JANNE’S POV
Habang naglalakad ako sa may hallway ay hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip sa kung anong nangyare kanina. Pero natutuwa naman akong naging maayos lang si ate Mitsuki at mero’ng sumama sa kanya para naman mas maging ligtas sya. Napahinto ako nang bigla na lang humarang sa harapan ko si Rylon at masama ko syang tinignan.
“Ano bang ginagawa mo dito?” inis na tanong ko.
“Bakit ba lagi kang naiinis sa ‘kin?” tanong nya at saka ko sya inirapan.
Nakarating ako sa semi-bar dito sa bahay at saka ako kumuha ng isang wine bottle at tumingin ako kay Rylon na may pagtaas ng kilay ko. “You’re too minor for that, Janne,” sabi nito at saka ako napakunot ng noo ko.
“Iyong ibang mas bata pa nga sa ‘kin ay umiinom na ng kung ano-anong alak tapos ako hindi p’wede?” inis na sabi ko.
“Hindi naman porket nakikita mo sila ay gagayahin mo na. P’wede bang tumino ka naman kahit na minsan?” ani nito at saka ako napatawa ng pagak.
I don’t like being dictated to about what I want to do. I do what they want and what is best for them. I take care of them even though sometimes I feel like giving up because I’m tired too. I didn’t follow what Rylon said, and I still drank wine. While he was looking at me, I could see him frowning and shaking his head as he approached me. He also took a glass and then poured wine into his glass and just joined me. Honestly, I can’t help but smile at what he's doing because even though he’s annoying, I know he can't stand me either.
“May gagawin ka ba bukas?” tanong nito sa ‘kin at saka ako lumingon sa kanya.
“Nothing,” sagot ko naman.
“Good, let’s have a date,” anyaya nya at saka ako umiling.
“No.”
“What why?”
“Because I don’t want to.”
“Double date.”
Napalingon ako sa kanya at saka ako nangunot ng noo. “Double date? Who’s the other one?”
“Possibly your older brother and his crush,” sagot nya at saka ako uminom.
Hindi ko na lang sya pinansin at hindi na lang din ako nagsalita. Habang nakatingin ako sa monitor na nasa harapan ko ay nakita kong parang may umaaligid sa mansyon. Agad akong tumayo at saka ako pumunta sa may terris at nang makita ko kung sino ang nandoon ay nangunot ang noo ko. Matagal na mula ng maghiwalay sila ni kuya Ashton pero nandito ang isa sa mga minions nya at nag-aaligi. Napangisi ako at bumalik na lang ako sa loob at natulog na lang sa k’warto.
Nang magising ako kinabukasan ay tinignan ko ang oras. Bumuntong hininga ako at saka ako naligo at nagbihis at saka ako lumabas ng k’warto at nakita kong kakatok pa lang sana si Rylon. Hindi ko sya pinansin at ngumiti lang sya sa ‘kin at sinara ko ang pinto at saka ko sya nilagpasan. Agad naman syang sumunod sa ‘kin at habang bumababa ay naririnig ko na ang ingay ni ate Haruka.
“Hi Janne!” bati nito at saka lumapit sa ‘kin.
“Good morning po ate Haruka,” bati ko at saka sya ngumiti ng matamis.
“Grabe ang ganda mo pa sa umaga!”
“Hindi naman,” nahihiyang sabi ko.
“Maganda talaga ‘yan,” biglang singit ni Rylon.
“Ayy may tao pala,” sabi ni ate at saka ako natawa.
Hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid na babae pero close naman kami ni Mommy. Pero mas naghahanap pa rin ako ng kapatid na syang magiging best friend ko. Nang makababa na kami ay nandoon na pala si Mitsuki at sabay pa talaga sila ni kuya Ashton na nag-aalmusal. Agad akong tumakbo papunta kay Mitsuki at saka ako ngumiti sa kanya at gano’n din ang ginawa nya sa ‘kin.
“Good morning, Mitsuki!” bati ko.
“Good morning ma’am Janne,” bati nya sa ‘kin.
“Don’t call me, ma’am Janne, when you are with me or when we are out of the company; just call my name instead,” sabi ko at saka sya ngumiti at tumango.
“Ako tawag ko sa ‘yo baby kasi mukha kang baby,” sangit ni Rylon na sya namang tinawanan ni kuya Ashton.
“Hindi maganda ang umaga ko nang makita ‘yang nakakairita mong mukha at lalo na nang marinig ko ang nakakainis mong boses,” inis na sabi ko at saka kami nagsabay-sabay kumain.
Habang kumakain kami ay inaya ko si Mitsuki at s’yempre hindi p’wedeng hindi kasama si kuya Ashton. Pagkatapos naming kumain ay hinintay namin ang magkapatid na makapagbihis. Nang matapos sila ay nakita ko si Mitsuki sa maganda nitong dress at sobrang sexy nya. It’s just a casual dress that she wore, but she’s stunning. Tinignan ko si kuya Ashton at nakita ko kung paano syan mapanganga kay Mitsuki. Lumapit ako sa kanya at saka hinawakan ang baba nya at saka ko sinara ang bunganga nito.
“Masyado kang nagpapantasya. Tama na kakatitig baka matunaw,” bulong na sabi ko at saka sya tumingin sa ‘kin ng masama.
Hindi ko na lang pinansin at saka ako ngumti kay Mitsuki at saka ko sya hinila papunta sa kotse ko pero agad akong hinarangan ni Rylon at saka nya ako hinila papunta sa kotse nya at si Mitsuki naman ay sa kotse ni kuya Ashton. Tinignan ko si ate Haruka at napangiwi sya nang mapagtantong mag-isa lang sya at wala syang ibang masasak’yan.
“P’wede ko naman sigurong maheram na lang ang kotse mo ‘no?” sabi nya sa ‘kin at saka nya ako binigyan ng nagmamakaawang ngiti.
Tumingin ako kay Rylon at saka ko sya sinenyasan pero nagkibit balikat lang ito sa ‘kin. Bigla ay may dumating na bisita at napatingin ang lahat sa kanya. Tinanggal nito ang helmet nya at saka ako napa-cross ng braso ko at napangiti nang makita ang g’wapo nitong mukha. Lumapit ako sa kanya at saka sya tumingin sa ‘kin at si ate Haruka naman ay nangunot ang noo.
“You came,” sabi ko at saka sya ngumiti.
“Yea, Am I late?” tanong nya at saka ako umiling.
“You’re just in time,” sabi ko naman.
Tumingin ako kay ate Haruka at si Mitsuki naman ay lumapit sa gawin namin. “Hi Jin,” bati nito.
“Hi, I’m glad to see you.”
“Yeah, I am too. So you’re my sister's date today?” tanong ni Mitsuki at saka tumango si Jin sa kanya.
“I call him,” sabi ni Rylon at saka tumingin sa kanya si ate Haruka.
Natatawa na lang ako sa itsura ni ate Haruka at saka sya tumingin kay Jin na may pilit na ngiti. Kinuha ni Jin ang isa sa mga helmet nya at saka nya ito binigay kay ate Haruka. Napangiti pa nga ako nang sya ang nagkabit nito at saka kami nagkatinginan kami ni Mitsuki. Nakikita ko ang ngiti mula sa labi ni Mitsuki at nakikita kong kinikilig din sya katulad ko.
Bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga partner at kinuhaan ko pa ng litrati si Mitsuki at kuya Ashton dahil panigurado akong matutuwa sila Mommy sa oras na makita nilang masaya na ulit si Kuya. Nang makasakay na ay pumunta kami sa gyeongbokgung palace. Ilang beses na akong nakakarating doon pero ‘ni minsan hindi pa ako nakakapasok sa loob nang palasyo na ‘yon. Hindi ko rin naman kasi binalak pa.
When we arrived, I saw how amazed Mitsuki and her sister, Haruka, were. I will not disturb them first, then I look at Rylon, who is only looking at me. He came to me, then he spread his hand, and I looked at it. Hindi na ako nag-atubili pa at saka ko ‘yon hinawakan at naglakad na kami papasok. Tinitignan ko lang si kuya sa kung ano ang gagawin nya kay Mitsuki.
Inaya ko sila na magsuot ng hanbok kasi mas magandang kumala dito kung iyon ang suot mo at mararamdaman mo talaga ang presence ng sinaunang Korea. Pumayag naman sila kaya naman pumunta kami sa kung saan kami maaring makaheram ng hanbok. Nang makapagpalit kami ay hindi ako makapaniwala sa ganda ni Mitsuki na maski ako ay parang gugustuhin sya.
“She’s so fvking gorgeous,” sabi ko at napapamura pa.
“You’re not a lesbian, right?” sabi ni Rylon at saka ako napatingin sa kanya.
“Hindi mo sure,” sagot ko at saka ako lumapit kay Mitsuki at ate Haruka.
Nagpakuha kami ng litrato at kinunan ko rin ng litrato si kuya Ashton at Mitsuki. Nakikita kong nahihiya si Mitsuki kay kuya at sa totoo lang kanina ko pa rin napapansin kung paanong tignan ni kuya si Mitsuki. Natatawa na lang ako sa isip ko at habang nakatingin ako sa kanila ay bigla na lang may humarang sa harapan ko na sya namang ikina-badtrip ko.
“Pinanganak ka ba para maging epal sa buhay ko?” inis kong sabi.
“Mas masaya ka pa sa love life ng iba. Iyong sa atin muna,” sabi nito at saka ko sya inirapan at tumalikod ako.
Nagkanya-kanya kaming lakad at by parner din s’yempre. Isa din ‘yon sa magandang way para naman makapag-usap si Mitsuki at kuya Ashton sa kung ano man ang magiging relasyon nila. I want Mitsuki for my brother, and as I see now, my brother is in love with her. Our parents will not oppose them because they are the most supportive of all. Habang naglalakd-lakad ay naririnig ko ang pagbuntong hininga ni Rylon nang paulit-ulit.
“What’s the matter? If you have something that you want to tell me just fvking spill it. I’m not madam Auring to forcast what you wanted to say,” inis na sabi ko at saka sya napatingin sa ‘kin.
“Alam mo lagi ka na lang galit sa ‘kin kahit na wala naman akong ginagawang masama sa ‘yo. Mukha ba akong gumagawa ng masama?” tanong nya at saka ako tumingin sa buong paligid at kumukuha ng litrato.
“Dahil bata pa lang tayo kinamumuhian na kita,” sagot ko naman.
Napahawak sya sa kaliwang dibdib nya na para bang nasaktan sa sinabi ko. “Awts, it’s hurt you know,” sabi nito. “But I love you, kaya tatanggapin ko kahit na ano pang masasakit na salita ang sasabihin mo,” sagot nito at saka ako naiiling na lumalakad.
Nhabang naglalakad ay nakita ko naman si ate Haruka na nakikipagtawanan na kay Jin na para bang close na sila sa isa’t-isa. Kinuhaan ko sila ng litrato at nang tignan ko ang kuha ko ay napangiti ako. I like seeing other people’s smiles more than my own. I don’t know why I feel happier seeing someone happy than seeing myself happy. Maybe it was because of that that I became stronger, but that also became my weakness later on.
“Let’s have a picture.” Napatingin ako kay Rylon na nakahanda na pala ang camera.
Hindi naman ako tumutol at saka ako nag-pose kasama sya. Ang dami naming kuha at sa totoo lang simula bata ako kahit na naglalaban kaming dalawa at nagkakainisan ay may mga magagandang alaala naman kami sa isa’t-isa. Hindi kami mapaghiwalay dati kasi wala naman akong ibang kaibigan bukod sa kanya at mas gugustuhin kong ako ang nambu-bully sa kanya kaysa ibang tao.
Hindi ko alam kung ilang oras kami doon pero nang magutom kami ay si kuya Ashton naman ang nag-aya sa kung saan kami kakain. He likes fancy restaurants. I don’t know why he is like that when my brother Tyler and I are not like that. Sometimes I think of adopting him just because our looks are almost never far from each other. Nang makarating kami sa N soul tower ay napatingala kaming anim dahil sa taas no’n.
“He likes being in top,” sabi ko at saka ako napangiwi.
“Mas makikita kasi ang ganda ng buong city,” bulong naman ni Rylon.
“Sulsul ka rin, e ‘no?” inis na sabi ko.
Hindi na lang sya nagsalita habang ako naman ay tumingin kay kuya Ashton na nakatingin pa rin kay Mitsuki. “Sir baka naman matunaw na kapatid ko nyan hindi mo na naalisan ng tingin kanina pa,” sabi ni ate Haruka at saka tumingin sa kanya si kuya Ashton.
“Oh… sorry,” sabi nito at saka sya umilag ng tingin.
“Ate?”
“What? I’m saying what I’m seeing. I’m sure Mommy will be happy to know that you will have your own love life now.,” sabi nito at saka ako natawa.
Naglakad na kami ulit at habang tinitignan ni Mitsuki ang buong paligid ay hindi nawawala ang ngiti sa labi nya kaya naman kinuha ko ang camera ko para kunan sya ng litrato. Bigla ay tumabi sa ‘kin si kuya Ashton at saka nya ako binulungan.
“Send those photos on me,” sabi nito at tumingin ako sa kanya.
“You’re obsess,” sabi ko at saka sya naunang maglakad.
Sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang kapatid ko na ganyan kasaya ang mga mata simula nang maghiwalay sila ni Aubrey. Hindi ko alam kung anong nangyare sa kanilang dalawa pero thankful ako na wala na sila ng pangit na babaeng ‘yon. Hindi ko sya gusto para sa kapatid ko. Nang makapasok na kami sa restaurant ay umupo lang kami sa iisang table. Alangan na man magkakahiwalay pa rin kami. Gusto ko rin kasi ang ingay ni ate Haruka.
“Grabe ang astig pala talaga sa Korea,” sabi ntio.
“Hindi ka ba nag-a-out of the country?” tanong ko.
“I’ve never been here before,” sagot nya.
“Is it you’re first time here?” tanong ni Jin.
“Ah… yea actually,” sagot naman nya.
“Don’t worry, we will go to all the good places to visit here in Korea before you go back to the Philippines,” Jin said to Haruka.
“Cool ikaw magiging tourguide,” sabi nito na syang ikinatawa ni Mitsuki.