"NAPAKAHAYOP talaga ng Steve na 'yon! Lagot siya kay Alex pagkauwi niyon," galit na wika ni Papa Dante pagkatapos siyang ihatid ni Jared at nalaman ang ginawa ng dati niyang kaklase. "'Wag na ho muna natin ipaalam kay Kuya Alex, Tito. Ayokong masira ang honeymoon nila ni Ate Karen." Nagpalipat-lipat ang tingin ni Jheann sa tiyuhin at tiyahin, pati na rin kay Jared. "Saka na lang pagkauwi niya." "Sigurado talaga na uuwi agad iyon," wika naman ni Mama Luisa. "Kaya nga po, Tita. Nakakahiya kay Ate Karen." "Nakakulong naman na ho ang grupo ni Steve kaya kahit papaano ay mapapanatag na si Pareng Alex kapag nalaman niya." Sinulyapan siya ni Jared. "At hindi rin naman ako papayag na hindi niya pagbayaran ang ginawa niya kay Jhing-Jhing." Lihim na napangiti ang dalaga sa sinseridad na nabanaa