MITSUKI’S POV
Nang makarating kami sa isang restaurant hindi ko mapigilan ang hindi mahiya sa kanya. Naramadaman kong nag-vibrate ang phone ko at nang tignan ko kung sino ‘yon ay agad akong nag-excuse kay Sir at saka ako pumunta sa banyo para kausapin si Ma’am Janne.
“How was the meeting?” tanong nito.
“So far, ayos naman po,” sagot ko. “Maganda po ‘yong bagong ila-launch na product although mero’n lang akong napansin na konting deperensya. Pero ipapasa ko po sa inyo ‘yong presentation ni Sir. Aragote para mas mapunan nyo po kung ano pa ang babaguhin,” sagot ko.
“Hmm… ok, enjoy your lunch with kuya,” sabi nito at saka binaba ang tawag.
Napatingin ako sa phone ko at saka ako nangunot ng noo. “Paano nya nalaman na magla-lunch kami ni Sir?” takang tanong ko.
Napatingin ako sa salamin at nakanunot ang noo na nakatingin sa sarili ko doon. Hindi ko alam ang kung anong iniisip ni Ma’am pero kung ano man ‘yon ay nagkakamali sya. Bumalik na ako at nang makita ko kung nasaan si Sir ay parang bigla akong nahiya. Hindi ko pa sya nakakasabay na kumain nang mag-isa lang ako. I just wanted to be alone all the time, but for now, maybe I couldn’t because of him.
Nang makaupo ako ay nakangiti lang ako sa kanya na para bang nag-aalangan sa kung anong gagawin ko. Masyadong maraming nangyayare nitong mga nakaraan at sa totoo lang mas gusto ko na lang din na umubog sa lupa. Nang makaupo na ako ay napatingin ako sa paligid at parang pang-VIP pa ang kinuha ni Sir para sa aming dalawa.
“Hindi po ba masyadong mahal dito, Sir?” tanong ko at saka sya umiling.
“It’s my treat and not yours,” sabi nito at napatikom ako ng bibig ko.
“Sabi ko nga, e,” bulong na sabi ko at saka ako napabuntong hininga.
Parang ang laki naman ng kasalanan ko sa kanya at gano’n na lang sya magsalita sa ‘kin. Nang dumating ang order namin ay saka ako napatingin sa pagkain at napangiti. Hindi ako madalas na kumakain sa ganito pero kapag inaya lang ako ay saka ako pupunta. Hindi ko rin naman ugaling lumabas kasi mas gusto ko rin naman nasa cafe ako para magbasa.
“Mero’n ka bang ibang gagawin?” tanong nya sa ‘kin at napatingin ako sa kanya.
“Ah… w-wala naman po,” sagot ko at nauutal pa.
“Can I ask you out?” tanong nya at saka ako napaisip.
Ma’am Janne is not giving me any orders right now, so I won’t be doing anything in the office today either. I just sighed, then I nodded to Sir Ashton and smiled at him.”Sure thing, Sir. Saan po ba tayo pupunta?” tanong ko.
Habang nakatingin sa kanya ay ngumiti lang sya sa ‘kin at hindi ako sinagot sa tanong ko. Nang matapos kaming kumain ay nagpasalamat ako sa kanya dahil sa libre nya. Hindi ko inaasahan na makakasabay ko sya nang kaming dalawa lang. Sa totoo lang ay iba ang aura nya kapag nasa opisina at iba rin kapag nasa labas o kaya naman ay kaming dalawa lang. Tumayo na sya at saka ako sumunod at inalalayan ako nitong pumasok sa kotse nya.
Nang makaalis kami ay wala akong ibang nasa isip kung hindi ang kung saan kami pupunta at bakit nya ako inaya na lumabas kasama sya. Nakarating kami sa isang lugar na tahimik at maganda. Namamangha akong napapatingin sa buong paligid at hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. Ang tagal na rin nang huli akong makakita ng ganito at hindi ko alam kung ilang taon na ‘yon.
“It seems that you like it,” sabi nito habang nakangiti sa ‘kin.
“Hindi naman po masyado. Nagkataon lang na ngayon lang ako ulit nakapunta sa ganitong lugar,” sabi ko at saka ako huminga ng malalim. “Ang huli kasing naalala ko ay noong buhay pa ang Daddy ko,” dagdag ko at saka ako tumingala.
Hindi sya nagsalita at nakatanaw lang sa akin. Ang gaganda ng mga puno at ang tahimik lang ng buong lugar. May nilabas sya sa kanyang sasak’yan at saka nito nilatag ang sapin at doon ay sinenyasan nya ako na umupo. Sumunod naman ako sa kanya at saka ako huminga ng malalim na para bang nilalasap ang sarap ng simoy ng hangin. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka ko pinakinggan ang mga huni ng ibon sa buong paligid. May ingay man akong naririnig ay ang ibang tao lang na hindi kalayuan sa p’westo naming dalawa.
I opened my eyes and was surprised to see Sir standing in front of me, smiling and watching me. The strength of my heart beat because of what he did, and I felt like I was suddenly disturbed.
“Sir…”
“Oh, sorry for interrupting you, and I was just enjoying seeing you smile,” sabi nito at saka ako umupo at inayos ang sarili ko.
“Nako para naman akong tanga,” sabi ko at saka tumingin sa ibang direksyon.
“You’re cute,” sabi nito at napalingon ako sa kanya.
“Ha?”
“I said you’re cute,” ulit nito at napangiti na lang ako sa sinabi nya.
“Hindi po ba kayo magkasundo ni Ma’am Janne minsan?” tanong ko para maiba naman ang topic sa pagitan naming dalawa.
Tumawa sya at saka umupo sa tabi ko at iniisip sa kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko. “She’s just always like that,” sagot nito. “But because she’s our little monster, we need to understand her and protect her at all cost,” dagdag pa nya at saka ako napatango.
“How about Mr. Rylon? He’s always teasing her,” ani ko at saka sya bumuntong hininga.
“Rylon likes to pestering her all the time, but he is the kind of person who protects his property.”
Hindi ko maintindihana ang sinasabi nito pero alam ko naman na si Ma’am Janne ang property na sinasabi nito. Gano’n pa man ay alam kong hindi naman laging mainitin ang ulo ni Ma’am Janne. She has a little kid inside of her that she doesn’t show to others, and that makes me confused. Marami pa kaming pinagkuwentuhan dalawa at ang iilan doon ay hindi ko na alam kung ano. Basta ang alam ko ay parang kilala na namin ang isa’t-isa at pakiramdam ko ay sa mga sandaling iyon ay nakilala ko sya.
Nang makabalik ako sa bahay ay nakaabang na naman si ate Haruka sa may pintuan at naroon na naman an gnmapanuksong tingin nito. Hindi ko na lang sya pinansin pero sa totoo lang hindi ko rin gusto ang mapanuksong tinign nito. Ayaw ko sa lahat ang inaasar ako at ayaw ko rin sa lahat ang binibigyan ako ng kung anong isipin sa kung ano man ang kanyang iniisip. Habang papaak’yat ako ng hagdan ay nakasunod sa ‘kin si ate.
“Ate!” inis na sabi ko.
“What?” sagot nito at nakangiti pa.
“Stop it!”
“The what?”
“Teasing me,” sagot ko.
“I’m not teasing you,” denay nya at saka ako masamang tumingin sa kanya.
“Mommy si Ate!” sumbong ko kay Mommy at saka ako tumakbo papaak’yat.
Nang makarating ako sa k’warto ay agad kong sinarado ang pinto at saka ako napabuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng kapatid na makulit. Umiling na lang ako at saka ako humiga sa kama. Paniguradong hindi pa uuwi si Ma’am Janne bukas at naiisip ko kung anong gagawin ko. Napangiwi na lang ako at saka ako tumigin sa selpon ko at naghihintay sa kung sino ang magme-messege.
Bumangon ako at saka ako tumingin sa orasan. Maaga pa naman kaya naisipan kong magbabad muna sa tub ko para na rin makapag-isip-isip muna. Habang nakababad ako ay hindi ko maiwasan ang hindi maalala ang nangyare kanina at hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip sa kung ano ang nasa isip ni Sir Ashton. Sobrang bait nya at tipong wala kang ibang maiisip kung hindi ang nakangiti nitong mukha. Humiga ako ulit sa kama dahil sa dinadalaw na ako ng antok. Unti-unti kong naipikit ang mga mata ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nang magising ako kinabukasan ay naririnig ko ang malakas na katok sa pinto ko at para bang gigibain na nito ang pinto ng k’warto. “MITSUKI! MITSUKI! MITSUKI!” paulit-ulit na tawag nito sa pangalan ko.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay saka ako pumunta sa pinto at ng buksan ko ‘to ay bumingad sa ‘kin ang mukha ni ate Haruka. “Ate naman ano bang ginagawa mo?” inis na sabi ko at saka ako humikab.
“May bisita ka sa ibaba,” sabi nito na syang ikinakunot ko ng noo.
“Sino?” takang tanong ko.
“Si… iyong boss mong lalake,” sabi nya at saka nanlaki ang mga mata ko.
Napaayos ako ng sarili ko at saka ako tumingin sa salamin. Hindi naman p’wedeng bumaba ako ng wala man lang akong toothbrush at himalos. Agad kong sinarado ang pinto at saka ako pumasok sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos. Nang matapos ako ay saka ako huminga ng malalim at bumaba na. Doon ay nakita ko si Sir at kasama nito si Sir Rylon. Nangunot ang noo ko dahil sa magkasama silang dalawa na parang best friend sila.
“A-ano po ang ginagawa nyo dito?” takang tanong ko at saka tumingin sa ‘kin si Rylon.
“Good morning, Mitsuki!” bati nito sa ‘kin.
“A-ano po ang mero’n?”
"I was planning to go to Korea to follow Janne; do you want to join?" he asked, and I frowned.
“Ha?”
“We need you to locate her,” sabi naman ni Sir Ashton at saka ako napatingin sa kanya. “You need to know where she was,” dagdag pa nito.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sundin ang sinasabi nila o dapat lang na manahimik ako kasi baka ako ang pagalitan ni Ma’am Janne kapag nagkataon. Bumuntong hininga na lang ako at saka ako tumalikod sa kanilang dalawa. Hindi ako p’wedeng sumang-ayon lang sa kanilang dalawa dahil ayaw ko rin magalit ang batang ‘yon sa ‘kin dahil lang sa pagkakamaling ‘to.
“Sasabihin ko na lang kung nasaan sya para hindi na kayo mahirapan. Ayaw kong masira ang tiwala ni Ma’am Janne sa ‘kin,” sagot ko at saka ako akmang aalis nang bigla na lang hawakan ni Sir Ashton ang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.
“Hindi mo naman kailangan mag-alala. Kami ang bahala sa ‘yo,” sabi nito at saka ako tumingin kau Sir Ashton.
Hindi ko alam kung tama bang sang-ayunan ko silang dalawa o kailangan kong manahimik na lang at h’wag kunsintihin ang kung anong ginagawa nila. Napabuntong hininga na lang ako at saka ako tumingin sa ibang direksyon sakto naman na lumabas si Mommy sa kusina at saka ko mabilis na binawi ang kamay ko at saka ako lumapit kay Mommy. Si ate naman ay nakangiting nakatingin sa ‘kin na para bang may nasaksihang kakaiba at napangiwi na lang ako sa kung ano man ang iniisip nya.
“May mga bagay talaga na hindi mo p’wedeng indenay kasi kitang-kita naman ang ebedensya,” sabi ni ate at saka ako napairap sa kanya.
“Mommy si ate haruka nang-aasar na naman,” sumbong na sabi ko at saka natawa si Mommy.
“Saan ba ang punta nyo?” tanong ni Mommy kay Sir Ashton.
“P’wede ho ba namin isama si Mitsuki sa Korea?” tanong ni Sir Rylon na sya namang ikinatingin ko sa kanya.
“Oo naman,” sagot ni Mommy at saka ako napanguso.
Hindi man lang nagdalawang isip si Mommy sa sinagot nya kay Sir Rylon. Hindi nya man lang naiisip na hindi ko gustong sumama sa kanila kasi ayaw kong pumunta kasama sila. Bumuntong hininga na lang ako at saka ngumiwi sa kanila. Tumingin ako kay Sir Ashton na para bang nagpapaawa pa na nakatingin sa ‘kin.
“Ok, sige, pero kayo na ang bahala magpaliwanag kay Ma’am Janne,” sabi ko at saka ko sila iniwan muna at nag-ayos na ako ng mga gamit ko.
Konti lang ang dadalhin ko at hindi ko naman kailangang maraming dala. Maari naman akong bumili ng mga magagamit ko doon at mero’n din naman akong sarili kong pera. Nang makapag-empake na ako at makapagbihis na at makapag-ayos ay saka ako bumaba. Kumain lang ako saglit at saka kami nagpaalam kay Mommy na aalis na kami. Pero sandali kaming natigilan nang lumabas si ate Haruka na mero’n nang dalang maleta kaya naman napakunot ang noo ko sa kanya.
“What the hell, Ate?”
“What? Bawal ba ako magbakasyon?” Nakangusong sabi nito.
“She’s with us, she wanted to join,” sabi ni Sir Ashton at saka ako napatampal sa noo ko.
“Wala man lang peace of mine kahit sa ibang bansa,” sabi ko at saka pumasok na sa sasak’yan.
Umalis na kami at sa pagdating namin sa airport ay dumaan kami sa ibang direksyon na imbis na kumuha ng ticket ay dumeretso agad kami sa departure. Habang naglalakad ay doon ko nakita ang maganda at private plane. Hindi naman ito ang unang pagkakataon pero ngayon pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na makakasakay ako sa private plane.
“Woah? Hindi nyo naman sinabing private plane pala ang sasak’yan natin,” kumento ni ate Haruka.
“That was mine,” sabi ni Sir Ashton at napanganga ako.
“Grabe naman ‘yan, sinong mag-aakalang ganito ka pala kayaman,” sabi ni ate at nakangiti pa.
“Small thing,” sagot ni Sir. Ashton.