Chapter One

2293 Words
Chapter One     Bigla siyang napabangon nang marinig ang alarm clock na nilagay niya sa loob ng unan para masiguradong magigising siya ng eksaktong alas-singko ng umaga. Ito na ang nakasanayan niyang gawin tuwing sabado, ang mag jogging sa park together with her cute baby, Ruro, a shitsu breed puppy. "Five minutes pa." inaantok niyang pinatay ang alarm clock at muling natulog. Nanaginip na siya na hinahabol daw siya ng tikbalang at tinatawag na pangit nang maramdaman niyang may kung anong malagkit sa mukha niya. "Ano ba?? Natutulog pa 'yung tao eh." Muling tumahol ang aso niya at dinilaan ang pisngi niya.  “Ruro naman eh. Mommy  still sleeping" Nakapikit na kinuha niya ito at niyakap pahiga. "Ang kulit mo talaga."   Tumahol ulit ito na para bang gusto na siya nitong bumangon. "Fine, fine! Babangon na po. Ang kulit talaga ng baby ko." Sumusukong napabangon na lang siya. Well, kung may weakness man siya as human, that's probably her baby Ruro. She can't resist its cuteness. Not to mention na ito na ang naging kasama niya matapos niyang umalis sa orphanage kung saan siya tumira. May nag offer kasi sa kanya ng scholarship at may mabuting puso na nagbibigay sa kanya ng supporta every month. Family? Wala siyang pamilya, hindi niya maalala. Ang mga madre at ulila sa ampunan ang tinuturing niyang pamilya. Sinubukan niyang alamin kung saan siya nagmula pero wala siyang nahita. Para bang winalis at nilagay sa basurahan lahat ng mga bagay na maaaring magturo sa kanya ng nakaraan niya. Tinatamad  na bumangon siya at nagpalit ng pang jogging na attire. Bitbit si Ruro na bumaba siya ng kusina pagkatapos niyang magbihis. "Oh my magandang  Ate Gail. I want to bati you a good umaga for the long whole day." Hindi niya mapigilang matawa sa bati sa kanya ni Amy, ang probinsyanang conyo na kasama niya sa bahay. Kailangan niya ng katulong dahil kung hindi, matagal na siyang nanahimik six feet under the ground dahil hindi siya marunong magluto. Kahit na anong aral niya ng pagluluto ay palagi pa ring palpak. Ang alam lang niya ay mga simpleng gawaing bahay, like maghugas ng pinggan, magbunot ng mga damo, magwalis ng sala. Ayaw niyang mamatay na de lata ang laman ng tiyan.  "Morning din, Amy.  Mamaya na ako kakain ng masarap mong breakfast. Mag jo-jogging lang muna kami ni Ruro sa park." Bati niya nang makababa na ng hagdan. "To worry is not, Ate. Ang truth is, I didn't luto pa yet dahil I know that you will takbo-takbo first. It is not masarap to eat if it is not hot anymore." Mabuti na lang talaga at nasanay na siya sa kung paano magsalita si Amy. At first, wala siyang ibang sagot sa tuwing magsasalita ito kundi, "Ha? Ano? What? Eh?" "It's okay. Aalis na kami, huwag kang magpapasok ng hindi mo kilala habang wala ako. Tandaan mo ang nangyari sa kapit bahay bahay nating namatay yung kasambahay dahil nagpapasok ng hindi niya kilala.” "Ate naman eh. You takot takot me over. To worry is not again. What the silbi of walis and baseball bat if I cannot use it to palo palo the bad people?" "Huwag kang umasa sa walis at baseball ball na yan. Paano kung barilin ka na lang nila bigla? Magagamit mo pa ba yan? And how many times do I have to tell you na ang pinaka mabisang panlaban sa mga masasamang tao ay common sense?"  "Copy all and pasted in my utak, Ate. I will gamit-gamit my common sense for protection." Nag salute gesture pa ito sa kanya. "Sige na. Aalis na kami." Paalam niya bago tuluyang lumabas ng bahay.  "Take good care, Ate Gail." Pahabol pa nito.       ****      "Come on, Ruro! Follow me! Run faster, Baby!" Utos niya sa aso at parang may isip naman itong sumunod sa sinabi niya dahil bumilis ang takbo nito. Tawa siya ng tawa habang tumatakbo at hinahabol ni Ruro. Wala siyang pakialam kung mapagkamalan man siyang baliw, ang importante, nag eenjoy siyang tumakbo kasama ang aso niya.  The feeling like she's a queen from the kingdom of  Palacio de Pena in  Potugal located at the peak in one of the Lisbon's mountain. Nasa malawak na hardin sila ni Ruro, nag jojogging habang may mga sundalong naka bantay sa paligid nila. May mga butcher na nakaabang na may bitbit na pitsel at basong hugis puso na gawa sa jade na may lamang kalamansi juice na nanggaling pa sa bansang Netherlands. Bigla siyang napahinto sa pagtakbo at nagsimulang mag-imagine which is palagi niyang ginagawa, perks of being a writer. Ito ang naging propesyon niya nang umalis siya sa ampunan. Sa pagsusulat siya nabubuhay. Nakikita niya ang sarili niyang naka sout ng magandang damit pang jogging. At syempre meron din si Ruro. He is so cute with his litlle costume. At habang tumatakbo sila ay napadaan sila sa fountain na may disenyong naghahalikang paru-aru. At nang malapit na sila ay may sasalubong sa kanilang tambol at trumpeta.   Beep! Beep! "Tambol at trumpeta ni Bembol kamote!" Nagising siya sa day dreaming niya nang bigla na lang may bumusina sa likod niyang pagkalakas-lakas. "Kung maka busina naman, aatakehin ako sa puso sa ginawa mo mrwhoeveryouare!" Sigaw niya sa sasakyang mabilis na nag paharurot palayo. "Grabe? Ni hindi man lang nag sorry." Naiinis niyang bulong sa sarili. Napatingin siya bigla kay Ruro at isang magandang ideya ang pumasok sa utak niya. "Come here, Ruro." Nang lumapit na ang aso ay  kinarga niya iyon. "Did you see that car, Baby? Let's follow that and take our revenge, okay?" She put down his puppy and...  "Ruro, thunderbolt attack!" She shouted. Napatigil siya saglit, hindi ba pusa si Pikachu at hindi aso? Well, should rather she said, Lightningbolt attack instead? Whatever, she’s just kidding.  Sinundan nila ang kotse pero ilang saglit pa ay hindi nila makita ang sasakyan. Ano ba ang laban ng  tao sa mamahaling sasakyan? Nothing. Kaya puno ng paghihinayang na lang silang  umuwi ni Ruro.  "Let's go , Ruro. Hayaan na lang natin ang may ari ng sasakyan na iyon. At isa pa, alam kung parehas na tayong gutom." Yaya niya sa aso. May iba pa ba siyang kalahi na kumakausap ng aso?  Ilang metro pa ang layo nila sa bahay  nang matanaw niya si Amy na parang hindi mapakali. Kandahaba-haba ang leeg nito sa katitingin left and right. At nang makita sila.. "Ate Gail! Someone at our bahay! Sorry Ate, I am outside of the bahay kasi and dilig-dilig the flowers when they dating. They pilit-pilit to enter because they want to usap-usap you daw! It's huli na before I kuha the walis and baseball bat dahil they pasok na already. At tsaka, Ate, mukhang I cannot palo-palo the boy because I crush at first sight on him. He is so pogi, Ate.!" Napataas ang kilay niya sa conyo report ni Amy. Wala siyang hinihinaty na bisita kaya sino naman kaya iyon ay tahasan pang pumasok sa bahay niya nang hindi man lang nagpapa-alam? "Hindi ba sabi ko sayo huwag na huwag kang magpapasok ng hindi natin kilala? Paano kung masasamang tao yun?" Dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay at nadatnan ang mga bisitang hindi niya kilala. "Ate, I did not tawag tawag the police na dahil they look rich and not  akyat bahay gang." Bulong pa sa kanya ni Amy. Isang kagalang galang na may edad nang babae at isang-- Greek God? Emergesh! Nanaginip ba siya? Binisita siya ng isang Prinsipe? Ng isang Duke? Ng isang modelo? Pero may kung ano sa mga mata nito ang napakahirap ilarawan. Shock was drawn all over his face as soon as their eyes met. Na parang nakakita ito ng isang multo. She watched his expression as it turns into anger. Hindi niya maiwasang kilabutan sa paraan ng pagtitig nito, mapang-akusa at puno nang pait." "Are you Gail?" Tanong sa kanya ng babae. Tumayo ito mula mula sa pagkaka upo habang inalalayan ng prinsipe este ng lalaki pala. “Oh my God!” Nagtataka at gulat na gulat ito nang makita siya. "O-Opo. Pwede ko po bang malaman kung bakit niyo ako hinahanap? Hindi ko pa kayo nakita o nakasalubong man lang dati." Sabi niya bago pasimpleng sumulyap sa napakagawapong nilalang na hindi siya sigurado kung tinapunan ba siya ng  masamang tingin. Nakatingin ito sa kanya na katulad ng kasama nitong may edad na babae ay mukhang nagulat din nang makita siya.             Lumapit sa kanya ang  ginang at nagulat siya nang bigla na lang siya nitong yakapin ng mahigpit. "I'm so glad that I finally meet you, Iha. I am very happy to see you again." She said with tears flowing from her eyes. Again? Nagtatakang tanong niya sa isip. Hindi pa niya ito nakita ever. "Pasensya na po talaga pero, hindi ko po talaga kayo kilala. Baka po sa kabilang bahay yung dapat niyong puntahan." Bumitaw ito ng yakap sa kanya at nakangiting tinitigan siya. "No, we came here especially for you. My daughter is right, you are really beautiful." Hinaplos pa nito ang pisngi niya. “And I just can’t believe this. You’re really look like... never mind.” Iwas nito. What the heck is happening here? Twenty five years old na siyang humihinga ng hanging nagmumula sa mga puno at halaman ng planetang tinatawag na Earth pero ni minsan ay hindi pa talaga niya naka-banggaang siko ang mga taong nasa harap niya ngayon. “Sorry pero kung scam o kung ano man ang tawag sa kung bakit narito kayo ngayon at sinasabing kilala niyo ako, nakiki-usap po ako na kung maaari lang ay tumigil na kayo. Mukha naman kayong disenteng mga tao pero hindi ko kayo kilala.” "What did you say?" Napatingin siya bigla sa lalaki. What a voice! He has this husky voice na lalaking lalaki ang dating, pang DJ sa radyo ang timbre. "Stupid." Pabulong nitong sabi na hindi nakalagpas sa tenga niya. Biglang naglaho ang kagawapuhan at kakisigan nito sa paningin niya, napalitan iyon bigla ng lalaking masungit na may sungay sa magkabilang bahagi. "Excuse me pero anong sabi mo sa akin?"  "Ahsen, stop it. I understand what you feel but please, stop it." Malumanay na saway ng ginang sa lalaking Sungay. "I'm sorry, Gail. Ganyan lang talaga ang anak ko. Pag pasensyahan mo na." Hinging paumanhin nito. "Kahit hindi ko po kayo kilala ay welcome po kayo sa aking pamamahay at isang bagay lang po ang hihingiin ko, Respeto. At kung pwede po sana ay sabihin niyo na kung ano ang pakay niyo sa akin. Wala naman po siguro akong kasalanan sa inyo di'ba?" Sabi niya at tsaka bumaling kay Amy na hindi na yata kumukurap na nakakatitig sa lalaking sungay. "Hoy, Amy! Wala ka bang utang sa kanila? Hindi ka ba nag order ng avon o natasha at hindi mo nabayaran?" Tanong niya rito. "Nope, Ate. I did not utang-utang something sa kanila." Sagot nito at muli na namang parang timang na tumitig sa lalaking sungay. "This is disgusting. I really don't know what kind of mindset you have there, Lady but do we look like Avon agents to you? Let's go, Ma. We're just wasting our time talking to that woman." Ang pangit talaga ng ugali ng lalaking ito. Tama nga ang nabasa niya sa isang libro na looks can be deceiving.  Ang lalaking ito ay isang masamang tao na nagpa plastic surgery para magmukhang demi god. "Ahsen. Please…" "Ten minutes and we will leave." Pasya nito. "Hindi kita kilala, Mister pero wala kang karapatang insultuhin ako sa sarili kong pamamahay.  Bakit hindi niyo na lang sabihin sa akin ang ipinunta niyo rito at nang hindi ako hula ng hula kung sino kayo?" Sasabog na talaga ang mga cells niya sa sobrang inis! "Iha, you can call me Tita Jane and that's my son, Ahsen." Biglang lumungkot ang mukha nito na parang maiiyak. "I'm... I'm Cherbyl's mother."  "Che.. Cherbyl's mother?” Gulat na bulalas niya. So, they are Cherbyl’s family. Cherbyl is her number zero fan in w*****d at Booklat. Ito ang reader na pinakamalapit sa puso niya dahil ito ang kaunaha-unahang reader na nakilala niya sa free writing website na iyon. From then, ay naging maging magkaibigan na sila at sinuportahan siya nito hanggang sa swertehin siya at napublish ang story niya. Cherbyl become her little sister online. Kahit halos fifteen years ang gap nilang dalawa ay nagkakaintindihan silang dalawa. Lagi niya itong ka skype but lately, madalang na lang niya itong nakakausap, hindi niya alam kung bakit. Wala naman kasi itong sinasabi sa kanya. “Nakauwi na kayo? Where is she? Gusto ko siyang makita. Bakit hindi niyo siya kasama? Bakit hindi niyo po sinabi kaagad na pamilya kayo ni Cherbyl?" Sunod sunod na tanong niya. Nasa Canada kasi ang mga ito. Doon daw naka base ang pamilya nito. Wala siyang nakuhang sagot  mula sa mga ito na ipinagtataka niya. "M-May problema po ba?"  Umiwas ang mga ito ng tingin sa kanya. "Is that you and my daughter?" Dumako ang tingin nito sa naka frame nilang picture ni Cherbyl the first time na nag skype sila. They're both posing wacky sa picture. "Can I take a look?" Tumango siya rito. Lumapit ito kung saan nakalagay ang frame at maingat na kinuha ang larawan. "Hindi niyo pa po sinasagot ang tanong ko kung nasaan si Cherbyl, Tita." "You're both look so happy here, Gail. I never saw Cherbyl as happy as in this picture with you." Hindi niya alam pero bigla na lang gumaralgal ang boses nito kasunod ng isang hagulhol. "Ma!" Dinaluhan ito ni Lalaking sungay. “I should have come here alone."  "Okay lang po kayo?" Aalayan pa sana niya ito pero agad na iwinaksi ni Lalaking sungay ang kamay niya. "Don't you dare to touch my mother!" Sigaw nito sa kanya na ikinagulat niya. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito sa kanya. "Ahsen!" "You're asking where is my sister? You want to know, huh? So I'll tell you! She's gone! She's dead! because you did that to her! You killed my sister!" Kung pwede lang bumuga ng apoy ang mga mata nito, kanina pa siguro nasunog ang kilay niya. And the what hell is he talking about? She killed... Cherbyl? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD