MITSUKI’S POV
Para akong giniginaw na hindi ko alam ang kung anong gagawin at para akong maiihi na hindi mapakali sa kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko tinitignan si Sir Ashton at baka kung ano ang isipin nya. Nang makarating kami sa labas ng bahay ay agad kong inalis ang seatbelt ko pagkatapos no’n ay saka ako lumabas ng kotse. Akmang papasok na sana ako sa gate pero bigla nitong tinawag ang pangalan ko na sya namang ikinapikit ko ng mariin.
“Yes, Sir?” tanong ko at hindi lumilingon sa kanya.
“Face me,” saad nito at hindi ko alam kung susundin ko ba o hindi.
“Ahh… gusto ko na kasi magpahinga kung ano man po ang napag-usapan natin ngayon tingin ko sa susunod na lang natin pag-usapan ulit,” sabi ko at isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng muli nyang tawagin ang pangalan ko.
“Ms Mistuki I said face me,” ani nito at saka ako napakuyom ng kamay ko.
Humarap ako sa kanya at hindi ko mapigilan ang hindi mailang. “Ano po ba ‘yon, Sir?” tanong ko at saka sya lumakad pahakbang papunta sa ‘kin.
“Who I am to you?” tanong nya.
“A Boss?” sagot ko naman.
“What else?”
“Mero’n pa pong iba?” naguguluhang tanong ko.
Sa totoo lang nakikita ko kung paano syang nagtitimpi ng pasensya nya at paano akong kakausapin ng matino. Sakto naman na lumabas si Ate Haruka at saka ito kumaway kay Sir at ang malala pa no’n ay inaya nya pa itong mag-dinner kasama namin. Agad naman na pumayag si Sir Ashton na syang ikinalaglag ng panga ko at saka sya naunang pumasok sa bahay na para bang bahay nya ang bahay ko.
Napabuntong hininga na lang ako at saka pumasok sa loob at nang makita kong nakapaghanda na si Mommy ay agad akong tumabi sa kanya pero bigla na lang akong hinila ni Ate Haruka at sya ang tumabi kay Mommy habang ako naman ay sinenyasan nyang kay Sir Ashton tumabi. Masama ko syang tinignan at hindi sya tumingin sa ‘kin bagkus ay kay Sir Ashton at ngumiti pa sya.
May naaamoy akong hindi maganda sa kanilang dalawa at sa tingin ko ay may napag-usapan na sila tungkol sa ‘kin na hindi ko nalalaman. Hindi na ako nagreklamo at kumain na lang din at habang kumakain ay pinupuri nito ang luto ni Mommy. Napapabuntong hininga na lang ako kasi pakiramdam ko ay ginagawa nya lang ‘yon para magustuhan sya ng Mommy ko.
“Matagal na rin nang hindi ako makatikim ng lutong bahay na gaya nitong luto mo, Tita,” ani ni Sir Ashton kay Mommy.
“Nako, ijo, p’wede ka namang dito kumain kahit gabi-gabi pa,” sabi ni Mommy at saka nanlaki ang mga mata ko.
“Mom?” ani ko at saka sya tumingin sa ‘kin.
“What? He’s welcome to our house,” sabi ni Mommy at tumingin kay Sir Ashton at ngumiti.
Napa-face palm na lang ako at saka ako tumingin kay Ate Haruka na tawa ng tawa na tila nang-aasar pa. Nang matapos ang dinner ay hinatid ko na sa labas ng gate si Sir Ashton at si Ate Haruka naman ay tinulungan si Mommy na magligpit ng mga pinagkainan. Nang makarating sa labas ay tinignan ko si Sir Ashton at saka ako ngumiti sa kanya kahit na ang totoo ay kinakabahan ako.
“Thank you for being our guess,” sabi ko at saka sya ngumiti sa ‘kin.
“I should the one who needs to thank you and your family. Thank you for letting me in and being invited to your dinner,” sabi nito at tumango ako sa kanya
“You’re welcome.”
Kumaway sya sa ‘kin at saka sumakay sa kotse nya habang ako naman ay kumakaway rin sa kanya. Pero mero’n akong napagtanto sa sarili ko at agad na ibinababa ang kamay ko at saka ako napatalikod at huminga ng malalim at pumasok na sa loob ng bahay. Umak’yat na ako sa k’warto ko para na rin makapagpahinga at para na rin mabigyan ng kapayapaan ang isip ko kahit na sandali lang. Nang mapahiga ako sa kama ay napapikit ako at iniisip kung totoo ba ang sinabi ni Sir Ashton kanina o baka naman niloloko nya lang ako.
Nang magising ako kunabukasan ay narinig ko ang malakas na katok ni Ate Haruka sa pinto at halos gibain na nito ang pinto ng k’warto ko. Inis akong bumangon at saka binuksan ang pintuan at masamang tumingin kay Ate Haruka na no’n ay nakangiti at tila ang saya ng unaga nya. Nangunot ang noo ko sa asal nya at bigla na lang nya akong hinila.
Nang makababa kaming dalawa ay nanlaki ang mata ko ng makita ang sandamakmak na bulaklak sa buong sala namin at halos lahat ‘yon ay iba’t-ibang uri. Tumingin ako kay ate at saka nangunot ang noo ko pero nakangiti lang ito sa ‘kin.
“Kanino galing ‘yan?” takang tanong ko.
“Sa manliligaw mo,” sagot nya at mas lalo akong nangunot ng noo.
“Sinong manliligaw? Hindi ko maalalang tumanggap ako ng manliligaw, Ate Haruka,” sabi ko at saka ako lumabas para malaman kung sino ang may dala.
“Ay hindi ba? Hindi ba’t iyong boss mong lalake ang manliligaw mo?” sabi ni Ate at mas lalo akong nalito.
“Hindi sya nagtanong kung p’wede syang manligaw at hindi ko kailangan ng manliligaw!”
“Bakit sa ‘kin ka nagagalit? Hindi ko naman kasalanan na bigla na lang sumulpot ang mga bulkalak na ‘yan at nagsariling disisyon ‘yong Boss mo na ligawan ka,” sabi nito.
Napabuntong hininga ako at saka ako pumunta sa may kusina at napahinto ako ng makita ko si Sir Ashton na nakaupo na at umiinom ng kape. Tumingin ako kay Mommy at saka ko sya binulungan. “Mommy why you let him in? Hindi sya dapat nandito,” sabi ko at saka ako tumingin kay Sir.
“He’s our visitor, don’t be like that,” sabi naman ni Mommy at saka ako napa-face palm.
Humarap ako kay Sir at saka ako ngumiti sa kanya at saka naman sya ngumiti sa ‘kin. Sa totoo lang nakakaramdam ako ng pagkailang sa kanya at nakakaramdam ako ng hindi magandang pakiramdam. Hindi ko alam kung tama bang nandito sya o tama bang iwasan ko na lang sya at sabihin sa kanya na hindi ko naman sya gusto at gusto ko na lang ng tahimik na buhay.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip ng kung ano-ano at sa totoo lang ay naiilang ako sa pagtitig nya sa ‘kin. Matutunaw na ako sa titig nya at nakakaramdama ko ng init kahit na may aircon naman sa buong bahay. Sakto naman na tapos na si Mommy maghanda ng pagkain at napatingin sya kay Sir Ashton.
“Grabe ka naman makatitig sa anak ko natutunaw na sya oh,” sabi nito at saka sya natawa.
“I was blind by her beauty, tita,” sabi naman nito kay Mommy na syang ikinakunot ko ng noo.
“Hindi ka naman bulag, Sir ‘di ba?” sabi ko at tumingin sya sa ‘kin.
“Don’t say you’re not beautiful because no woman is born ugly, remember that,” ani nito at saka ako napatingin kay Mommy at nagkibit lang sya ng balikat nya sa ‘kin.
“Sir, I hope that you are okay. I didn’t say that I am ugly, I’m just asking you if you were blind or what,” pangangatwiran ko sa kanya.
“I know that’s what you’re going to say next, so don’t slip any further,” sabi nya at saka nya itinapat ang kamay nya sa bibig ko.
Hindi na lang ako nagsalita at saka ako nanahimik at tumingin ako sa ibang direksyon.Matapos kong makpagkape ay tumayo na ako dahil baka ma-late ako ngayon. Hindi ako sanay na nale-late ako at baka mamaya ay bigla na namang magwala sio Ma’am Janne at isama na naman ako sa kung saan sya magpupunta. Nang makapagbihis na ako at makapag-ayos ay nagpaalam na ako kay Mommy at Haruka na aalis na ako at gagamitin ko ang motor ko. Hindi ko na lang pinansin si Sir Ashton at sumunod lang sya sa ‘kin hanggang sa makarating kami sa may parking lot.
Nang maitanggal ko ang helmet ko ay nagulat ako nang nandoon si Ma’am Janne at naka-cross ang parehong braso habang nakatingin sa ‘kin at kay Sir na kaka-park lang ng sasak’yan nya. Nang makababa si Sir ay agad na sinugod ito ni Ma’am Janne na syang ikinalaki ng mga mata ko pero inilagan lang ito ni Sir Ashton at saka sya tumingin kay Janne na may kunot ang noo.
“Ano na naman ang kasalanan ko sa ‘yo?” takang tanong nito sa kapatid nya.
“Hindi mo alam?” inis na sabi naman ni Ma’am Janne.
“How do I know?”
“You let Rylon in again into my office!”
“I didn’t!”
“Paano sya nakapasok? Ikaw lang ang alam kong nagpapapasok sa kanya sa opisina ko!”
“Why you didn’t ask, Tyler first?” sagot naman ni Sir at saka sya tumingin kay Tyler na kakababa lang.
“What did I do?” takang tanong nya.
“You let Rylon in in my office, don’t you?” sabi ni Janne.
“Why are you so angry when Rylon enters your office? You don’t get angry, no matter who comes in there. You’re being too childish, Janne,” seryosong sabi ni Tyler at saka sya tumalikod.
Napatitig lang ako sa kanila at hindi ko alam kung dapat ba akong makinig sa kung anong pinag-uusapan nila o dapat akong mangamba kasi galit na naman si Ma’am Janne at sa kung saang lugar na naman nya maiisipang pumunta. Lumingon sya sa ‘kin at napasinghap ako dahil doon. Lumapit sya at nakita ko kung paanong naluluha ito at hinawakan nya ang kamay ko.
“Masyado ba akong isip bata?” tanong nya.
“Janne, what are you doing? You doing it again!” sabi ni Sir Ashton.
“Hindi naman ako isip bata hindi ba?” sabi ni Janne sa ‘kin at saka pumatak ang luha nya.
Akmang lalapit sana si Sir Ashton nang tignan ko sya at saka ko sya sinenyasan na h’wag lapitan si Janne. “Hindi, masyado ka lang naging O.A,” sabi ko at sumeryoso ang mukha ni Janne. “Kidding,” dagdag ko pa. “Gusto mo bang mag-enchanted?” tanong ko at tila nagningning ang kanyang mga mata.
“Sasamahan mo ‘ko?” tanong nya.
“Oo naman kung gusto mo,” sagot ko at saka sya tumango.
Agad na pumunta sya sa may motor ko at saka sya sumenyas sa ‘kin. Ngumiti ako sa kanya at saka ako kumuha ng panibagong helmet sa loob ng upuan at saka ko ibinigay sa kanya. Nang maikabit na nito ang helmet ay saka kami umalis at hindi namin pinansin si Sir Ashton na tinatawag kaming dalawa. Sa totoo lang gusto ko ang kung anong ugali ni Janne pero kahit minsan nakakainis tingin ko ay ginagawa nya lang ‘yon para magpapasin sa kanyang mga kapatid.
Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa b’yahe at ang daming kuwento ni Janne sa ‘kin. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanila pero hindi ko naman balak na isipin kung anong klasing pamilya sila. Nang makarating kami sa Laguna ay nakita kong muli ang Enchanted Kingdom. Sa totoo lang ang tagal na rin ng huli akong makarating dito. Nang inaayos ko ang buhok ko ay napalingon kami ni Janne ng makita namin si Sir Ashton na sumunod pala sa ‘min.
“Bakit ka nandito?” tanong ni Janne.
“Bawal ba ako sumama?” tanong nya sa kapatid.
“Kami ang magka-date, bakit ka sumunod?” inis na sabi nito.
“I’m courting her so don’t ask,” sagot nito na syang ikinanganga ko.
Unti-unting lumingon sa ‘kin si Janne at nakatingin lang ako kay Sir Ashton na sinasabing bawiin ang kung ano man ang sinabi nya. Hindi ko alam ang kung anong gagawin ko at hindi ko alam kung ano rin ang ikakatwiran ko. Sa totoo lang hindi ko gustong magpaliwanag sa kung ano ang nangyayare. Hindi ako makatingin kay Ma’am Janne at sa tingin nya pa lang ay nakikita kong tila nagtatanong sya sa kung ano ang mero’n sa ‘kin at sa kapatid nya.
Bumuntong hininga na lang ako at saka lumapit sa ‘kin si Sir Ashton na syang ikinagulat ko. “Hindi ikaw ang manliligaw at hindi lang ikaw ang ka-date kaya third wheel ka ngayon,” sabi nito sa kanyang kapatid na parang bata.
Nangunot ang noo ko sa inasal nito kasi iba sya sa kung ano ang impresyon ko noong una ko syang nakita. “You’re sounds fvcking gay, Ashton,” sabi nito sa kanyang kapatid at saka ako umurong mula kay Sir.
“I was just being me,” sabi nito at tumingin ako kay Ma’am Janne.
“He was being who he is,” sabi nito habang nakaturo kay Sir Ashton.
Ibig sabihin ay ganito pala talaga ang ugali nya. Pero nakakatawang isipin na ang laki ng katawan nya. Ang g’wapo nya at ng tangkad nya pero ang pagkatao nya ay naiiba sa kung ano ang expresyon nya kapag nasa office nya. Pumasok na kami sa loob ng Enchanted at saka bumili kami ng ticket. Gusto kong sak’yan ang lahat ng rides at habang naglalakad kami ay parehong hinawakan ni Ma’am Janne at Sir Ashton ang braso ko kaya naman dalawa silang naghihilaan sa kung sino ang tatabi sa kanilang dalawa.
May rides kasing pang dalawang tao lang kaya napabuntong hininga ako dahil gusto nilang pareho na ako ang katabi. Binawi ko ang braso ko at saka ko sila tinignan at huminga ako ng malalim. “Alternate na lang kayo para walang samaan ng loob. H’wag nyo lang akong pag-agawan ang sakit sa braso ang lalakas nyong pareho,” sabi ko at tumango naman silang dalawa sa sinabi ko.