CHAPTER 4: BEGINNING (START)

2344 Words
MITSUKI’S POV Ilang araw ang lumipas at naging maganda naman ang naging mga araw ko sa company ng mga Turner pero may mga bagay lang akong hindi masyadong naiintindihan lalo na kay Janne. Sa kanilang tatlong magkakapatid kasi ay si Janne lang ang may hilig sa pakikipag-sparing lalo na sa mga guards nya pero hindi naman sya tinatantanan ni Rylon at kahit saan sya naroon ay nandoon din ito. I was actually also annoyed by this man, but he’s kinda funny sometimes when he makes Janne annoyed at him all the time. Habang naglalakad ako papuntang cafe ay nakasalubong ko si Sir Tyler na may kasamang babae. It is beautiful, sexy, and has a sense of fashion. Napatingin sa ‘kin si Tyler nang mamukhaan nya kung sino ako at napayuko naman ako sa kanya at saka ako ngumiti. “Good morning po, Sir Tyler,” bati ko sa kanya at saka sya tumango at ngumiti sa ‘kin. “Who is she?” tanong nang babaeng kasama nya. Bumaling ako ng tingin sa kanya at saka ako ngumiti. “I’m Mitsuki,” pagpapakilala ko at saka ko nilahad ang palad ko para sana makipagkamay sa kanya kaso lang ay tinignan nya lang ito. “C’mon, babe, where gonna be late,” sabi nito sa maarteng tono. Ngumiti lang si Sir Tyler sa ‘kin at saka sya bumaling ng tingin sa girlfriend nya. Umalis na sila at sumenyas na lang sa ‘kin si Sir Tyler at napangiwi na lang ako sa kanya. “Hindi ba sya marunong makipagkaibigan?” inis na sabi ko. Hindi ko na lang sya inintindi at saka ako pumunta sa pupuntahan ko. Nang makarating doon ay nakita ko si Zett na umiinom ng drinks habang kumakain nang cafe at may hawak na libro. Lumapit ako sa kanya at saka ako umupo at nanatili ito sa kanyang ginagawa habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya. “What’s the matter?” tanong nito sa ‘kin. “Nothing,” sagot ko naman. “There’s something that I saw earlier and that man was the C.O.O of the Turner company,” sabi nito at saka naman ito tumingin sa labas. Sinara nya ang libro at saka tumingin sa mga mata ko. Napangiwi na lang ako saka tumawag ng waiter at nag-order ng drinks. Habang nakatingin sa paligid ay may napansin akong tila kakilala ko at saka ko kinalabit si Zett. Bigla na lang akong napatingin sa kanya nang bigla na lang ako nitong sampalin. Inis kong hinipo ang mukha ko at saka ko sya tinignan ng masama. “Ang sakit no’n ah!” inis na sabi ko. “Ano ba kasing kinakalabit mo!” inis na sabi nito. “Alam mo ang iksi masyado ng pasensya mo. Hindi ka ba tinuruan nila tita kung paanong habaan ang pasensya?” sabi ko at saka sya tumingin sa kung nasaan na ang taong nakita ko kanina. Napabuntong hininga na lang ako at saka ako napatingin kay Zett. “What?” sabi nito at saka tumaas ang kilay nya. “He’s gone,” sabi ko. “Who?” takang tanong nya. “Si Sir Ashton,” sagot ko at saka sya napangiwi. “E, anong pakialam ko?” inis na sabi nya. Hindi na lang ako nagsalita at nang dumating ang order ko ay saka ko ito kinain na lang. Sinabi ko ang mga nangyare sa ‘kin sa company haggang sa dumating si Angelique kasama si Gladys. Napagpasyahan naming na pumunta sa BGC para na rin makapag-relax. Nang makarating kami doon ay muli ko na namang nakita ang mukha ni Sir Ashton at hindi ko alam kung nagkakataon lang ba ang lahat o baka sinusundan nya talaga ako. Pero imposible naman ang iniisip ko dahil hindi naman p’wedeng mangyare ‘yon. Hindi ko na lang pinansin at binalingan ng tingin sila Gladys na may tinuturo. “Ano ‘yon?” takang tanong ko. “Is that Dylan?” sabi nito habang nakaturo kung nasaan si Dylan. Agad akong napatalikod at saka ako napamura kasi hindi ko inaasahan na nandyan si Dylan. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya dito at sa kung paano nyang nalaman na nandito ako. Naramdaman ko ang paglapit nito at hinawakan ko ang kamay ni Zett. Naramdaman kong humarang sya sa pagitan namin ni Dylan at saka ako nakahinga ng maluwag dahil mangungulit na naman ito sa ‘kin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na syang ni-reject sa panliligaw. “Can you please get out of my way?” sabi nito kay Zett na may mababang tono. “She doesn’t to want to talk to you,” sabi naman nito na sya namang ikinangisi nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya para lang tigilan na nya ako. “If you get out in front of me and didn’t block my way, she could speak to me,” pilosopong sabi naman nito kay Zett. Mariing hinawakan ni Zett ang kamay ko at dahil doon ay napainda ako. Minsan talaga ay walang pakisama ‘to, e. Huminga na lang ako ng malalim at at saka ako lumingon sa kanya at ngumiti ng mapakla. Gumilid si Zett at saka naman nakiasyoso sila Gladys at Angelique. Iniisip ko rin minsan kung saan ba sila kampi sa ‘kin ba o sa lalakeng ito, e. “What do you want to talk about?” tanong ko. “I just want to ask you out on a date with me,” sagot nito at mabilis ko naman syang sinagot. “Ayoko.” At saka ko sya tinalikuran. “Mitsuki wait!” habol nito at hinawakan pa ang kamay ko na agad ko namang binawi sa kanya. “Don’t touch me!” maarteng sabi ko. “Yea! Don’t touch her,” sabi naman ni Angelique at saka sya tumabi sa ‘kin. “But you can touch me, ehe!” malanding sabi nito at saka ko sya pinalo. “Aww… you’re hurting me,” sabi nito sa ‘kin at pinandilatan ko sya ng mata. “How many time do I need to tell that I don’t like you, Dylan?” inis at pikong kong sabi. “It doesn’t matter to me if you like me or not, as long as I can express my feelings for you until you love me back,” sagot nito at napatampal ako sa noo ko. “That is never gonna happened.” Hindi ko na sya pinasalita pa at tumalikod na ako ng tuluyan at sumunod naman sa ‘kin ang tres marias. I don’t want him to get near me because he makes me uncomfortable every time he’s around. Habang naglalakad ay napahinto ako nang makita ko si Ms Janne na papasok sa isang cafe at kasama nya si Rylon na nakasunod sa kanya. Sa totoo lang ang kyut nilang tignan dalawa dahil masyado nilang hate ang isa’t-isa. Hinila ako ni Gladys sa ibang direksyon at pumasok kami sa isang restaurant. Nag-order na sila nang kung anong p’wedeng kainin habang ako naman ay nag-iisip sa kung ano ang kailangan kong gawin bukas dahil paniguradong marami na namang gagawin si Ms Janne na hindi naman tungkol sa office. Habang nagkukuwentuhan kami ay naiilang ako nang may maramdaman akong may nakatitig sa ‘kin sa hindi ko malamang dahilan. “Huy anong tinitignan mo? Sinong hinahanap mo?” tanong ni Angelique. Napalingon ako sa kanya at saka ako umiling. “W-wala,” sagot ko na lang at bumalik sa pakikipagkuwentuhan sa kanila. Napagpasyahan rin namin na pumunta sa bar dahil gusto lang naman namin magsaya. Halos mag-aalasais na rin ng gabi at nang makarating kami sa bar ay alasyete na rin dahil nag-ikot-ikot pa kami sa mall bago kami pumunta sa bar. Nang makapasok kami sa loob ay naririnig ko na kaagad ang maingay na kapaligiran at hindi naman ako gano’n kasanay. Mostly I was just hanging out with them just to go to the mall, out of town or out of the country adventure. “Ma’am, para sa ‘yo daw po,” sabi nang bartender at napatingin ako sa kanya. “Kanino galing?” takang tanong ko. “Ahh…” tumingin ito sa paligid at saka bumalik ng tingin sa ‘kin. Napakamot sya ng ulo nya at tumingin ulit sa ‘kin. “Nawala po sya sa upuan nya.” Sinenyasan ko na lang sya na umalis at yumuko naman ito sa ‘kin bago tuluyang umalis. Napailing na lang ako sa kanya at saka ako napatingin sa mga taong nasa loob ng bar. Alam kong mero’n akong nakita na alam ko ring kanina pa ako sinusundan. Bukod kay Tyler na nakita ko kanina alam kong nandito lang ang isang ‘yon. “Who are you looking at?” Napalingon ako kay Gladys at saka ako napailing. “Nothing,” sagot ko at saka umupo na lang sa table namin. I didn’t drink the drinks that the waiter gave me earlier because I didn’t know what might have been mixed in it, and I also don’t just drink any drinks from anyone. I was surprised when Zett suddenly took that drink, and I immediately stopped her, and she looked at me. She frowned, then I shook my head at her, indicating that she should not drink the alcohol. “Why?” tanong nya at kinuha ko ‘yon saka ko nilagay sa lamesa. “You can’t drink that because I don’t know where it’s from. We don’t know what is mixed in there,” bulong na sabi ko at saka sya napangiwi. Hindi na lang sya nagsalita at saka sya kumuha ng ibang drinks at tumingin sa buong paligid. “You have stalker?” tanong nya sa ‘kin. “I don’t know,” sagot ko at saka sya tumingin ulit sa buong paligid. Naairap na lang sa ‘kin si Zett at sakto naman na dumating si Angelique at hinawi nito ang buhok nya at saka uminom. Inilayo ko sa kanila ang inumin at nang kalaunan ay umalis na rin kami dahil kailangan na naming umuwi. Kumuha kami ng taxi at nang makasakay ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang kung sinong nagbigay nang inumin na ‘yon sa ‘kin. Couldn’t that be from Tyler? But I just remembered Dylan, who was with us earlier, and now I don’t know where he is. I just took a deep breath, and when we got home, Mommy greeted us. “Nagsaya na naman kayo?” tanong ni Mommy at saka ako tumango sa kanya. “Nagkaayaan lang sa bar, Mommy,” sagot ko at saka sya tumango. “Oo nga pala, Mitsuki. Your boss was here earlier.” Napalingon ako sa kanya. “What?” gulat na sabi ko. “Sinong boss?” nalilitong tanong ko. “Iyong... what is his name again?” sabi nito na inaalala ang kung sino ang pumunta. “Ashton, Mommy,” biglang singit naman ni ate Haruka. “What the hell?” “Grabe ka naman maka-reak Mitsuki,” singit ni Angelique. “He said that he was just passing by, though he has something for us.” “What?” “He gave Mommy flowers and chocolate, as well as me. Could it be that your boss likes you?” takang sabi ni ate at saka ako napatampal sa noo ko. Wala akong alam sa kung ano ang ibig sabihin no’n pero ang pinagtatakahan ko lang ay sa kung paano nyang nalaman ang bahay namin. Napabuntong hininga na lang ako at saka ko inaya sila Angelique na umak’yat sa taas at sa guest room sila matulog. Nang makapasok ako sa k’warto ko ay saka ako napahiga sa kama at muling bumuntong hininga. Ano naman ang binabalak ng Ashton na ‘yon sa ‘kin? T’saka imposibleng magustuhan ako no’n. I admit that he’s kind and doesn’t seem like he’s going to do anything bad, but I also just think that he’s not my boss because, first of all, his sister hired me and not him. I spend more time with Janne than he does, who is always busy with meetings and out-of-country parties with their business partners. Even though Janne invites me to go with her brother, I don’t go. Nang magising ako kinabukasan ay maaga akong nag-asikaso dahil may meeting ngayon si Janne sa mga suppliers nila. Nang makapagbihis na ako at makapag-ayos ay umalis na ako at as labas na lang din ako mag-aalmusal. Dahil may sasak’yan naman kami ay ayon na lang ang ginamit ko kaysa ang mag-commute dahil baka ma-late pa ako. Nang makarating ako sa labas ng building ay nakasalubong ko si Sir Ashton na g’wapong-g’wapo sa kanyang suot. Pinigilan pa nito na sumara ang elevator at sa dami ng mga sasakay wala ‘ni isa sa kanila ang nagtangkang sumabay. Tumingin ako sa kanilang lahat at inaalam kung sinong pinapasakay ni Sir at wala ‘ni isa ang tumingin sa ‘kin. “Janne doesn’t want her to wait so get in,” sabi nito at agad naman akong sumunod kasi alam kong ako ang tinutukoy nito. “G-good morning po sir,” bati ko sa kanya at hindi ako makaangat ng tingin. “You don’t need to be shy on me,” sabi nito dahilan para mapaangat ako ng tingin sa kanya. “Po?” Sakto naman na bumukas na ang elevator at napasinghap ako ng bumungad ang mukha ni Ma’am Janne na mukhang hindi na naman maganda ang umaga. “Ilang beses ko bang sinabi sa ‘yo na ayaw ko ng may kung sino-sino ang pumapasok sa opisina ko?” inis na sabi nito kay Sir Ashton. “He’s not others, Janne,” sagot nito at saka naunang lumabas kaysa sa ‘kin at agad din naman akong sumunod. “Not others? Tsk.” Pumasok naman si Ma’am Janne sa loob ng elevator at bigla akong nalito. “A-ano…” “Go with her,” bulong ni Sir sa ‘kin at agad akong sumunod dahil baka kung ano pa ang mangyare.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD