DAHIL hindi naman siya puwedeng lumabas ayon kay Jared kaya inubos na lang ni Jheann ang oras niya sa paglilinis ng bahay nito. Bagaman at maayos na ang halos buong bahay. Pati ang mga halaman sa bakuran ay pinakialaman na rin ng dalaga. Hindi nakauwi ng lunch time ang binata kaya mag-isa lang siyang pagkain. Bahagya tuloy siyang nalungkot. Pagsapit ng hapon at alam niyang malapit nang umuwi si Jared ay hindi na mapakali si Jheann. Nagluto muna siya ng mga pagkaing paborito nito na itinanong pa niya kay Kuya Alex. Mabuti na lang at tamang-tama na kompleto ang stock nito. Pagkatapos magluto ay naglinis na ng kaniyang katawan si Jheann. Parang dalawang oras yata siyang naligo. Halos matunaw na nga ang sabon dahil itinodo niya ang pagkuskos sa katawan. Siguro tatlong beses siyang nag