MITSUKI’S POV
Habang nakatingin sa salamin ng elevator ay hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip sa mga nangyayare. Hindi maipinta ang mukha ni Ma’am Janne at halata ang inis sa kanyang mukha. Wala rin naman akong ibang magawa kung hindi ang tignan lang sya at unawain sa kung anong ginagawa nya. Napabuntong hininga na lang ako at saka ako tumingin sa ibang direksyon.
“I hate both of them,” basag nito sa katahimikan naming dalawa.
Saktong huminto na ang elevator at naunang lumabas si Ma’am Janne kaysa sa ‘kin. Sinundan ko lang sya sa kung saan sya pupunta at nang makarating kami sa labas ay agad itong sumakay sa kotse nya at saka nya at saka nya ito pinaandar nang hindi man lang ako nakasakay. Hahabulin ko pa sana sya kaso lang ay alam kong hindi ko na rin naman sya maaabutan pa.
“She’s just like that.” Napalingon ako sa nagsalita at saka ko nakita si Sir. Tyler.
“Ah… sir,” sabi ko at saka ako yumuko.
“What happened?” Napalingon ako sa biglang dumating.
“What did you do?” tanong ni Sir Tyler kay Sir Ashton.
“I let Rylon enter her office room,” sabi nito at saka naman napabuntong hininga si Sir Tyler.
“Ahhhh… may gagawin pa po ako mauna na ako,” sabi ko at akmang tatalikod na sana ako nang bigla na lang hawakan ni Sir Ashton ang braso ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.
Inabot nya sa ‘kina ng evelop at saka ako tumingin doon. “Take this to her office. She need to review it,” sabi nito at saka ako tumango at kinuha ang envelop.
Yumuko ako sa kanya at saka ako pumasok na sa loob at nang makarating sa opisina ay nilapag ko sa lamesa ni Ma’am Janne ang papel. Bumuntong hininga ako at saka ako tumingin sa monitor at inasikaso ang mga papel na mga naiwan para naman ma-input ko na. Hindi ko namalayan ang oras at halos matatapos na rin pala ang lunch time. Napagdisisyunan kong bumaba muna para bumili ng coffee at para na rin makakakain. Nang lalabas na sana ako ng opisina ay napasinghap ako nang bigla na lang may kumatok. Napakunot ang noo ko kasi hindi naman kumakatok sa sarili nyang opisina si Ma’am Janne.
“Pasok,” sagot ko at saka bumukas ang pinto at mas lalo akong nalito nang makita ang sekretarya ni Sir Ashton. “Ahh… may ipapagawa po ba kayo?” takang tanong ko.
Ngumiti sya sa ‘kin at saka sya ngumiti at may inabot na pagkain. “Sir Ashton know that you were busy, you didn’t even notice that it’s lunch time. He said that give it to you,” sabi nya at saka ako napatingin sa pagkaing dala nya.
“Ah… hindi naman po nya kailangan mag-alala sa ‘kin. I can buy my meals naman,” sabi ko at saka nahihiyang kunin ang dala niya.
Inilahad nya sa ‘kin ito na tila pinipilit na kunin ko ang dala nya at hindi ko alam kung tatanggihan ko ba o kailangan ko nang kunin. “Sige ka, kapag hindi mo tinaggap ‘yan sasama ang loob ni Sir Ashton sa ‘yo,” sabi nito na sya naman ikinakonsensya ko.
“Sige na nga,” sabi ko at saka ko kinuha ang dala nya. “Salamat po,” sabi ko at ngumiti. “Ano nga pala ang pangalan mo?”
“Ako si Yna Jane Francisco,” pagpapakilala nito sa kanyang sarili.
“Ahh… ok po Ma’am Yna.”
“You’re welcome,” sabi nito at akmang aalis na sana pero may nakalimutan pa syang sabihin kaya naman napalingon ito sa ‘kin. “Ma’am Janne told me that she’s in Korea right now, so if you want to out early, you may go now,” sabi nito at saka tumalikod na at umalis.
Napabuntong hininga naman ako at saka ako napahawak sa ulo ko at napapikit ng mariin. “Ang bilis naman nyang makaalis?” nalilitong sabi ko.
Tumingin ako sa lamesa ko at konti na lang naman ang gagawin ko at kailangan ko itong tapusin para naman wala na akong ibang gagawin bukas. Kumain muna ako at saka nagtimpla ng kape dahil mero’n namang coffee maker dito na p’wede kong magamit para hindi na rin ako bibili pa ng kape sa labas. Habang kumakain ay hindi maalis sa isip ko ang nangyare kanina at hindi ko alam kung totoong badtrip talaga si Ma’am Janne o sad’yang ayaw nya lang talaga kay Sir Rylon.
Nang matapos akong kumain ay inumpisahan ko na ulit ang mag-input ng mga kailangang ilagay at nang matapos ako ay saka ko tinignan ang oras. Mero’n pa naman akong sapat na oras para mag-mall dahil may gusto akong bilhin. Sinabihan ko sila Angelique, Zett at Gladys na mag-mall kami at ililibre ko sila ngayong araw.
Nang makarating ako sa mall ay saka ko nakita si Angelique, Zett at Gladys na no’n ay sexy sa kanilang mga suot na akala mo naman ay may party na pupuntahan. “Ano ‘yang mga suot nyo?” naguguluhang tanong ko.
“Hindi mo ba alam na ganito ang uso ngayon?” sabi naman ni Gladys.
“Hindi naman ako na-inform,” sabi ko at saka ako napangiwi.
“Ang kj mo rin, e ‘no?” inis na sabi ni Gladys.
“Hindi ako kj, sad’yang hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangan nyan,” sabi ko at saka naunang pumasok sa mall.
Sumunod na rin naman sila sa ‘kin nang makapasok at saka ako pumunta sa bookstore para bilhin ang kailangan ko. Naghanap nang makakaininan sila Gladys habang ako naman ay nag-iikot sa bookstore. Habang naghahanap ako ay saka ko ito kinuha at napatingin ako sa lalakeng nasa kabilang side ng shelves. Nang tignan ko ito ay saka nanlaki ang mata ko nang makita ko si Sir Ashton na nandoon at nakatalikod at naghahanap ng libro. Agad akong napayuko at saka napatakip ng bibig ko at saka dahan-dahan na naglakad papaalis pero nang liliko na sana ako ay bigla na lang akong natumba nang may nabangga ako.
Narinig ko ang pagtawag ni Gladys sa ‘kin at agad naman nila akong nilapitan. It’s really my stupidity that will ruin my life. When Gladys got me up, I looked at who I bumped into, and I was stunned to see Sir Tyler there. He smiled at me, then I looked at the book he was holding, Sir Ashton came right then looked at me in surprise. I smiled at them, then raised both my hands and waved.
“You’re also here, Mitsuki.” Nakangiting sabi ni Sir Ashton.
“Ah… y-yes Sir,” sagot ko naman sa kanya.
Hindi ko alam paano ako magsasalita ng maayos at akmang aalis sana kaso lang parang nakakahiya. “You’re into books too?” Sipat na tinignan ni Sir Tyler ang hawak kong libro.
“Ahh… o-opo. A-ano kasi… mahilig lang akong magbasa,” sabi ko at saka tumingin kay Angelique na nakatitig kay Sir Tyler.
Agad na siniko ko sya at napatingin sya sa ‘kin. “Mitsuki,” tawag nito sa pangalan ko.
“Stop staring at him will you?” sita ko sa kanya.
“But how could I? He’s fvcking handsome as hell gosh!” sabi nito at hindi naalis ang tingin kay Sir.
Sir Tyler looked at Zett, then smiled at her, and Zett frowned at him. Zett approached me and whispered to me. “May saltik ba ‘yan Sir mo?” she asked, and I secretly elbowed her. “Sh*t.”
“Mero’n ba kayong ibang gagawin?” biglang tanong ni Sir Ashton.
“Ah… w-wala naman,” agad na sagot ko.
“Bakit ba nauutal ka?” bulong ni Gladys.
Tumingin ako sa kanya. “Sinong hindi mauutal, e kanina nasa office lang sila ngayon nandito na?” bulong ko.
Umayos ako at saka tumingin sa kanilang dalawa. Magsasalita sana ko kaso lang biglang sumingit si Angelique. “Wala kami gagawin. Aayain nyo ba kami mag-date? Gora na agad sayang naman,” sabi nito na syang ikinatawa ng dalawang Boss ko.
Napasampal ako sa noo ko at napapikit ng mariin. “If you want to, why not?” sabi ni Sir Tyler na nakatingin kay Zett.
“Hindi na, no thanks,” sagot nito.
Natawa ako sa sinagot nya at saka ako tumingin kay Sir Tyler. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa kanilang dalawa samantalang hindi naman dapat. Pero dahil sa si Angelique ang pinakapilya sa aming apat, sya ang nagdisisyon na sumama kaming apat. Naiiling na lang kami dahil sa nangyare at dinala kami nila Sir sa isang mamahaling restaurant. Napatingin ako sa buong paligid at hindi ko alam kung kailan ang huling kain ko noon dito.
Katabi ko si Sir Ashton habang sa kabilang upuan ay katabi ni Sir Tyler si Zett tapos katabi nito ay si Gladys habang si Angelique naman ay sa kabilang tabi ni Sir Ashton. Sa totoo lang ay ako ang nahihiya sa ginagawa ni Angelique at parang gusto ko na lang syang itapon sa kung saan. Namili na kami ng order at hindi ko maiwasan ang hindi mailang dahil sa ‘kin nakatingin si Sir Ashton.
“Ahh… Sir ano pa lang name nyo?” basag ni Gladys sa katahimikan ng lahat.
“I’m Tyler and he’s Ashton my older brother,” pagpapakilala ni Sir Tyler. “Don’t call us Sir, call our name instead,” dagdag pa nito.
“They are my Boss’ older brothers,” ani ko at saka napatingin sa ‘kin si Zett.
“You mean, the girl you were talking about?” sabi nito at saka ako tumango.
Pinatong ni Sir Ashton ang siko nya sa may lamesa at ako naman ay hindi mapigilan ang hindi mapalingon sa kanya at hindi rin ako makalingon. Hindi ko alam ang kung anong gagawin ko at hindi ko alam kung paano kong haharapin si Sir. Sinesenyasan ko si Zett na magsalita pero sinesensyasan rin ako nito na tignan ang katabi ko.
“P’wede bang alisin mo ang tingin mo sa ‘kin?” inis na sabi ni Zett.
Hindi naman nagsalita si Sir Tyler at ngumiti lang ito. “He likes you,” sabi ni Ashton.
Napairap na lang si Zett at saka naman sya tumingin kay Angelique. Sinenyasan ni Zett ito pero hindi makuha ni Angelique ang kung anong ibig sabihin ni Zett at napasapo na lang ito sa noo nya. Bumuntong hininga na lang ako sa ginagawa nila at saka ako napatingin sa katabi kong nakatingin pa rin sa ‘kin. Tumingin ako kay Gladys at saka ko sinenyas kung ay dumi ba ang buhok ko o wala. Pero umiling sya sa ‘kin at sinabing wala naman.
“Ano bang ginagawa nyo?” sabi ni Angelique. “Bakit kayo nagsesenyasa? Hindi naman kayo pipi hindi ba?” sabi nito at saka ako napangiwi.
Natawa naman si Sir Tyler at Ashton sa sinabi ni Angelique. Dumating na ang pagkain at napatingin ako dito dahil sa wakas ay makakakain na kami. Nag-umpisa na kaming kaumain at namumutawi ang katahimikan sa buong paligid at wala rin naman akong ibang sasabihin. Habang kumakain ay pinapakiramdaman ko lang kung sino ang magsasalita. Natapos na lang kaming kumain ay wala pa rin ang kumikibo hanggang sa magsalita si Angelique at napatingin kami sa kanya.
“Buti na lang at may pagkain at hindi napanis ang mga laway natin ano?” sabi nito at napatakip ako ng bibig ko para pigilan ang matawa.
“She’s right,” sang-ayon naman ni Sir Ashton.
“Dapat pala hindi na lang tayo nilagyan ng bibig kung magsesenyasan lang din naman pala tayong lahat dito.”
“Alam mo ikaw ang intrimitida mo,” sabi ni Gladys.
“Could you introduce yourselves? Kilala nyo na kami, kami hindi pa namin kayo kilala,” sabi ni Sir Tyler at saka ko tumingin kay Zett.
“I’m Zett,” pagpapakilala ni Zett. “She’s Gladys and that noisy over there is Angelique,” sabi nito at saka ako ngumiti.
“Hindi ko naman na siguro po kailangan ipakilala ang sarili ko ‘di ba?” sabi ko at saka naman tumango si Sir Ashton.
Napapisip ako sa kung ano ang nasaisip ni Sir at sa totoo lang kanina pa ako naiilang sa kanya dahil hindi nya man lang magawang alisin ang tingin nya sa ‘kin mula kanina. “Sir mawalang galang na po ano? My friend is naiilang sa titig mo. She’s melting na oh,” sabi ni Angelique at saka ako napaiwas ng tingin.
“She’s beautiful, I can’t take away my eyes from her,” sagot naman nito na syang ikinagulat ko.
Tumingin ako kay Sir at saka nangunot ang noo ko. “Hindi ka naman po siguro bulag o malabo ang mata hindi ba?” ani ko at saka sya nangunot din ng noo sa ‘kin.
Tumingin sya kay Tyler at saka sila nagsenyasan at hindi ko alam ang kung anong sinesenyasan nila. Napabuntong hininga na lang ako at saka ako napapikit ng mariin at napatayo at nagpaalan na magbabanyo lang. Nang makaalis ako doon ay sumunod ang tatlo sa ‘kin at saka ako napatitig sa sarili ko sa salamin at tinignan ang kung ano ang nakakaaya sa mukha ko pero wala naman akong makita.
“Hindi mo naman sinabing may gusto pala sa ‘yo ang kapatid ng boss mo,” pang-aasar ni Zett sa ‘kin at masama ko syang tinignan sa salamin at tinawanan lang nila akong tatlo.