CHAPTER 19

2107 Words
MITSUKU’S POV “Ashton.” Pareho kaming napatingin ni Sir Ashton sa tumawag sa kanya at saka nangunot ang noo ko ng makita si Sir Tyler. Pero agad din na napawin iyon at inayos ko ang sarili ko kasi nakakahiya sa kanya. Napatingin ako sa ibang direksyon at umupo ako at napatakip pa ako ng mukha ko dahil sa nangyare. “What are you doing here?” takang tanong ni Sir Ashton sa kanya. Lumapit sya sa ‘min at saka nya ako tinginan at ngumiti pa ito sa ‘kin. “Hi, Mitsuki,” bati nito sa ‘kin. “Ahh… h-hi po Sir Tyler,” bati ko na nauutal pa. Napapikit pa ako ng mariin kasi hindi ko alam kung bakit ako nauutal. “You two dating?” tanong nya at saka bumaling ang tingin nya kay Sir Ashton at tumingin din ito sa ‘kin at saka muling tumingin kay Sir Tyler. “Yeap, and you’re interrupting us,” sagot nya na sya namang ikinatampal ko ng noo ko. “Oh? I was?” ani pa nito at saka tinuro ang kanyang sarili. Tumayo ako dahilan para pareho silang mapatingin sa ‘kin. “Ah… ano… hindi po kami nade-date. Nagjo-joke time lang po si Sir Ashton,” paliwanag ko at nararamdaman ko ang init kahit na hindi naman talaga mainit. Hindi ko tuloy alam kung paano kong haharin si Sir Tyler. Huminga na lang ako ng malalim at saka ako tumingin sa ibang direksyon muli. Hindi ko na pinakinggan pa ang naging pag-uusap nila at naisipan ko na rin na lumabas ng k’warto na ‘yon at bumaba. Nang makababa ako ay nakita ko si Ace na nakaupo lang sa isang tabi kaya naman naisipan kong tabihan sya. Nang makalapit ako ay napalingon sya sa ‘kin at saka sya nangunot ng noo. Tinanong ako nito sa kung nasaan si Sir Ashton at sinabi kong mero’n lang itong kausap kaya bumaba na muna ako at para na rin makapag-usap sila ng maayos. Habang nakukuwentuhan kami ni Ace ay tinawag na ako ni Sir Ashton at agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya. “Bakit po Sir?” tanong ko. “I’ll send you home,” sabi nito at saka ako ngumiti. “Sige po,” sagot ko pero agad akong napahinto ng maalala ko ‘yong motor ko. “E, ‘yong motor ko po nasa parking lot pa. Doon nyo na lang ako ihatid kasi pupunatahan ko rin po si Zett,” ani ko at napatingin sa ‘kin si Sir Tyler. “Sama ako,” sabi nito at saka ako nangunot ng noo at tumingin sa kanya. “Ha?” “Why?” takang tanong naman ni Sir Ashton sa kanya. “Does it matter to you?” ani nito kay Sir Ashton. “Nope, I’m just wonder why,” sagot naman ni Sir Ashton at saka ako napatakip sa bibig ko. “Tito Tyler!” Napalingon si Sir Tyler kay Ace at saka naman ito nagpabuhat sa kanya na sya namang ginawa nito na ikinangiti ko. “Bakit hindi ka na bumibisita dito?” tanong nito kay Tyler. “Ahhh… well, I’m busy,” sagot naman nito. “Bakit ka naman busy, e, wala ka naman jowa?” ani pa ng bata na ikinalaki ng mata namin ni Sir Ashton. “Saan mo natutunan ang bagay na ‘yan?” tanong ni Sir Tyler. “Kay Mommy Janne po,” sagot naman nito at sabay-sabay kaming napatampal ng noo. Sa totoo lang ay wala sa itsura ni Ma’am Janne ang magtuturo sa bata ng gano’n pero sa sinabi ng bata ay parang gusto ko na lang magtakip ng tainga ko. Nagpaalam na kami na uuwi na kami at kailangan na rin namin na bumalik sa building kasi nandoon ang motor ko. Hindi ko alam kung anong oras na kami nakabalik sa building at nang makabalik na rin kami ay agad kong pinuntahan ang motor ko. Nagpaalam na ako kay Sir Ashton at si Sir Tyler naman ay sumama sa ‘kin. Sa totoo lang ay wala akong problema kung anong mangyayare kung makita ni Zett na kasama ko si Sir Tyler na patay na patay sa kanya. Napailing na lang ako at nang makarating ako sa labas ng bahay ni Zett ay nakita kong nagtatapo ito ng basura. Bumaba ako sa motor at saka ko sya nilapitan at saka ko sya binulungan. “Hanap ka ng admirer mo,” ani ko at saka sya tumingin sa taong nasa likuran ko. “What the hell is he doing here?” tanong naman nito at saka ako napakibit balikat. “To see you?” sagot ko naman sa kanya at saka ko narinig ang buntong hininga nito. “Hi, Zett,” bati ni Sir Tyler sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Zett at sa totoo lang ay dama ko ang dark na aura nitong hindi nya alam kung paano nyang itatago sa taong kaharap nya ngayon. Wala namang masamang kaibiganin sya ni Sir Tyler at isa pa ay mabait naman ito. Pero itong kaibigan ko pakiramdam ko kapag nahawakan sya mg lalake bigla na lang tatalsik ng walang dahilan. May kinuha ako sa motor ko at binigay ‘yon kayZett at saka ako nagpaalam na uuwi na at sya na ang bahala sa bisita nya. Natawa na lang ako kasi wala pa rin syang kahit na anong reaksyon sa sinabi ko. Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko si Dylan na nakaabang sa may gate namin. “Ano naman kaya ang ginagawa naman nito sa bahay?” bulong na tanong ko sa sarili ko. Tinawagan ko si Ate Haruka at agad naman nitong sinagot ang tawag. “Oh? Buti at naalala mong may Ate ka?” bungad na sabi nito at saka ako napangiwi. “Nandito ako sa labas ng gate,” sabi ko. “Oh? Bakit hindi ka pa pumasok?” “Nasa labas ng gate si Dylan, Ate,” sabi ko habang tinitignan si Dylan. “What? Pinaalis ko na ‘yan kanina bakit nand’yan pa?” tila inis na sabi nito at nakita kong sumilip ito sa bintana nya. “Sandali lang at h’wag ka muna magpakita,” saad nito at tumango ako. Bumaba si Ate pero naka-hold pa rin ang tawag nito sa ‘kin. Naririnig ko ang paghakbang nito hangang sa makarating na sya sa may gate at binuksan ito at tumingin kay Dylan na no’n ay lumapit sa kanya. “Ate…” ani nito. “Anong Ate? Wala akong kapatid na lalake,” sabi nito at saka tumingin sa paligid. “Kaninapa kita pinaalis, bakit nandito na pa?” tila iritadong tanong nito. Napahawak si Dylan sa batok nya at hindi nya alam kung anong ikakat’wiran kay Ate. “Ahhh… hinihintay ko kasing makauwi si Mitsuki,” sagot nito at saka ito napangisi. “Wala kang hihintayin. Kila Zett sya natulog ngayon at wala kang hihintayin. Tigilan mo na kapatid ko kung hindi ipapakulong na kita. Pang-i-stalk na ‘yang ginagawa mo,” seryosong sabi ni Ate. “Mahal ko lang talaga si Mitsuki,” sabi nito. “E, hindi ka nga gusto ng kapatid ko.” Hindi ito nakasagot sa binanat ni Ate Haruka at napatakip pa ako ng bibig ko dahil sa narinig ko. Sa totoo lang ay hindi ako maaawa kay Dylan kasi ilang beses na nya akong sinaktan physically. Masyado syang obsess sa ‘kin at hindi ko alam kung ano bang mero’n sa ‘kin at hindi nya ako kayang tantanan. Nakita ko kung paanong bumaba ang tingin ni Dylan at napatingin sa gawi ko si Ate at agad na tumingin kay Dylan. Ako naman ay nagtago agad at buti na lang ay hindi ako gano’n kalapit kaya hindi nya ako kaagad makikita. Siguro kailangan ko munang bumalik kila Zett para doon matulog. Umalis na si Dylan at napatingin sa ‘kin si Ate. “Ano na ang balak mo?” tanong nito sa ‘kin. “Babalik ako kila Zett at doon na lang ako matutulog,” sagot ko naman. “Sige, maaga kang umuwi ahh, hahanapin ka ni Mommy,” saad naman nito at saka ako tumango at pinatay ang tawag at umalis na rin. Nang makabalik ako sa bahay nila Zett ay nakita kong nandoon pa si Sir Tyler at nakatingin lang kay Zett na para bang hinihintay itong magsalita. Lumapit ako sa kanilang dalawa at saka sila napatingin sa ‘kin at nangunot ang noo ni Zett nang makita akong bumalik. “What happened?” agad na tanong nito sa ‘kin at alam nyang may hindi talaga magandang nangyayare kapag nandito ako sa kanila. “May makulit na asong bumabalik sa bahay at hinihintay ako sa labas ng gate. Baka bigla akong kagatin,” sagot ko naman at saka nangunot ang noo ni Sir Tyler. “Aso?” “None of your business, Sir. P’wede bang umalis ka na?” inis na sabi ni Zett at saka ito lmapit sa ‘kin. “Wait lang may sasabihi lang ako kay Sir,” sabi ko at pinauna ko na syang pumasok sa loob ng bahay nya. “Sir, alam mo kung gusto mong maka-core sa kaibigan ko h’wag mo syang kulitin. Hindi nya gustong kinukulit at tinititigan o kaya naman ay iyong madaldal at maingay. Baka kasi mamaya bigla ka nyang masapak sa susunod na b’wan ka pa magigising,” bulong na sabi ko at saka sya napangiwi. Nakita ko kung paanong matakot si Sir at saka sya nagpaalam na aalis na at magkita na lang kami bukas. Nang makapasok ako sa loob ay agad kong sinarado ang pinto at saka ko sinara ang bintana nito at saka ako tumingin kay Zett. “What was that?” tanong nito. “Wala,” sagot ko. “Alam mo hindi naman masamang tao si Sir type ka nya,” sabi ko pa. Tumaas ang kilay nya sa ‘kin. “Bakit mas marunong ka pa?” mataray na sabi nito. Napanguso naman ako sa sinabi nya. “Ito naman. Kaya ka NBSB, e. Pero maiba ako. Hindi pa rin ako tinitigilan ni Dylan anong gagawin ko?” Nakita ko kung paano syang nailing at saka kami umak’yat sa k’warto nya at nagbihis na muna ako ng damit. Nang makapagbihis ako ay saka ako humiga sa tabi ni Zett at nakatingin lang ito sa cellphone nya habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya at naghihintay ng kung anong isasagot nito sa ‘kin. “Why don’t you give him a chance?” tanong nito pero sa cellphone pa rin sya nakatingin. “Chance for what?” I know Dylan as a womanizer, and I will never give a chance to a man who I know will cheat on me eventually. I sighed, and then I closed my eyes because I was sleepy too. Nang magising ako kinabukasan ay napatingin ako sa orasan at bumangon na ako para mag-asikaso. Bibili na lang ako ng damit sa store para naman hindi na ako mangheram ng damit kay Zett. Masyado kasing malalaki ang mga damit nya. Nagpaalam na ako sa kanya at sa opisina na lang ako magbibihis. Nang makarating ako sa opisina ay wala pa rin si Ma’am Janne at ang opisina namin ay naka-lock rin kaya isa lang ang ibig sabihin nito. “Wala na naman akong pasok?” ani ko. Tumingin ako sa phone ko at saka ko tinawagan si Ma’am Janne. “Hindi ka sa ‘kin magtatrabaho ngayon, Ate Mitsuki,” bungad na sabi nito na ikinalito ko. “Ha?” “Sabi ni Kuya may sakit ‘yong secretary nya kaya naman nagpaalam sya sa ‘kin na ikaw muna ang papalit sa secretary nya,” sabi nito at saka ako napatakip sa bibig ko. Hindi ko alam kung anong nakain ni Ma’am Janne at ako talaga ang binigay nya. Hindi na ata nya ako mahal kaya ako na lang ang binigay nito. Pinatay ko na ang tawag at saka ako napatingin sa opisina ni Sir Ashton at nandoon lang ito at nakatingin sa labas ng building. Lumapit ako sa may pinto at hindi ko alam kung papasok na ba ako o h’wag na lang. “Bakit kasi ako pa,” bulong na sabi ko sa sarili ko. Kumatok muna ako at saka ako tumingin sa loob at napatingin ito sa ‘kin at sinenyasan ako nitong pumasok. Nang makapasok ako ay may kinuha syang remote at saka pinindot ito at na naging dahilan para maging white ang glass na nakikita sa labas ang loob. “H-hi Sir…” ani ko at kumaway pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD