CHAPTER 10

2375 Words
MITSUKI’S POV Hindi ko alam kung anong sapak ng utak ni ate Haruka. Natawa na rin si Jin sa sinabi nito at saka ako lumapit sa kanila at saka ko sya binulungan. “Ganyan talaga si ate Haruka. May saltik pero mabait naman ‘yan,” sabi ko at mas lalo pa syang natawa. Umak’yat muna kami doon at nag-enjoy sa mga nakikita namin. Kumain na rin kami ng sabay-sabay. Habang nakatingin ako sa buong paligid ay hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa nakapaligid sa ‘kin. Habang nakangiting nakatingin sa tanawin ay napatingin ako kay Ma’am Janne na nakatingin sa buong paligid at tila malalim ang iniisip. Nitong mga nakaraan ay napapansin kong lagi syang tulala. Kahit na minsan maingay sya may mga oras din na sobrang tahimik nya. “Ano kaya ang iniisip nya?” tanong ko sa sarili ko. “Sino?” tanong ni Sir Ashton at napalingon ako sa kanya. Umiling ako at saka ako ngumiti sa kanya. “W-wala po,” sagot ko. Ngumiti lang sya sa ‘kin at saka ako muling tumingin sa tanawin at napabuntong hininga. “Do you have a boyfriend?” Napalingon ako sa tanong ni Sir Ashton at nangunot ang noo ko pero sinagot ko pa rin. “Wala po,” sagot ko. Nangunot ang noo nya sa ‘kin at nangunot din ang noo ko sa kanya. “In that face, you don’t have one?” sabi nito na may pagtataka. “Kailangan po ba?” nagtatakang sabi ko at bigla na lang syang tumawa ng malakas dahilan para tumingin ang mga tao sa kanya. Lumapit sa ‘min si Ma’am Janne at saka ito nangunot ang noo nito at saka tumingin sa kapatid nya. It’s annoying that he laughed at me for what I said. Suddenly, Ma’am Janne hit Sir Ashton, causing him to stop. Ate Haruka and Jin also approached us. “What’s funny?” tanong ni Ma’am Janne kay Sir Ashton. “He asked if I have a boyfriend. I just said that there is nothing because I have never had one. Then he said, in that face, you don’t have one? Tapos sabi ko kailangan po ba? Tapos ayon tinawanan nya ako,” k’wento ko at tumawa na rin si ate Haruka ng malakas. Napanguso ako sa ginawa nila sa ‘kin at hindi ko alam kung dapat ba akong sumang-ayon o dapat akong mainis dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko. “She doesn’t have one because she doesn’t like to have sh*t in her life,” sabi ni ate Haruka. Hindi naman nakaimik si Sir Ashton at saka ako umalis sa kung nasaan sila at saka ako napangiwi kasi hindi ko naman kailangan na magkaroon ng kung sinong tanga sa buhay ko. Sumunod na sila sa ‘kin at saka naman sila sumunod sa ‘kin. Napagdisisyunan na maing umuwi at nang makarating sa mansyon nila ay bigla akong hinila ni Ma’am Janne at saka nya ako dinala sa training room kung saan naro’n ang mga magagandang weapon na no’n ko lang nakita. Habang nakatingin sa mga iyon ay pinapaliwanag ni Ma’am Janne kung para saan ‘yon at habang ako naman ay napapanganga. Napatingin ako sa iba’t-ibang klase ng espadang nakalagay sa may dingding at saka ko tinignan ito nang mabuti kung totoo ba o display lang. Nang hawakan ko ito ay bigla akong nasugatan at agad naman akong tinignan ni Ma’am Janne at nagulat ako nang nandoon pala si Sir Ashton at bigla nitong tinignan ang kamay ko na may sugat. “Hindi mo naman kailangang hawakan ang isang bagay kung naku-curious ka,” sabi ko at saka nya nilagyan ito ng band aid. “Hindi ko naman alam na matalim pala,” sabi ko naman. “Why you bring her here?” inis na tanong ni Sir kay Ma’am Janne. “I just wanted to share with her who I am when I am not in the company, Kuya. Bakit ba nandito ka?” inis na tanong din ni Ma’am Janne kay Sir Ashton. Hindi naman sumagot si Sir Ashton kay Ma’am Janne at ako naman ay nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ang seryoso ng mukha ni Ma’am Janne at matapos malagyan ni Sir Ashton ng band aid ang kamay ko ay saka ako humarap kay Ma’am Janne. “Ang astig mo,” sabi ko at saka sya ngumiti. “I know,” sagot naman nya. “Kung gano’n ay kaya pala magaling sa pakikipaglaban ay dahil sa mga ito?” sabi ko habang nakatingin sa buong paligid. “Mas magaling si kuya Ashton,” sabi nito at nagmamalaki pa. “Ohhh,” sabi ko at saka ako tumingin kay Sir Ashton. Inayos nya ang suot nya at saka parang nagmamalaki na totoo ang sinasabi ng kapatid nya. “Small thing.” Bigla ay hinawakan ni Ma’am Janne ang kamay ko at saka nya ako hinila papunta sa isang book shelve at saka may kinuha syang libro doon at bigla na lang nagbukas iyon. Pumasok kami sa loob at saka ko nakita ang arcade nito at sobrang lawak nito sa loob. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa mga nakikita ko at sa totoo lang mas malaki pa ang arcade na ‘to kaysa sa nakikita ko sa mall. Napagdisisyunan naming maglaro ni Ma’am Janne at hindi ko napansin na hindi pala namin kasama si Sir Ashton. Hindi namin namalayan ang oras at naglaro lang kami ng naglaro. Madalas kaming magkasama ni ate pero minsan kasi hindi kami nagkakasundo sa kung ano ang lalaruin namin o kung ano ang gagawin naming dalawa. Kaya naman nauuwi kami sa pagk-aaway at minsan hindi na lang kami nagkikibuan. Nang sumapit ang alasais ng gabi ay napagdisisyunan na naming lumabas at sa paglabas namin ay nakita kong nakaupo si Sir at nakapatong ang ulo sa table habang natutulog. Tumingin ako kay Ma’am Janne at saka nya ako sinenyasan na aalis na sya at tumango na lang ako sa kanya. Nang maiwan ako ay napatingin ako kay Sir Ashton habang ito ay tulog. Umupo ako sa tabi nito at saka ko sya pinagmasdan. Hindi ko maiwasan ang hindi sya tignan dahil sa ganda ng pilik mata nito at lalo na rin sa kilay. Ang kinis ng kanyang mukha at hindi ko alam kung ano ang skin care nya. “Daig mo pa babae sa sobrang kinis ng mukha mo,” bulong na sabi ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla itong nagmulat at hindi agad ako nakakilos. “You are lucky to be staring at someone like me,” sabi ko at saka naman ako nangunot ng noo. “Ahhh… S-sir… nakatulog po kasi kayo sa a-ano…” “Janne didn’t let me in the room, so I just waited outside, waiting for you to finish,” sabi nito at agad na nag-ayos ako ng tayo ko. “Bakit nyo naman po ako hinintay?” “I want to talk to you in private,” sabi naman nito. Nangunot ang noo ko as kanya at nakikita ko naman na seryoso sya sa kung ano ang sinasabi nya. Napatingin ako sa ibang direksyon at saka ako naunang maglakad sa kanya. Sumunod naman sya sa ‘kin at napagdisisyunan ko nang pumasok ng k’warto pero pinigilan ako nito at saka nya hinawakan ang kamay ko at napasandal ako sa pader dahil sa ginawa nya. “Aww…” “Oh sorry.” “Bakit naman po kailangan nyong isandal ako sa pader?” “Bigla mo na lang akong tinalikuran sabi ko kakausapin kita, e,” sabi nito at saka ako napakamot ng ulo ko. “Ano po ba ang sasabihin nyo?” tanong ko. “I would like to invite you to a party as my partner,” sabi nito at saka kami nagulat nang bigla na lang sumulpot si ate. “O my gash,” sabi nito at saka ako napaayos ng tayo ko. “A-ano…” “Niyaya mo kapatid ko sa party? P’wedeng sumama?” tanong ni ate at saka ako napanguso sa kanya. “Ate?” “What?” “Ano bang ginagawa mo?” “I’m asking if I could join too.” “You’re nonsense,” inis na sabi ko. Hindi ako pinansin ni ate Haruka at tumingin lang sya kay Sir Ashton. “P’wede ba?” “Yes, sure,” sagot nya naman kay ate at saka ako napatampal sa noo ko. I looked at Sir Ashton and saw how he was scratching his head, while I was embarrassed for my brother. Haruka left, then we both laughed, causing Haruka to come out again, and she frowned. “What’s funny?” she asked. “Nothing,” Sir Ashton and I answered at the same time. Pumasok na ulit si ate sa k’warto at nagpaalam na rin ako kay Sir na papasok na ako sa k’warto ko. Nang makapasok ako ay saka ako napatingin sa kisame at napapabuntong hininga at bigla ay kinabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang party na pupuntaha namin pero nakakapagtaka lang na ako ang inaya nya para makasama. Napatakip ako ng mukha ko at saka ko nakita ang mukha ni Sir Ashton na nakatingin sa ‘kin kanina. Agad akong napaupo at saka ako napatingin sa sarili ko sa salamin. Ang mahaba nitong pilik mata at ang mapula nitong labi ay hindi mawala sa isipan ko. Napasampal ako sa sarili ko at saka ko kinuha ang unan at doon ako sumigaw. Nang maisigaw ko na ang gusto kong isigaw ay