Kahit gabi na ay napilit pa rin ni Jheann si Jared na mag-swimming pa. Sa yate na rin sila kumain. Dahil pagkapahinga ay nagyaya uli ang dalaga na lulusong na naman sa dagat. Hindi naman ito masisisi ni Jared kung aliw na aliw man ito sa dagat. Bukod sa maganda talaga ang lugar, normal lang naman sa katulad nitong taga-Maynila ang masabik sa dagat. Isa pa, natutuwa si Jared na makitang nagustuhan ng dalaga ang mga lugar na pinagdalhan niya rito. "Ang sarap-sarap talaga nitong daing at tuyo na gawa ni Nay Koring. Swak na swak dito sa ginataang langka," sarap na sarap na sabi ni Jheann. Nasa top deck sila at kumakain ng nakakamay. "Hindi talaga ako mahihiyang magsabi. Promise. Hihingi ako ng mga ito pag-uwi natin. Magdadala ako sa Maynila." Naaaliw na pinapanood lang ni Jared ang dalaga