MITSUKI’S POV
“Wala ka ba talagang ibang gagawin kung hindi ang pagtaguan ako?” inis na tanong nya at bakas ang pagtitimpi nito sa pananalita niya.
“Hindi ko alam kung bakit ba patuloy mo pa rin akong sinusundan kahit alam mong nilalayuan na kita!” Iyak kong saad sa kanya.
Biglang namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na alam saan ako maaring magtago at kung anong gagawin ko malayuan ko lang sya. Hindi dapat sya nandito at matagal na mula ng huli ko syang makita at makausap ng ganito. Naiinis ako dahil sa ginagawa niya. Naiinis ako dahil kahit anong tago ko ay nahahanap niya ako. Unti-unting bumuhos ang malakas na ulan at iyon ang tanging kong naririnig.
“Y-you know how much I love you right?” Tumingin ako sa kanya at hindi ko maiwasan ang hindi maawa. “You know how much I care for you, how much I miss you. From time-to-time I wanted to see you, hug you and kiss you. Pero hindi ko magawa dahil wala ka sa tabi ko.”
Ang boses niya ang syang nakakapagpalambot sa puso ko. Hindi ko naman dapat gagawin ‘to, e. Hindi naman dapat ako lalayo sa kaniya. Hindi naman ako aalis sa tabi niya kung hinahayaan niya lang ako sa bagay na gusto ko. Masyado syang mahigpit, masyado syang seloso, masyado syang nakakatakot at inaamin ko. Kasalanan ko kung bakit sya nagkakaganito ngayon. Napakuyom ako ng kamay ko saka ako napapikit ng mariin at pinunasan ang luha ko.
“How about Audrey?” tanong ko.
“What about her?” balik na tanong niya din sa ‘kin.
“What about her?” inis na sabi ko saka ako napahilamos sa mukha ko. “Pinagmumukha niya akong tanga, pinagmumukha nya akong masama. Lahat ng sinasabi niya pinaniniwalaan mo at hindi mo pinapakingan ang paliwanag ko.” Sa sobrang sama ng loob ko halos hikbi nalang din ang nagagawa ko. “Ginawa… ginawa ko ang lahat. I explained everything! Pero wala. Wala kang pinakingan ‘ni isa sa mga ‘yon, tang*na.”
Mas lalo pa akong naiyak ng maalala ang lahat ng mga nangyare. I was the victim here. I admit that I still f*cking love him. Pero dahil sa pangengealam ni Audrey noon ay halos hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang paniwalaan niya ako. Lumapit sya sa ‘kin saka hinawakan ang kamay ko at saka hinaplos ang mukha ko. Ramdam ko ang pagsisisi nito pero hindi ko na alam sa sarili ko kung kaya ko pa bang tangapin iyon.
Pinunasan ko ang luha ko at saka ako matunog na bumuntong hininga at saka tumalikod sa kanya. Tumingin ako sa may bintana ng bahay at nando’n si Mommy na pinapanood kami at hindi ko na magawa pang lumingon sa kanya. Pumasok na at saka pina-lock ang gate. Nang makapasok sa pinto ng bahay ay saka ako sinalubong ni ate na no’n ay may dalang towel. Basa ako ng ulan at hindi ko iyon alintana. Binigay niya ito sa ‘kin at saka ako inalalayan papunta sa k’warto.
Nang makapasok ako do’n ay saka na ako iniwan ni ate at ni-lock na nito ang pinto. Nang mag-isa na lang ako ay saka ako napaupo sa sahig at doon na ako muling umiyak. Hindi ko alam bakit ganito pero ang sama ng pakiramdam ko dahil na rin sa ulan. Gusto ko na syang mawala sa buhay ko pero patuloy na hinahabol nya ako kahit na ako na ang pilit na lumalayo sa kanya.
Tumayo ako at saka pumasok sa banyo para maligo at magbihis. Nang makapagbihis na ako ay saka ko nakita si Mommy na no’n ay nakangiti sa ‘kin. Tumayo sya at saka ako nilapitan at inakay papaupo at hinarap sa salamin. Tinanggal niya ang bulunbon sa buhok ko na towel at saka niya hinanda ang blower.
“Maraming nangyare sa nakaraang dalawang taon. Alam kong marami na rin ang nagbago sa ‘yo at alam kong nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon. Hindi naman p’wedeng habang buhay kang nakakulong sa nakaraan at hahayaan ang sarili mong hindi lumalabas sa isang k’wartong madilim hindi ba?” Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa ‘kin sa may salamin.
“Mommy, alam nyo naman po ang nangyare ‘di ba?”
“I am.”
“E, bakit parang kinakampihan mo sya?” Nakangusong tanong ko.
“I’m not, Mitsuki,” sabi nito at natatawa pa.
“Si Ashton ang lalakeng kinamumuhian ko, Mommy.”
“Pero si Ashton din ang lalakeng mahal mo, Mitsuki.” Nakangiting sabi niya.
“Mommy?”
“I’m your Mom, I know all about you from your head to toe.”
Napapikit na lang ako ng mariin sa sinabi ni Mommy at hindi ko alam kung bakit kailangan kong maipit ngayon sa sitwasyon na ito. Tanggap ko na ang tahimik kong buhay at alam kong hindi na rin no’n mababago pa ang kung anong nakaraan na. Napabuntong hininga ako at nagpaalam si Mommy na magluluto ng hapunan. Napatingin ako sa bintana dahil patuloy ang lakas ng ulan. Tumayo ako at saka tinignan ang bintana at napasinghap ako ng makita ko si Ashton na nando’n at hindi umaalis.
Hindi sya gumagalaw at talagang nananatili siya sa pusisyon niya sa labas. Dapat ay umalis na sya at dapat ay hindi na niya ito ginagawa dahil pinapakonsensya niya ako. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si ate. Ngumiti sya sa ‘kin at saka sinarado ang pinto at saka ako nilapitan at tinignan ang bintana.
“Oh? He’s still here,” sabi nito na tila may pinapahiwatig. “Sobrang lakas ng ulan at hindi ko alam kung titigil or may bagyo ata?” Tumingin sya sa ‘kin at nakataas ang kilay niya at napataas din ako ng kilay ko.
“Ako ba kinokonsensya mo?” inis na tanong ko.
“Oh? I am not little sister. I’m just saying that, if you don’t want him to get sick you should let him in,” sabi nito at saka ako tinalikuran at umalis. Tinignan ko sya at napapikit ako ng mariin.
“Minsan talaga magkalaban kami ni konsensya,” sabi ko sa sarili ko at saka ako kumuha ng towel at payong.
Bumaba ako at saka ko sya nilapitan. Naro’n ang malungkot niyang mga mata at dama ko ang tila sakit sa mga ito. Pinayungan ko sya at saka ko binigay ang towel na walang kahit na anong sinasabi. Pumasok kami sa loob at saka ko siya pinatuloy sa k’warto. Umalis muna ako sa k’warto at pumunta sa k’warto ni Ate. Tumawa sya sa ‘kin na para bang may nakakatawa pero ang nakakainis ay nakita niya pala ako na lumabas.
“HAHAHAHAHAHA. Marupok ka naman pala.”
Nagising ako sa k’warto ni Ate. Tinignan ko ang buong paligid at saka ako napabuntong hininga. Maaga na namang umalis si Ate para asikasuhin ang café. Tumayo na ako at saka nag-unat muna at saka pumasok sa banyo para maligo. Nang matapos ako’y saka ako lumabas at nakarinig ako ng tawanan na para bang nagkakasiyahan silang lahat. Narinig ko rin ang tawa ni Janne at nanlaki ang mata ko ng mapagtantong nandito rin siya.
“Tulog pa po ba si Ate Mitsuki?” bakas sa tanong na ‘yon ang kuryosidad.
“I’ll check on her,” prisinta ni Ashton kaya agad akong tumakbo papataas at hindi gumagawa ng ingay.
Nang bubuksan ko na sana ang k’warto ni Ate ay napasinghap ako sa biglang pagtawag ni Xavion sa pangalan ko. “Sh*t!” inis na sabi ko sa sarili ko.
“Masyado mong ginalingan na akala mo’y hindi ko mararamdaman?” Nakangising sabi nya at napapikit ako ng mariin.
“Hindi ba’t pinatuloy na kita sa bahay namin, e, bakit nandito ka pa rin?”
“Because you’re here?”
“Tigilan mo ‘ko, Ashton!”
Lumapit siya sa ‘kin at saka nito hinapit ang bewang ko at napasinghap ako sa ginawa niya. Mula sa mga mata niya ay nababasa ko ang kakaibang pagkasabik nito. Lalo na ng tumingin siya sa labi ko. Napakagat ako sa labi ko at saka ako palihim na napalunok. Ang tuksong iniiwasan ko’y ang magkaroon ulit ng koneksyon sa taong ‘to. Masaya na ako, e. Naka-move on na ako. Pero sinundan niya pa rin ako kahit na malayo na ako sa kaniya. Masaya na kami dito sa Canada at nakalimutan ko na ang nangyare mula sa nakaraan kahit alam kong mahirap.
“Two years ago, you were just my little sister’s secretary. Two years ago, I saw myself being in love with you without any reason. Two years ago… you were mine, and I am yours. Pero dahil sa iisang tao at sa kasinungalingan na nagmula sa kanya ay hindi ako naniwala sa ‘yo,” mahabang litanya niya na syang nakapagpakaba ng dibdib ko.
Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko at kung anong ipapaliwanag ko. Hindi na nya dapat ito sinasabi at hindi na dapat ‘to nauungkat pa. Sa pagkakataon na ‘to naramdaman ko ang panghihina ng mga binti ko at pagiging marupok ko. Ang salita nya ang ayang kahinaan ko at tanging salita nya lang rin ang pinanghahawakan ko. Ang mga pangakong sinabi nya sa ‘kin no’n na ako lang ang mahal nya at ang salitang hinding-hindi nya ako bibitawan dahil sa iisang dahilan ang syang tumatak sa isip ko.
Tinulak ko sya ng bahagya at saka ko inayos ang sarili ko. Wala akong sinabing kahit na anong salita at saka ako umalis sa harapan nya at pumunta sa sala. Nando’n si Janne na no’n ay nakangiti ng makita ako at agad ako nitong niyakap. Na-miss ko ang pagiging maingay nya at ang pag-aaway nila ni Rylon. Pero ngayon ay sila ng dalawa. May hindi ako nasaksaihan matapos ang dalawang taon na pagkawala.
Hindi ko pinansin si Ashton kahit pa na tumatabi sya sa ‘kin sa upuan. Hindi ko rin sya nililingon kahit pa ako ang kinakausap nya. Hindi ko maatim na kausapin ang taong sumira ng sariling pangako at ngayon ay nandito para lang suyuin ako. Magagawa ko bang patawarin ang taong naging dahilan ng pagkasira ko? Hindi ko alam kung paano at hindi ko alam hanggang kailan.
Matapos ang gabing iyon nalaman kong nagbabakasyon pala si Janne dito sa Canada at nakita niya ako noon na pumasok sa isang café. Iyon ay ang pagmamay-ari namin. Tinutulungan ko na si ate sa business namin at nag-uumpisa na rin ako sa bagong business ko. Umalis na sila at nakahinga ako ng maluwag dahil do’n. Nakawala na ako sa presensya ni Ashton at ngayon ay gusto kong ipahinga ang isip ko. Pumasok si ate sa k’warto at saka tumabi sa ‘kin.
“There are times when we don't know how to forgive the person who has sinned against us and who caused the destruction of our trust,” makahulugang sabi niya at lumingon ako sa kaniya. Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. “Ang pagpapatawad ang kadalasang mahirap gawin, Mitsuki.”
Umupo ako at saka ako napahawak sa ulo ko. “Minsan talaga nagsisisi akong kapatid kita.”
“Alam mo napagdaanan ko na ‘yang nangyare sa ‘yo. Magkaiba nga lang ng sitwasyon pero nagawa ko namang magpatawad.”
“Oo dahil noon ay iniwan ka ng boyfriend mong pakboy!”
“Napakatabal ng dila mo!” inis na sabi nya saka ako pinalo sa braso.
“Masakit!!!” indang sabi ko.
“Masyado ka kasi!”
“Pinatawad mo na nga binalikan mo pa, tanga ka talaga.”
“Gano’n talaga kapag mahal mo ‘yong isang tao.”
“Kabobohan tawag do’n!”
“NAPAKA-BITTER MO! Bahala ka nga d’yan sa buhay mo!” Umalis sya ng k’warto at saka ako humilata sa kama at hindi na lang inintindi ang sinabi nya.
Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay para puntahan ang pinapatayo kong book café. Iyong sa amin kasi ay para sa mga walang magawa sa buhay na gustong tumambay at syempre hindi naman libre ang kape at tea. Pero dahil mahilig nga rin akong magbasa ay ito na rin ang ginawa kong pangalan ng aking munting business. Nang makarating ako’y napakunot ang noo ko dahil maraming bulaklak ang paligid no’n. Agad kong pinarada ang kotse ko saka ako lumabas at do’n tinanong ko iyong sekretarya ko.
May nagpadala daw no’n galing sa kung sino at hindi sinabi ang pangalan. Nag-ring ang cellphone ko at number lang ang nakalagay. Sinagot ko iyon at saka ako tumingin sa paligid.
“Hi,” bungad nito.
“Audrey?” takang sambit ko.
“Miss me?”
“How did you know my number?” tanong ko.
“Oh well… there’s so many ways,” sagot nito.
“Kung si Ashton ang hinahanap mo ay wala sya dito. At kung ako naman ang pakay mo ay hindi kita papatulan,” sabi ko at akmang papatayin ang cellphone ko.
“Hindi ko gusto ang tabal ng dila mo, Mitsuki.”
“Hindi ko rin gusto ang pangengealam mo, Audrey.” Nakangising sabi ko at saka ko pinatay ang tawag.
Hindi ko alam ang pakay nya. Hindi ko rin alam kung bakit nya ako tinawagan at kung tungkol man ‘yon kay Xavion hindi ko na sya papatulan at hindi ko na rin sasayangin ang laway ko para lang sa basurang gaya nya. Inis akong pumasok sa loob at nahimasmasan namam ako ng makita ko ang magandang resulta. Sa susunod na b’wan ay uuwi na ako ng pilipinas at balak ko din doon na magpatayo ng isa pang café. Napalingon ako sa may office room ko at saka ako tumingin sa paligid at abala ang mga tao.