PAGKATAPOS nilang kumain ay pumayag si Jheann nang alukin siya ni Jared na pumunta muna sa malapit na park para ituloy ang pagkukuwento nito. Nag-text na lang siya kay Mama Salud na late na siya makakauwi dahil birthday kunwari ng isa niyang katrabaho. Mabuti na lang at sanay naman itong pagkatiwalaan siyang umuwi ng dis-oras ng gabi. Pagkatapos niya kasing malaman na nakulong sa isla si Jared ay nakuha na nito ang simpatiya niya. She wanted to hear him out. Curious din si Jheann na malaman kung paano ito nakulong at kung sino ang nagpakulong dito. "Dito na tayo," wika ni Jared nang makarating sila sa parte ng park na hindi gaanong naaabot ng liwanag. Maayos at malinis naman ang bermuda grass kaya doon na lang sila sumalampak. Pagkatapos siyang inalalayan ni Jared sa pag-upo ay saka t