PROLOGUE

1132 Words
“Wala ka ba talagang ibang gagawin kung hindi ang pagtaguan ako?” inis na tanong nya at bakas ang pagtitimpi nito sa pananalita niya. “Hindi ko alam kung bakit ba patuloy mo pa rin akong sinusundan kahit alam mong nilalayuan na kita!” Iyak kong saad sa kanya. Biglang namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na alam saan ako maaring magtago at kung anong gagawin ko malayuan ko lang sya. Hindi dapat sya nandito at matagal na mula ng huli ko syang makita at makausap ng ganito. Naiinis ako dahil sa ginagawa niya. Naiinis ako dahil kahit anong tago ko ay nahahanap niya ako. Unti-unting bumuhos ang malakas na ulan at iyon ang tanging kong naririnig. “Y-you know how much I love you right?” Tumingin ako sa kanya at hindi ko maiwasan ang hindi maawa. “You know how much I care for you, how much I miss you. From time-to-time I wanted to see you, hug you and kiss you. Pero hindi ko magawa dahil wala ka sa tabi ko.” Ang boses niya ang syang nakakapagpalambot sa puso ko. Hindi ko naman dapat gagawin ‘to, e. Hindi naman dapat ako lalayo sa kaniya. Hindi naman ako aalis sa tabi niya kung hinahayaan niya lang ako sa bagay na gusto ko. Masyado syang mahigpit, masyado syang seloso, masyado syang nakakatakot at inaamin ko. Kasalanan ko kung bakit sya nagkakaganito ngayon. Napakuyom ako ng kamay ko saka ako napapikit ng mariin at pinunasan ang luha ko. “How about Audrey?” tanong ko. “What about her?” balik na tanong niya din sa ‘kin. “What about her?” inis na sabi ko saka ako napahilamos sa mukha ko. “Pinagmumukha niya akong tanga, pinagmumukha nya akong masama. Lahat ng sinasabi niya pinaniniwalaan mo at hindi mo pinapakingan ang paliwanag ko.” Sa sobrang sama ng loob ko halos hikbi nalang din ang nagagawa ko. “Ginawa… ginawa ko ang lahat. I explained everything! Pero wala. Wala kang pinakingan ‘ni isa sa mga ‘yon, tang*na.” Mas lalo pa akong naiyak ng maalala ang lahat ng mga nangyare. I was the victim here. I admit that I still f*cking love him. Pero dahil sa pangengealam ni Audrey noon ay halos hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang paniwalaan niya ako. Lumapit sya sa ‘kin saka hinawakan ang kamay ko at saka hinaplos ang mukha ko. Ramdam ko ang pagsisisi nito pero hindi ko na alam sa sarili ko kung kaya ko pa bang tangapin iyon. Pinunasan ko ang luha ko at saka ako matunog na bumuntong hininga at saka tumalikod sa kanya. Tumingin ako sa may bintana ng bahay at nando’n si Mommy na pinapanood kami at hindi ko na magawa pang lumingon sa kanya. Pumasok na at saka pina-lock ang gate. Nang makapasok sa pinto ng bahay ay saka ako sinalubong ni ate na no’n ay may dalang towel. Basa ako ng ulan at hindi ko iyon alintana. Binigay niya ito sa ‘kin at saka ako inalalayan papunta sa k’warto. Nang makapasok ako do’n ay saka na ako iniwan ni ate at ni-lock na nito ang pinto. Nang mag-isa na lang ako ay saka ako napaupo sa sahig at doon na ako muling umiyak. Hindi ko alam bakit ganito pero ang sama ng pakiramdam ko dahil na rin sa ulan. Gusto ko na syang mawala sa buhay ko pero patuloy na hinahabol nya ako kahit na ako na ang pilit na lumalayo sa kanya. Tumayo ako at saka pumasok sa banyo para maligo at magbihis. Nang makapagbihis na ako ay saka ko nakita si Mommy na no’n ay nakangiti sa ‘kin. Tumayo sya at saka ako nilapitan at inakay papaupo at hinarap sa salamin. Tinanggal niya ang bulunbon sa buhok ko na towel at saka niya hinanda ang blower. “Maraming nangyare sa nakaraang dalawang taon. Alam kong marami na rin ang nagbago sa ‘yo at alam kong nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon. Hindi naman p’wedeng habang buhay kang nakakulong sa nakaraan at hahayaan ang sarili mong hindi lumalabas sa isang k’wartong madilim hindi ba?” Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa ‘kin sa may salamin. “Mommy, alam nyo naman po ang nangyare ‘di ba?” “I am.” “E, bakit parang kinakampihan mo sya?” Nakangusong tanong ko. “I’m not, Mitsuki,” sabi nito at natatawa pa. “Si Ashton ang lalakeng kinamumuhian ko, Mommy.” “Pero si Ashton din ang lalakeng mahal mo, Mitsuki.” Nakangiting sabi niya. “Mommy?” “I’m your Mom, I know all about you from your head to toe.” Napapikit na lang ako ng mariin sa sinabi ni Mommy at hindi ko alam kung bakit kailangan kong maipit ngayon sa sitwasyon na ito. Tanggap ko na ang tahimik kong buhay at alam kong hindi na rin no’n mababago pa ang kung anong nakaraan na. Napabuntong hininga ako at nagpaalam si Mommy na magluluto ng hapunan. Napatingin ako sa bintana dahil patuloy ang lakas ng ulan. Tumayo ako at saka tinignan ang bintana at napasinghap ako ng makita ko si Ashton na nando’n at hindi umaalis. Hindi sya gumagalaw at talagang nananatili siya sa pusisyon niya sa labas. Dapat ay umalis na sya at dapat ay hindi na niya ito ginagawa dahil pinapakonsensya niya ako. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si ate. Ngumiti sya sa ‘kin at saka sinarado ang pinto at saka ako nilapitan at tinignan ang bintana. “Oh? He’s still here,” sabi nito na tila may pinapahiwatig. “Sobrang lakas ng ulan at hindi ko alam kung titigil or may bagyo ata?” Tumingin sya sa ‘kin at nakataas ang kilay niya at napataas din ako ng kilay ko. “Ako ba kinokonsensya mo?” inis na tanong ko. “Oh? I am not little sister. I’m just saying that, if you don’t want him to get sick you should let him in,” sabi nito at saka ako tinalikuran at umalis. Tinignan ko sya at napapikit ako ng mariin. “Minsan talaga magkalaban kami ni konsensya,” sabi ko sa sarili ko at saka ako kumuha ng towel at payong. Bumaba ako at saka ko sya nilapitan. Naro’n ang malungkot niyang mga mata at dama ko ang tila sakit sa mga ito. Pinayungan ko sya at saka ko binigay ang towel na walang kahit na anong sinasabi. Pumasok kami sa loob at saka ko siya pinatuloy sa k’warto. Umalis muna ako sa k’warto at pumunta sa k’warto ni Ate. Tumawa sya sa ‘kin na para bang may nakakatawa pero ang nakakainis ay nakita niya pala ako na lumabas. “HAHAHAHAHAHA. Marupok ka naman pala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD