CHAPTER 18

1906 Words
MITSUKI’S POV Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko at para akong nasa isang telenovela at ako ang bidang babae habang si Sir Ashton naman ang bidang lalake. Lumapit ako sa kanya at saka nya ako inalalayan na umupo at nang makaupo ako ay umupo rin sya sa harapan ko. Mero’ng nakahandang wine at nang maisalin ‘yon sa baso ay hindi ko mapigilan ang hindi ma-excite. “Bakit nyo naman po ginagawa ‘to?” tanong ko at namamangha pa rin sa nasa harapan ko. “I told you to not use ‘po’ when you talk to me? But by the way, I want you to know that you are special to me,” sagot nya at hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. “Salamat sa pagkain,” sabi ko at saka ako nag-umpisang kumain na. Sabay na kaming kumain at hindi ko maiwasan ang hindi manlaki ang mga mata ko dahil sa sarap nito. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong kasarap na putahe at sa totoo lang ay ito ang pangalawang beses na nakakain ako nito. Tumingin ako kay Sir Ashton habang nakangiti ako at nakita ko kung paano nyang ipinatong ang kanyang siko sa lamesa at ang kanyang parehong kamay ay magkahawak. “You like it?” “Sobra! Salamat sa pagkain!” Nakangiting sabi ko. Unti-unti na akong nagiging komportable sa kanya at unti-unti nyang nakukuha ang loob ko sa hindi ko malamang dahilan. Napatingin ako sa mga mata nya at nakikita ko ang sarili kong repleksyon doon. Mas lalo akong napangiti dahil doon at sa pagkakataon na ‘yon ay masasabi kong totoo ang ipinapakita nya at hindi sya nagbibiro. “Hindi mo ba ‘to nagawa dati? I mean, in your past relationship?” tanong ko at hindi ko alam kung bakit ko naitanong ‘yon. “I did, but of course, time will tell if we meant for each other,” sagot nya at saka naman ako napatango. “Wala akong ibang alam na ideya kung anong mero’n sa ‘kin at wala akong balak na magkaroon ng ano mang relasyon sa trabaho. Pero bakit kahit na iniiwasan kita ay ikaw pa rin ang lumalapit sa ‘kin?” takang tanong ko. “Why not?” takang tanong rin nya. “I am not used to people approaching me and entertaining me. I also have no desire to be involved with anyone because it’s making me a headache. I was an overthinker.” Nakangiwing sabi ko. Ngumiti lang sya sa ‘kin at ang ngiti na ‘yon ay nagbibigay ng dahilan kung paanong tumibok ng malakas ang puso ko. Agad na nag-iwas ako sa kanya ng tingin at kumain na lang ako at sa ibang direksyon tumingin. Hindi ko alam kung paano ko syang haharapin ng maayos kung sa tuwing magtatama ang mata naming dalawa ay sobra ang kaba sa puso ko. “Overthinking? Why do you have to overthink? Those are just scenarios that won’t happen at the future,” sabi nito at saka sya bumalik sa pagkain. Hindi ko na lang sya sinagot at nang matapos kaming kumain dalawa ay nagpaalam na ako at kailangan ko ng bumalik sa opisina. Pagbalik ko ay bubuksan ko na sana ang pinto pero naka-lock ito. Ilang ulit ko pang binuksan pero hindi ko talaga sya mabuksan. Napatingin ako sa cellphone ko. Naro’n ang text ni Ma’am Janne sa ‘kin at mero’n pang mapang-asar na emoji. “I think she did it in purpose.” Napasinghap ako ng bigla na lang may nagsalita sa likuran ko at nakita ko si Sir Ashton na nakatanaw sa loob ng opisina. “Nakakainis,” sabi ko na lang at saka ako bumuntong hininga. Nanalaki ang kamay ko ng bigla na lang nitong hawakan ang kamay ko at saka ako napatingin sa kanya. “May pupuntahan tayo,” sabi nito at nangunot ang noo ko. “Kahit may trabaho?” takang sabi ko naman. “Ako naman ang nagpapasahod sa ‘yo kaya mas mabuting ako na ang susundin mo,” sabi nito at saka mas lalong nangunot ang noo ko. Hindi na ako nakaangal pa at sumunod na lang ako sa kanya at hindi pa rin naalis ang kamay nitong nakahawak sa kamay ko. Hindi na lang din ako umangal dahil alam ko naman na baka bigla na lang akong masesante. Nang makarating kami sa may parking lot ay agad ako nitong isinakay sa kotse nya at namangha pa ako ng alisin nito ang tabing ng kanyang konte. Hindi ko maipaliwanag ng maayos basta ‘yong automatic na naaalis ang bubungan basta gano’n. Ngumiti sya sa ‘kin at bakas sa kanyang mga mata ang saya na nararamdaman nya. Hindi ko alam kung anong nakakatuwa sa pagsama ko sa kanya pero hindi ko na lang iisipin pa. Habang nasa b’yahe kami ay iniisip ko kung saan ba kami pupunta at anong gagawin namin doon. Wala ‘ni isa sa amin ang nagsalita habang nasa b’yahe at nakatulog na lang ako dahil sa ilang oras din kaming nasa b’yahe. Nang magising ako ay natatanaw ko na ang isang simbahan at sa katabi nito ay mero’ng isang malaking bahay na tila mansion na sya namang ikinakunot ko ng noo. Nang makapasok na kami sa may gate ay saka ko nakita ang mga batang nakaabang do’n. “Waw,” hindi makapaniwalang usal ko sa kanya. “We’ve been taking care of these children since my sister took one of them from the street,” sabi nito at saka ako napatingin sa kanya. “Sino naman?” takang tanong ko. “Tito Ashton!” Isang batang lalake ang pumukaw ng atensyon ko at nang makatingin ako sa kanya ay nakita ko syang papalapit sa gawi namin ni Sir Ashton at nakangiti ito habang papalapit at ang kanyang braso ay nakaabang na upang yakapin si Ashton. Sinalubong naman ito ni Ashton at saka nito niyakap ang bata na sa tingin ko ay nasa limang taong gulang pa lamang. “Nasaan po si Mommy Janne?” tanong nito kay Sir. “She’s busy with some stuff, but don’t worry; she will visit you here,” sagot naman ni Sir Ashton. “Ano naman ang pinagkakaabalahan nya?” tila matanda na sya kung magtanong. Ngumiti lang si Sir Ashton at saka nya ako tinignan. Gano’n din ang bata at ngumiti naman ako sa kanya at tumingin sya kay Sir Ashton. “Girlfriend mo po sya, Tito?” pabulong na tanong nito pero narinig ko. “Hindi!” agad kong depensa. Bigla ay nalungkot ang bata at saka sya tumingin sa ‘kin. “Sabi ni Tito Ashton sa pagbalik nya dito ay may girlfriend na sya,” sabi nito at tumingin ako kay Sir Ashton para ipaliwanag sa bata kung ano kaming dalawa. “Alam mo kasi Ace,Tita Mitsuki didn’t say yes to me yet to be my girlfriend; for now, we’re friends,” sabi nito at muling ngumiti ang bata. “Ha?” Tinalikuran lang nila akong dalawa at saka pumasok doon sa mansion at ang mga batang nandoon ay sinalubong naman sya ng yakap. Lahat sila ay malilinis tignan at tila hindi galing sa lansangan. Napangiti ako dahil sa nakikita ko at hindi ko aakalin na ang kumpanyang pagtatatrabahuan ko ay isa pa lang may malawak na pang-unawa at mero’ng mabubuting kalooban. Nagkaroon kami ng bonding sa mga bata at sa totoo lang ay sobrang saya no’n. Nakipaghabulan kami sa kanila at sumabay rin na kumain sa kanila. Nagpaligo at mero’n ding pool dito sa likod ng mansion kung saan malaya silang makakapag-swimming. Lahat sila ay nag-aaral at walang any exception. Habang nakatanaw sa mga bata ay hindi ko maiwasan mag-isip sa kung nasaan ang kanilang mga magulang. “What are you thinking?” tanong nito sa ‘kin at napalingon ako sa kanya. Umiling ako at saka ako umiling. “W-wala naman,” sabi ko at saka ako umayos ng upo at tumabi naman sya sa ‘kin. “Janne could not bear to see those children on the streets without food or begging. Whenever she sees one of them knocking on her car, she grabs it and takes it to the mansion,” sabi nito at tumango ako sa kanya. “She has a good heart, sana hindi pa sya kunin ni Lord,” sabi ko at saka sya natawa. “Grabe ka naman,” sabi nito at saka ako natawa rin. “Totoo naman,” sabi ko pa. “Wanna have some tea?” tanong nya at tumgo naman ako sa kanya. Umalis kami doon sa pool at aska kami pumasok sa mansion at pumunta sa may veranda kung saan makikita mo ang view sa ibaba. Bukod kasi sa pool sa likod ng bahay nila ay sa likuran nito tanaw ang magagandanang tanawin. Kahit na ako ay hindi gugustuhin na umalis sa ganitong kalaking bahay at ganda ng view, e. “Wala ka pa rin bang napapansin sa mga ginagawa ko?” tanong nya at napalingon ako sa kanya. “A-alin?” tanong ko rin sa kanya. “Those things,” sabi nito at napakunot ang noo ko. “Ahhh… I-I don’t know… pero alam ko naman ang mga ginagawa mo,” sabi ko at saka ako tumingin sa ibang direksyon. “I really like you, Mitsuki,” sabi nito at napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at wala akong ibang masabi sa totoo lang. Nagpaalam akong magbabanyo lang at tamakbo ako paalis at hinanap ang banyo pero sa laki ng mansion ay hindi ko kaagat nakita dahil sa tuliro. Agad kong nakasalubong ang isang madre at saka ko tinanong sa kanya kung nasaan ang banyo at tinuro naman nya ito sa ‘kin. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at saka ako huminga ng malalim. “Paano nya ba nasasabi ang bagay na ‘yon ng hindi man lang kinakabahan o nauutl?’ tanong ko sa sarili ko. “Wala namang espesyal sa ‘kin. Oo may business rin kami pero hindi kami kasing yaman ng sa kanila. Hindi ko naman sinasabing hindi nya ako gustuhin pero…” napahinto ako sa pagsasalita nang maalala ang ngiti sa labi nya. Ang ngiti habang kalaro ang mga bata at ang kanyang mga matang hindi naaalis sa ‘kin. Muli ay huminga ako ng malalim at umalis na ako ng banyo at bumalik ako sa kung nasaan si Sir Ashton at nang makarating ako doon ay nakita kong nakatulog ito sa upuan at napatitig ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at saka ko pinagmasdan ang g’wapo nitong mukha at napasinghap ako ng bigla na lang itong nagmulat at agad akong tumayo at bigla na lang ako nitong hawakan sa kamay ko. Hinila nya ako at napapikit ng mariin dahil doon. Muntik nang maglapat ang labi naming dalawa at napalunok ako ng sariling laway ko sa ginawa nya. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko at halos pigil hininga rin ako sa nangyare. “You’re so beautiful, Mitsuki,” sabi nito at halos namamaos ang boses nya ng sabihin nya ito sa ‘kin ng halos pabulong rin. “A-ano…” “I can’t take my eyes off you,” sabi pa nya. Mas lalo pa nitong hinila dahilan para mas lalo pa akong mapalapit sa mukha nya at konti na lang ay mahahalikan ko na sya. “S-Sir…” “Will you be my girlfriend?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD