Maganda ang gising ni Jheann kinabukasan. Kahit ramdam niya ang paghapdi ng kaniyang panggitna dahil sa paulit-ulit na pag-angkin dito ng bibig ni Jared ay wala siyang pinagsisisihan. She was so happy. Hindi nga niya maintindihan kung bakit sumasagi sa isip niya na sana mauwi sa seryosohan ang weird na setup nilang iyon ng binata. "Good morning, love," bati kay Jheann nang baritonong boses na nagpangiti sa kaniya. Iminulat niya ang mga mata at mas lumapad ang ngiti niya nang makita sa tabi niya si Jared na nakatitig sa kaniya. Nandito nga pala siya ngayon sa kuwarto nito. Mula sa sala ay dito na nila itinuloy ang pagpapaligaya nila sa isa't isa kagabi. Hanggang sa hindi na siya hinayaan ng binata na lumipat sa kuwarto niya. At talagang hindi na rin niya kinaya. Magdamag silang magkasal