CHAPTER 6

2220 Words
MITSUKI’S POV Bumalik na kami sa table namin at nakita kong nagkukuwentuhan ang dalawa. Nang makita nila kami ay ngumiti sila sa amin at saka kami umupo ulit. Tumingin ako kay Sir Tyler at yumuko ako sa kanya at saka ako tumingin sa orasan ko. “We have to go na po pala Sir,” sabi ko at sala tumingin kila Angelique. Sinenyasan ko sila na magpaalam na pero si Angelique ay parang ayaw pang umalis sa kinalalagyan nya. Tumayo ako at saka ko hinawakan ang kamay ni Angelique at hinila ito papalabas ng restaurant at sumunod na rin sila Gladys. Nang makalabas ay agad akong nagpara ng taxi at nang buksan ko ‘yon ay napasinghap ako nang bigla na lang may nagsara nito at napatingin ako sa taong ‘yon. Napasapo ako sa dibdib ko at saka ako dumistansya. Tinignan ko si Zett at tumingin sya kay Sir Tyler na nasa tabi na rin nya. “Ano po ang kailangan nyo?” tanong ko. “Hatid na namin kayo,” sabi ni Sir Ashton at bigla namang sumingit sa harapan ko si Angelique. “Hala nakakahiya naman Sir. Pero kung ayan ang gusto mo, why not?” sabi nito sa malanding tono. “Anglique?” inis na tawag ko. “She’s agree,” sabi ni Sir Tyler at napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumang-ayon sa kanila o dapat akong tumutol. Nilibre na nila kami sa pagkain ngayo naman ay gusto nila kaming ihatid. Huminga ako ng malalim at saka ko tinignan si Zett at sinenyasan ko sya lalo na kay Gladys. Tumango na lang sya at wala na ring nagawa dahil una sa lahat ay nakakahiya naman kung tatanggi pa kami. Pumayag na kami at pumunta na kami sa kotse nila. Hindi ko alam kung kanino ako sasabay. Nanguna si Angelique sa front seat at nang bubuksan na nito ang pinto nang kotse ni Sir Ashton ay bigla na lang itong pinigilan ni Sir Tyler dahilan para mapalingon sa kanya si Angelique at mangunot ang noo. Hindi ko alam kung anong nasa isip nila pero nagtataka ako sa inaasal nila ngayon. “Bakit?” takang tanong ni Angelique. “Sa ‘kin na kayo sumabay,” sabi nito at saka nya hinila si Mitsuki at sinakay sa kotse nya. Gano’n din ang ginawa nito kay Gladys at Zett at saka sila umalis. Ako naman ay naiwan kasama si Sir Ashton na nasa harapan ko ngayon at hindi ko alam ang kung anong sasabihin ko. Mabait si Sir Ashton at hindi ko ipagkakailang g’wapo rin naman sya. Binuksan nito ang front seat at saka nya ako sinenyasan na sumakay at sumunod na lang ako sa kanya. Nang makasakay ay napasinghap ako nang hilain nito ang seatbelt at saka niya ito kinabit para sa ‘kin. Napalunok ako ng sariling laway ko sa ginawa nito at hindi ko alam ang kung anong sasabihin ko. Sumakay na rin ito sa driver seat at saka sya ngumiti na tumingin sa ‘kin. Sa totoo lang ay noong nakaraan ko pa napapansin ang kakaibang kilos nito at hindi ko alam kung para saan ang bagay na ‘yon. Nang makaalis ay nakatingin lang ako sa labas at unti-unti akong nakaramdam ng antok kaya naman sinandal ko ang ulo ko sa may bintana at saka pinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas at nang maramdaman ko na na huminto ang sasak’yan ay unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nang mamulat ko ang mata ko ay nakita ko ang mukha ni Sir Ashton na sobrang lapit sa ‘kin. Naitulak ko sya sa gulat ko at hindi ko sinasad’ya na gawin ‘yon. Napahawak sya sa ulo nya at saka nya ako tinignan. Napatakip ako ng bibig ko dahil sa nangyare at saka ko tinignan ang ulo nya kung nagkaroon ba ng bukol o wala. “Pasensya na Sir hindi ko sinasad’ya,” sabi ko at saka sya tumingin sa ‘kin. “No worries,” sabi nito at saka sya umayos ng tayo. Inalis ko na ang seatbelt ko at saka ako bumaba at nasa harap na rin pala kami ng bahay namin. Huminga ako ng malalim at saka ako lumingon kay Sir Ashton at saka ko sya nginitian. “Salamat po sa paghatid sa ‘kin. Pasensya na rin po sa pagkakatulak ko, nauntog ka tuloy,” sabi ko at saka napahawak sa bibig ko. He looked at me, then smiled at me and shook his head. “No worries, it doesn't hurt too much,” he said, then I winced because he was so kind to me. I don’t know if he is the same as their other employees or maybe he is just really nice because I am his youngest sister’s secretary. Nagpaalam na ako at pumasok na rin ako sa may gate at bago pa man ako tuluyang pumasok sa bahay namin ay kumaway ako sa kanya. Nang makaalis na ito ay pumasok na ako at sa pagsara ko ng pinto ay napasapo ako sa bibig ko dahil nasa likuran ko lang si ate Haruka. “What the hell!” “Is someone drove you here?” tanong nito at saka ako huminga ng malalim. “Kapatid ng boss ko,” sagot ko naman. Umalis ako sa harapan nya at sumunod sya sa ‘kin na may panunuksong tingin. “Tigilan mo ‘ko ate hindi ka nakakatuwa,” inis na sabi ko. “Mommy!!! Si Mitsuki may boyfriend na!” sigaw nito na sya namang ikinaalerto ko. “What?” sigaw ni Mommy at agad na lumabas ito ng k’warto. “May boyfriend na si Mitsuki? Sino? Nasaan?” tanong nito at saka ako napakagat sa labi ko. “It doesn’t make sense,” sabi ko at saka naiiling. “Mommy may naghatid kay Mitsuki sa labas nakita ko,” sabi ni ate Haruka at napatampal ako sa noo ko. “That’s my boss’s older brother. He insists on taking me home. I’m with Angelique, Zett, and Gladys,” I said while going up the stairs. Hindi ako tinitigilan nila Mommy na asarin at napapabuntong hininga na lang ako. Nang makarating ako sa k’warto ko ay agad kong sinara ang pinto at buti na lang hindi agad nakapasok si ate Haruka. Napasalampak ako sa kama at saka ako huminga ng malalim at hindi ko pinansin ang tawag sa ‘kin ni ate Haruka sa labas ng pinto. Habang nakatingin sa kisame ay nakikita ko ang mukha ni Sir Ashton kanina at napatakip ako ng mukha ko dahil doon. Naisipan ko na lang na magpalit ng damit ko at mag-asikaso na matulog na lang. Nang magising ako kinabukasan ay naririnig kong nagri-ring ang phone ko. Agad ko naman na sinagot ito. Mula sa kabilang linya ay naririnig ko ang boses ni Ma’am Janne at parang ibang number ang gamit nito. “Hello Mitsuki?” “Yes Ma’am!” sagot ko. “Ayos lang ba kung may ipapagawa ako sa ‘yo?” sabu nito na syang ikinakunot ko ng noo. Bumangon ako at saka tinignan ang orasan at masyado pang maaga. “Ano po ‘yon?” takang tanong ko. “I have a meeting with Mr. Aragote. He has something to deal with me in launching his new product, and he wants us to be his business partner. So I will assign you as my representative of me for that meeting. But you’re with kuya Ashton since he’s the C.E.O, got it?” paliwanag nito at nang marinig ko ang pangalan ni Sir Ashton ay kinabahan ako. “W-with Sir Ashton po?” nauutal na sabi ko. “Yes, is there a problem with that?” tanong nito. Umiling ako at saka sumagot. “W-wala po. Anong oras po ba ang meeting?” “At exactly 10 o’clock you need to be there,” sabi nito at tinignan ko ang orasan. “Sige po ma’am,” sagot ko at saka binaba ang selpon ko. Nag-asikaso na ako nang sarili ko at nagsuot ng formal attire. Hindi naman p’wedeng mukha akong timawa sa meeting dahil ang pangit naman tignan. Nang makapaghanda ako ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin at saka ako naglagay ng konting make-up at light lipstick para naman magmukha akong tao. Matapos kong makapaghanda ay bumaba na ako at pumara ng taxi dahil hindi ko rin naman magagamit ang motor ko kung naka-skirt lang ako. Nang makasakay ako ay huminga muna ako ng malalim at saka tumingin sa orasan at ngumiti. Nang makarating ako sa building ay bumaba na ako ng sasak’yan ay agad akong pumasok sa loob. Nang pinsdutin ko ang elevator ay sakto naman na pagbukas nito at nasa harapan ko ngayon ang g’wapong C.E.O. Napanganga ako sa nakita ko at hindi makapaniwala na mas may iga-g’wapo pa pala ito. “Tititigan mo lang ba ako hanggang sa matunaw ako, Ms. Go?” sabi nito at saka ako napailag ng tingin. Agad akong gumilid at saka yumuko sa kanya. Nang umalis sya sa harapan ko ay napatingin ako sa kanya habang naglalakad ito papalayo sa ‘kin. Napangiti ako nang makita ang g’wapo nitong likuran na syang ikinamangha ko rin. Sa totoo lang ay gusto ko ang bawat detalye ni Sir. Ewan ko pero ang g’wapo talaga nya sa pagkakataon na ‘to. “Are you going to stay there or you’re going with me?” ani nito at tila bumalik ako sa ulirat. Inayos ko ang sarili ko at saka ako sumunod sa kanya. Nang makasakay sa kotse ay hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. Hindi ko alam kung bakit. Agad na bumalik ako sa ulirat nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Nang makaalis na kaminay buong b’yahe kaming tahimik at wala ‘ni isa sa amin ang nagsasalita. Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay na kami ng elevator. Pagdating sa 33rd floor ay sinundan ko lang si Sir Ashton. Pumasok kami sa office room at doon ay nakita ko ang isang lalakeng may edad na. Agad na binati ito ni Sir Ashton at gano’n din ang ginawa ko. May mga pinag-usapan sila na hindi ko alam at nakinig na lang din ako sa mga pinag-uusapan nila. May pinakitang power point presentation si Mr. Aragote at doon na napukaw ang atensyon ko. “This is what I want to show you, Mr. Turner,” sabi nito at saka nag-show up ang mga image sa presentation. Hindi ko alam kung paano ko ito ide-describe pero ang simple lang naman nito. Ang alam ko kasi mostly sa product ng mga Turners ay teddy bears at mga stuffed toys. Iyong presentation kasi ni Mr. Aragote ay isang hightech sport cars. Napakunot ang noo ko at saka ako tumingin kay Sir Ashton at nakatingin lang ito sa presentation. Habang nakatingin ako doon ay hindi ko rin naman maiwasan na hindi mamangha at sa totoo lang marami na rin ang mga hightech ngayon. Nang matapos ang presentation ni Mr. Aragote ay tinitignan ko naman ang papel at tinitignan kung anong mga benefits nito. “Do you have any questions?” Napatingin ako kay Sir at napasinghap ako nang makitang sobrang lapit na nito sa mukha ko. “W-wala po,” sagot ko at saka umiwas ng tingin. “Ok, I’ll let my sister decided before I accept it, thank you for today, Mr. Aragote,” sabi nito at saka tumayo. Agad din na tumayo ako at saka ako yumuko kay Mr. Aragote at sumunod na kay Sor Ashton. Nang makalabas ay agad nitong binuksan ang pinto ng kotse at saka ako sumakay doon at nilagay agad ang seatbelt ko. Gano’n din ang ginawa ni Sir Ashton at saka kami umalis doon sa building. “Do you want something to eat Ms. Go?” tanong nito sa ‘kin at umiling ako sa kanya. “Wala naman po Sir nakakahiya,” sabi ko at saka ako tumingin sa labas. “It’s my treat don’t worry.” “N-no Sir… hindi naman po ako gutom, ayos lang,” agad na tanggi ko. “Am I ugly? Do I have bad smell that you doesn’t like?” tanong nito at saka inamoy ang kanyang sarili. “W-wala po. Ano… nahihiya lang po talaga ako,” sagot ko at saka tumingin sa kanya. “Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo ‘ko?” Sa pagkakataon na ‘yon ay hindi rin ako nakapagsalita agad at napaiwas ng tingin. Huminga ako ng malalim at saka ako umiling sa kanya. “Hindi po Sir. Ang g’wapo nyo nga po, e. Sa sobrang g’wapo nyo hindi ko kayo matignan,” sabi ko at saka napangiling. “You’re lying,” sabi naman nito. “I am not.” “Then come with me and let’s have small talk for a while. Bawal tumangi,” sabi nito at saka ako tumango at hindi na nagsalita o ‘ni umangal pa. Sometimes I wonder what’s wrong with me and why he needs to be like this with me. But what am I thinking? I don’t need to avoid him because he’s just really nice. Maybe he just wants me to be his friend and wants me to feel comfortable with him. Huminga na lang ako ng malalim at ngumiti sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD