MITSUKI’S POV
Sa totoo lang ay hindi ko alam ang kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Nandito ang lahat ng pamilya nila at kasali ako sa salo-salo na hindi naman dapat. Huminga ako ng malalim at saka ako ngumiti sa kanila at saka ako napalingon nang hawakan ni Mrs. Turner at saka sya ngumiti sa ‘kin ng matamis.
“Thank you for accepting my invitation to join us for lunch,” sabi nito sa ‘kin at ngumiti ako sa kanya.
“It’s my pleasure to be with you, Ma’am,” sagot ko naman.
“Don’t call me Ma’am, it’s too formal. Just call me Tita,” sabi nito at mas lalo akong nahiya sa kanya.
“O-ok p-po… Tita,” nauutal na sabi ko at tumingin sa katabi ko na nakatingin lang pala sa ‘kin.
Agad na umiwas ako ng tingin kasi hindi ko na naman mate-take ang tingin nya at baka mainis lang ako. Habang tinitignan ko sila ay mukha namang silang masaya at sa okasyon na ‘to ay nakikita ko ang pagkakaroon nila ng koneksyon sa isa’t-isa. Kahit na nagiging busy sila sa kanya-kayang buhay nila ay nakukuha naman nilang magkaroon ng kahit na konting oras para sa isa’t-isa.
Bumuntong hininga ako at saka ako tumingin sa pagkain ko at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may kulang na hindi ko alam kung ano. Tumingin ako kay Mr. Turner at nakikita ko kung paano nyang kausapin si Janne. Naalala ko ang huling bonding namin ni Daddy bago sya mawala at kunin ni Lord.
“Are you ok?” Napalingon ako kay Sir Ashton at saka ako tumango. “You sure?”
“A-ayos lang po,” sagot ko at saka sya ngumiti.
Tumayo si Sir Ashton at saka nya hinawakan ang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kanya at tumango lang sya sa ‘kin at saka kami lumabas at pumunta sa may fire exit at saka kami umak’yat. Nakarating kami ng rooftop at saka ako napatingin sa buong paligid at namangha na rin dahil sa ganda.
“Ano naman ang ginagawa natin dito?” takang tanong ko at saka nya ako binalingan ng tingin.
Huminga sya ng malalim at saka nya ako nginitian. “I saw the sadness in your eyes, Mitsuki,” ani nya at nangunot ang noo ko.
“Ako?” sabi ko at saka ko tinuro ang sarili ko. “Malungkot?” dagdag ko at saka ako tumawa. “No I am not. Na-miss ko lang si Daddy pero hindi ibig sabihin na malungkot ako,” saad ko at saka sya tumango sa ‘kin.
I don’t know why he thought I was sad, even though I wasn’t really. I’m happy to see them happy, and honestly, I’m happy because they’re happy with what they have now, and I see the clarity in their aura. Hindi man kami katulad ng kung ano sila ngayon pero nasisigurado kong kung nabubuhay pa si Daddy ngayon malamang gano’n din kami sa katulad ng sa kanila.
“Ohh… really?” hindi makapaniwalang usal nya.
Tumango ako sa kanya at saka sya ngumiti ng matamis sa ‘kin at alam ko naman na hindi nya maalis ang tingin nya sa ‘kin at ang dami nyang napapansin kahit na ang busy nyang tao. Hindi ko alam kung bakit nasa ‘kin ang atensyon nya na dapat ay hindi naman dahil tabahador din naman nila ako at amo ko sila. Nagkuwentuhan lang kami saglit at bumalik na rin kami kasi baka hanapin na rin nila kami.
Sa pagbalik namin ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko at hindi ko inaasahan na magkakagulo sa pagbalik naming dalawa. “Ano ang nangyayare?” nag-aalalang tanong ko.
Agad na hinawakan ni Sir Ashton ang kamay ko at saka nya ako nilagay as likuran nya at agad nna may kinuhang barel sa isang guard at mas lalo akong naguguluhan sa kung ano ba ang totoong nangyayare. Hinila nya ako papalabas ng restaurant at saka nya ako nilagyan ng helmet at pagkatapos no’n ay agad na sumakay sa motor ko at agad din na sumakay ako.
Nang pinaandar nya ito ay ang bilis ng takbo namin at sa totoo lang hindi ako sanay na ako ang back rider kasi mas nasasanay akong ako ang nagmamaneho. Tumingin ako sa likuran at saka ko nakita na may humahabol sa ‘min at mas lalong humigpit ang hawak ko kay Sir Ashton dahil doon. Sa pagkakataon na ‘to ay naranasan kong matakot at talagang sa ganito pa.
“Hold me tight,” sabi ni Sir Ashton na sya namang ginawa ko.
Napapikit ako ng mariin at sakabako napatingin sa likuran ko at dumodoble ang kaba sa dibdib ko. Pero namangha ako nang makita ko si Janne habang nakasakay sa motor nya. Mero’n itong hawak na baril at sa totoo lang ang astig nyang tignan kaya hindi rin ako magtataka kung bakit nahulog sa kanya si Sir Rylon.
Hindi ko alam kung saan kami napunta at sa kung saan kami lumiko kasi hindi ako pamilyar sa lugar na pinasukan naming dalawa. Habang nakakapit sa kanya at nakapikit ng mariin ay naramdaman kong huminto kaming dalawa at naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko. Napasinghap pa ako sa ginawa nya at saka ko inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.
“Ahhh… s-sorry,” sabi ko at saka ako napahawak sa parehong daliri ko.
“We’re safe, don’t worry,” sabi naman nito at saka ako tumingin sa buong paligid.
Nang nakababa ng motor ay hinawakan nya ang kamay ko at saka kami pumasok sa isang bahay. “S-sa inyo rin po ba ang bahay na ‘yan?” tanong ko at saka sya tunango. “Waw, dami nyo naman pong bahay,” sabi ko at saka napangiti na lang.
Nang makapasok sa loob ay nakita ko ang isang babaeng may katandaan na. “Master Ashton, may nangyare na naman ba at nandito kayo ulit?” tanong nito at saka naman tumango sa kanya si Sir.
Narinig kong bumuntong hininga ang babae at saka sya tumingin sa ‘kin. “Ah… ano… ako po si Mitsuki, sekretarya po ako ni Ma’am Janne,” pagpapakilala ko sa sarili ko at saka naman sya yumuko sa ‘kin.
“Kinagagalak kong nakilala ka Lady Mitsuki,” pagbati nya sa ‘kin at saka ako yumuko rin sa kanya.
Iniwan nya kaming dalawa at ako naman ay napaupo sa may sofa dahil na rin sa pagod at takot na nangyare kanina. Kung ano man ang mga ‘yon sana lang hindi na maulit kasi nakakatakot. Habang nagpapahinga ako ay napatingin ako sa orasan at ang katawan ko ay parang nawalan ng ganang tumayo kaya naman hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako dahil sa pagod.
Nagising ako na may bumuhat sa ‘kin kaya naman nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko ang g’wapong mukha ni Ashton. Ang maganda nitong pilik mata, matangos na ilong at ang kanyang mapulang labi ay nagbigay ng kakaibang kaba sa ‘kin. Kaba na hindi ko alam kung bakit at parang gusto na nitong lumabas sa katawan ko.
Kinabukasan ay nagising ako sa pagtama ng sikat ng araw sa mga mata ko. Nang imulat ko ito ay nakita ko ang magandang sikat ng araw. Napatingin ako sa buong paligid at saka ko naalalang wala nga pala ako sa bahay. Napalingon ako sa may pinto at agad kong inayos ang sarili ko at pinapasok ang kung sino mang kumatok.
“Mabuti naman at gising ka na,” sabi nito sa ‘kin at saka ako napangiti sa kanya at napaiwas na rin ng tingin.
“Oum, med’yo mahaba rin pala ang tulog ko,” sabi ko at saka hinawi ang buhok ko.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong nya at saka nya nilapag ang dala nyang kape.
“Ayos naman. Uuwi na ba tayo?” balik na tanong ko naman sa kanya.
“Yeap, we’re already safe,” sagot nya at saka akon pumalakpak.
“Ang astig nang nangyare kahapon pero nakakatakot rin. Ano bang nangyare at hinabol kayo ng mga ‘yon? Si Ma’am Janne ang galing nyang drift ng motor. Hindi ko alam na mas magaling syang gumamit ng motor kaysa sa ‘kin,” sabi ko at saka sya natawa.
Nangunot ako ng noo sa ginawa nya at saka ko kinuha ang tasa ng kape. “You’re funny,” sabi nito at saka ako napangiwi.
I laughed at what I said, but he irritated me by laughing at me even though it wasn’t funny. Also, it was the first time I saw such a scenario. “Who would not be impressed by that scene? Instead of you fighting, Janne fought as if she was having fun, is she really a normal teenager?” tanong ko at napatingin sya sa ‘kin at tumango. “Bakit gano’n sya kumilos?”
“Because she is the only girl among our siblings, we taught her to use different weapons since we also had many enemy that we were led by fighting instead of through good conversation,” sagot naman nya at saka ako napatango at napatingin sa kape.
Hindi ko alam na masarap syang magtimpla ng kape at ngayon ko lang naranasan matimplahan ng kape. Kumain kami bago kami umalis sa bahay na ‘yon at dumeretso na rin kami sa office since kailangan kong pumasok ngayong araw kahit na may hindi magandang nangyare. Nang makarating ako sa office ay agad na hinanap ng mga mata ko si Ma’am Janne at nang makita ko syang maayos at ligtas ay nakahinga ako ng maluwag.
“Do you think something bad will happen to me?” Napatingin ako sa kanya at saka ako tumango. “Hindi naman ako basta-bastang babae ‘no. Kamusta ang pagsama mo kay Kuya?” tanong nya at saka ako napalingon sa kanya.
“Ahhh… ano…” hindi ko alam kung paano ko syang sasagutin. “Ahhh… hehehehehe.”
Tumayo ako at saka ko inayos ang sarili ko at huminga ng malalim. “Nakatulog ako kahapon dahil sa pagod at sa nangyare at gusto ko kasing kalumutan agad ang nangyare para hindi nakakatroma,” sagot ko at saka ako umiwas ng tingin sa kanya.
“Hindi kayo naglabing-labing?” takang tanong nya at sa pagkakataon na ‘to ay napalingon ako sa kanya.
“Labing-labing?” takang sambit ko.
“Oo? Like making love?”
“H-hindi po!” agad na sagot ko at nagulat pa sya.
“Hindi mo naman kailangang sumigaw,” sabi nya at saka sya umupo sa sofa. “Isa pa ay hindi naman ako magtataka kung gagawa kayo ng milagro. Babae ka lalake sya,” sabi pa nito na sya namang ikinahiya ko.
Hindi ko alam kung bakit kailangan nyang sabihin ang bagay na ‘yon. Wala naman kaming relasyon ni Sir Ashton at isa pa ay hindi ko naman maalalang nanliligaw sya sa ‘kin. Bigla akong napahinto at saka ako napatampal sa noo ko at saka ako napapikit ng mariin.
“Kahit na kailan ang bobo mo, Mitsuki!” inis na sabi ko.
Napatingin sa ‘kin si Janne at saka nya ako nilapitan. “Kailan ka pa naging bobo?” takang tanong nya sa ‘kin.
Agad akong umiling at saka ako napatingin sa ibang direksyon. “W-wala… ano… wala ‘yon h’wag mo ‘kong pansinin,” sabi ko at saka ako napabuntong hininga.
Ginawa ko na lang ang trabaho ko at habang abala ako ay umalis si Ma’am Janne at ako naman ay naiwan mag-isa sa office nya. Habang nagtitipa ako ng laptop ko ay napatingin ako sa may pinto dahil sa may kumatok at bumukas ito at doon ko nakita si Sir Ashton at agad akong napaayos ng sarili ko.
“S-Sir wala po si Ma’am Janne,” agad na sabi ko at saka ako tumingin sa laptop ko.
Pero bigla na lang itong sinara at napasinghap ako sa ginawa nya. Napatingin ako sa kanya at napaurong ako nang bigla na lang nitong ilapit ang mukha nya sa mukha ko at halos magdikit na rin ang labi at ilong naming dalawa. Sa totoo lang kahit na malakas naman ang aircon ay pakiramdam ko ang init sa buong paligid. Hinawakan nya ang kamay ko at kinabahan ako ng matindi kasi hindi ko alam ang kung anong gagawin ko. Kung babawiin ko ba o hahayaan ko na lang sya.
“I have something for you,” bulong na sabi nya at nangunot ang noo ko.
“A-ano naman po?” nauutal na tanong ko.
“Just come with me first and close your eyes. You can’t peek because I’ll make you fall down the stairs,” banta nya sa ‘kin na sya naman ikinanguso ko sa kanya.
I did what he said, and then he helped me out of the office, when I got out, I felt my surroundings, and to be honest, I felt the heat even more when I felt his hand on my waist. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Huminga na lang ako ng malalim at sinundan ang kung ano ang sinasabi ni Sir.
“One more,” bulong nito sa tainga ko na syang nagpataas sa balahibo.
Nang magawa ko ‘yon ay sinabi nyang manatili akong nakapikit at unti-unti nyang binitawan ang kamay ko at naramdaman kong mag-isa na lang ako sa kinalalagyan ko. Nararamdaman kong may tao sa paligid pero hindi ko pa rin iminulat ang mga mata ko.
“Ok, open your eyes,” sabi nito at saka ko iminulat ang mga mata ko.
Nang maimulat ko ang mga mata ko ay namangha ako sa nakita ko at napanganga rin ako. May lamesa at nakahanda rin ang plato at baso pati kusara at tinidor. Nandoon ang dalawang lalake na hindi ko kilala at saka sila ngumiti sa ‘kin. Tumingin ako kay Sir Ashton at saka nya ako sinenyasan na lumapit sa kanya na sya namang ginawa ko.
“I made this for you,” sabi nito at napangiti ako dahil doon.