MITSUKI’S POV
***2 years ago***
Maaga akong nagising at nag-asikaso. Kailangan ko kasing maghanap ng trabaho para hindi ako nasa bahay lang. Matapos ko kasing mag-resign sa dati kong work after ng isang linggo naisip ko rin na kailangan ko talagang ilibang ang sarili ko ng hindi ako nabo-bored at nasa bahay lang. Nang makapag-ayos na ako ay saka ako bumaba at nakasalubong ko si Ate Haruka na no’n ay kumakain ng hotcake.
“Oh? Ang aga mo ata?” takang tanong niya at saka ako kumuha ng isang hotcake.
“Mag-aapply ako,” sabi ko naman at nagtaka sya.
“Kaka-resign mo lang no’ng nakaraan mag-aapply ka na agad?”
“I’m bored.”
“Bored?”
“Hay nako, Haruka. Ikalimang beses na niya ‘yan ginawa. Ewan ko ba dito sa kapatid mo at hindi mapakali sa iisang kompanya lang,” sabi nman ni mommy at saka ako nagtimpla ng gatas.
“I told you last time. Sa café ka na lang,” ani nito at hindi ko siya pinansin.
Matapos kong mag-almusal ay umalis na ako at hindi ako nagpahatid. We have our own business, pero hindi ko kasi maatim na pumasok sa sarili naming kompanya. Nang makatawid ako’y mero’ng isang sasak’yan ang biglang humarurot at sa bilis no’n ay muntik pa akong mahagip. Hindi ko alam kung may saltik ang driver o baka nagmamadali lang.
Hindi ko na inabala ang sarili ko at mabilis na naglakad papunta sa Sweet Pink Bear Incorporation. This is Turner’s Company. Hindi ko alam bakit Sweet Pink Bear pero siguro mahilig sa teddy bear ang may-ari o baka naman mahilig lang sya sa pink? Nang makapasok ako ay do’n ko nakita ang maraming aplikante na gaya ko. Sobrang haba ng pila at tingin ko’y aabutin ako ng maghapon dito. Kahit na gano’n ay gusto kong china-challenge ang sarili ko sa ganito kesa naman na aasa lang ako sa VIP. Last time kasi ginamit ko ang VIP para mauna ako at matanggap at the same time.
Napahinto ang lahat dahil sa anunsyo ng isang babae na nand’yan daw ang may-ari ng company. Mula sa may entrance ng building ay nando’n ang isang lalake na med’yo matangkad ay may kulay itim na suit. G’wapo sya at matangos ang ilong. May kahabaan ang pilik mata at may kasunod syang babae na tingin ko’y teenager. Nakasuot sya ng white shoes, pink t-shirt na nakapaloob sa palda niya na bumgay naman sa kaniya. Mukha syang koreana.
“Good morning Mr. Ashton and Lady Ms. Janne,” bati sa kanila ng isang babae at tingin ko ay sya ang head dito kaya gano’n.
“Kuya, wala bang bago?” tanong no’ng Janne.
“I think, wala naman,” sagot nito sa kapatid.
“I want a review,” sabi nito at napakunot ang noo ko.
Isang teenager ba ang nagpapatakbo ng isang malaking kompanya? Napalingon ako sa likuran ko at naro’n ang mga lalakeng tila cute na cute sa babaeng kapatid ng may-ari. Para silang ginayuma na hindi ko maintindihan.
“Grabe ang cute talaga ni Janne Miller Turner,” sabi ng isang lalake.
“Oo nga, para syang batang walang muwang,” sagot naman ng isa pa.
Napabuntong hininga na lang ako at saka ako umalis muna sa pila at pumunta sa banyo. Nang makarating sa banyo ay hindi ko naman talaga balak makinig ng chismis pero chismis ang lumalapit sa ‘kin. Habang nasa cubicle ako ay naririnig ko ang usapan ng mga babae.
“Nabalitaan mo na ba?” tanong no’ng isa.
“Ang alin?” takang tanong niya.
“Sabi kasi ni Mr. Turner si Ms. Janne na daw ang titingin ng mga reviews at sya na rin ang gagawa ng marketing plan pati ang mga ibang event.”
Hindi ko alam kung makikisali ako sa usapan nila o hahayaan na lang sila sa chismisan nila? Tutal namam ay chismis nila ‘yon nakinig na lang ako. “Grabe? Ang galing ni Ms. Janne ano?”
“Oo ang talino pa tapos ang cute niya!”
Unti-unting nawala ang tinig nila dahilan para lumabas na ako sa cubicle at tignan ang sarili ko sa salamin. Hindi ako makapaniwala na isang gaya ng batang iyon ang kayang mag-handle ng ganitong kalaking kumpanya. Pero sabi nga nila. Don’t judge the book by it’s cover. Lalabas na sana ako pero may nakabangga ako. Agad akong humingi ng sorry sa kaniya at akmang lalabas na sana ng bigla niyang hawakan ang braso ko.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tapos saka sya ngumiti sa ‘kin. Hindi ko maintindihan kung ano ang ngiti na ‘yon at hindi ko naman nababasa ang nasa isip niya. May kakaiba sa kaniya na hindi ko makita sa isang teenager. Tumango-tango sya na tila may nabuo syang kakaibang plano sa isip niya.
“I want you,” sabi niya habang nakangiti.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at hindi ko alam anong sasabihin ko. “A-ano?” takang tanong ko.
“Tama, ikaw na lang!!!” Excited na sabi niya at ako naman ay biglang naguluhan.
Hinila niya ako palabas ng banyo at mula sa harapan niya ay nando’n ang kapatid niya at nakakunot ang noo na nakatingin sa kaniya. Maski ako’y naguguluhan sa ginagawa niya. Hawak niya pa rin ang braso ko at hindi niya ito inaalis.
“What are you doing?” tila inis na sabi ng kapatid niya.
“I found the one!!!” sagot niya.
“Stop playing around, Janne,” pigil inis na sabi niya.
“I am not. Tsk. I want her to be my personal secretary!!!”
“What?”
“Ano?”
Nagkatinginan kaming dalawa at saka kami tumingin kay Janne na nakangiti lang. Nag-puppy eyes pa sya sa ‘kin at napapikit ako ng mariin. Binawi ko ang braso ko at saka ko inayos ang damit ko. Bakit naman ako hihindi sa isang offer? Pero first time kong maging personal secretary ng isang teenager na gaya niya. Tutal naman ay maganda sya at mukhang mabait din ay gagawin ko na.
“Sure Ma’am!” sagot ko ng nakangiti.
“Told you!” sabi naman niya at napanganga na lang ang Kuya niya.
Hinila niya ako at wala na rin nagawa ang kapatid niya at ako naman ay nakikinig na lang sa kaniya. Ayaw niyang tawagin ko sya sa pangalan niya at ayaw niya din na pino-po sya or ituring na mas nakakataas sa kanya. Nang makarating sa office ay doon ko nakita ang magandang theme ng buong k’warto. It’s full of pink and teddy bears around. I can’t believe that this office or room may be full of this kind of staff. Umupo sya sa p’westo niya at nando’n ang upuang teddy bear na kulay brown at ang kanyang computer na mero’ng katabing teddy bear na pink.
She’s too young for this kind of business, but she’s too intelligent for being a marketing planner. Tinuro niya ang katabing desk sa may gilid na napapagitnaan ng teddy bear at do’n ay may maayos din na upuan gaya ng kaniya. They are too powerful than I thought. Habang tinitignan ko ito’y hindi ko maiwasan ang hindi mailing sa totoo lang. Sobrang linis ng buong k’warto pero ang daming teddy bear.
“I design it all,” sabi niya at napatingin ako sa kaniya.
“Really?”
“Ahuh, I don’t want that kind of office who have a title on their desk, or maybe a flag on their right and left side of the chair… just like my brother. Do you see him? He’s f*cking serious about everything,” k’wento niya at natawa ako.
“Hindi mo ba gusto ang kapatid mo?” tanong ko.
“I like him, also Kuya Tyler, but both of them are sh*t.”
Hindi ko alam bakit niya nasasabi iyon pero gusto ko ang sinabi niya kahit hindi ko pa namam nakikita ang isa niyang kuya. Nag-focus sya sa computer niya at inutos niya sa ‘kin na tignan ang mga papers na nasa lamesa niya. Habang tinitignan ito’y hindi ko maintindihan ang mga nando’n. There are allowed to use this language? Tumingin ako kay Janne at saka sya bumuntong hininga at lumapit sa ‘kin. Akala ko maiinis sya o magagalit o kaya naman ay kukunin sa ‘kin ang mga papel pero hindi.
“I know you are wondering why we use this Hangeul language instead of English.”
“Ah… why?”
“My Mom is from Korea, and my Dad is from the US. We talk in English and Filipino but, we use this Hangeul language in the planner,” paliwanag niya.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Ang dami niyang kinuwento at umabos sa puntong halos wala naman kaming ginawa dahil sa k’wento niya. Kumpleto ang gamit sa office niya. There’s a ref, kitchen, bed, couch, and even a private arcade. I was amazed at what I saw, and I started to like it. Janne Miller Tuner, 18 years old with a childish personality but brainy. Natapos na rin niya agad ang marketing planner kanina bago kami naglaro sa private arcade niya.
Ganito niya nilalabas ang stress at gusto niyang mapagod dahil hirap siyang makatulog kapag hindi daw sya pagod. Nilibot niya ako sa buong building at s’yempre hindi ko inaasahan na ipapakilala niya ako sa lahat. Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin ang isang lalake na mero’ng salamin at matangos ang ilong na may pagkakulot ang buhok. Matangos ang ilong niya at sa totoo lang ay ang g’wapo niya rin.
Bigla syang tumalikod at bigla akong hinila at nangunot ang noo ko sa kaniya. Pero pareho kaming napahinto ng bigla nitong tawagin ang pangalan ni Janne at napaimpit ako ng bigla niyang diinan ang hawak sa kamay ko. Ang lakas niya grabe.
“And where do you think you are going Ms. Janne Miller Turner?” Taas kilay na tanong no’ng lalake.
“What are you think you are doing too, Mr. Rylon Aloyan Smith?” Taas kilay din na tanong ni Janne.
Hindi ko alam kanino akong titingin at hindi ko alam kung paanong aalis sa kanilang dalawa at sa pagitan nila. Ang kamay ni Janne ay kumapit sa braso ko at hinila ako papaalis sa harapan no’ng lalake. Hindi ko sila maintindihan pareho at bigla na lang hinarang si Janne ng ibang guards at ako naman ay nanlaki ang mata sa nangyare. Mero’n ba silang hindi pagkakaunawaan at tingin ko’y may banas ang kanilang mga mata. Hindi ko maialis ang kamay ni Janne sa ‘kin.
“ANO BA!” inis na sigaw niya sa mga ito dahilan para mapapikit sila sa sigaw nito. Maski ako’y gano’n din.
“Hindi ka sumipot sa usapan natin, Janne!”
“E, ano bang pakialam mo?”
“Anong pakialam ko?”
“Aalis ang mga body guard mo sa harap ko o makakatikim kayo isa-isang sapak sa ‘kin?” Masama nyang tinignan si Mr. Smith.
Awayan ba ‘to sa pagitan ng mag-jowa? Ngumisi lang sa kanya si Rylon at saka niya sinenyasan ang mga tauhan at nagulat ako ng bigla nilang sugurin si Janne. Napaimpit ako ng sigaw at bigla niya akong tinulak at agad ko siyang tinignan pero napahinto ako sa pag-aakalang hindi niya kakayanin. Isang malakas na sipa ang natanggap ng isang guard at sa pagkakataon na ‘yon ay agad na sumampa ito sa balikat no’ng isa. Nang makasalampak sya ay saka siya umikot at agad na tinukod ang mga kamay at saka binalibag ang lalake.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ito ang inaakala kong sya at hindi ito ang inaasahan ko. Masyado siyang payat at med’yo may pagkabibo at may pagkabata. Iba ang sinasabi ng room niya at mga teddy bears sa kung ano siya ngayon sa harapan ko.
“She’s so adorable right?” Napalingon ako sa biglang nagsalita sa likuran ko.
“S-sir.”
“She trained herself to be like that.”
Hindi ko alam bakit niya ito sinasabi sa akin kahit na wala naman dapat akong pakialam. Pero dahil gusto kong malaman ay nagtanong pa rin ako. “Ba-bakit po?”
“She’s just the only girl of Turner’s family. Sya ang pinakamahalaga sa ‘min at sya ang kayamanan namin,” sabi nito habang nakatingin sa kapatid niya.
Hindi na ako kumibo at nang tignan ko si Janne ay namangha ako dahil natumba ang lahat ng mga body guards no’ng lalake. Iisipin kong lalake din si Janne pero hindi. Her baby face and being innocent is what my first impression of her. This is not just because she’s always wearing a smiley face. Sa totoo lang napakabibo niya at hindi iyon maipagkakaila. Ang pagiging sweet niya at pagiging isip bata ang nagiging dahilan ko para ituring siyang bata pa rin.
Hinawi niya ang buhok niya saka tumingin sa lalake at tumango lang ito at nag-cross ng braso. Pero dahil sa mukhang inis si Janne ay hindi na niya napigilan pa ang sarili at sinapak ang lalake. Sa punto na ‘yon ay napahawak ako sa bibig ko at nanlaki ang mga mata ko. Tumingin ako kay Mr. Tuner at tumawa lang sya sa ginawa ni Janne.
“Isang lapit mo pa, hindi na sapak ang tatama sa ‘yo kung hindi bala,” seryosong saad nito saka tumalikod at walang lingon-lingon.
Naiwan tuloy akong tulala at hindi makapaniwala sa nangyare. Lumapit si Mr. Turner sa lalake at ako naman na hindi makagalaw ay nanatili lang. Hinawakan niya ito sa balikat ay saka tumawa. “Hindi mo talaga sya magugustuhan Rylon. She’s always mad at you, Bro.”
“Tsk. Hindi ko siya susukuan kahit patayin niya pa ako.”
“I told you to stop courting her. Hindi naman namin mapipilit ang bunso namin na magustuhan ka,” sabi nito at pareho silang pumasok sa loob ng building.
“Eh?” Napasinghap ako ng biglang may humila sa ‘kin at sa pagkakataon na ‘yon ay do’n ko lang napansin na si Janne pala ito. Hindi na ako kumibo at sumunod na lang sa kaniya.