MITSUKI’S POV
Nang makasakay kami sa private plane doon ko lang napagtantong ganito pala ang pakiramdam na maging sobrang yaman. Hindi ako ang amo pero pakiramdam ko ay isa ako sa mga amo nila. Habang nakatingin ako sa bintana at nakatingin sa mga ulap at namamangha ay hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa ibaba. Para itong mga langgam lang mula dito sa itaas. Napatingin ako kay Sir Ashton at nakapikit lang ito na para bang nagpapahinga. Nasa kabilang side sya ng upuan habang ako naman ay katabi ang maingay kong kapatid.
“Hindi ko aakalain na makakasama ako dito at kasama ang g’wapo mong boss. Hindi mo naman sinabing ganito pala sya kayaman,” sabi nito at saka ako bumuntong hininga.
“Will you stop talking? I was in peace of relaxing,” inis na sabi ko.
Hindi na nagsalita si ate Haruka at saka ako nagtakip ng mata ko para makatulog nang kahit na kaunti lang. Nagising ako sa paggising sa ‘kin ni ate Haruka at nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang mukha nitong nakanguso pa sa ‘kin. Bumuntong hininga na lang ako at saka ako tumingin sa labas ng bintana at agad na napabangon kasi nakalapag na pala kami.
“Woah?” sabi ko na namamangha pa.
We just arrived in Korea, and now I have set foot in its very land. Haruka and I stood up, and Rylon and Sir Ashton just followed behind us. I looked at my cell phone and remembered that the Philippine SIM card does not work here. Tumingin ako kay Sir Ashton at saka ko sinenyas sa kanya ang selpon ko at may kinuha sya sa bulsa nya na selpon saka nya ito binigay sa ‘kin at naunang bumaba.
Nangunot ang noo ko at agad akong sumunod sa kanya at sa laki ng mga hakbang nya ay para na akong tumatakbo. Bigla syang huminto dahilan para bumangga ako sa likuran nito at saka ako napahawak sa ulo ko at tumingin sa kanya.
“Sir bakit ka naman biglang humihinto?” tanong ko na may bahid nang inis.
“Oh, sorry, I didn’t know you followed me. Why?” tanong nito at saka ko inangat ang selpon na hawak ko.
“I was just going to ask, what is this cell phone for? What do I do this?” I ask.
“Isn’t it obvous? I give it to you to use, call Janne and tell here where she was,” utos nito sa ‘kin at saka sya tumalikod.
Hindi ko alam kung dapat akong matuwa sa pinakita nya ngayon o dapat akong mainis kasi tinatanong ko lang naman sya bakit sya nagagalit. Bumuntong hininga na lang ako at saka ko tinawagan si Ma’am Janne at nang sagutin nito ang tawag ko ay agad kong tinanong kung nasaan sya.
“Are you with kuya Ashton and Rylon?” tanong nito.
“H-hindi po,” agad na sagot ko.
“Geojismaljaeng-i,” bulong nito pero dinig ko at wala man lang akong naintindihan.
Napasinghap ako nang bigla na lang may kumuha ng selpon sa kamay ko at nang tignan ko kung sino ‘yon ay doon ko nakita ang naiiritang mukha ni Sir Ashton. Naririnig ko ang sigawan ng mga babae sa paligid at nang tignan ko kung saan ito nanggagalin ay napakunot ang noo ko. Bakit may mga babae sa airport? Tumingin ako kay Sir Ashton at nagsasalita ito ng Korean at wala talaga akong naiintindihan. Lumapit sa ‘kin si ate Haruka at saka nya ako inakbayan habang nakatingin sa mga babaeng nasa labas.
“Hindi ko inaasahan na sikat pala Boss mo dito,” sabi nito at natatawa pa.
Biglang may dumating na mga guards na hindi ko alam kung saan nanggaling at sa pagkakataon na ‘yon ay naglakad si Sir Ashton at agad naman na sumunod si ate Haruka habang ako naman ay biglang nadapa dahil sa biglang pagdami ng mga tao sa buong paligid. Agad naman na tumayo ako at nanlaki ang mga mata ko nang nasa labas na sila ng airport at agad naman na tumakbo ako pero hindi ko na sila naabutan dahil nakasakay na sila.
I didn’t know what to do, and I tried to text Haruka, but nothing happened because the sim card didn’t work. Napaupo ako at saka tinignan ang buong paligid na may naluluhang mga mata. Hindi ko naiintindihan ang kung anong sinasabi nang nasa paligid ko at hindi ko alam kung paano kong sasabihin na naiwan ako. Hindi ko rin naman sila mahahabol pa.
“Are left behind?” Napatingin ako sa nagsalita at saka ako tumayo at tumango sa kanya.
“My Boss left me, and he didn’t know that I wasn’t with them,” sagot ko at saka pinunasan ang luha ko.
“He’ll come back,” sabi nito at saka nangunot ang noo ko.
“How can you tell? He didn’t even notice that I disappeared beside him,” sumbong ko na para bang bata.
Hindi ko alam kung ilang sandali akong nandoon at hindi naman ako iniwan no’ng lalakeng kumausap sa ‘kin. G’wapo sya at matangos ang ilong, singkit ang mga mata at mero’n syang magandang pangangatawan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nandoon at hindi ko alam kung gaanong katagal akong naghintay na may babalik para sa ‘kin.
“It’s getting dark,” sabi no’ng lalake at saka sya umupo sa tabi ko. “Are you hungry?” tanong nya at saka ako tumingin sa kanya.
“No, I don’t,” sagot ko at saka ako bumuntong hininga.
Umalis sya hindi ko na lang pinansin. Baka kasi na-boring na sya kakabantay sa ‘kin dahil sa kakahintay kong may babalik para sa ‘kin. Naghintay pa ako ng ilang mga oras at hindi ako nawalan ng pag-asa na babalik sila. Bigla ay may pagkain na nasa harapan ko at saka ako napatingin sa kung saan ito nanggaling. Ngumiti sya sa ‘kin at saka niya tinaas ang parehong kilay at sineyasan akong kunin ang binibigay nya.
“You’ve been here for a while, and I know you’re hungry,” sabi nito at saka ko tinaggap ang binigay nito. “Don’t worry I’m not a bad guy,” dagdag pa nito at saka ako ngumiti.
“Thank you for this, I’ll pay you back once my fvking sister get back,” sabi ko naman at saka sya natawa.
“You’re rude to your sister,” sabi nito.
“No I’m not, she’s the one who rude to me all the time,” sabi ko naman at saka sya tumango-tango.
Tumawa kaming pareho at saka ko tinignan ang pagkain na binili nito. Hindi ko alam kung anong tawag doon pero bahala na kasi totoong gutom na nga rin ako. Nagkuwentuhan kaming dalawa at doon ko lang napagtantong sinasamahan nya ako para hindi ako mapahamak habang naghihintay sa kung sino man ang babalik para sa ‘kin. Habang nagtatawanan kaming dalawa ay bigla na lang kaming natahimik nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko at mabilis itong lumapit sa ‘kin.
“Mitsuki!” tawag nito at sabay damba ng yakap. “Buti naman at nandito ka pa. Grabe nag-alala ako sa ‘yo. Wala talagang k’wenta ‘yan si kuya bakit ka pa kasi sumama sa kanya dito,” sabi nito at saka ako napangiwi.
“Sabi nya po kasi na ako lang ang nakakaalam kung nasaan kayo at sa ‘kin ka lang sasagot,” paliwanag ko.
Hinawakan nito ang mukha ko at saka sya tumingin sa lalakeng nasa likuran ko at nangunot ang noo ni Ma’am Janne. “Who are you?” tanong nito.
“Oh, I’m Kim Dal Jin,” pagpapakilala nito.
Mula sa likuran ni Ma’am Janne ay saka naman ako sinalubong ni ate Haruka at saka ako nito mabilis na niyakap at halos mapisa ako sa pagyakap nya sa ‘kin. “Oh gosh! Buti naman at nandito ka pa. Hindi ko namalayan na naiwan ka kanina kasi naman ang daming mga babae ang naghahabol sa g’wapo mong Boss. Pero sobrang thankful ako at buo ka pa,” sabi nito at saka nya sinusuri ang buong katawan ko.
“Hindi ako kulang ate kaya h’wag kang parang tanga d’yan,” inis na sabi ko. “Sinamahan ako ni Dal-jin na hintayin kayo dahil alam kong babalikan nyo ‘ko,” sabi ko at saka ako tumingin kay Dal-jin. “She’s my older sister Haruka,” pagpapakilala ko kay ate kay Dal-jin.
Nakita ko kung paanong napanganga si Dal-jin kay ate Haruka at nagkatinginan kami ni Ma’am Janne na may panunuksong tingin din kay ate Haruka. Sa totoo lang ay malakas ang karisma ng kapatid ko pero bobo sya sa pag-ibig. “Seems like he likes you, Haruka,” sabi ni Ma’am Janne.
“Hi, I’m Haruka,” pagpapakilala ni ate at saka nya nilatag ang kamay nya.
“I-I’m Kim Dal Ji,” pagpapakilala naman nito kay ate at agad na pinunasan ang kamay at nakipag-shake hands dito.
Nakangiti sila sa isa’t-isa at nakikita kong parang ayaw bitawan ni Dal-ji ang kamay ng kapatid ko kaya naman pumagitan ako sa kanilang dalawa. “Ahhhh… It’s like you don’t want to let go of my sister’s hand,” sabi ko at saka ako tumingin sa kanya.
Agad na binitawan nito ang kamay ni ate Haruka at saka sya napakamot ng batok nya. “Tara na at kailangan mong makita ang malaking mansyon nang mga boss mo. Grabe sa sobrang laki p’wede na silang hindi magtrabaho. Ngayon lang ako nakakita ng gano’ng kalaking mansyon sa tanang buhay ko!” sabi nito at saka ako hinila at tumingin ako kay Dal-ji pero parang may kung ano sa mga mata nya at sa kapatid ko lang sya nakatingin.
“Thank you for accompanying Mitsuki,” rinig kong sabi ni Ma’am Janne kay Dal-ji.
“It’s my pleasure to help,” sagot naman nito.
Nagpaalam na ako sa kanya at bago pa man ako umalis ay binigay ko ang number ni ate Haruka. Ngumiti ako sa kanya at saka ko sya kinindatan at umalis na kami. Hindi natapos ang pagkukuwento ni ate Haruka hanggang sa makarating kami sa mansyon na sinasabi nito at sa totoo lang ay napanganga ako nang makita ito nang harapan.
“It’s huge…”
“Yea it was,” sagot ni Ma’am Janne.
Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ng mga maid at pati na rin ng mga butlers. “I was about to do my things when kuya Ashton got mad when he realize that you were left behind,” sabi ni Ma’am Janne at saka nangunot ang noo ko.
“Pero kausap ka nya kanina at parang galit nga sya sa ‘kin nang makarating kami,” sabi ko naman at saka sya tumawa.
“He’s fvking idiot sometimes, and to tell you the truth, he just wanted to protect you from those shity b***h outside,” sabi nito na syang ikinalito ko pa lalo.
Bumuntong hininga na lang ito at saka sya umak’yat na habang ako naman ay nakatingin kay ate at nagkibit balikat lang ito sa ‘kin. Minsan ay hindi ko sila naiintindihan at sa totoo lang nakakamangha ang buong paligid dahil sobrang laki nga talaga nitong mansion. Sinamahan kami ng maid para makarating sa k’warto namin at nang makapasok ay saka ako humiga sa kama at saka ako tumingin sa kisame. Hindi ko alam ang kung anong gagawin namin dito at hindi ko inaasahan na isasama kami nang boss ko dito at patutuluyin sa mansion nila.
Tumayo ako at saka tinignan ang mga gamit sa buong paligid. “Grabe, sobrang laki ng kama ko. Makakatulog ba ako nito?” tanong ko sa sarili ko.
Pumunta ako sa may veranda at saka ako pumikit at nilasap ang simoy ng hangin. Ganito pala ang amoy ng Korea. Nag-unat ako ng braso ko at saka nakangiting nakatingin sa buong paligid hanggang sa pagtingin ko sa kabilang side ay nandoon si Sir Ashton at nakangiti habang hawak ang tasa ng kape at nakatingin sa ‘kin. Agad na binaba ko ang parehong braso ko at saka ko inayos ang sarili ko at napangiwi kasi hindi ko alam na magkalapit lang pala ang k’warto naming dalawa.
“I-ikaw pala Sir,” sabi ko at saka sya tumango.
“I’m sorry that we left you earlier,” sabi nito at saka ako umiling.
“Wala po ‘yon. Alam ko naman na may babalik para sa ‘kin,” sabi ko naman at saka sya bumuntong hininga at saka lumapit sa may gawi ko.
Habang nakatingin sa kanya ay alam kong nag-alala rin sya sa ‘kin at eto na naman ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa nakakailang na titig nya. “Mitsuki!” Napalingon ako nang tawagin ako ni ate at sa kabilang side nga pala sya at magkatabi lang kami ng k’warto.
“You’re so noisy!”
“I was?”
“Duh?”
“Nakaistorbo ba ako sa landian nyong dalawa?” tanong nya at bigla akong namula sa sinabi nya.
“Ate!”
“What?”
“You’re talking nonsense!” inis na sabi ko at saka ako tumingin kay Sir Ashton. “Don’t mind her, Sir. She’s always like that since then,” sabi ko at nakita kong natawa si Sir Ashton.
Bigla akong natahimik dahil sa tawa nito at hindi ko alam na ang g’wapo pala ng tawa nya at ngayon ko lang sya nakitang tumawa ng gano’n. “Grabe, kahit pagtawa mo ang g’wapo rin. Pinanganak kang may sobrang biyaya. Matalino, g’wapo, mabait at pakiramdam ko wala ka ng tinira para sa iba,” sabi ni ate at saka ako napatampal sa noo ko.