batas.
Narito sila ngayon sa paborito nilang salon nagpapaayos ng buhok.
“Oo nga, bakit nga ba? Usually, kapag may open forum tayo, isa sa atin ang may mabigat na problema. Ilang kilo ba yang problema mo at kailangan nating makita ang kagandahan ng isat-isa ngayong araw?” Segundang tanong naman ni Jenny, the model.
Tinawagan niya kasi ang mga ito kahapon na magkita sila ngayon araw. Sa nangyari kahapon, kailangan niya ang payo ng dalawang ito. She badly need someone to lean on right now. Hindi niya na talaga alam kung ano dapat gawin. Naghalo-halo na ang mga problema niya, hindi na niya alam kung ano dapat unahin.
“I have a problem.”
“Yeah, of course we know that you had a problem. Ang gusto naming malaman ngayon ay kung ano ang problema mo. Bakit ka nagkaroon ng problema at kung sino ang nagbigay sayo ng problema.” Jenny.
“Will you stop beating around the bush, Gail? Hindi pwede ang mga ganyan sa husgado. Direct to the point ang kailangan namin, hindi ‘yung pupunta ka pa sa west at liliko sa north.” And here comes the lawyer.
If you’re asking why they’ve became friends, she can’t answer that question. Maybe, because they are complete different with each other and those differences fill in what lacks from one another and made them a whole.
“Remember Cherbyl?”
“Yeah, I can seem to remember you’re telling us about her. She’s your little sister online right? Why? What happened to her?” Gelyn asked her.
Napayuko siya at pilit na pinigilan ang luha na tumulo. Napaka iyakin niya talaga kahit kailan.
“Hey, What’s wrong? Bakit ka umiiyak? Bago ka umiyak, isipin mo muna ang magiging itsura kapag kumalat ‘yang mascara sa mukha mo. Huwag na huwag kang makalapit sa akin kapag nangyari yun.” Hindi niya mapigilang matawa sa sinabi ni Jenny, model nga talaga ito. Umiiyak na nga siya, ang mascara pa niya ang mas iniintindi nito.
“Bruha ka talaga.”
“Sabihin mo na kasi kung ano ang nangyari.”
“Cherbyl…”
“What? Ano ba yan. Isa pa talaga Gail. Dapat dinala mo yung martilyo na pampokpok kapag maingay sa loob ng korte, Gelyn at nang ihambalos natin sa babaeng ito.”
“Give her some time, Jenny. Come on, Gail. Tell us what happened to her?”
“Cherbyl..She’s gone.” Naiyak na naman siya. “Wala na siya. Hindi na matutuloy ang meet up namin sa birthday ko.”
“OMG! Bata pa yun, di’ba? Anong nangyari?”
“Hindi pa nila nasabi sa akin ang dahilan. Pumunta ang mama at kapatid niya sa bahay kahapon and it was a complete disaster. Her brother is blaming me about her death.
“Blame you? For what? Grabe naman ang taong yun, Gail. At bakit ka naman niya sisihin sa pagkamatay ni Cherbyl? For goodness sake! Mahal na mahal mo nga yung kapatid niya eh.”
“According to the book that I’ve read last night, No one has the right to castigate someone who is purely innocent.”
“And may isa pa akong problema.” Sabay na tumaas ang kilay ng dalawa sa sinabi niya.
“What? Another problem? Nako naman, Gail. Bakit hindi ka sumilong nang magpaulan ng problema ang Diyos?”
“Stop nagging her, Jenny. Dinadagdagan mo lang ang stress ni Gail sa mga pinagsasabi mo.”
“Eh kasi naman, hindi pa nga ako nakapag condolence sa pagkamatay ni Cherbyl, may sasabihin na naman siyang problema.”
“Hindi ko naman kasi kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin eh. Wala naman akong sinipang pusa at mas lalong wala akong nakakalimutang ipagdasal tuwing gabi.”
“Ano ba kasi ang ikalawang problema na ‘yan at mas mukhang mas mabigat yan sa nauna?”
She paused for while, dapat ba niyang sabihin sa dalawang ito ang tungkol sa last wish ni Cherbyl?
“We’re waiting..”
“Eh kasi.. It’s about Cherbyl’s last wish.”
“Last wish?” Sabay na tanong nina Jenny at Gelyn.
“Y-Yeah.”
“What’s with her last wish?” Tanong ni Gelyn.
“She… She wants her brother to marry me!”
“WHAT?!” Sabay na napatayo ang mga ito mula sa kinauupunang swivel chair.
“That’s ridiculous! Sa dinami dami ng pwedeng hilingin bago mamatay, bakit ang pakasalan pa ang kuya nito ang napili niya? Hindi ba’t sabi mo kanina, ikaw ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kapatid niya?” Naha-highblood na litanya ni Jenny.
“Nasa mahirap na sitwasyon ka ngayon, Gail. Para kang Judge sa korte na hindi alam kung saan papanig, sa depensa ba o sa akusado.”
“I really dunno what to do. Hindi naman ako isang klase ng babae na papayaa na magpakasal sa isang lalaki na ni hindi ko nga kilala. Not to mention na may something sa mag-inang iyon. I can’t explain pero may kung ano sa palitan pa lang ng mga tingin nila. May mga sinasabi silang hindi ko ma gets.”
“That wish will absolutely bring your peaceful life in a havoc situation.” Gelyn.
“I agree! Pati tuloy ako, na i-stress na din dahil sa problema mo, Gail. Bakit ka ba kasi napasok sa ganyang sitwasyon? Ito na yata ang tinatawag na God must be crazy.”
“Kaya nga kailangan ko ang advice niyong dalawa. Ayokong pakasalan ang mayabang na ‘yun but that’s Cherbyl’s last wish. Alam niyo naman sigurong takot ako sa multo di’ba?”
“Hindi porke’t iyon ang last wish ng bata ay magpapakasal ka sa kung sinong Poncio Pilato na iyon. Just like what you said, kadudaduda ang mag-inang iyon. Paano kung mga manloloko pala sila?”
“Kaya palagi kong sinasabi sa iyo na huwag kang masyadong ma attached sa mga taong nakikilala mo lang sa online pero ayaw mong makinig.” Napatingin siya kay Jenny na parang puputok na ang butse. “Alam mo ba kung ilang porsyento ang mga walang kwenta at manloloko sa online world? Ninety-nine percent.”
“Jenny is right, Gail. I know that talking to you reader is part of being a writer pero, dapat may limitation. Tulad ng sabi ko kanina, Cherbyl is a teen. Bata pa at wala pang alam sa mga komplikadong bagay dito sa mundo. Asking you to marry her brother is a childish decision. Given that she’s dying and he love her brother to the point na bigla na lang itong magbibigay ng isang dying wish dahil ayaw nitong malungkot ang kuya nito pero hindi ba niya iniisip ang maaaring mangyari?”
“Isa pa Gail, alam kong super close kayong dalawa at parang kapatid na ang turingan niyo pero reader mo lang siya. Iba ang writing world sa personal na buhay mo.”
“And you’re not required to fulfill that last wish stuff.”
Napabuntunghininga siya. “Palagi kong sinasabi sa inyo ito. Mga reader ko ang nagbibigay buhay sa pagiging writer ko. I can’t live without them. Walang writer kapag walang reader. Yes, nakilala ko lang siya online pero napalapit na siya ng husto sa akin. Siya ang una kong reader na palaging sumusuporta sa akin.”
“So, what’s your decision? Don’t tell us na papakasalan mo ang kapatid niya?” Tanong ni Gelyn.
“Of course ayaw kong gawin iyon. Alam kong gullible akong tao pero hindi naman ako gagawa ng ganoong klaseng desisyon at isa pa, hindi ko kayang makita ang sarili kong matali sa isang lalaki dahil lang sa isang hiling. Not to mention na hindi kagandahan ang ugali ng lalaking sungay na iyon. Ang iniisip ko lang ay si Cherbyl. Our friendship, our bond.”
“Iyon naman pala. Ayaw mong magpakasal kaya huwag mong pakasalan. Napakaliit na problema at napakadaling solusyunan. About Cherbyl, wala siyang alam sa gusto niyang mangyari kaya I’m sure, kung nasaan man siya ngayon, she’ll understand.”
“Nakaka-stress.” Pakiramdam niya ay malapit na siyang mabaliw.
“Pati make up ko, naloloka na. I think I need some retouch first. Excuse me.” Paalam ni Jenny. “Baka habang naka upo ako sa inidoro, may bigla na lang mag pop out na solusyon sa utak para sa problema mo.”
“So, what you’ll gonna do?” Tanong ni Gelyn sa kanya pagkaalis ni Jenny.
“Sa totoo lang, hindi ko din alam. Hindi ko na tuloy matapos tapos yung sinusulat ko for this month submission. Hindi ko maimagine ang sarili ko na kasal sa lalaking yun, he’s a jerk.”
“Bakit ba palagi mo na lang inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sarili mo? You’re always making your own life miserable because of that. You always let them run your fate. Magkaroon ka naman sana ng disposisyon sa buhay, Gail.”
“I’m sorry at pati kayo nadadamay sa problema ko. Siguro dahil wala akong magulang na nagturo sa akin kung paano gumawa ng sariling desisyon at nasanay kasi ako na sunod lang sunod sa kung ano sinasabi ng mga madre sa kumbento kaya lumaki akong ganito.”
“Magdadrama naman ba tayo dito?”
“Sorry.”
“Isang sorry pa at ibabato ko sayo ‘tong plantsa sa buhok.” Kinuha nito ang kamay niya. “We’re friends and what are friends for kung hindi ka namin matutulungan? Baka naman mas gusto mong humingi ng tulong kina batman at superman dahil mga pogi sila?”
Natawa siya sa biro nito. Ang dami talagang alam ang mga ito mabawasan lang ang bigat na nararamdaman niya. “Baliw!”
“Girls!!!”
Napalingon sila pareho kay Jenny na parang hinahabol ng mga baliw na tumatakbo pa talaga pabalik sa kanila. Wala na sa ayos ang buhok nitong nakalagay pa sa hair cap kanina.
“Anong nangyari sayo?” Nagtatakang tanong niya.
“I’m gonna die!” Hapong hapo itong napaupo at ipinakita sa kanila ang cellphone nito.
“Anong gagawin namin ni Gail sa cellphone mo?”
“Sira! It’s the text message! Look.” Ipinakita nito sa kanila ang mensahe. “My friend texted me na pumayag na maging model ng magazine namin si Ahsen Maddero! The hot, sexy and the youngest business tycoon in different field of business cycle!”
“I think, I’ve heard his name already. His family helped a lot of unfortunate people who want to seek justice but can’t afford lawyer’s fees.” sabi ni Gelyn. “Ang swerte mo kung ganoon.”
“Yeah right!”
Wait. Bakit biglang naging pamilyar ang pangalang Ahsen Maddero?
“Hoy! Gail! Napatulala ka bigla?” Pukaw sa kanya ni Jenny.
“Ahsen Maddero.” Bulalas niya.
“What about him?” Asked Gelyn. “Kilala mo ba siya?”
“I think I know him, if I’m not mistaken, he’s Cherbyl’s--“ Hindi na niya napatapos ang sasabihin dahil bigla na lang may marahas na nagbukas ng pinto.
It’s Ahsen Madero!
“Holy Macaroons with tomato sauce! Is that Ahsen Maddero?” Napatakip silang dalawa ng tenga ni Gelyn nang napatili ng malakas si Jenny. Nabitiwan pa nito ang hawak na cellphone.
“Anong ginagawa niya rito?” Tanong niya sa isip.
Nilibot nito ang paningin sa kabuuan ng salon. Itatago pa sana niya ang mukha sa dalawang palad niya pero huli na ang lahat dahil nakita na siya nito. Agad siya nitong nilapitan at-
“Let’s talk.” Walang kaemo-emosyon na sabi nito ng makalapit na sa kanya.
“May dapat ba tayong pag-usapan?” Taas kilay na tanong niya sabay baling sa dalawang kaibigan na nakatanga lang sa kanila.
“Don’t waste my time. Stand up and fix yourself.”
“You two,” Turo sa kanila ni Jenny. “You know each other?” Tanong nito.
“Wala akong kilalang napaka aroganteng tao. Kaya hindi ko siya kilala.”
“I don’t know her too but, I have no choice. Let’s go!” Kinuha nito ang braso niya sabay hila sa kanya patayo sa upuan.
“Ano ba? Bitiwan mo ako! Hindi ako sasama sayo! This is kidanapping! Ano ba?”
“Hey! Mr. Maddero!” Pigil ni Gelyn sa kanila na sinubukang hilahin siya.“Republic act no. 1084, section 267. Kidnapping and serious illegal detention-“
“Sue me if you want, I don’t care.” Itinulak siya nito sa loob ng mabangong sasakyan at sumakay pagkatapos.
“Gelyn, Jenny!” Sinubukan niyang buksan ang pinto ng kotse pero naka lock ito. Nakita niyang sinubukan siyang habulin ng dalawang kaibigan pero walang nagawa ang mga ito. “Saan mo ako dadalhin” Galit na sikmat niya rito.
“Stop it or I’ll kill you!” Matigas na banta nito sa na nagpatamimi sa kanya.
“Kill me? Sino ang pinagloloko mo?”
“You’ll going to marry me.” Parang walang anuman na sabi nito matapos siyang matigilan.
“Marry you? Alam mo ba ang pinagsasabi mo? Marrying is not as simple as dragging someone and told her to marry you.”
“Do you think I want to do this?” Puno ng sarkasmo ang boses nito. “My mother is in emergency room right now. If you want to get her condition worse, then, refuse to marry me.”
“What? She’s in what?” Parang sasabog na ang utak niya sa mga nangyayari.
“Whether we like it or not, we’re getting married,” Tumingin ito saglit sa kanya bago nagsalitang muli. “Tomorrow.”
“Who’s getting married to whom and when?”
“Us.”
“Look, Mr. Madero. May sarili akong buhay. May sariling plano at wala sa mga planong iyon ang pakasalan ka. Kahapon lang tayo nagkita. Hindi ko alam kung anong klaseng tao kayo.” Pinilit niyang pakalamhain ang sarili.
“You have no choice.” Inihinto nito ang sasakyan sa gilid at may kinuhang panyo. “And likewise, I have no choice but to this.” Hindi na siya nakapalag nang bigla siya nitong hapitin palapit at tinakpan ng panyo ang ilong niya.