CHAPTER 12

2389 Words
MITSUKI’S POV Ilang linggo ang nakalipas at nang makauwi kami ng Pilipinas ay pakiramdam ko nasa Korea pa rin kami. Habang nagpa-park ako ng sasak’yan ko ay nakita ko si Sir. Tyler na mero’ng kausap at nang makita ko kung sino ito ay nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Zett dito at kung paano silang close na close na ngayon ni Sir. Tyler. “Aren’t you going to leave me alone?” inis na sabi ni Zett at dahil maaga pa ako para pumasok ay naki-chismis muna ako sa kung ano ang pag-uusapan nilang dalawa. “I just want to date you, is that not allowed?” sabi naman ni Sir. Tyler at saka ako napatakip ng bibig ko. “Nagde-date sila?” takang tanong ko sa sarili ko. “Who?” “Kabayo.” “I’m not a horse,” sagot naman nito at saka ako napahawak sa dibdib ko. “Sir. ginulat nyo naman po ako,” sabi at saka sya sumilip sa kung sino ang sinisilip ko. “Tyler?” takang sambit nito at akmang pupuntahan nya sana ang kapatid nya ng bigla ko na lang syang hilahin at saka ko sya sinandal sa pader. Even though he was taller than me, I was able to push him against the wall and cover his mouth. “H’wag kang maingay, Sir, nakiking po ako sa chismis,” sabi ko at napabuntong hininga na lang sya. Pinakinggan naming dalawa ang kung anong isasagot ni Zett kay Sir. Tyler. “I am not going out with you because I am gay,” sagot naman ni Zett. Nakita ko kung paanong nangunot ang noo ni Sir. Tyler at tingin ko ay mali ang pagkakaintindi nito sa sinabi ni Zett na bakla sya. “What? You’re gay? I can’t believe I liked a gay man,” sabi nito at napatampal sa noo si Zett. “I am not a man, I’m still a woman. Ang ibig kong sabihin sa gay ay lesbian ako. May gusto ako sa babae at hindi ko gusto ang lalake dahil pare-pareho lang naman kayong manloloko,” sagot naman ni Zett at saka ako napatakip sa bibig ko. Sa totoo lang hindi naman gay or lesbian si Zett. Sad’yang ayaw nya lang sa lalake dahil sa nangyare sa kanila lalo na nang lokohin ng tatay nya ang nanay nya. Sinumpa nya noon na hindi sya magkakagusto sa isang lalake at hinding-hindi sya mahuhulog sa kahit na sinong lalake. Hindi ko ba alam sa kaibigan ko at sinusumpa ang lahat ng lalake kahit na hindi naman sila lahat pare-pareho. Napabuntong hininga na lang ako at saka ko inalis ang kamay ko sa bibig ni Sir Ashton at saka ko inayos ang sarili ko at gano’n din ang ginawa nya. Umasta akong kakarating lang at nang mapalingon sa ‘kin si Zett ay agad ako nitong nilapitan at saka naman napatingin si Sir Tyler kay Sir Ashton na lalagpasan sana sya kaso lang ay napahinto si Sir Ashton ng hawakan nya ang braso ni Sir Ashton dahilan para mapahinto ito at mapalingon sa kanya. “What?” tanong nito sa kanya. “Am I ugly?” tanong ni Sir Tyler na syang ikinakunot ko ng noo. “You are,” sagot ni Zett at pinalo ko sya ng mahina. “She said you are, so maybe you are,” sagot naman ni Sir Ashton at saka sya ngumuso. Binitawan nito si Sir Ashton at saka sya tumingin kay Zett at lumapit. “I know that you are not gay or so whatever you are, I’ll make you mine,” sabi nito at saka tumalikod at umalis na. Napanganga ako sa sinabi nito at hindi ko inaasahan na masasabi niya ‘yon kay Zett. No one was able to say that to Zett, but no one succeeded in becoming her boyfriend because she knocked them down in battle. When the two of us were left on the ground floor, I asked her what she was doing here in our building. “He suddenly took me into his car while I was walking by the park, then brought me here. He lacks love,” sabi nito at saka ako napabuntong hininga. Nagpaalam na ako sa kanya at saka ako pumunta na sa office namin at baka hinahanap na rin ako ni Ma’am Janne. Nang makarating sa office ay naabutan ko itong wala sa kanyang upuan. Kaya naman naisipan ko syang puntahan sa kanyang arcade area at hindi nga ako nagkamali. Naglalaro ito at hindi man lang ako nito binigyan ng kahit na anong pansin. Hindi ko alam kung kinulang ba sa laro noong bata ito si Janne o sad’yang ito lang ang dahilan kung bakit sya nandito. “P’wede bang isama kita sa school namin?” tanong nya at napatingin ako sa kanya. “Po?” “Isasama kita sa school. Alam kong nakapagtapos ka na. Sit in lang ka lang wala kasi akong kaibigan,” sabi nito at doon ko lang napagtanto ang sinabi nya. Kahit na kailan ay hindi ko pa sya nakikitaaan ng kahit na sinong kaibigan na pinakilala nya sa ‘kin. Kaya siguro minsan wala sya sa office ay dahil sa pumapasok sya. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit wala syang kaibigan samantalang mukha naman syang hindi mahiyain. Bumuntong hininga na lang ako sa kanya at saka ako tumango at nakita ko ang ngiti mula sa kanyang mukha. Pero ngayon na lang ako ulit makakapasok ng paaralan matapos ang ilang taong nakapagtapos ako. Nang sumapit ang 2 pm ay napagpasyahan na ni Ma’am Janne na mag-ayos ng kanyang sarili at nagpalit na ito ng kanyang uniform. Binigyan rin ako nito ng uniform at napangiwi ako nang makita ito. Maiksi kasi ang palda na para bang sa anime at ang uniform ay fit. Hindi ko naman inaasahan na gano’n ang ipapasuot nya sa ‘kin. Nang makapagbihis na kaming pareho ay saka ko kinuha ang bag ko ay saka kami bumaba na. Nang makarating sa may harap ng building ay nandoon na pala ang sasak’yan na naghihintay sa ‘min at sa pagsakay namin doon ay parang nakaramdaman ako ng kaba. Hindi naman ito ang unang beses na papasok ako pero ito naman ang unang beses na babalik ako para lang kay Janne. “I don’t like going to school, but there are subjects I have to go to and the rest of them are about the law,” sabi nito. “Law? Bakit?” tanong ko. “I want to know about law,” sagot nya. “Wala ka bang balak na maging attorney?” “Hindi ko balak makipaglaban para lang sa pera,” agad na sagot nya at naramdaman kong huminto na ang sasak’yan kaya naman napatingin ako nang bumukas na ang parehong pinto ng sasak’yan. Nang makababa kami ay doon ko nakita ang iilang mga estud’yante na pinagkakaguluhan si Ma’am Janne at doon ko lang din napagtantong sikat sya sa lahat. Hindi naman pala sya lonely pero ayaw nya ng kaibigan. Tingin ko ay kakaibiganin lang din sya ng mga ito dahil sa may pera sya at sikat sya. Napatingin ang iba sa ‘kin at nakita ko kung paanong nagtaas ang kanilang kilay at ngumiti ako sa kanila pero hindi man lang ako nginitian ng mga ito. “Ang susungit naman nila,” bulong ko sa sarili ko. “Mitsuki.” Napalingon ako kay Janne at saka ako ngumiti sa kanya at lumapit. “H’wag kang ngingiti sa kahit na sino nagmumukha ka lang plastic,” sabi nito na sya namang ikinawala ng ngiti ko. “Auch,” sabi ko at saka ko sya sinundan sa paglalakad. Hindi ko aakalain na sasabihin ‘yon ni Janne at sa tingin ko ay iyon ang dahilan kung bakit ayaw nya ng kaibigan. Nang makarating kami sa room ay narinig ko ang ingay sa loob at nang bumukas ang pinto ay bigla na lang itong naging tahimik na para bang may dumaang kung anong bagyo. Nakatingin ang kahat kay Janne at ang mga mukha ng mga ito ay parang galit. “Ayaw ba nila sa ‘yo?” bulong na tanong ko kay Ma’am Janne at saka sya ngumisi. “They are not allowed to look at me like that,” bulong na sabi nito at saka sya pumunta sa gita ng black board. “Didn’t I say no one would look at me like that? If you want to kill me, don’t even think about it; just do it,” sabi nito. “Ma’am Janne,” bulong ko. “What?” “If you treat them like that, they will be afraid of you and think badly of you. It’s not good that you scolded your classmates like that. Can you be polite at least once?” paliwanag ko at saka ako ngumiti sa kanilang lahat. Hindi ako pinansin ni Ma’am Janne at parang may mali pa sa sinabi ko sa kanya. Lumakad ito papunta sa upuan nya at saka ako tumabi doon. Pero dahil hindi ako mapakali ay kinalabit ko ang katabi ko at saka ako ngumiti sa kanya at ngumiti rin sya sa ‘kin. Si Janne naman ay nakatingin lang sa kanyang ipad. “Anong pangalan mo?” tanong ko sa katabi ko. “I’m Shanna,” pagpapakilala nito. “Hi, Shanna, I’m Mitsuki. Ate na lang ang itawag mo sa ‘kin hindi naman talaga ako nag-aaral. Nandito lang ako para samahan si Ma’am Janne,” sabi ko at saka sya tumango. “She’s pretty and famous,” bulong nya. “Yea, I know, but she’s kinda different,” bulong ko rin sa kanya. Tumawa kaming pareho at saka natahimik ng dumating na ang professor. Ang subject nila ngayon ay The Law Of Obligation and Contract. Hindi ko alam kung bakit ba ako pumayag na maki-sit in dito. Habang nagtuturo ang professor ay napansin kong natutulog lang si Janne at nabahala ako dahil baka bigla na lang magpa-recitation ang prof nila at magtanong nang kung ano-ano. Hindi ko na lang sya inistorbo at nang matapos ang dicussion ay napatingin ito sa ‘kin. “Are you student here?” tanong nito. Napatingin ako sa kanilang lahat at saka ako tumingin sa prof. “No Ma’am, I’m Ms, Janne’s assistant,” sagot ko naman. “Then why are you here?” tanong nito. “Sinamahan ko lang po si Ma’am Janne,” sagot ko naman. “Miss. Janne Shralia Miller Tuner,” tawag nito. “Ma’am?” sagot nito na syang ikinagulat ko. “Hindi ka tulog?” takan tanong ko. “Why are you sleeping in my class again?” tanong nito. “Nakakaantok ‘yong klase, bawal bang mag-take ng nap kahit saglit lang?” balik na tanong nya. Napahawak ako sa bibig ko at hindi inaasahan ang gano’ng ugali ni Ma’am Janne. Hindi ko kahit minsan binastos ang professor ko sa harap ng klase ko. Nakita ko kung paanong nagtimpi si Ma’am at sa kung paano nitong paliparin ang kanyang pambura papunta kay Janne pero nasalo lang ito ng kamay ni Janne at bigla na lang din binato pabalik sa prof at ang nakakamangha nito’y hindi nya ito pinatama dahil dumaan lang ito sa gilid ng tainga ng professor. Tumingin sya sa professor at saka sya ngumiti. “Hi, Ma’am,” bati nito. “Isusumbong na naman kita sa Mommy at Daddy mo, Ms. Turner!” banta nito. “Go ahead,” hamon naman ni Ma’am Janne. “Ma’am, bawal po ang sumasagot sa nakakatanda,” sabi ko. “What are the remedies the aggrieved party may take in case of breach of contract?” biglang tanong ng prof at napatingin lang ako kay Ma’am Janne. “Those who, in the performance of their obligations, are guilty of fraud, negligence, or delay shall be liable for damages. The aggrieved party may also enforce the fulfillment of the obligation through an action for a specific performance,” sagot naman nito. Hindi na nagsalit ang professor at nagpatuloy ito sa kanyang pagtuturo. Ako naman ay nalilito sa mga nangyayare at sa totoo lang hindi naman talaga dapat ako nandito dahil konti lang ang kaalaman ko tungkol sa law. Matapos ang klase ay agad akong hinila ni Ma’am Janne sa may cafeteria at doon ay pinagkakaguluhan pa rin sya kahit ng mga lalake. Napahinto pa nga kaming pareho nang bigla na lang may humarang sa harapan ko na estudyante. “Hi Miss,” bati nito sa ‘kin. “Hello,” sagot ko naman. “May I know you?” “She’s not interested and can you get the fvcking out of my fvking way?” sabi ni Ma’am Janne at napatingin sa kanya ang lalake. “You think too highly of yourself because you are smart and you are the owner of the school. I don’t care if you're the princess of England because I’m not going to get out in front of the girl next to you until I get her name,” sagot naman ng lalake. I saw Ma’am Janne’s strange smile, and I didn’t know if I should stop her or if I should be afraid. “I don’t care who you are, you’re ugly, I just want you to get out of our way because you’re blocking our way. She will not give her name because you will be dead from Ashton if he knows this. I’m not the one you will fight against, but the one you can face is higher than me,” she threatened the man whom I had confused. Umalis ang lalake sa harapan namin at nakita ko kung paanong sumama ang tingin nito kay Ma’am Janne. Hindi ko alam na kilala rin pala si Sir Ashton sa buong university na ‘to at sya rin ang kinatatakutan. Nang makaupo na kaming pareho ay tinignan nya ako at para bang may ginawa akong masama sa kanya. “Hindi ka magbibigay sa kahit na sino dito ng pangalan mo, hindi mo kilala ang halang ng mga bituka ng mga ‘yan. Ang iba ay galing sa gang kaya kung ako sa ‘yo manahimik ka na lang,” sabi nito sa ‘kin at napalunok ako ng sariling laway ko. “Kung bakit naman kasi sinama pa ako dito,” bulong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD