MITSUKI’S POV
Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong napahiga sa kama ko at para bang ang dami kong ginawa kahit na sinamahan ko lang naman si Ma’am Janne kanina sa school nya. Ang nakakainis pa ro’n ay marami pa lang gang sa school nila pero parang wala lang sa kanya ang mga ‘yon at parang sya pa nga ang kinatatakutan ng lahat.
“Mitsuki.” Napatingin ako sa pinto sa pagtawag ni Haruka sa ‘kin.
“Bakit?”
“Kakain na hindi ka ba sasabay sa ‘min ni Mommy?” tanong nito.
Bumuntong hininga ako at saka ako tumayo at binuksan ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ni Ate Haruka at saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya pero bigla na lang ako nitong tinawanan na para bang wala ng bukas. Alam kong tutuksuhin nya ako sa suot ko at hindi ko pa magawang magpalit dahil tinatamad pa ako.
“Woah. Nag-aaral ka na ulit?” tanong nya na natatawa.
“I am not,” sagot ko at saka ko sinarado ang pinto.
“Hulaan ko. Nagpasama ang Boss mo sa ‘yo sa school nila ‘no?” sabi nya at saka ako napatango sa kanya. “Ang uniform na suot mo ay sikat sa buong Pilipinas at kung hindi ako nagkakamali ay marami ding gang ang mero’n sa school na ‘yan pero ang tanging nakakapagtaka ay hindi sila nagra-rabulan sa loob dahil sa ibang school sila naghahanap ng gulo,” sabi nito at hindi ko na lang sya pinansin.
Nang makarating kami sa dining area ay agad kong nilapitan si Mommy at saka ko sya niyakap at kinis sa pisngi nya. Ngumiti ako at napatingin sa mga nakahandang ulam at tila nagningning ang mga mata ko sa mga nakita ko at hindi ko alam kung kailan ang huling kain ko sa mga niluto ni Mommy dahil sa naging busy rin ako sa trabaho. Hindi ako kahit na kailan naging busy p’wera na lang ngayon dahil hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang matanggihan si Ma’am Janne sa mga gusto nya.
Napailing na lang ako at saka ako napabuntong hininga at nag-umpisa na kaming kumain. Dahil si Ate ang nagha-handle ng small business namin ay marami syang k’wento at gusto nyang magtayo pa ng isang business sa ibang bansa kasi mas malaki raw ang kita doon. Kung totoosin ay malaking pera ang kakailanganin namin para doon at kailangan din ng sapat na panahon para makaipon para doon.
“Ano na ang bahala sa mga designs, pati na rin sa kung anong theme ng buong cafe,” sabi ko at saka napahinto si Haruka sa pagkain nya at tumingin sa ‘kin. “What?”
“May sakit ka ba, Mitsuki? Hindi ikaw ‘yan. Ayaw mo makisali pagdating sa usapang business. Kailan ka pa naging interesado, e, tamad ka nga?” sabi nito at saka ako napangiwi.
“Alam mo Ate ang sakit mo sa ngala-ngala. Sekretarya ako ng isang batang marketing planner. The decision is in her hands, and at that moment I was able to learn more about what business-minded people could do to make their company stable.”
Napangiti si Mommy sa sinabi ko at saka sya tumingin kay Haruka. “At least she’s learning something new,” sabi nito at saka napabuntong hininga si Haruka.
“What could you do for marketing strategy?” tanong nit Ate.
“You have to think about what is more popular and what coffee lovers want. Most of the time, they also want to read while having coffee or others need the internet. It's more like Starbucks, but we need something unique than that,” paliwanag ko.
“Oh for the God sake, Mitsuki,” sabi nito na parang baliw.
“Alam mo Haruka kung palaging pag-ibig lang din naman ang inaasikaso mo h’wag ka na lang kaya mag-business,” sabi ko at saka sya napatampal sa noo nya.
“Napakatabal ng dila mo. Kapag ikaw nalagay sa kalagayan ko magiging marupok ka rin sa pagmamahal.”
“Pero hindi ako magiging kasing tanga mo.”
“Mommy si Mitsuki namemersonal na sasampalin ko utak nyan,” sumbong ni Ate Haruka kay Mommy at saka naman natawa si Mommy sa amin.
Nang matapos kaming kumain ay hindi ko inaasahan na mapaparami rin pala ang kain ko kasi ang sasarap ng mga luto ni Mommy. Nang makaak’yat na ako ay saka ako nagpalit ng damit at nagbabad na rin muna ako sa tub para naman makapag-relax ang utak ko ngayon dahil sa mga nangyare kanina. Kinabukasan ay maaga akong nagising at buti na lang ay maaga rin akong nakatulog kagabi dahil na rin sa pagod. Nang makababa ako ay agad akong kumuha ng gatas sa ref at saka ako kumuha ng palaman at tinapay.
Nang uupo na sana ako ay napamulat ako ng mata ko at nangunot ng noo nang makita ko si Sir Ashton na nasa harapan ko ay umiinom ng kape. “AHHHHHH!” sigaw ko.
“Sunog! Sunog! Sunog!” sabi ni ate Haruka at tinitignan ang kung anong sunog. “MITSUKI!” inis na tawag nito.
“S-Sir?”
“Hmm?”
“Bakit sya nandito ate?” tanong ko kay Ate Haruka at saka nya tinignan si Sir Ashton.
“Kung makasigaw ka akala ko may sunog na. P’wede ka nang maging wangwang ng sunog,” sabi nito at saka tumingin kay Sir Ashton. “Nandito si Sir para sunduin ka daw,” sagot nito at saka nya kinuha ang tinapay na hawak ko.
Parang biglang may malaking question mark sa ulo ko at mas lalong nangunot ang noo ko. “Bakit? May sasak’yan naman ako at hindi naman ako pilay?” sabi ko at bigla na lang akong binatukan ni Ate.
“Alam mo minsan ang slow rin ng utak mo. Sa ibang bagay ka lang magaling ‘no?”
“Ate naman ang sakit no’n. Susumbong kita kay Mommy.”
“Pagpasensyahan nyo na ‘yong kapatid ko may sinto-sinto kasi utak nyan,” sabi nito kay Sir Ashton at saka ko sya siniko. “Ayan, mapanakit din. Maiwan ko muna kayo at may kailangan pa akong gawin,” paalam nito at saka ako napapikit ng mariin.
Hindi ko inaasahan na pupunta sya dito sa bahay at hindi ko alam kung bakit ba ‘to ginagawa ni Sir sa ‘kin. “It seems like you don’t like that I’m here.” sabi nito na may pag-aalinlangan pa.
“N-no… I-I mean… b-because I didn’t expect you to come to pick me up. I-I could d-do it by myself,” sabi ko at nauutal pa. “P’wede naman po akong I-text,” dagdag ko pa.
“Do I look like a bad person?” tanong nya sa ‘kin.
“Hindi po!” agad na sagot ko naman sa kanya.
“Bakit parang ayaw mo ‘kong makita? May masama ba akong nagawa?” tanong na naman nya.
“W-wala…”
Napayuko ako sa pagkakasagot ko sa kanya no’n at saka ako napakagat sa labi ko at hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya o hindi. Para kasi akong maiihi sa sarili kong short at wala akong ibang maidahilan sa kanya ngayon. Pakiramdam ko kasi parang may kakaiba sa kanya ngayon at hindi naman nya ‘to gagawin ng basta-basta kung wala syang ibang pakay. Sumabay na lang ako ng almusal sa kanya at hindi na ako nagtanong ng kung ano-ano pa at baka kung saan kami abutin ng magiging usapan namin.
Nang makapagbihis na ako ay saka ako nagpaalam kay Mommy na aalis na ako at pati na rin kay Ate Haruka. Nang makalabas ay nandoon ang isang kulay dilaw na koste na mamahalin at saka nya binuksan ang pinto ng kotse at saka nya ako sinenyasan na sumakay doon. Sinunod ko naman sya agad at nang makasakay ay napasinghap ako nang bigla na lang nitong hilain ang seatbelt at saka nya ito kinabit sa ‘kin.
Halos pigil hininga ang ginawa ko at sa totoo lang ang lakas ng kabog ng puso ko. Nang matapos nya ‘yong gawin ay saka sya umikot at sumakay na rin sa driver seat. Nang umalis kami ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang image na sinend ni Ate Haruka at agad ko iyong binura. Huminga ako ng malalim at saka ako tumingin sa daan at hindi na pinansin ang kung anong nangyare kanina.
Nang makarating kami sa building ay agad kong binuksan ang pinto at hindi ko na hinintay pa si Sir Ashton ang gumawa no’n at mabilis syang bumaba at saka sya napakamot ng ulo nya at hindi alam kung matatawa ba o maiinis sa ginawa ko. Sakto naman na dumating si Sir Tyler at saka sya tumingin sa ‘kin at saka tumingin kay Sir Ashton.
“What’s the matter?” tanong nya.
“Wala po,” sagot ko at saka ako tumalikod at iniwan silang dalawa.
Nang makasakay ako sa elevator ay tumingin ako sa sarili ko sa salamin ng elevator at pinakalma ko ang buong sistema ng katawan ko. Alam ko naman na hindi p’wede ang kung ano man ang iniisip ko pero pakiramdam ko ang dami kong kailangang gawin. Nang huminto ito at bumukas ay saka ko nakitang nagkakagulo ang lahat ay mukhang busy na naman sila sa mga ginagawa nila.
Bumuntong hininga na lang ako at saka ako pumasok sa opisina at doon ay naabutan kong nakaupo si Ma’am Janne at nanonood ng TV. Tumingin sya sa ‘kin at saka sya kumunot ng noo. “May nangyare ba?” takang tanong nya.
“May tanong lang ako,” sabi ko at saka sya umayos ng upo nya. “Ano bang sapak ni Sir Ashton at sinundo nya ako sa bahay, e, may sasak’yan naman ako?” sabi ko at saka sya napatitig sa mga mata ko at kasunod no’n ay malakas syang tumawa.
Hindi ko alam kung ano ang kailangan kong isipin o kung ano ang mero’n sa pamilya nila at tila may kulang ata sa mga brain cells nila. Napangiwi na lang ako at saka ako umupo at inasikaso ang kailangan kong ayusin. Pero hindi ko pa nabubukasan ang computer ko nang bigla na lang sumulpot si Ma’am Janne at nakatingin sa ‘kin ito ng seryoso.
“A-ano ‘yon?” takang tanong ko.
“Alam mo may dalawang bagay lang ‘yan, Mitsuki,” sabi nito at saka sya napaisip. “It’s either he likes you or he wants to be your friend,” sabi nito at saka ako napailing.
“P’wede naman kami maging makaibigan pero hindi naman sa ganitong paraan.”
“E’di gusto ka nga ng kapatid ko,” sabi nito.
“Imposible naman ang sinasabi mo.”
“He’s been single for 3 years or 4 years I think.”
“Ano naman ang kinalaman no’n?”
“Ano ba naman Mitsuki kulang ka ba sa brain cells?”
“Hindi.”
“E, bakit ang slow mo mag-isip daig mo pa ‘yong may kulang sa pag-iisip,” sabi nito at saka ako napanguso.
“Aww,” sabi ko at saka tumingin sa computer ko pero bigla na lang itong namatay at napatingin ako kay Ma’am Janne at tinanggal pala nito ang saksakan. “May sasahurin pa rin ba ako?” tanong ko.
“I’m your boss kaya sa ‘kin ang atensyon mo,” sabi nito at saka nya ako hinila at pinaupo sa may semi kitchen nya at naghanda ng kung anong maaring mainom naming dalawa.
Hindi na lang ako umangal kasi alam kong baka bigla na lang mawala sa mood itong batang ito at magkaroon na naman ng topak. Nagkuwentuhan lang kami ng nagkuwentuhan at wala na kaming ibang nagawa bukod sa maglaro sa semi arcade nya. Kung ganito ba namang trabaho ang gagawin ko sinong hindi tatamarin pumasok hindi ba? Nang sumapit ang gabi ay naramdaman naming nagsisiuwian na ang mga staff. Lumabas na kami ng arcade at sabay na rin kaming bumaba ni Ma’am at nang makarating sa labas ng building ay napahinto kaming pareho.
“Ihahatid mo sya?” tanong ni Ma’am Janne kay Sir Ashton.
“Oo,” sagot naman nito at saka nya binuksan ang pinto ng kotse nya.
“Ahh… kaya ko naman umuwi mag-isa,” sabi ko naman at saka kinuha ang selpon ko pero bigla na lang itong hinugot ni Ma’am Janne at napatingin ako sa kanya.
“Ihahatid ka daw ng kuya ko. Kuya ko na ‘yan Mistuki aayawan mo pa?” bulong nito sa ‘kin at saka ako napatingin kay Sir Ashton.
Ngumiti ako sa kanya at saka ko binawi ang selpon ko. “Eto na nga, e,” sabi ko at saka ako naglakad patungo kay Sir Ashton. “Hi, Sir,” bati ko at ngumiti lang ito sa ‘kin.
Sumakay na ako as sasak’yan nito at saka kami umalis na at kumaway pa ako kay Ma’am Janne habang papaalis kami. Nang makalayo na ay tumingin ako kay Sir Ashton at nakikita ko ang bawat detalye ng kanyang pagkatao. Ang kanyang maugat na kamay at maputing balat ay nakakaakit. Ang kanyang mga matang ang sarap tignan na hindi nakakasawa.
“Hindi naman siguro ako matutunaw sa titig mo ‘no?” sabi nito at bigla akong natauhan.
“S-sorry,” sabi ko at saka tumingin sa labas.
“Do you have any idea how I admire you, Miss Mitsuki?” tanong nya sa ‘kin at sa pagkakataon na ‘yon ay dumagundong ang kakaibang kaba sa dibdib ko.
“Ha?”
“Hakdog.”
“Waw may ganyan ka pa lang nalalaman Sir,” pang-aasar ko.
“I was saying what I felt for you, and then your answer was ‘ha?’. Mukha ba akong nagbibiro sa paningin mo?” tanong nya sa ‘kin at sa tingin ko ay seryoso sya sa pagkakataon na ‘to.
Umiling ako at saka napatingin sa sarili ko sa salamin. “Malay ko naman kung anong klasing admire ‘yong sinasabi mo,” bulong ko sa sarili ko.
“What did you say?”
“Wala po. Ano… speachless po ako,” sabi ko at napapatingin sa bintana.