inayos ko ang sarili ko at saka ako pumunta sa banyo para makapagbabad. “Ano naman kaya ang party na pupuntahan namin?” tanong ko sa sarili ko. Hindi ko na lang muna inintindi ang kung anong party ‘yon at nang matapos akong maligo ay saka ako nagbihis at napagpasyahan na matulog na. Ang dami naming pinuntahan kanina at sobrang nag-enjoy ako. Kinabukasan pagkababa ko ay nakita kong kumakain na sila ng almusal. Nangunot ang noo ko nang makita ko si Jin na maagang nandito at si ate naman ay hindi sya pinapansin. “Mitsuki!” tawag sa ‘kin ni Ma’am Janne. Nang makalapit ako sa kanila ay binati ko sila ng magandang umaga. Siniko ko si ate at saka ko sya sinenyasan at napatingin sya kay Jin na nakatingin lang sa kanya. “Hindi mo man lang pinapansin si Jin, ate. Snobers ka,” sabi ko. “Hoy ang kapal ng mukha mong sabihan akong snober. Hindi ba p’wedeng nilalayo ko lang sarili ko sa kanya kasi in a relationship na ako?” sabi naman ni ate na syang ikinakunot ko ng noo. “Kailan ka pa nagka-jowa?” takang tanong ko. “Hindi mo alam ang tungkol do’n kasi bukod sa lagi kang nasa labas at naghahanap ng something new hindi rin naman tayo nakakapagkuwentuhan,” sabi nito at saka ko tinignan si Jin. “Alam mo?” tanong ko sa kanya at saka sya tumango. “E, bakit nandito ka pa?” “Grabe ka naman kay Jin,” sabi ni Sir Rylon at napatingin ako sa kanya. “Hindi naman sa gano’n,” sabi ko. “Kasi kung alam naman pala nyang may boyfriend ate ko bakit umaaligid sya,” sabi ko at saka naman natawa si Ma’am Janne. “Hindi pa naman sila kasal p’wede pa ‘yan,” kumento nito at saka ako napakagat sa labi ko. Napangiwi na lang ako sa kung anong nasa isip nila at hinayaan ko na lang si ate sa kung ano ang ginagawa nya. Pansin kong wala si Sir Ashton at hindi ko na lang sya hinanap sa kung nasaan sya. Nang matapos kaming kumain ay inaya kami ni Ma’am Janne na pumunta sa Jeju Island. Mero’n naman daw silang private chopper kaya naman hindi na namin kailangang mamoblema kung mahaba ang b’yahe. Naghanda kami ng susuotin namin at s’yempre naghanda ako nang kung anong isusuot kong bikini. Pero doon ko lang napagtantong wala pala akong dala. Gano’n pa man ay hindi ko na inatubili pa at nang makapag-ayos na ng gamit ay pumunta kami sa rooftop kung saan nandoon na ang private choper. Binigyan nila kami ng head phone para hindi kami mabingi sa ingay. Habang nasa itaas ay namangha ako sa ganda ng Korea at sa ganda ng pamumuhay nila. Ilang minuto ang lumipas at nakarating kami sa Jeju island at kaya naman pala ang lakas mang-aya nitong si Ma’am Janne ay mero’n pala silang hotel na malapit lang dito. Doon kami lumapag sa rooftop no’n at nang makababa ay nakita ko ang linaw at lawak ng dagat. “Waw ang ganda,” sabi ko at saka inamoy ang simoy ng hangin. “Hindi naman nagbabagoa ng ganda ng Jeju,” sabi ni Ma’am Janne at saka ako ngumiti sa kanya. “Salamat po sa pagdala sa ‘min dito.” “H’wag ako ang pasalamatan mo,” sabi nito at saka ako napaisip. “Sabi kasi ni kuya na dalhin kita dito. Busy sya hanggang mamayang gabi dahil may kailangan syang i-settle na mga meeting,” paliwanag nya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ma’am Janne at lumapit sa ‘kin si Ate. “Sabi ko na nga ba at may gusto sa ‘yo ang boss mo,” kumento nito at saka sya sumunod kay Ma’am Janne. Sobrang laki nitong hotel at ang ganda rin ng buong lugar. Sumunod na rin ako kila Ate Haruka at nang makarating kami sa kanya-kanyang rooms ay saka ako nagpasama kay Ate para pumunta sa dagat. Hindi naman kami pinigilan ni Ma’am Janne at nang makarating sa dagat ay saka ko nakita ito ng mas malapitan. Nang hawakan ko ang tubig ay naramdaman ko rin ang lamig no’n kahit na mainit ang panahon. “Grabe ang ganda talaga ng dagat,” manghang sabi ko. “Ang tagal na rin nang huli nating nasilayan ang dagat ng ganito kalapit,” sabi ni Ate at saka ako napatingin sa kanya. “Na-miss ko si Daddy,” sabi ko at saka sya napatingin sa ‘kin. “Ako rin,” sabit nito at bago pa maging malungkot ang eksena naming dalawa ay sinabuyan ko sya ng tubig dahilan para sabuyan din ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD